CHAPTER 10

2856 Words
NAKABUSANGOT akong bumaba sa sasakyan. May parte kasi sa dibdib ko na tila nagwewelga, 'di matanggap na basta na lang akong iniwang magisa ni Sir Flynn. Kaya naman, imbes na sumunod sa kanila ay lumiko ako ng daan at dumeretso patungo sa likod kung saan naroon ang kusina. Doon ay naabutan ko si Manang Fely na abala sa harap ng kalan. Nagha-hum pa siya ng isang tugtog habang umiindak ang matabang katawan niya. Mukhang nagluluto rin siya dahil nalalanghap ko pa ang mabangong pagkain na niluluto niya. "Magandang umaga po, Manang Fely—" "Ay buwang ka!" Halos napatalon pa siya sa pagkabigla at mabilis akong hinarap at saka dinuro ng sandok na hawak niya. "Ano ka ba namang bata ka! Nanggugulat ka!" Napangiwi naman ako sa lakas ng boses niya. Tila nayanig ang mga tutuli ko! "P-Pasensya na ho." Yumukod-yukod pa ako para humingi ng dispensa. "Ku.. 'Wag mo ng uulitin 'yon, ineng! Aba, eh, kumatok ka muna bago ka pumasok! Aatakihin pa ako saiyo sa puso, eh!" Kaagad naman niyang binaba ang sandok at saka ako pinaningkitan ng mata. "Sorry ho. Nakabukas kasi 'yong pinto, eh, kaya naman pumasok na ako. Pasensya na ho ulit, Manang Fely," hinging paumanhin ko. Hindi siya sumagot. Inismiran niya lang ako at saka siya muling tumalikod para harapin ang niluluto. Nakikita ko na lang kung paano niya pagdabugan ang kalan. 'Sungit!' Ngitngit ng isip ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at hindi na ito pinansin. Hindi ko alam kung dati na siyang masungit o nagsusungit lang talaga siya sa akin dahil sa lagi kong nasisira ang mood niya? 'Pareho yatang tama ang dalawa!' Anang konsensya ko. No'ng una kasing punta ko dito ay sinungitan niya na talaga ako. May natapon kasi akong tubig mula sa basong hawak ko no'n na naging sanhi ng kamuntikan niyang pagkakadulas. Mabuti na lang din at mabilis siyang nahawakan ni Sir Flynn. "Ano ba't nakatayo ka lang diyan?" Untag niya sa akin. Napatingin naman kaagad ako sa kanya. "Maupo ka na diyan at maghahain ako ng pagkain." Isenenyas ko ang dalawang kamay ko. "Ah..h-hindi na ho. Kakatapos ko lang hong kumain, eh. Busog pa po ako. Ahm.. Makikiupo na lang ho ako dito," sabi ko at naghila na ako ng upuan at naupo roon. Kitang-kita ko na di siya nasiyahan sa pagtanggi ko. Naniningkit na 'yong kaninang nandidilat niyang mga mata habang nakatingin sa akin. "Ayaw mong kainin ang luto ko??" Tanong niya sa may kalakasang boses. "Ah..hehe. H-Hindi ho sa ayaw ko, Manang Fely.. Busog pa ho kasi talaga 'ko," napapangiwi kong turan. Pero, sa isip ko ay pilit kong isinisiksik na 'eto na talaga ang huling punta ko dito! Gagi! Mas gugustuhin ko na lang na makausap 'yong mga ipis sa loob ng kwarto ko sa apartment kesa ang mapadpad uli dito! "Kung gano'n, eh, 'di..pagsilbihan mo na lang 'yong bisita ni Ser Flynn, si Mam Candice. Nandito na siya kanina pa at paniguradong gutom na 'yong magandang babaeng 'yon," sarkastika niyang saad. "H-Ho?" Pinandilatan niya na naman ako ulit. "Baket? Me reklamo ka? Trabahador ka lang din naman ni Ser Flynn, 'di ba?" Pinameywangan pa niya ako at pinakatitigan. Tumango na lamang ako kahit labag sa loob ko. "H-Hindi ho. Wala hong problema." Saka ako napabuntong-hininga ng malalim. "Mabute at nagkakaintindihan tayo, 'neng!" Tumalikod na siya sa akin at saka niya padabog na kinuha ang tray at mga lalagyan ng pagkain. Siya na rin ang naghain at nagayos sa pagkakalagay sa tray. 'Kaya nga ako dumeretso dito sa kusina para iwasan ang mga 'yon, eh! Tapos uutusan pa rin pala ako para pagsilbihan ang mga 'yon! Gagi talaga! Kung bakit kasi sumama pa 'ko dito, eh..' Ngitngit ng isip ko. Nang makita kong patapos na si Manang Fely sa ginagawa ay saka lang ako tumayo at inabot ang tray na hawak-hawak niya. "Akin na ho." Walang gana kong saad. "O, hayan. Dalhin mo doon sa may pool area at alam kong doon sila naglalagi parate. Madalas silang tumambay doon kapag napunta 'yang si Mam Candice dine," anya. Nangunot naman ang noo ko. "M-Madalas hong napunta dito si Ma'am Candice?" "Oo! Magkababata ang dalawang 'yan. Dito sila madalas maglaro noong mga bata pa!" Napatango-tango ako.. "Ah..kaya ho pala.." Nasabi ko. "Baket mo natanong?" Tanong niya at pinameywangan pa ako. "W-Wala naman ho." Umiling-iling pa ako. Biglang sumilay ang ngisi sa labi niya. "Baket? Siguro...nahuli mo silang sweet sa isa't-isa, ano? Hahaha! Naku! Ganyan talaga ang dalawang 'yan! Minsan ko na ngang nahuling naghahalikan ang mga 'yan, eh! Di ko nga lang pinapakealaman. Bagay naman sila." Natigilan ako sa narinig. Parang binomba ang dibdib ko sa sinabi ni Manang Fely. "N-Naghahalikan ho si Sir Flynn at Ma'am Candice? I-Ibig ho bang sabihin...may relasyon sila?" Pautal-utal kong tanong. "Siguro, meron. Baket nga naman sila maghahalikan kung wala silang relasyon? Common sense din 'neng!" Kamuntikan ko nang mabitawan ang tray na hawak ko. Para kasi akong nawalan ng lakas, eh. Ewan ko at parang sinapol ang dibdib ko. Hindi ko din namalayan na may natapon na palang juice at nabasa pa ang kamay ko. "Ano ba naman 'yang paghawak mo?! Muntik ng maubos ang laman ng juice, 'neng! Aysus!" Pagalit niyang sabi at mabilis na kumuha ng basahan at saka pinunasan ang gilid ng tray na nabasa at saka dali-daling kinuha ang pitsel sa ref para salinan ang baso. "Magdahan-dahan ka sa paggalaw mo at baka wala ng laman 'yan pagdatig mo do'n sa pool! 'Ku!" Napalunok ako. "Pasensya na ho. Bigla kasing nanghina 'yong mga kamay ko, eh.." Iniiwas ko ang tingin sa kanya para itago ang umiinit na mga mata ko. "Aysus.. Siguro kasi, apektado ka do'n sa mga sinabi ko saiyo! Siguro, may gusto ka rin kay Ser Flynn, ano? Kaya bigla kang pinanghinaan diyan. Haha! Hay naku, ineng.. Sinasabi ko saiyo, hindi 'yan papatol sa kagaya mo. Hindi ikaw ang tipo niyan. 'Ku! Maniwala ka! Kung sino-sino na ang dinala niyan dine." Nasaktan ako sa mga sinabi niya at parang sasabog na ako. Naguumpisa na ring bumikig ang lalamunan ko. "Sinisiraan niyo naman ho si Sir Flynn, Manang, eh." Kunwari pa'y nangisi ako para labanan ang nagbabadyang pagtulo ng mga luha ko. Namilog naman ang mga mata niya. "Anong sinisiraan? Sinasabi ko lang saiyo ang totoo, ineng! Kung may lihim kang gusto diyan sa alaga ko, sikilin mo na habang maaga pa! Dahil masasaktan ka lang sa huli kapag pinagpatuloy mo 'yan," dinutdot pa niya ng hintuturo ang parte ng puso ko. Natigilan naman ako.. Hindi na ako halos nakaimik. "Hala! Sige na! Dalhin mo na 'yan sa kanila at lalamig na 'yang mainit na sopas na paborito ni Mam Candice." Pagtataboy niya sa 'kin. Tahimik na lang akong tumango. "S-Sige ho, Manang.. Dadalhin ko na 'to kila Sir Flynn," sabi ko at mabilis na akong tumalikod. Habang naglalakad ako patungo sa pool area ay halos mapilay-pilay pa ako. Hindi ko halos masikmura ang mga masasakit na bagay na nalaman ko. Lalo na sa masasakit na katotohanang sinabi ni Manang Fely. Oo. Maging ako, sinasabi ko sa sarili ko na hindi ako nababagay kay Sir Flynn. Imposible naman talagang magustuhan niya ako. At kung magugustuhan naman niya ako, ibibilang niya lang din ako sa babaeng binanggit ni Manang Fely. Sabi nga kasi sa kanta, 'diba? Langit siya at lupa naman ako. Mayaman siya, eh. Nasa sa kanya na lahat! Eh..ako? Maganda lang! 'Tsaka, hindi ko naman talaga pwedeng paasahin ang sarili ko na seseryusohin ako ni Sir Flynn. Lalo na 'yong mga pasaring niya sa akin? Feeling ko, hindi talaga galing sa puso niya. Panigurado rin ako na taktika niya iyon para pasakayin ako at para makuha ang totoong intensyon niya.. Ngunit, di ko naman maintindihan ang sarili ko kung bakit bigla akong nakakaramdam ngayon ng kaunting kirot sa dibdib. Nagaalala tuloy ako sa kalusugan ko.. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at saka inalis ang mga bumabagabag na 'yon sa isip ko. Subalit, nang makarating naman ako sa pool area at kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung gaano kasaya si Sir Flynn habang kasama si Ma'am Candice, ay saka ko napagtanto na tama nga si Manang Fely. Namalayan ko na lang na pumapatak na ang luha ko. Pakiramdam ko ay tinutusok ang dibdib ko habang nakatingin sa dalawa na halos magkayakap na. Parang may mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib ko. Inalis ko na lamang ang tingin sa kanila at napabuntong-hininga ng malalim. Pinayapa ko ang sarili at agad na pinigilan ang pagbuhos ng mga luha. Hindi pa rin nila ako napapansin dahil abala sila sa paglalampungan sa tubig. Kaya naman, minabuti ko na lamang na ipatong sa dining table ang pagkain na dala. Inayos ko pa ang pagkakalagay noon bago 'ko nilakasan ang loob na lumapit sa mga ito. Papalapit na ako nang mapansin ako ni Ma'am Candice. "Oh! Who's that girl?" Nakataas ang kilay na itinuro ako. Saka naman biglang napalingon si Sir Flynn at para naman siyang nakakita ng multo pagkakita sa 'kin. "Dinalhan ko na ho kayo ng almusal," kunwari'y magiliw kong saad. Nakangiti pa ako sa mga ito. Lumayo si Sir Flynn kay Ma'am Candice at mabilis na umahon sa tubig. Pero, bago pa niya nagawang lumapit sa akin ay tinulungan niya munang makaahon ang babae na basta na lang din sumunod sa kanya. "Who is she, Kaizzer?" Dinig kong tanong ni Ma'am Candice kay Sir Flynn habang papalapit na sa kinatatayuan ko. Halos hindi ko pa matignan ang mga hitsura nila dahil halos nakahubad na sila. Naka-two piece bathing suit lang kasi ang babae at t-back pa 'yon. Habang si Sir Flynn naman ay nakasuot lang din ng trunks. "C-Cat.. Kanina ka pa dito?" Ani Sir Flynn. Dinig ko sa boses niya ang pagiging kabado. Nagkunwari akong walang nalalaman tungkol sa kanila kaya ngumiti ako uli at saka yumukod pa. "Good morning, Sir, Ma'am. Pasensya na ho at naabala ko kayo. Ahm..dinalhan ko ho pala kayo ng makakain. Utos po sa 'kin ni Manang Fely. Baka daw kasi gutom na kayo." "Thank you! Anyway, gutom na talaga kami ni Kaizzer. Right, honey?" ani Ma'am Candice kay Sir Flynn. 'Honey? Gagi.. Sa akin naman, babe? Nakakatawa!' Singit ng utak ko. Hindi naman sumagot si Sir Flynn. Nasa akin kasi ang atensyon niya at ramdam kong kabado siya. Kita ko kasi ang paggalaw-galaw ng adams apple niya at saka ang pag-igting ng mga panga niya. Nang mapatingin ako uli kay Ma'am Candice ay hindi pa rin bumababa ang nakataas niyang kilay. Sinusuri pa niya ako mula ulo ko hanggang paa. "Honey, why didn't you tell me you hired a new maid?" Baling niya kay Sir Flynn. Bigla akong napayuko at napabuga na lang sa hangin. 'Maid.. Sabagay, totoo naman. Hindi 'yon masakit!' "She's not a maid!" Ani Sir Flynn. Napataas pa ang ang volume ng boses niya at nabigla naman do'n si Ma'am Candice. "Cat, bakit ikaw ang nagdala ng mga pagkain? Where's Manang?" Muli kong inangat ang mukha ko at nagkasalubong ang mga paningin namin. "Ahm.. Wala naman akong ginagawa dito, Sir, eh, kaya tumulong na lang ako kay Manang Fely," napapalunok ko pang saad. "Hindi mo kailangang gawin 'to, Cat. You're my guest," ani Sir Flynn na parang gusto akong lapitan. "Okay lang naman ho, Sir, eh. Walang problema sa 'kin. Sanay ho ako dito," tugon ko. "See? She called you 'Sir' multiple times means she's just your employee, Kaizzer, not a guest! Gosh! Let her do her job! Come on! I'm hungry!" Saka tumalilis na papunta sa mesa si Ma'am Candice at dumulog doon. Kinuha naman ni Sir Flynn ang pagkakataon na 'yon para mailayo ako sa parteng iyon. Nagpatangay naman ako kahit pa masamang-masama ang loob ko. Nang makarating kami sa may parteng likuran ay doon niya na ako hinarap. "Cat, look.. I'm so sorry.. Please, hindi ko sinasadya na makalimutan na kasama kita...believe me. Nawala sa isip ko." Sinapo niya ang dalawang pisngi ko at susubukan niya sana akong hagkan pero umiwas ako. "Babe?" "G-Gusto ko ng umuwi.." Inalis ko ang mga kamay niya sa pagkakasapo sa mukha ko at iniiwas ko ang paningin. "May..may pasok pa kasi ako mamaya, eh." "Cat.. Galit ka sa 'kin? I felt it. I'm sorry.." Napapahawak pa siya sa batok niya at mangiyak-ngiyak habang nakatitig sa 'kin. "Please? I didn't mean to hurt you. Kung iniisip mong niloloko kita, no! Seryoso ako sa 'yo. Believe me!" Umiling ako at pilit na ngumiti. "Wala ho sa 'kin lahat ng nakita at nagawa niyo, Sir Flynn. Masaya ka naman ho ata kay Ma'am Candice, eh, kaya bakit kita hahadlangan do'n? 'Tsaka, boss lang ho kita. At, hindi ho ako galit." Tumitig ako sa mga mata niya at ipinakita ko na hindi ako apektado. "Cat.." Sambit niya sa pangalan ko at napayuko pa siya. Nang mag-angat siya ng tingin ay umiigting na naman ang mga panga niya. "Hintayin mo 'ko sa kotse, magbibihis lang ako." Tumango ako bilang tugon at saka ako tumalikod. Hindi naman niya ako pinigilan pa kaya dumeretso na nga ako sa sasakyan niya na nakahimpil sa may parking lot. Doon ay nakaramdam uli ako ng kakaibang lungkot sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag. Kung bakit naman kasi napakadali kong ma-attached sa isang tao. Sa iilang araw pa lang namin na magkakilala ni Sir Flynn ay parang nabihag niya ang kalahati ng puso ko! Nakakainis! Marahil, tama nga si Manang Fely.. Kahit masungit siya, may nasabi naman siyang nagpauntog ng tanga kong utak! Ilang sandali pa nga ay nakita ko ng nagmamadaling lumapit si Sir Flynn sa sasakyan. Umayos na rin ako ng pagkakaupo at kinalma ang sarili. Naipikit ko na rin ang mga mata ko at naisandal ang ulo sa headrest bago pa siya tuluyang makapasok sa sasakyan at maupo sa driver seat. Naramdaman ko kaagad ang mataman niyang pagtitig sa akin. "Babe.. I know you're awake. Let's talk, please?" Gustuhin ko mang buksan ang mga mata ko ay pinigilan ko. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya. At, ayaw ko muna siyang kausapin. "I'm sorry.." Hinawakan niya ang kamay ko at inilagay niya iyon sa labi niya. Paulit-ulit pa niyang hinalikan iyon at hinayaan ko naman siya. "Cat, I know your mad at me because of what I did. Believe me, I didn't mean it." Wala pa rin siyang nakuhang tugon mula sa 'kin. —————— "SIGURADO ka ba diyan, bebz? Magre-resign ka na? Hindi ka ba papaawat, ha?" Tanong ni Bobbie nang magkasabay kaming pumasok sa restroom after naming mag-breaktime. "Oo, bob. Naipasa ko na nga kanina 'yong resignation letter ko, eh." Napabuntong-hininga ako habang inaayos ang pagkakatali ng buhok ko. "May sapat na rin akong ipon para makapagpagawa ako ng bahay na kahit maliit lang. Oks na 'yon sa 'min ni Nanay!" Gumuhit naman ang lungkot sa mukha ni Bobbie. Kaya naman, tinapik ko siya sa balikat at niyakap patagilid. "Uso na naman ngayon ang video call, 'diba? Mag-vc tayo lagi para di mo 'ko mamiss! Hehe!" Sabi ko at nginitian ko siya. Subalit, nakabusangot pa rin siya habang nakatitig sa kawalan. "Bakit naman kasi pabigla-bigla kang magre-resign, bebz? Anong dahilan?" Saka niya ako tinignan ng mapang-uri. "May problema kasi do'n sa apartment. May lalaking umaali-aligid do'n kada gabi kaya't mas mabuti na munang umalis ako sa lugar na 'yon. Baka mapahamak pa 'ko, eh. Wala na rin do'n sina Sweetzel, umuwi rin sila sa probinsya no'ng nakaraang linggo pa," mahaba kong paliwanag. Napaawang ang mga labi niya. "Talaga? Aba! Nakilala niyo ba kung sino 'yong lalaki?" Umiling ako. "Hindi raw 'yon tagarito. Pinaghahanap na ng baranggay." "Naku! Sana lang mahanap nila! 'Tsaka, bebz, bakit di ka muna maghanap ng pansamantalang tirahan? Delikado sa 'yo kung doon ka pa rin umuuwi sa apartment niyo." "May mga tanod ng rumuronda doon. Safe ako. 'Tsaka, uuwi na rin naman na ako sa amin, 'diba?" "Nagaalala pa rin ako. Sigurado ka bang.. iyon lang ang rason kung bakit ka aalis dito, bebz?" Tumango ako. "Miss ko na rin ang nanay ko." "Eh, papaano si Ser Flynn? Iiwan mo siya?" Kamuntikan pa akong masamid ng laway ko! Napaubo-ubo pa ako para alisin ang humaharang sa lalamunan ko. "Tingnan mo 'to! Tinanong lang tungkol kay Ser Flynn, kung ano-ano ng tricks ang ginawa para umiwas! Napairap ako sa kanya. "Anong tricks ka diyan?" "Hindi ba? Aminin mo nga sa 'kin, bebz, may problema ba kayo ni Ser Flynn? Pansin ko din kasi na wala sa hulog si Ser, eh. Isang linggo na siyang tahimik at hindi ko na kayo nakikita pang magkasama. Umiiwas ka rin. Nahuli kita, eh!" Napangisi ako. "Wala naman.. Kailangan din kasi ng boundary sa pagitan namin. Boss ko siya at serbedora lang ako ng restawran niya. Ayaw ko din na ginugulo ako ng mga avid fans niya. Ni hindi ko na nga mabuksan-buksan 'yong cellphone ko dahil sa kanya, eh!" Tugon ko. "Ibig mo bang sabihin, binasted mo na si Ser Flynn?" Hindi ko siya masagot. "Miss Gomez and Miss Monteverde! What are you still doing there? Go back to your work!" Dinig naming sigaw ng supervisor namin. Bigla kaming napatayo ni Bobbie at saka sumunod. Nagkakatinginan pa kaming dalawa habang pabalik sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD