"Bakit ba nandidito ka na naman? Bakit hindi mo na lang bisitahin iyung restaurant mo, kesa dito ka nanggugulo sa apartment ko." Bagot na wika ni Andrea ang isa sa bestfriend ko.
Dalawa silang bestfriend ko una si Andrea Luzenas sunod naman ay si Brillet Anne Millantes, parehas silang naka-apartment at magkatabi lang.
Ako naman... naka-apartment din kaya lang dun ako sa malapit sa restaurant ko para malapit lang kapag naisipan kong bisitahin.
Di na ako bibisita kay Brillet dahil alam ko naman na nandu'n siya sa lalaking kinahuhumalingan niya-- I mean sa lalaking binabakuran niya.
Sabagay mukhang pare-parehas lang naman kami dahil kapag ako nagkagusto sa isang lalaki talagang babakuran ko rin dahil baka tukain ng kung sinong ahas.
Si Andrea naman ay may binabakuran rin kaya lang naaawa ako sakaniya dahil isang Playboy o Casanova ang binabakuran niya. Mahirap kayang bakuran ang isang Playboy o Casanova dahil malingat ka lang ay may kasama na kaagad na babae kaya talagang di mababantayan o mababakuran ang isang Casanova o Playboy.
"Ayaw mo na ba akong nakikita? Tss, sabihin mo lang naman na umalis na ako dahil may gagawin ka pa hindi iyung ipangdadahilan mo pa iyong restaurant ko. Boba talaga kahit kailan." pinaikot ko ang mata ko pagkatapos kong sabihin iyon.
Dami pang dahilan hindi na lang niya sabihin na may binabakuran siya kaya kailangan na niyang umalis.
"Bakit? E sa totoo namang hindi mo na nabibisita ang restaurant mo. Nagnegosyo ka pa kung di mo rin naman pala babantayan. Aba, ang dami ng masasamang tao ngayon, Malay mo nga habang wala ka e baka kinukupitan na pala iyung mga napagbentahan mo." mahabang litanya nito bago tumayo pumunta sa ref, saka binuksan at kumuha ng isang jag.
"Oo na aalis para naman matahimik ka na po at naiirita na ang tainga ko sa boses mong malaki na parang balyena." bagot na pagsuko ko saka tumayo kula sa pagkakaupo ko sa malambot na sofa.
"hmp! Aalis ka na nga lang kung ano-ano pa ang sinasabi mo diyan, talagang may pabaon kang bwisita ka." inis na wika nito na tinawanan ko lang.
"Sige, sige" paalam ko saka ako kumaway sakaniya Kahit na nakatalikod ako sakaniya.
Bumuntong hininga ako pagkalabas ko ng apartment niya.
"Buti na lang nakalabas na ako, hmm, sarap talaga ng pekeng hangin dito sa labas. Kailan kaya ako makakasinghot ng malinis na hangin? Siguro pagbakasyon na lang." wika ko sa sarili ko saka ako naglakad papunta kung saan naka-park ang kotse ko.
Nang nasa kotse na'ko ay bimuhay ko na ang engine ng kotse kong Toyota at umalis na sa lugar nina Andrea at Brillet.
***
Lumabas ako ng kotse ko na pasipil-sipol habang pinapa-ikot ang susi ng kotsesa daliri ko.
Nakangiting pumasok ako sa restaurant ko at dumeretsyo sa office ko saka ko kinuha ang apron na nakabit sa swivel chair.
Nilapag ko sa lamesa ang susi na hawak ko at lumabas ng naka-apron.
Ng makalabas ako sa office ko ay nakasalubong ko si Linda isa siyang waiter sa restaurant ko at mag ti-three years na siyang nagtratrabaho dito.
“Hi, ma'am! buti po napabisita kayo dito?” nakangiting tanong nito ng makita niya ako.
Ngumiti ako at nagkibit balikat na lang.
“Oo, atsaka nabobored na rin kase ako sa apartment ko, sige pala mauna na ako at magtutulong pa ako sa pangunguha ng order at paghahatid ng pagkain.” nakangiting paalam ko at nagsimula ng maglakad.
Huminto ako sa tapat ng counter at nginitian si Theo.
“Tutulong ako theo sa pagkuha ng order at pagseserve.” nakangiting wika ko at lumapit sa table 5 kung saan may bagong umupo.
“Ano pong oorderin niyo ma'am and sir?” nakangiting tanong ko at tumingin-tingin sa babae at lalaki na magkaharap.
Nagda-date ata sila hehehe.
“Pwedeng pasta na ang akin at isang lemon juice.” sagot ng babae at inabot sa akin ang menu.
Nakangiting tumango ako at bumaling sa lalaking nakatingin pa rin sa menu.
Natawa ako ng bahagya ng bigla na lang itong kumamot sa batok niya na para bang wala na siyang mapili pa.
Nakangiting tumingin siya sa akin “Hmm, pwedeng ganun na lang sakaniya?”
Bahagya akong natawa sa sinabi niya.
“Pwede naman po sir, maghintay lang po kayo ng ilang minuto sir and ma'am” umiiling na sagot ko saka ako tumikod at pumunta sa counter.
“Dalawang pasta nga at dalawang lemon juice sa table 5.” pagkatapos kong sabihin 'yon ay lumapit ako table 10 kung saan may naka-upong lalaki na nakasalamin at halatang inip na inip na ito.
“Anong oorde--” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng mag-angat siya ng tingin sa akin.
At parang bumagal ang paggalaw niya sa paningin ko. E-eto na ba iyon? iyong Love At First Sight.
Bigla na lang bumilis ang pagtibok ng puso ko kasabay ng nagliliparang paro-paro sa aking tiyan.
Hindi ko napansing nagpipigil na pala ako sa paghinga. Oh Em Giiii It's a love... I'm inloveeee.
Ang gwapo nagtitiling wika ng isip ko.
Ang ganda ng ilong niya matangos na matangos at iyung mga mata niya na kulay tyokolate na pagtinitigan mo ay parang hinahalukay ang buo mong pagkatao.
“Ehem!” umubo ako ng peke at ngumiti sakaniya.
“Ano pong oorderin niyo sir?” nakangiting tanong ko habang nililibot ng mata ko ang buo niyang mukha.
Tumikhim ito at inayos niya ang salamin niya at inilapag ang menu nahawak.
“Pwedeng tubig?” mahinang wika nito.
“Pwede naman sir.”
***
Pasakay na ako sa kotse ko ng mahagip ng mata ko ang lalaking nagpabagal ng mundo ko ayieehhh.
Nakaupo ito sa bench na nasa tapaf ng kotse ko lang.
Nilapitan ko ito at huminto sa mismong harap niya. Bumagal na naman ang nasa paligid ko ng mag-angat ito ng tingin sa akin.
“Hi, ikaw iyung costumer namin sa loob kanina di ba?” nakangiting tanong ko.
Wala akong nakuhang sagot dahil tinitigan lang niya ako at hindi ko maiwadag mapalunok sa uri ng paggitig niya sa akin.
“Bakit parang malungkot ka? may problema ka ba? matutulungan ba kita?” sunod-sunod na tanong ko sakaniya.
“Bakit nagtatanong ka? kilala ba kita? wag kang fc.” nakangusong sagot niya.
Napatitig ako sa labi niyang nakanguso, hindi ko alam pero parang may nag-uudyong halikan ko ang labing nakanguso sa harapan ko.
Huminga ako ng malalim. “Nalove at first sight ako sa'yo at dahil nalove at first sight ako sa'yo nobyo na kita mula ngayon.” maangas na sagot ko.
Kita ko kung paano napa-awang ang labi nito. Hindi ko na napigilan at hinawakan ang baba nito saka ko siya hinalikan sa una ay dampi lang sana pero nalunod ako sa malambot niyang labi.
Napangisi ako ng makita kong nanlalaki ang mata niya. Kinagat ko ang ibabang labi niya at bahagyang sinipsip ang dulo ng dila niya.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako nandidiri sa laway niya. Basta ang masasabi ko lang parang ayoko ng tumigil sa ginagawa ko.
Habol habol ko ang hininga ko ng nilayo ko ang mukha ko sakaniya.
Ngumisi ako sakaniya at tiningnan ang suot niya. May logo do'n sa may bandang dibdib ng unifom na suot nito.
Hmm, mukhang sa Rarememi University siya nag-aaral.
“Bukas ulit, asahan mong magkikita pa tago bukas mahal kong nobyo.” nakangiting wika ko at at kinidatan siya.