"BABE, eat this."
Napangiwi ako nang punuin ni Sir Flynn ng pagkain ang plato ko. Naroon ang tatlong hiwa ng ham, dalawang bacon, tocino at dalawang slice ng embutido. Hindi ko tuloy alam kung alin sa mga iyon ang uunahin kong kainin. Ni hindi ko nga alam kung mauubos ko pa ba ang mga iyon.
Pala-desisyon itong si Ser Flynn! Gagi! Lihim tuloy akong napailing.
"Ahm.. Salamat. K-Kaso baka di ko na maubos lahat ng 'to." Muli akong napangiwi habang tinitignan isa-isa ang mga pagkain sa plato ko. "Andami neto.."
"Kaya mo 'yan, babe. 'Wag mo lang mamadaliing ubusin para di ka kaagad mabusog," aniya kaya't napatingin ako sa kanya. "Kain ka ng madami, okay? Don't be shy, hmm? Ako lang 'to." Sabay kindat sa 'kin.
Napalunok ako sa ginawa niyang pagkindat dahil talaga namang sobrang lakas ng s*x appeal niya. Hindi ko tuloy maialis ang paningin sa kanya. Kaya naman, kitang-kita ko na rin pati ang pagkinang ng mga mata niya. Tuwang-tuwa siya at animo'y kinikilig pa. Kagat-kagat pa ang labi niya habang nakamasid sa 'kin.
Hindi ko nakayanan ang mga titig niya kaya't sa pagkain ko na lang uli ibinaling ang paningin. "Mananaba ako neto.." Bulong ko habang inuumpisahan ng kumain.
"That's alright, babe. Bagay naman yata sa'yo ang maging chubby, eh."
Kamuntikan na tuloy akong masamid kung hindi ko lang agad nalunok ang pagkaing nakabara sa lalamunan ko.
"A-Ayaw kong tumaba.." Mahina kong saad habang umiinom na ng tubig.
"Well.. That's alright too. But, for now, you have to eat more coz you need more energy."
'More energy? Bakit na naman kaya at para saan? Tsk!'
Hindi na ako umiimik. Tahimik akong kumain at siya naman ay panay ang sulyap sa 'kin sa tuwing susubo ako ng pagkain. Naiilang man ay nagpatuloy ako.
"Oo nga pala.. After nating mag-breakfast, isasama uli kita sa farm ko. Doon na lang tayo magpatunaw ng kinain natin. Hapon pa naman ang pasok mo ngayon, right?"
Naiangat ko uli ang paningin sa kanya. "Ahm.. Kaso..kailangan ko pang umuwi sa apartment, Sir-I mean, F-Flynn. Hahanapin kasi ako nila Sweetzel at Honeybee, eh. Hindi sila sanay na hindi nila ako nakikita sa apartment tuwing umaga. 'Tsaka, baka pagisipan na naman ako ng masama ng mga 'yon," apila ko.
"Hmm.. I understand, but, I've already talked to Sweetzel on the phone a while ago. Tulog ka pa kanina nung tumawag 'yong kaibigan mo. I told her that you're here with me safe and sound.."
"A-Ano ang sabi niya? Sigurado akong iha-hotseat na naman ako no'n paguwi ko."
"Wala raw sila sa apartment niyo, babe. Sinundo raw si Bee nung parents nila kahapon after what happened. Sweetzel texted you and called you many times but you weren't answer."
"Hala?" Pinagsisihan ko tuloy na hindi ko man lang tinitignan ang cellphone ko at ini-silent pa iyon. "Ibig sabihin.. magisa na naman pala ako sa apartment.."
"I suggest, you can stay here if you're afraid of being alone. Or..sasamahan kita sa apartment mo?" Nagulat ako sa suhestyon niya.
Napailing kaagad ako. "H-Hindi na.. Hehe. Sanay din naman akong magisa doon. Panay talaga kung umuwi 'yong magkapatid na 'yon sa probinsya nila, eh. Naiiwan akong magisa pero ayos lang sa 'kin." Tipid akong ngumiti.
"Are you sure?" Tanong niya.
"Mm." Tumango-tango pa ako.
"Fine.. But, as I said, you can stay here if you want to. Of course, for you safety. Being alone in that apartment is very dangerous, babe. Specially, your a girl."
"Ahh.. Safe naman doon, eh. Matagal na kaming naninirahan doon. 'Wag kang magalala." Pangungumbinse ko. Hindi kasi ako pabor sa ideya niyang mag-stay rito sa condo niya at mas lalong hindi ako papayag na mag-stay siya doon sa apartment ko.
Hindi pa kami gano'n ka-close, ano!
Matagal niya akong tinitigan bago siya muling nagsalita. "I'm still worrying.. Kagabi, kaya hindi kita idineretso sa apartment ninyo dahil may nakita akong lalaking umaali-aligid sa labas ng apartment. Nakapasok siya sa gate niyo even the gate was locked. When that man noticed my car, he hurriedly escaped your place. Hindi ko nakilala ang mukha niya because it's too dark there. Walang ilaw sa labas ng apartment niyo. That's the time I called up your friend but she's unreachable. Luckily, your friend and her sister was not there last night as she said when she called up earlier. They are safe. So, that's the reason why I decided to bring you up here in my unit to make sure your safety." Mahaba niyang sinabi.
Nakanganga pa ako habang nakikinig sa mga sinabi niya. Hindi ako makapaniwala.
"T-Totoo ba 'yan?" Nahihintakutan kong tanong.
Tumango siya. "Yes. I don't need to make up stories, babe. Mayroong cctv sa poste malapit sa inyo. Abot ang gate niyo, so, you can check it later," seryoso niyang sabi at saka uminom ng malamig na pineapple juice.
Dahil sa nalaman ay sunod-sunod din tuloy akong napainom ng tubig. Kinakabahan tuloy akong bumalik sa apartment namin.
Saka ako muling tumingin kay Ser Flynn. "P-Pwede bang..puntahan ko muna 'yong baranggay hall sa amin nang sa gano'n ay makilala ko kung sino 'yong taong umaaligid sa apartment namin? Para naman agad iyong madakip. Nakakabahala, eh."
"Yeah, sure. I'll come with you."
Tumango na lang ako. Hindi na ako tumanggi pa dahil mangungulit lang din naman siya.
Pagkatapos naming magalmusal ay agad na kaming bumalik sa kwarto niya. Ako, para kuhanin ang mga gamit ko at siya naman ay mabilis na dumeretso sa banyo para maligo.
Sa salas ko na lang siya inantay. Naiilang kasi ako sa kwarto niya at pakiramdam ko din kasi ay hindi ako makahinga.
Ilang minuto pa akong naghintay sa kanya bago siya bumaba. Bahagya pa akong natulala nang makita ko kung gaano siya kagwapo sa suot niyang simpleng white shirts at black pants. Tinernuhan pa niya iyon ng white snickers, black shades, black wristwatch at black cap.
"I thought, iniwan mo na ako." Nagulat ako nang lumapit siya sa 'kin at kinuyumos ako ng halik sa labi. "Next time, 'wag kang aalis sa kwarto ko kapag nasa banyo ako, hmm? I'm worried na baka bigla ka na lang magwalk out," sabi niya sa pagitan ng mga halik niya. Marahan na lamang akong tumango. "Let's go." Saka siya tumigil at inakay na ako papalabas ng unit niya.
Deretso kami sa elevator at ilang segundo lang ay agad kaming nakababa. Madaming mga matang nakatingin sa amin pagdating namin sa lobby ng building pero parang wa-epek iyon kay Sir Flynn. Kasi tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad habang nakaakbay siya sa 'kin.
Pagkalabas namin sa building ay agad na pumarada sa harapan namin ang itim na kotse na alam na alam ko ng pagaari niya.
"Hop in, babe." Sabi niya nang pagbuksan pa niya ako ng pinto ng sasakyan.
Agad naman akong tumalima. Pagkasakay ko ay mabilis niya iyong isinara at agad na siyang lumigid at naupo sa driver seat. At bago niya pinaandar ang sasakyan ay ikinabit pa niya muna ang seatbelt sa katawan ko.
"Salamat.." Sabi ko at nahihiyang tumingin sa kanya. Sobrang lapit kasi ng mga mukha namin.
Ngumiti siya sa 'kin at mabilis na naman akong ninakawan ng halik sa labi.
Napalatak tuloy ako. Sana pala hindi na ako nagpasalamat. Nahalikan pa tuloy ako!
"Your blushing.. So cute." Pinisil niya ang pisngi ko at saka ako muling siniil ng halik.
Hindi ako makapalag..at wala din naman akong balak na pumalag.
"Your lips are so sweet, babe. I can't resist it. I love it." Paanas niyang sabi. Magkalapit pa rin ang mga mukha namin.
"Alis na tayo.. Na-blocked na natin 'yong ibang sasakyan sa likod, eh." Nakangiwi kong saad.
Napatingin naman siya sa dashboard ng sasakyan at pagkuway napangisi.
"We'll continue it later, babe. Sa farm.." Sabay kindat sa 'kin na ikinaawang ng bibig ko.
Napabuga na lamang ako at sabay napailing. Iniiwas ko na rin ang tingin sa kanya.
'Sana naman hanggang halik lang 'yang binabalak mo sa 'kin, Ser Flynn! Dahil kung hindi...lagot ka sa 'kin!'
Ilang minuto lang ng marating namin ang baranggay hall at doon namin kinausap ang nagmo-monitor ng mga cctv sa lugar.
At doon ko napagtanto at nalaman na hindi lang pala iisang gabi kung umaligid ang lalaki sa labas ng apartment namin. Kundi maraming beses na itong pabalik-balik doon. Sinusubukan nitong buksan ang maindoor ngunit bigo ito.
Malaking pasalamat din namin sa mayari ng apartment dahil nakipagugnayan ito sa amin at agad na ipinahanap ang nasabing lalaki.
Kasamaang palad ay hindi iyon tagaroon sa lugar. Dayo ito. Maging ang built at hitsura nito ay hindi masyadong malinaw sa cctv. Mayroon din kasing takip ang mukha nito.
"Magpapalagay kami ng mga bantay at magpapa-ronda kami gabi-gabi ng tanod sa labas ng apartment niyo. Para sa kasiguraduhan ng kaligtasan ninyo," saad nung kapitan.
"Thank you po, Kap," pasalamat ko dito.
"Hindi niyo kailangang umalis sa apartment, iha. Kasi kung talagang kayo ang pakay nung lalaki, kayo din ang makakasugpo doon. Kailangan lang nating madakip ang lalaking iyon sa pamamagitan niyo," ani Mr. Nobleza, mayari ng apartment.
"I don't think that's a good idea, Sir. What if ma-tyempuhan sila nung lalaki? Kasi kung ganyan na pabalik-balik 'yong lalaki, ibig sabihin, mayroon talagang sadya sa kanila 'yong taong 'yon. For me, hindi ko na hihintayin pang may mangyari sa isa man sa kanila. Lalo pa puro sila babae doon. That's too dangerous kung parang ipapain pa rin natin sila para lang mahuli 'yong lalaki," seryosong saad ni Sir Flynn na hindi makilala ng mga kaharap namin. Natatakpan kasi ng facemask ang mukha niya bukod pa sa salamin niya.
Naiintindihan ko ang punto ni Sir Flynn. Paano nga kaya kung ma-tyempuhan ng lalaki na nakabukas ang pinto ng apartment? O kaya naman, matagumpay nitong mabuksan ang pintuan?
Nakakatakot!
"I agree with you, Mister..?" Sabat nung kapitan habang nakatingin kay Sir Flynn at inaalam ang pangalan niya.
"Mr. Segovia, captain, sir." Sabay lahad ng palad ni Sir Flynn sa kapitan.
"Segovia?? Hmm.." Tumatangong saad ng kapitan na nakipagkamay. Ngunit, hindi na ito nagsalita pa.
"Well, nakakapanghinayang din naman kasi kung lilisanin nila ang apartment ko gayong halos dalawang taon na silang nanirahan doon. Kung aalis sila, mahihirapan na akong makapaghanap ng katulad nilang uupa doon. Mababait na bata ang mga ito." Malungkot na saad ni Mr. Nobleza.
"Siguro ho, kapag nahuli na 'yong lalaki ay saka na lang ho kami babalik sa apartment, ninong." Ninong ang tawag namin kay Mr. Nobleza. "Ako na lang din ho ang magpapaliwanag kay Sweetzel. Nagkataon din ho na umuwi sila sa probinsya."
"Okay.. So, saan ka na niyan titira kung gano'n?" Tanong nito.
"In my place, sir." Sabad ni Sir Flynn.
Napangiwi ako ng lihim.
Tumaas naman ang kilay ni Mr. Nobleza sa sinabing iyon ni Sir Flynn. "Wait. Wait. What is your relation to her, young boy? If you don't mind me asking," anito.
"I'm her—"
Napreno sa pagsasalita si Sir Flynn nung sumabat ako.
"Ahh.. Boss ko po siya. Siya po ang mayari nung pinagtatrabahuhan ko."
"Really?" Namimilog ang matang sambit ni Mr. Nobleza.
"That's true.." Pagsangayon na lang ni Sir Flynn.
"Oww...key.." Hindi pa rin kumbinsedong sambit ni Mr. Nobleza. Saka ako nito hinarap. "But, anyway, kung mayroon ka naman palang ibang matutuluyan sa ngayon, then, sa kanya ka na muna mag-stay. Habang hindi pa nahuhuli ang lalaking iyon."
Tumango na lang ako kahit hindi pa naman ako pumapayag sa suhestyon ni Sir Flynn na doon sa kanya pansamantalang manuluyan.
Nagaalala akong baka biglang mapaaga ang pagaasawa ko. Gagi!
"Yes. Kami na ang bahala rito, Miss Monteverde. We'll update you kapag nahuli na namin iyon," ani naman ng kapitan.
"Sige po. Thank you po sainyo," nakangiti ko pa ring pasalamat.
"We'll go ahead now. We will come back here kapag mayroon ng update sa pagtutugis sa lalaking 'yon. Thank you so much, Mr. Nobleza and Captain Villaruel," ani Sir Flynn.
"Thank you for cooperating with us too, Mr. Segovia. It's our pleasure to meet you in person." Tumayo pa sa kinauupuan ang kapitan at muling nakipagkamay kay Sir Flynn na hindi naman na nagulat sa sinabi nito. "I knew from the very start na ikaw po si Mr. Flynn Kaizzer Segovia."
Kibit-balikat lang ang naging tugon ni Sir Flynn at mahinang tumawa.
"What??? My goodness!" Napatili pa sa gulat si Mr. Nobleza sa sinabing iyon ng kapitan. Saka ito kinikilig na hinarap si Sir Flynn. "Naku! Bakit di mo naman sinabi. Pa-hug!" Lumabas ang kabadingan ni Mr. Nobleza, nakakatuwa.
Naiiling naman na nakipagkamay si Sir Flynn sa dalawa. "Thank you so much. Aalis na kami." Muli niyang paalam sa mga ito.
Ako na mismo ang nagpatiunang lumabas sa baranggay hall dahil paniguradong hahaba pa ang usapan ng mga ito kung hindi pa kami lumabas. Panigurado din na dudumugin siya ng mga fans niya rito kapag naamoy ng mga ito na naririto siya.
Tsk! Ang hirap kapag kasama mo'y sikat!
Kaagad na rin naman siyang sumunod sa akin at mabilis kaming sumakay sa sasakyan niya at mabilis din niyang pinaandar iyon.
Nang bumaling ako sa kanya ay doon ko lang napansing wala na siyang suot na shades.
"Ni-reveal mo 'yong sarili mo doon sa baranggay hall?" Nagtataka kong tanong.
Tumango siya. "Yeah. And, that's okay, babe. No worries." At nginitian niya ako.
"Ha? Eh, paano kung na-picturan ka doon at kasama ako? Naku..paniguradong tatadtarin ako ng intriga ng mga fans mo." Nagaalala kong sabi habang nakatingin na sa labas ng bintana.
"They need to know that I'm already taken, babe."
Napatingin ako uli sa kanya. "Ha? Kanino? Eh, h-hindi pa naman tayo officially mag-on, eh? H-Hindi pa naman kita sinasagot, diba?"
"Hindi pa ba?" Biglang lumungkot ang mukha niya. "But for me, you're already my girlfriend, Cat."
Napalunok ako. "S-Seryoso ka ba talaga?"
"Mukha ba akong hindi seryoso sa'yo?" Seryoso niyang tanong. Inihinto pa niya sa tabi ang sasakyan at saka ako hinarap. "I'm serious, okay? Let me prove to you that I am. My feelings for you wont lie, babe. I really really like you."
Napaawang ang bibig ko. "B-Bakit kasi sa 'kin? B-Boyish ako, eh.." Halos maduling ako sa sobrang lapit niya.
Ngumiti siya. "That's why I like you. And, there's in you that I like the most.. and I can't explain it," anya sa paos na boses habang nakatitig sa mga mata ko pababa sa mga labi ko. "I love to kiss you.. And, I badly want to touch you but still can't do it. I can wait until you give me permission."
Napailing-iling ako. "W-Wala akong masabi.." Pigil-hininga kong sabi.
"You don't have to say anything, babe."
Hindi na nga ako makaimik. Lalo pa't unti-unti ng dumadampi ng mga labi namin sa isa't-isa.
Wala na. Nagpatianod na naman ako sa galing niyang humalik. Nawawala rin ang pagiging boyish ko sa tuwing hinahalikan niya ako. Nagiging babaeng-babae ako. Gagi!
Nakangiti siya sa akin nung titigan niya ako pagkatapos ng ilang minuto naming halikan.
"Sa farm na tayo, babe. Mas masarap doon...malamig ang hangin." Kumindat pa siya sa akin.
Gagi! Lihim kong nakurot ang tagiliran ko nung makaramdam ako ng kiliti sa pagitan ng mga hita ko!
Nakahinga lang ako ng maluwag nung muli na niyang hinarap ang manibela. Pero, kung anu-ano pa ang mga idinadaldal niya habang binabaybay namin ang kalsada patungong farm niya.
Pa-oo-oo na lang ako at patango-tango sa mga ikinukwento niya dahil ang kabuuan ng utak ko ay pinupuno ng mga alalahanin, takot at pangamba.
Kailangan ko ba talagang manatili muna sa tinitirhan niya? Pu-pwede din naman kasi akong maghanap ng pansamantalang matutuluyan, eh. Nakakahiya naman kasi kung sa kanya ako titira..
At baka kung ano pa ang isipin ng iba, eh..
'Tsaka, papaano na lang kung malaman ito ni Nanay Karina? Paniguradong kukurutin ako no'n sa singit kapag nalaman nitong nakikitulog ako sa bahay ng lalaki!
Hahay! Lagot na..
Napahiling ako na sana ay agad ng mahuli 'yong lalaki. Nang sa gano'n ay hindi ko na kailangan pang manuluyan sa iba.
"What are you thinking?"
"Huh?" Gulat akong napalingon kay Sir Flynn.
Napangisi siya. "I said.. What are you thinking? Sobrang lalim yata ng iniisip mo, babe. Kasama ba ako diyan?"
"Ha? Ahh.. H-Hindi, ah! I-Iba.. I-Ibig kong sabihin, iba 'yong iniisip ko," napangiwi pa ako sa mga kumabas sa bibig ko.
Nangunot ang noo niya. "Sinong iniisip mo kung gano'n?" Malungkot niyang tanong na ikinabahala ko.
Pagak akong ngumisi. "Ah.. Hehe. Y-Yong nanay ko lang naman.. Namimiss ko na kasi siya, eh. Gusto ko na nga siyang dalawin ulit. Tatlong buwan na rin kasi akong hindi nakakauwi sa amin," pagsisinungaling ko. Though, totoo naman na namimiss ko na ang nanay ko.
Pagkuway, ngumiti na rin siya sa naging sagot ko. "Alright. One of these days, dadalawin natin ang nanay mo. I'll come with you, babe." Hinaplos pa niya ang pisngi ko at mabilis akong hinalikan sa labi. Ilang segundo bago siya kumalas ay hindi pa rin niya inilalayo ang mukha sa akin. "We're already here in our love nest."
Namilog ang mga mata ko. "A-Anong love nest?? H-Hindi pa tayo magasawa, oy!" Walang preno kong saad.
"I was just kidding, babe." Saka siya natawa. "Come on. I need some fresh air to breath. I have to take some exercises. You know, I have to maintain my body."
Tumango ako. "Ahm.. Kahit naman tumaba ka, gwapo ka pa rin naman, eh," Sabi ko habang nakatingin sa katawan niya.
"Really?" Nangislap ang mga mata niya nang mapatingin ako sa mukha niya. "So, tanggap mo ako kahit tumaba ako?"
"Syempre naman!" Maagap kong sagot. Walang alinlangan.
Ngumisi siya. "So that means, you like me too?" Kagat pa niya ang labi niya sa pagpipigil ng kilig.
"H-Ha?"
"You don't have answer that question coz last night, inamin mo na sa 'kin na gusto mo 'ko," nakangisi pang anya.
"Crush lang naman kita sabi ko." Nakanguso kong saad.
"Pareho lang 'yon. Papunta na din iyon sa exciting part, babe."
"A-Anong exciting part?"
"You gonna love me soon. At kapag dumating 'yong time na mahal mo na rin ako, I'll promise, I'll gonna treasure it. Ilalagay ko sa baul."
'OA neto! Buti na lang gwapo ka!'
Hindi na ako makapagsalita. Pilit kong dina-digest ang mga pinagsasasabi niya. Hindi pa rin kasi ako makapaniwala.
Nung isang linggo lang ay single ako, eh. Walang naghahatid-sundo sa 'kin. Walang nangungulit. Walang nagko-confess ng ganito kabilis.
Totoo nga ba talaga ang kasabihan na love at first sight? Kasi kung oo.. Isa ng patunay itong si Sir Flynn. Ambilis niya naman kasi akong nagustuhan, eh!
Nalunod na naman ako sa pagiisip kaya't hindi ko na namalayan na hinahalikan na pala niya ako sa pisngi palipat-lipat sa labi ko at bababa sa leeg ko.
Subalit, bigla kaming nagulantang sa sunod-sunod na katok sa sasakyan niya.
Nang mapalingon ako sa likuran ko ay isang magandang babae ang tumambad sa paningin ko.
Biglang nangunot ang noo ko nang maging pamilyar sa akin ang hitsura nito. Sigurado kasi ako na nakita ko na ito.
Nagulat ako nung nagmadaling bumaba si Sir Flynn sa sasakyan at saka nakangiting lumapit sa babae at nagyakapan sila..
Humalik pa ang babae sa pisngi ni Sir Flynn at umabre-syete habang inaakay ito papasok sa rest house.
Parang kinurot naman ang dibdib ko dahil mukhang nakalimutan na ako ni Sir Flynn matapos niyang makita 'yong babae..
'Yong babae na ngayo'y naaalala ko na..
Si Candice Sarmiento..