CHAPTER 8

2853 Words
"SAYAW tayo, bebz! 'Apaka-kill joy nung dalawang kulugo, eh! Hik!" Yaya sa akin ni Bobbie na sumusuray-suray na. Hinila-hila pa niya ako sa laylayan ng malaking t-shirt ko at mukhang sira-ulong tsuma-chacha. Hating-gabi na kaya may tama na kaming pareho. "Halika na! Tumayo ka na diyan! 'Apakabagal naman!" Napapailing naman akong tumayo. "Oo na! Maghintay ka! Nahihilo 'ko, eh!" Hinila ko pa ang damit ko at pinagpag iyon. Dahan-dahan na akong naglakad ngunit hinila na ako ni Bobbie. Kamuntikan pa akong masubsob sa likuran niya. "Ang gaslaw mo, Bob! Lasing ka na nga talaga! Hahaha!" Sabi ko at kumawala sa pagkakahawak niya. "Hahaha! Di pa 'ko lashing! Hik! 'Eto nga, o? Whooo! Nakakasayaw pa 'ko! Hehehe!" Sinamantala namin na lumabas si Sir Flynn dahil may kinausap muna ito sa cellphone. Si Donny naman ay nagpaalam muna na pupunta ng CR. Kuntodo alalay kasi ang dalawang mokong na 'yon sa 'min, eh! Hindi kami makabwelo! Tinalo pang mga body guard namin. "Whoooo! Sayaw pa, bebz! Hahaha!" Tuwang-tuwang saad ni Bobbie habang nasa dance floor na kami. Mukha siyang tangang nagpapaikot-ikot ng ulo. "Hahaha! Whooo!" Abot-tenga naman ang ngiti ko habang naghi-head bang. Kahit pa wala kami sa tyempo kung sumayaw ay todo hataw kami. Walang pakealam sa mga nasa paligid. At kahit pa may mga nasasagi kami ay hindi pa rin kami humihinto sa pagindayog. Sinasabayan namin ang tinutugtog ng banda. Lumulundag-lundag pa ako at iwinawasiwas ang kamay sa ere nang biglang may yumakap sa likuran ko. Sobra akong nagulat at napatili pa ako ng malakas. Kasabay din no'n ay ang marahas kong paglingon sa taong nakayakap sa likuran ko. Si Sir Flynn. Kaya naman, bigla akong napaayos ng pagkakatayo. Nagkakatitigan pa kami kaya't kitang-kita ko ang pamumungay ng mga mata niya. "I told you not to dance. You're drunk. Mahihilo ka lalo. Let's go home," aniya at ipinulupot pang lalo ang bisig sa beywang ko. Hindi ko siya sinagot bagkus humarap pa ako sa kanya saka kinuha ko ang dalawa niyang kamay at muli akong sumayaw-sayaw sa harapan niya. Nag-ala-marimar pa ako habang kagat-kagat ko ang pangibabang labi. Nakita ko naman ang biglang pagkislap ng mga mata niya. "Sayaw ka, Ser Flynn! Sayang ng tugtog! Kahit kaunting giling-giling lang! Hahaha!" Sabi ko sa kanya. Wala na talaga ako sa huwisyo. Tinamaan na ako. Kung ano-ano na kasi ang nasasabi at ginagawa ko. Ngunit hindi niya ako pinakinggan bagkus hinila niya ako papalapit sa kanya kung kaya't nagkadikit uli ang mga katawan namin. "I don't know how to dance on the dance floor but I'm telling you..I'm a good dancer in bed." Paanas niyang bulong sa tenga ko at mahigpit akong ikinulong sa matitipuno niyang braso. Bigla naman akong napalunok sa sinabi niya. Tila naman naapektuhan ang katawan ko dahil bigla akong nakaramdam ng init. Kakaibang init. "Dare me?" Paghahamon pa niya. "H-Ha?" Wala akong maisagot. "Hoy! Kayong dalawa, ha? Sumayaw kayo! Para kayong mga poste diyan! Hahaha!" Pukaw sa amin ni Bobbie na walang kapagurang sumasayaw. Nagaala-robotic pa ito. Natatawa ako sa ginagawa ni Bobbie kung kaya hindi ko na napansin si Sir Flynn. Though, nakakapit pa rin siya sa 'kin pero wala sa kanya ang atensyon ko. Napapasabay pa ako habang nagbi-break dance na si Bobbie sa gitna. 'Langya! Napakagaling pala kung sumayaw ng shomboy na 'to!' Anang isip ko. "Whooo! Ang galing mo, bob! Hahaha! Sige pa!" Pagchi-cheer ko. "Cat, come on.. Doon na tayo sa mesa natin." Pangungulit ni Sir Flynn. Nakangiwi naman akong humarap sa kanya. "Ang killjoy mo naman! Hehehe! Tara na nga!" Wala sa sariling saad ko at saka ako kumawala sa kanya. Pero, hindi niya pa rin ako pinakakawalan. Inalalayan niya akong makabalik sa table namin at iniupo. Kaagad ko namang isinandal sa upuan ang ulo ko dahil bigla akong nahilo. Naalog akong masyado. At saka ko na ipinikit ang mga mata ko. "See? You're drunk already. Kung bakit kasi ang kulit mo, babe, eh. Hindi na kita pinayagan pang sumayaw kanina dahil maaalog ka lang." Paninermon niya. Napangisi ako. "Sorry po....hik! Hehehe. Ahhhhh... Sakit ng ulo ko!" Napahawak pa ako sa sintido ko na kumibot-kibot na sa sakit. Naramdaman ko naman na hinaplos niya ang noo ko at hinawi ang buhok na tumatabing sa mukha ko. Saka niya ako dinampian ng halik sa labi. Mabilis lang iyon. "You're still beautiful even when your drunk, babe.. Do you know that, hmm?" Paanas niya sa tenga ko. Naghatid iyon ng matinding kiliti sa sistema ko. "I'll take you home now. Come on!" Naimulat ko ang mga mata ko at saka ko siya pinakatitigan. Dahil wala ako sa tamang huwisyo ay nagawa ko na siyang hawakan sa pisngi at pinisil iyon ng matindi. "Alam mo...ang gwapo-gwapo mo!" Sabi ko sa tunog lasing kong boses. Pinanggigilan ko pa siya na sobra naman niyang ikinangiti. "At ang labi mo..parang cherry. Ang pula-pula at namamasa-masa pa! Hehe!" Agad naman niyang kinagat ang labi. Mas nagningning pa lalo ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. "Ang gwapo mo.." Ulit ko. Hindi mapuknat ang tingin ko sa kanya. "Maganda ka rin. So, bagay tayo," nakangiting aniya. Umiling ako. "Hindi! Tao ako, eh! Hahaha! Waley! Hihihi! Hik!" Napapasinok na ako sa kalasingan. Hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi niya habang nakatingin sa mukha ko. Tila may kung anong binabalak na hindi ko mahulaan. "Titig na titig ka sa 'kin, ha? Siguro...hahaha!" Natatawa ko siyang kinurot-kurot sa pisngi. "Aminin mo na kasi! Crush mo 'ko 'no? Hahaha! Oks lang 'yon! Crush din naman kita, eh! Hihihi!" "W-What did you say?" Inilapit pa niya ang mukha sa akin. 'Yong halos gahibla na lang ang pagitan namin. "H-Ha? A-Anong sinabi ko?" Maang-maangan kong tanong. Pilit kong inuurong ang ulo ko subalit wala na akong uurungan pa. "Can you repeat it? Please?" "A-Ang alen?" "Na crush mo 'ko." Mahina ko siyang itinulak sa dibdib habang napapailing. "Ipapaulit mo pa sa 'kin tapos sasabihin mo lang din naman pala. Hay naku! Gwapo ka nga kaso—" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla niyang inangkin ang labi ko. Naka-hands up pa ako habang hawak niya ang mga braso ko. Sobrang na-corner ako kaya wala akong kawala. Sobrang pusok niya kung humalik. Parang walang ibang tao sa paligid namin. Mabuti na lamang ay medyo madilim sa parteng iyon. Hindi kami masyadong kita. Maging ang isang kamay niya ay kung saan-saang dako na ng katawan ko dumadapo. Napapaigtad pa ako sa tuwing nasasayaran ng mga daliri niya ang mga maselang bahagi ng katawan ko. Mabuti na lang at hindi niya ito ipinipirme doon. Mahirap na. Baka kasi tuluyan na akong bumigay. Naku po! "Kiss me back, babe. Please.. I want to feel you," bulong niya sa pagitan ng paghalik niya. 'Jusko naman beh..' "P-Paano ba 'yon?" Tanong ko nang lumipat ang labi niya sa pisngi ko. Dinig na dinig ko pa ang marahas niyang paghinga. "Gayahin mo lang ako," aniya. "H-Ha?" "Come on..." "A-Ayoko... Nakakahiya!" Mahina siyang natawa. Sa bandang tenga ko pa. Naninindig tuloy ang mga balahibo ko. Saka siya tumigil at nakangiting tumingin sa 'kin. "Bakit ka nahihiya sa 'kin?" Tanong niya. Kumibit naman ako ng balikat. "H-Hindi ako marunong, eh. Baka pagtawanan mo lang ako," napanguso ako. Napahagikhik naman siya at ipinatong pa ang noo sa balikat ko. "I wont do that." Mukhang may tama na rin ang isang 'to! At nagulat ako nang bigla niyang kinagat ang leeg ko! Mahina lang iyon pero, gagi! Napaungol pa ako. "Do you like it?" Paanas niyang tanong. "Ang sakit!" Angal ko. Biglang lumakas ang tawa niya. "Psstt!" Biglang bumalikwas si Sir Flynn at napalingon sa likuran. Napasilip naman ako. Nakita kong nakapameywang si Bobbie roon at natatawa. "Uy! Kayong dalawa! Ang lalandi niyo! Hahaha! Uwi na kayo at maghanap ng kwarto! 'Wag dito! Andaming nakakakita! Hahaha!" Pinagtatapik pa kami nito sa balikat nang makalapit. Balewala naman sa akin ang pangaasar nito. Nanatili ako sa gano'ng posisyon; nakakapit ang mga kamay sa may uluhan at nakapan-de-kwatro ng upo. Napapailing naman si Sir Flynn habang ngiting-ngiti. "Bebz! Uwi na kayo ni Sir Flynn! Uuwi na din kami ni Donny. Lasing na din 'yong loko-loko, eh. Nauna na sa parking lot. Hehehe!" "Sige." Tumango-tango pa ako. "Ingat ka, bob! Magkita tayo bukas sa restaurant. Closing tayong pareho." Maangas naman na tumango si Bobbie. "Geh, bebz!" Saka hinarap si Sir Flynn na nakaakbay na sa 'kin. "Sir Flynn, pakiingatan na lang ho 'yang kaibigan ko. Babasaging kristal ho 'yan. Hindi pa nabibiyak! Ingatan niyo ho! Hahaha! Geh! Labyu both!" Saka tumalilis ng takbo palabas kahit pa halos magkadabunggo-bunggo na sa dinaraanan. "Loko-lokong shomboy 'yon, ah!" Naiinis kong bulong. Kung ano-ano kasing pinagsasabi, eh. Nang mapatingin ako kay Sir Flynn ay halos mapalundag naman ako dahil sinalubong niya ang mukha ko. "Is that true?" Tanong niya. "Alen na naman ba?" Nakukulitan ko ring tanong. Nairapan ko pa siya. Natawa naman siya sa 'kin. "Na..hindi pa nabibiyak...?" Kagat pa niya labi niya. "Di pa ako nagkaboyprend!" Dahil sa naging sagot ko ay maalab niya na naman akong siniil ng halik. Halos mapugto pa ang hininga ko nang bitawan niya ang labi ko. Napapasinghap ako ng hangin dahil para akong naubusan ng oxygen sa baga. "I'm so lucky, then," aniya pagkatapos. "Tsk! Wala pa sa bukabularyo ko ang magpatusok ng malaking karayom. Masakit daw 'yon, eh!" "Hahaha! Kapag sa 'kin, it's painless, babe. Trust me." Pinisil-pisil pa niya ang isang kamay ko. "Matagal pa 'yon. Di pa ako ready!" Sabi ko at saka na ako tumayo. "Uuwi na ako. Inaantok na ako, eh." "Well, I can patiently wait you, babe, alright?" Saka na rin siya tumayo at hinawakan ang kamay ko. "Let's go home. Iuuwi na kita." Nagpatianod na ako nang akbayan niya ako at saka lumabas ng bar. Pagkapasok namin sa sasakyan niya ay agad ko ng isinandal ang ulo ko sa headrest ng upuan. Nahihilo at sobrang inaantok na talaga ako. At marahil nakatulog na ako dahil hindi ko na namalayan na nasa kwarto na ako. Subalit, napabalikwas ako nang makitang ibang kwarto ang kinalalagyan ko! "K-Kaninong kwarto 'to?" Bulong ko at inilinga-linga ko pa ang mga mata ko sa palibot. Napakalaki no'n at nasisiguro kong nasa masters bedroom ako dahil sa laki ng kama! Napakaganda rin ng desenyo at ang mga kagamitan ay fully organized. "Hindi kaya..." "Go back to your sleep. It's only three in the morning, my love." Gulat na gulat akong nilingon ang pinanggalingan ng boses. Si Sir Flynn na naman! Papalabas na siya ng banyo at tanging maliit na tuwalya lang ang nakatakip sa pangibabang katawan niya! Naiusog ko tuloy ang sarili ko sa headboard ng kama nang makitang papalapit na siya sa kama. Dinig ko ang mahina niyang tawa. "B-Bakit ako nandito? Bakit hindi mo 'ko iniuwi sa apartment ko?" Kinakabahan kong tanong. Nahintakutan pa ako nang sumampa na nga siya sa kama. Ngunit, nanatili lamang siya sa may paanan habang nakatingin sa akin. "I will explain it to you tomorrow, okay? Go back to your sleep. It's too early," aniya. Umiling-iling naman ako. "P-Papaano pa akong makakatulog ulit? Eh, h-hindi ako sanay na nakikitulog sa ibang kwarto? S-Saka.. D-Dito ka ba matutulog sa kama?" Nanginginig sa kaba kong tanong. "Yes. This is my room. And this will be your room soon." Kumindat siya at saka ngumiti. "Don't worry. I'm a gentleman, babe. Hindi kita gagalawin, okay? Tatabi lang ako sa'yo at yayakapin kita. Like what we used to when we were on your bestfriend's house. Trust me." Nabawasan ng kaunti ang pangamba ko. Mahirap na kasi.. Pareho kaming nakainom. Baka kaunting kalikot lang niya sa katawan ko ay makalimutan ko na ang mga naisulat ko sa bukabularyo ko! Gagi, uy! Pero.. "B-Bakit nakahubad ka?" Itinuro ko pa siya. Nangisi naman siya. "Sorry. Hindi kasi ako comfortable kapag may suot na damit kapag natutulog. I want to sleep, naked." "H-Ha?" 'Naku! Lagot na.. Baka kapag nagising ko 'yang alaga mo ay bigla na lang akong tuklawin niyan!' Nanindig ang mga balahibo ko sa naisip. "I'm going to sleep na. I had a very important client for tomorrow. Pwede na ba akong mahiga sa tabi mo?" "H-Ha?" Nang gumapang na siya papalapit sa akin ay mabilis kong naitalukbong ang makapal na kumot. Inusog-usog ko pa ang katawan ko hanggang sa pinakagilid ng kama. Natatawa naman si Sir Flynn na kinabig ako papalapit sa kanya. "Ahhhh!" Napatili pa ako. "Why are you scared of me? I'm not going to rape you, Cat. I don't wanna do that. Gusto ko, may permiso muna galing sa'yo bago ako pumasok sa mundo mo," bulong niya sa tenga ko. Doon na ako kumalma. 'Mabuti naman kung gano'n..' Nakahinga na ako ng maluwag kahit pa yakap-yakap pa rin niya ako. "Do you trust me now?" Tumango-tango ako. "Mm.. S-Sorry. 'Apaka-oa ko." "I understand. So, let's sleep together. I'm sleepy na." Bago pa ako pumikit ay hinalikan niya pa muna ako sa pisngi. "Goodnight, beautiful." "N-Night.." Tugon ko. At dahil nga rin sa antok ay nakatulog na rin ako. Mataas na ang sikat ng araw nung magising ako kinabukasan. Nang lumingon ako sa likuran ko ay nandodoon pa rin si Sir Flynn at himbing na himbing sa pagkakatulog. Nakapulupot pa ang isang braso niya sa beywang ko kaya hindi ako makagalaw. Kaya, para makabangon ako ay maingat kong tinanggal ang braso niya sa pagkakayakap sa akin. "Mmm..." Ungol niya. At muli akong napahiga nang mas higpitan pa niya ang pagkakapulupot sa beywang ko. "Stay in bed, babe. Mamaya ka na bumangon." "Naiihi na ako, Flynn! Shhh! Pakawalan mo na 'ko." Pilit kong tinatanggal ang braso niya at sa wakas ay kusa naman niya iyong inalis. Nagulat pa ako nang makita ko siyang mulat na mulat na ang isang mata. "Ayaw mo bang niyayakap kita?" Malungkot niyang tanong. "Ha? Ah..eh..h-hindi naman sa gano'n. Ihing-ihi na talaga kasi ako, eh," sabi ko at bumaba na ako ng kama. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya dahil sasabog na ang pantog ko. Gumaan na ang pakiramdam ko nung mailabas ko na ang lahat ng mga likidong ininom kagabi. Pagkatapos kong umihi ay minabuti ko na munang maghilamos at saka magmumog. May nakita akong tuwalya doon at iyon na ang ipinampunas ko. Saka na ako lumabas ng banyo ngunit nagtataka ako dahil wala na roon si Sir Flynn. At nang mapadako ang paningin ko sa kama ay may nakita ako doong pares ng blouse at jeans. Kulay light yellow ang blouse at maong naman ang pantalon. Pambabae iyon. Babalewalain ko na sana ang nakitang damit nang may mapansin akong card na nakadikit sa pants. Kaagad kong kinuha iyon at agad na binasa. 'Cat, Wear this pair of clothes. -Flynn' Iyon ang nakasulat sa card. Napailing-iling ako. Ayaw ko naman siyang ignorahin kung kaya muli na akong bumalik sa banyo at tuluyan ng naligo. At pagkatapos magpatuyo ng katawan ay isinuot ko na ang bagong underwear na kasama ng pares na damit. Saka ko na isinunod na suotin ang blouse at jeans na binitbit ko sa banyo. Nang makabihis ay agad kong tinignan ang sarili sa malaking salamin sa lababo. Natawa pa ako dahil nakalimutan kong tanggalin ang price tag na naka-indicate doon. P3,499.00 Gagi! Nalula ako sa presyo ng blouse! Pinasadahan ko pa ng tingin ang damit dahil sa sobrang mahal nito. "Wala namang ginto sa damit pero bakit naman ang mahal neto? Tsk!" Napapailing na lang akong isinalansan ang maruming damit na hinubad ko. At saka na ako lumabas ng banyo. Pagkalabas ko ay naroon na uli si Sir Flynn na nakangiting pinasadahan ng tingin ang suot ko. Napapangiwi ako dahil hanggang ngayon ay 'yong maliit na puting towel lang ang nakabalot sa maselang bahagi ng katawan niya. "You're so cute. So simple. I like it." Nilapitan niya ako at dinampian ng mabilis na halik sa labi. Natutulala na lang ako sa ginawa niya. 'Apakaaga, uy! "Let's go downstairs. Nagluto ako ng breakfast natin." Tumango ako. "Okay.. P-Pero..hindi ka ba talaga muna magbibihis?" Nakangiwi kong tinignan ang towel na nakapulupot sa beywang niya Ngumisi siya. "What's wrong with this?" Hinawakan pa niya ang harapan niya na ikinalunok ko. Bumakat kasi doon 'yong pang-digmaang armas. Napaiwas ako ng tingin. "Paano kung bigla na lang 'yang mahulog? Tapos..a-alam mo na!" Pilyo siyang ngumiti. "That's okay. Ibabalik ko na lang uli. Hehe." Parang gusto ko siyang tuktukan sa kapilyuhan niya. Umiling na lang ako at iniiwas ang tingin. "Don't worry, babe. It's kinda normal for me. Sanay akong gan'to. I'm a model, you know. How about you? Hindi ka ba sanay na nakakakita ng nakahubad na guy?" Umiling ako. "Hindi. Bale, ikaw pa lang ang nakita ko at ngayon lang," sabi ko habang nilalabanan ang titig niya. Ngumiti siya. "Really? Then, I'll make sure na ako lang ang makikita mong ganito, babe. Wala ng iba." Kibit-balikat naman akong tumango at lihim na nangiwi. Inakbayan na niya ako. "Come on. I'm hungry. At baka..iba pa ang hanapin ng bibig ko at ikaw ang mabalingan ko," aniya at ninakawan pa ako ng mabilis na halik sa labi. 'Loko-loko! Tuktukan kita, eh!' 'Apaka-wild ng bibig niya, pramis! Dala pa yata ng hangover niya? Sigurado. Hindi naman siya ganyan, eh! Tsk! Tsk!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD