Prologue
“Totoo ba? T-totoo bang buntis siya at ikaw ang ama?” nanginginig na tanong ko kay Drake habang nakaturo sa babaeng katabi niya.
Gusto kong magwala dahil sa mga narinig ko sa mga tropa niya't mga estudyante sa campus at kukumpirmahin ko sa sagot niya.
Itanggi mo, alam kong hindi mangyayari na magloloko ka, ako ang nakauna sayo kaya tumanggi ka. Please lang.
Bumuntong hininga si drake at ngumiti sa akin pero alam kong hindi dahil sa saya kundi dahil sa lungkot. Iyun ang pinapakita ng mga mata niya.
Kung talagang nabustis niya ibibigay ko siya ng walang galit dahil syempre kailangan ng ama ng baby ng babae. Kahit na naiinis ako dahil sa ibang babae pa.
“Hindi ko alam kung may nangyari nga ba sa amin, pero ang masasabi ko lang ay nagising ako na walang saplot ang buong katawan ko at ganun din siya saka nakayakap pa siya sa akin. Pagkatpos ng tatlong linggo ay nilapitan niya ako at sinabing buntis siya... At a-ako ang ama... S-s-sa tingin ko naman ay ako ang ama dahil may dugo pa sa bedsheet ng umalis kami at iikaw-ika siya dahil daw masakit ang p********e niya... K-kaya sa tingin ko a-ako nga . Kahit na hindi ko gusto ko ay kailangan kong tanggapin dahil alam mo naman ang nangyari sa pamilya ko `di ba? broken family kami at ayokong mangyari iyun sa magiging anak ko... S-sana maunawaan mo Miaka.” nanginginig na paliwanag niya.
Bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. B-bakit ganun? Gusto ko lang naman na maging masaya kami ni Drake. Gusto ko lang namang makasama si Drake hanggang sa pagtanda.
Nanginginig ang mga tuhod na napaluhod ako, kung kailan naman napunta sa akin si Drake sakakami nagkaaproblema ng ganito.
“Siguro hindi lang talaga tayo ang para sa isa`t isa. S-sana makahanap ka ng mabuting lalaki at handa kang mahalin habang-buhay.” lumuhod siya at tinulungna akong tumayo.
Tinitigan ko ang babaeng nasa likudan niya. Ang masasabi ko lang ahas siya, isa siyang ahas! Alam ng lahat ng girlfriend ako ni Drake pero bakit pinuntirya niya?
Wala akong makitang awa o simpatya sa mga mata niya, lungkot lang na para bang nalulungkot siya sa nakikita ko pero alam kong hindi awa.
Lumunok ako ng ilang beses bago tumayo ng tuwid. Lumayo ako ng kaunti kay Drake at lumakad papunta sa babae.
Huminto ako sa harapan niya at sinampal siya ng malakas. Tumabingi ang mukha at namula rin ang pisngi niya kung saan ko siya sinampal.
“Theya!” mahihimigan mo ang pag-aalala sa boses ni Drake.
Hindi ako tinitigan ni Theya ng masama ng sampalin ko siya sa halip ay parang nanghihingi pa sa ng sorry, iyung ang ipinapakita ng mata niya.
Hindi ako magaalit o magwawala sa halip ay iintindihin ko ang mga nangyayari dahil alam kong may plano ang diyos para sa kinabukasan ko.
Umatras ako at pinahid ang mga luhang kumawala sa mata ko.
Nagtitigan kami ni Theya. “Ingatan mo si Drake dahil kung hindi aagawin ko siya sayo ng sapilitan.” hinaluan ko ng pangbabanta ang boses ko.
Tumango lang siya kaya tumalikod na ako. Pagtalikod ko at tinakpan ko ng kaliwang kamay ko ang bibig ko at umiyak ng tahimik.
Inihimas ko naman ang libreng kamay ko sa sinapupunan ko.
‘Ingatan mo si Drake, Theya habang ako ay iingatan ko ang batang nasa sinapupunan ko.’