"YOU'RE LATE!"
Pabulyaw na bungad sa akin ng manager ko na si Sir Wendel De La Peña, pero Wendy ang gusto niyang itawag namin sa kanya. Pang-girl daw kasi, ganurn!
"Aba! Half day ka na nga lang, eh, magpapa-late ka pa?!" Nagulat pa ako sa lakas ng boses niya na pilit niyang pinatitinis.
Ramdam ko pa rin ang hingal sa kamamadaling pumasok dito sa opisina niya. Tapos, sermon lang naman pala ang aabutin ko pagdating dito.
"I'm sorry po, Sir Wendy. Medyo natraffic ho, eh." Alibi ko.
Napapahiya akong tumungo. Di rin ako makatingin sa mga mata niyang singtalas ng sibat kung makatingin kaya yumuko na ako.
"Trafficcccc??? That's impossible, Miss Monteverde!"
Napangiwi ako. Ang sakit sa tenga. "T-Totoo po. P-Pasensya na ho, Sir, hindi na mauulit."
Dinig ko ang malalim niyang hugot ng hangin at saka pagbuga. "Aba! Dapat lang! At talagang hindi na mauulit 'yan, Miss Monteverde! Dahil warning na sa'yo 'yan! Sa susunod, tanggal ka na! Walang pali-paliwanag! You know the rules here, right? When you're late, you're fired!" Pasigaw pa rin niyang sambit.
Mabuti na lamang ay nasa opisina niya ako at kami lang ang nandirito. Ayaw ko kasing pinapagalitan ako habang may ibang taong nakakakita at nakikinig.
"Naiintindihan ko ho, Sir. Pasensya na," pakumbaba kong tugon.
Naiirita man sa boses niya ay hindi ko na lang ininda. Sanay na rin kasi ako. Sa loob ng dalawang taon kong pagtatrabaho dito sa ilallim ng pamamalakad niya ay napagtitiisan ko na lang. Kailangang magtiis para sa pangarap. Terror din kasing talaga ang manager naming ito ngunit magaling nga lang sa trabaho as a manager kaya naman hindi mapalit-palitan.
Kahit si Sir Flynn ay bilib sa kanya.
"Kaylapit ng apartment mo, napaka-imposible namang ma-traffic ka sa lagay na 'yan? Tsk!" Aniya pa. Ayaw talagang maniwala sa binigay kong rason. "Ngayon ka lang nagpa-late ng ganyan! Dati-rati, ikaw pa ang mas nauunang pumasok sa mga kasamahan mo rito.. Tapos ngay-on late ka? Huh! Don't ever do that again, Miss Monteverde! Or else.. Baka gusto mo na talagang magretiro?"
"Ho? N-No, Sir. Sorry.. Di na po talaga mauulit!"
"But still, kaltas pa rin 'yan sa sahod mo! Is that clear to you?"
"Yes, sir. I understand."
"Lamyerda pa more!" Ngingisi-ngising pukol niya sa 'kin.
Hindi na ako sumagot pa at napapaismid na lamang ako ng palihim sa mga iba pa niyang sinasabi. Hindi ko na rin kasi iniintindi pa dahil hanggang ngayon ay pinupuno ang utak ko ng mga nangyari kanina. Ang totoong dahilan kung bakit ako na-late ng halos kinse minutos.
'Kasalanan mo kasi 'to, Flynn Kaizzer Segovia!' Sigaw ng utak ko.
Kung bakit kasi pumayag-payag pa akong sumama sa lalaking iyon, eh! Tuloy, nasabon ako nitong manager kong bakulaw!
Kanina kasi ay niyaya muna akong mamasyal ni Sir Flynn sa favorite place niya; sa Paradise Hills na pagaari daw niya. Gusto niya raw na ipakita sa 'kin ang lugar. Ewan ko at na-curious naman ako sa lugar na tinutukoy niya kaya pumayag naman ako. Tatlong kilometro din ang layo nung lugar mula rito sa siyudad. Pero, pagkadating namin doon ay talaga namang humanga ako. Mukha talaga itong paraiso sa ituktok ng bundok. Napakapresko ng hangin at talagang na-relax ako. At aaminin kong masyado ko ring na-enjoy ang pananatili doon kanina kung kaya't hindi ko rin namalayan ang oras.
Nawala sa isip ko kanina na may pasok pala ako. Ayaw na sana akong payagang pumasok ni Sir Flynn subalit nagpumilit nga lang ako. Mas kailangan ko kasing magbanat ng buto kaysa ang magliwaliw.
Kailangan ko ng pera, ganurn!
Kahit pa na siya ang mayari ng restaurant ay kailangan kong sundin ang nakatataas sa 'kin. Respeto din sa nakatataas sa akin, syempre.
At dahil nga sa nagpumilit akong pumasok ay isinuhestyon na lamang ni Sir Flynn na samahan ako para mag-explain kay Sir Wendy na kung bakit nga ako na-late pero tumanggi na ako. Syempre, dahil ayaw kong pagusapan kami ng mga makakakita sa amin. Tama na muna 'yong magkasama kami sa iilang pribadong lugar na walang masyadong nakakakita at nakakakilala sa amin.
"Aba't nakatulala ka pa diyan, Miss Monteverde!? Kanina ko pa sinasabing 'you may go now!' Aba'y bakit di ka pa lumalabas? Kumilos ka na at naghihintay na sa'yo ang trabaho mo! Harowjusko!" Dinuro pa niya ako ng ballpen na hawak. "I have nothing else to say. So, go!" Itinaboy niya na ako gamit ang mapipilantik niyang mga daliri.
Saka naman ako biglang bumalik sa huwisyo. Muli tuloy akong napapahiyang tumungo. "Ah..O-Opo. Okay ho. Sorry ho, Sir Wendy." Saka na ako tumalilis at lumabas ng opisina niya at dali-dali na akong pumunta sa locker para ilagay ang backpack ko.
Minabuti ko rin munang ayusin ang nagulong hitsura ko at pinahid ang pawis na tumatagaktak sa pisngi at leeg ko. Pagkatapos ay dali-dali na rin akong pumunta sa post ko at nagsimulang magtrabaho.
"Mabuti at nandiyan ka na, Miss Monteverde! Gosh! Doon ka na sa table 10 to 15. Walang naga-assists sa mga costumers doon! Hurry up!" Ani supervisor namin.
"Yes, Ma'am!" Tugon ko. Agad na akong tumalima sa utos nito.
Naroon si Bobbie sa right wing ng dining area at napapansin kong panaka-naka siyang tumitingin sa akin. Nagtatanong ang mga mata. Marahil nagtataka rin kung bakit ako na-late.
Unang beses kasing mangyari ito at kasalanan 'to ni Sir Flynn. Sabagay, inenjoy ko naman kasi ang pagkakataon na makapunta sa lugar na pagaari niya. Kailangan ko din siyang makilala.
Nagkataon na napakaraming kustomer ng mga oras na 'yon kung kaya't hindi ako malapit-lapitan ni Bobbie. Syempre pa, bawal sa amin ang magtsismisan sa oras ng trabaho.
Lalo pa't nakamasid sa amin ang supervisor na ubod din ng sungit.
Halos hindi ako makapag-take ng breaktime dahil talagang dinadagsa kami ng maraming kustomer. Kaya naman, parang pinagpapalo ng dos por dos ang mga binti ko sa sobrang kapaguran ng mag-out na kami.
Napapabuntong-hininga akong naupo sa stool habang inaayos ang unipormeng hinubad ko na isinasalansan ko sa backpack. Nakapagpalit na rin ako ng damit pang-uwi. Ayaw ko kasing umuuwi suot ang uniporme. Pakiramdam ko kasi ay napakabaho ko na.
"Oy, bebz! Hahay! Nandito ka lang pala! Hehehe! Kamusta katawan mo? Plakda ka siguro mamaya, ano? Daming tao sa resto kanina. Saan kaya galing ang mga 'yon?" Natatawang ani Bobbie nang sumulpot sa likuran ko. Naupo rin siya sa isang stool at ipinuwesto sa harapan ko.
"Oo nga, eh." Sinulyapan ko siya saglit bago ko muling itinuon ang paningin sa binti kong nanakit. Hinagod-hagod ko pa ito at minasahe. "Sakit ng binti ko."
"Ako nga rin, eh! Pero, balewala sana 'yong pagod kung mababait lang sana 'yong mga nakatataas sa 'tin. Dakdak ng dakdak si Sir Wendel kanina! Nagpa-emergency meeting siya at pinagsisermunan 'yong mga kasama natin na mahilig tumambay sa post at 'yong mga mahilig mag-chismisan sa oras ng trabaho. Tapos ginagatungan at sinasabayan pa ni Miss Vanessa." Tukoy niya sa supervisor namin.
"Nasermunan nga din ako pagdating ko kanina. Late ako, eh. 'Tsaka, gano'n talaga.. Tiis-tiis na lang." Kibit-balikat kong tugon. Tumayo na ako at isinukbit ang backpack. Medyo nawala-wala na rin ang pananakit ng mga binti ko. "Halika na, Bob." Nagpatiuna na akong lumakad palabas ng locker room. Agad naman akong nahabol ni Bobbie
Napapitlag pa ako ng bigla niya akong dinunggol sa braso. Kinilingan ko naman siya at tiningnan ng nagtatanong na tingin.
"Problema mo?" Tanong ko.
Nakangisi naman niya akong nilingon. "May hindi ka sinasabi sa'kin, bebz!" Mahina niyang bulong habang patuloy kami sa paglalakad palabas ng building.
Nangunot naman ang noo ko. "Sinasabing ano?" Nakanguso akong nagpatuloy sa paglalakad.
"Susss! 'Wag ka ng maglihim! Hahaha! Kaya ka na-late kanina dahil magkasama pa rin kayo ni Sir Flynn, ano? Tama ako o tama ako?"
Napasiring ako sa talas ng pangamoy niya. Wala talaga akong lihim na hindi niya natutuklasan.
Kaya, walang choice kundi umamin na lang. Wala namang mawawala sa pagamin ng totoo.
Tumango ako ngunit seryoso pa rin ang mukha ko. Ayaw ko namang ipahalata na naaapektuhan na ako ng presensya ni Sir Flynn. Pangalan pa nga lang kasi nito ay tila kinukuryente na ang buong katawan ko.
Pagak na tumawa si Bobbie. "Haha! Sabi ko na nga ba, eh! Lakas ng pangamoy ko, bebz! Naaamoy ko kasi ang pabango ni Sir Flynn sa'yo."
"Huh?" Napalunok naman ako.
"Haha! Pero, ayaw ko namang magisip ng di maganda. Syempre, kilala kita. Di mo naman basta-bastang isusuko ang bataan kahit pa gwapo at mayaman ang lalaking 'yon."
"Syempre, 'no!"
"Kaya nga! Kilala kita, eh. So, saan kayo pumunta kanina? Wala sa bukabularyo mo ang ma-late, eh!"
Di ko muna siya sinagot dahil nagaalangan akong sagutin ang sinabi niya. Nagpalinga-linga muna ako sa paligid. Buti naman ay kakaunti lang ang tao sa parking lot. Kaya naman, hinarap ko na si Bobbie.
"May sasabihin ako sa'yo. Ano kasi.."
"Ano kasi..ano? Kinakabahan naman ako sa sasabihin mo!"
"Baliw! Tungkol kanina. May nangyari kasi.."
"May nangyari na sainyo ni Sir Flynn??" Namimilog ang mga mata niya.
Mahina ko siyang binatukan. "Baliw! Kanina, may nangyari. Na-hospital si Honeybee. 'Yong kapatid ni Sweetzel. Kilala mo 'yon, diba? Dinala namin siya sa hospital kaninang umaga dahil nabagok 'yong ulo niya. Tanghali na kami nakauwi."
Tumango-tango naman siya. "Ah.. So, kamusta na si Bee?"
"Okay na. At 'yon nga, alam ni Sir Flynn na magha-half day ako kaya nagpumilit siya na susunduin ako sa bahay. Wala akong nagawa kundi umoo."
"Tapos?"
"Dumaan muna kami sa Paradise Hills. Namasyal. Nakaligtaan ko 'yong oras kaya ayon, na-late ako."
Dinunggol-dunggol niya ako sa braso habang nangingiti. "Inlab na talaga sa'yo ang lolo mo, bebz. Biro mo, dinala ka niya sa lugar na pagmamay-ari niya? Wow! Iba ka talaga!"
Nangunot ang noo ko. "Paano mong nalaman na kanya 'yon?"
"Baka nakakalimutan mong sikat 'yang syota mo? Madalas siyang mag-photo shoot sa lugar na 'yon. Modelo ang lolo mo, uy!"
Napatango-tango ako. "Oo nga pala." Bulong ko.
"So, ano na ang status niyo? Ipangangalandakan niyo na ba 'yan o mananatili munang private?"
"Private muna. Ayaw kong pag-pyestahan ng mga kasamahan natin at ng mga fans niya. Baka kasi isipin ng mga 'yon ay nilalandi ko lang si Sir Flynn. Alam mo naman. Kahit hindi ko naman ugali ang gano'n, mayroong magsasabi at magsasabi no'n kapag nalaman ng lahat na napapalapit na sa akin si Sir Flynn."
Tumango naman si Bobbie. "Okay. Kayo bahala." Nginusuan niya ako. "Pero, alam mo, dadating at dadating ang panahon na malalaman din ng lahat ang tungkol sainyo. Di mo 'yon mapipigilan. Parang utot mo lang 'yon na bigla na lang sasabog anumang oras. Lalo na madalas na si Sir Flynn ang lumalapit sa'yo..in public place pa.."
"Grabe.. Maka-utot ka naman, wagas, ah!" Singhal ko at natawa naman siya. "Pero, sana kapag nangyari 'yan ay 'yong handa na rin akong kaharapin ang lahat," napabuntong-hininga ako.
"Naiintindihan kita, bebz. Masyado kasing sikat 'yang si Sir Flynn pati na ang mga kapatid niyan na sina Xanth Eadric at Drake Kimpner. Pero, matanong ko lang, mag-on na ba talaga kayo—"
"Di ko pa siya nobyo, gagi! Nanliligaw pa lang 'yon!" Paglilinaw ko.
"Pareho lang 'yon. Papunta din naman kayo do'n, eh. Hehehe!" Tawang-tawa niyang sabi at saka ako inakbayan.
Kasalukuyan kaming nagaabang ng masasakyan nang bigla na lang may humintong puting sasakyan sa harapan namin.
Nahihintakutan kaming napaatras ni Bobbie. At handa na rin sana kaming tumakbo nang makilala ko ang lalaking lumabas doon.
"Donato!" Pasigaw kong tawag sa pangalan nito.
"Bob! Cat! Hahaha! Kamusta?!" Malakas nitong tawa habang papalapit sa amin ni Bobbie.
Pagkalapit nito ay agad ko itong sinuntok sa dibdib. Mahina lang iyon. Gano'n kami magbatian. Hinawakan naman nito ang dibdib na kunwari ay nasaktan.
"Pinakaba mo kami, ah! Akala namin kung sino na, eh. Uso pa man din ngayon ang kidnapan."
"Pasensya. Hehe!" Natatawa nitong itinaas ang mga kamay at pagkuway nakipag-fist bump kay Bobbie. "Bobz!"
"Budz! Kamusta? Hahaha! Gara ng sasakyan, ah!" Ani Bobbie.
"Hahaha! Nagkapera ng kaunti kaya nakabili niyan." Saka ito humarap sa akin. "Gusto ko kayong i-joyride ni Bobbie kaya ako pumunta rito. Kayo ang una kong naalala pagbalik ko galing japan. Night out tayo! Ako na rin maghahatid sainyo pauwi!"
"Sige ba!" Magkapanabay pa kaming sumagot ni Bobbie. "Kaya pala ilang araw ka naming hindi nakikita sa talyer niyo, ah. Nasa japan ka pala! Tapos, bigtime ka na pagbalik! Yabang!" Natatawa kong tinapik ang ulo ng sasakyan.
"Hahaha! Let's go! Sakay na kayo!" Anyaya ni Donny at pinagbuksan pa kami ng magara niyang sasakyan bago siya lumigid at pumasok sasakyan niya.
Nagpatiunang sumakay si Bobbie. Nakasunod naman ako subalit hindi ko pa man naihahakbang ang mga paa ko papasok sa sasakyan ay bigla na lang may humablot sa braso ko at malakas akong kinabig kung kaya't napaikot ako at napasubsob sa dibdib nito.
"You're not going anywhere with someone else, babe."
Napatayo ako ng maayos at inaninag ang mukha niya. "F-Flynn.." Pabulong kong sambit sa pangalan niya. Naka-disguise man siya ay kilalang-kilala ko ang boses niya. At amoy pa lang niya, alam na.
"Where do you think you're going, huh?"
"Ha? M-Magna-night out kami nila Bobbie." Halos mautal ako at hindi ako makatingin ng deretso sa mga mata niya.
"Night out? Nakalimutan mo na ba na ako ang magsusundo sa'yo?" Bulong niya.
Napasinghap pa ako ng maamoy ko ang mabangong hininga niya. Nakalingkis din kasi kanina pa ang isang braso niya sa akin kaya para akong estatwa. Di ako makagalaw.
"Cat?"
Napapitlag na lang ako nang muling bumaba ng sasakyan si Donny at kunot ang noong lumapit sa amin. Dali-dali ako nitong hinawakan sa kabilang braso at inagaw sa pagkakahawak ni Sir Flynn. Marahil, nabigla naman si Sir Flynn kung kaya't nabitiwan niya ako.
"Sino ka ba? Anong kailangan mo sa syota ko?"
Nagulat ako sa tanong na iyon ni Donny.
'Syota? Loko-loko!'
"Syota ka diyan?" Madiin kong bulong kay Donny. Kindat naman ang naging tugon nito. Ibig sabihin ay biro lang 'yon.
Nang lumingon ako kay Sir Flynn ay nakita ko ang biglang pagtalim ng mga mata niya habang nakatingin ng deretso kay Donny.
'Hala! Pano 'to? Paano ba pumagitna sa dalawang naggu-gwapuhang anak ni Franco? Char! Kiber. Ba'la kayo diyan!'
"What is he talking about? What syota means, babe?" Aniya at muli akong hinawakan sa braso at hinila papalapit sa kanya.
Para tuloy akong pinagpapasa-pasahang laruan.
'Pag ako nabalian ng buto, paliliparin ko kayong dalawa, tingnan niyo!'
"Babe? A-Anong babe ka diyan?" Muli akong hinablot ni Donny sa kabila kong braso. "Anong pinagsasasabi niyang lalaki na 'yan, Cat? Babe daw?"
"D-Donato.. Hehe. Bitiwan mo muna kaya ako. T*ngina! Babalian niyo 'ko ng buto!" Mariin kong saad at saka naman ako nito binitawan. Tiningnan ko ito bago ko inilipat ang tingin sa nakabusangot ng si Sir Flynn. Tumalikod ako kay Donny at hindi ko na inalis pa ang tingin sa kanya. "Ahm.. Pasensya ka na. Nakalimutan ko nga pala na susunduin mo 'ko." Napakamot pa ako sa batok. Wala akong nakuhang tugon mula kay Sir Flynn kaya minabuti ko munang harapin si Donny na naguguluhan din. "Kilala ko 'yan. Kakausapin ko muna. Huwag kang sasabat, ah?" Sabi ko dito at muli na akong tumalikod at hinarap si Sir Flynn. "Pwede bang.. sa kanila muna ako sasama? Mga kaibigan ko sila. May pupuntahan lang kami."
"Bakit ka nagpapaalam diyan, Cat? Kaano-ano mo ba kasi 'yan?" Napipika ng tanong ni Donny.
"Syota niya 'yan, budz! Dito ka na, uy! 'Wag kang magulo diyan!" Sabat ni Bobbie na napalabas uli sa sasakyan. "P-Pasensya na po, Sir." Hinging paumanhin ni Bobbie.
"Sir?" Dinig ko pang tanong ni Donny bago ito pumasok sa sasakyan niya.
Hindi ko na sila tiningnan pa dahil tutok ang paningin ko sa mukha ni Sir Flynn. Kung bakit kasi nakakaramdam ako ng kaba sa magiging reaksyon ng lalaking nasa harapan ko. Ewan ko.
"Syota means boyfriend, am I right?" Tanong niya. Walang kangiti-ngiti ang mukha niya. Napakaseryoso. Mukhang naapektuhan sa biro ni Donny. "Means, he's your boyfriend?"
Mahina akong tumawa. "Nagbibiro lang 'yon. Gano'n talaga kasi ang sinasabi niya kapag may lalaking lumalapit sa 'kin na di niya kilala. Ngayon ka lang kasi niya nakita, eh. Barkada namin siya ni Bobbie." Pagpapaliwanag ko.
Matagal niya akong tinitigan. Pero, bakas pa rin ang lungkot sa mga mata niya. Mukha nga yatang naapektuhan.
'Malala pala kung mag-selos 'to. Ninenerbyos ako, malala!' Bulong ko sa isip.
Pagkuway ay lumapit siya sa akin.. 'Yong dikit na dikit na halos gahibla na lang ang pagitan namin. Tuloy, na-estatwa na naman ako sa kinatatayuan.
"I don't trust anyone," anya sa baritong boses. "So, come with me."
"Nandiyan naman si Bobbie, eh. Wala ka bang tiwala sa kanya?"
"Kay Miss Gomez.. meron, pero sa isa.. I don't trust him, babe."
"Ha? Bakit naman? Matagal ko ng kaibigan si Donny. Pero sige, kung gusto mo, sumama ka para matahimik ang loob mo. Kaso, baka di mo naman magustuhan ang lugar na pupuntahan namin." Prangka kong sabi na ikinatahimik naman niya.
"If you really want to go there, I'll come with you. And, doon ka sa kotse ko sumakay not there," anya sa maawtoridad na boses.
Nalaglag ang panga ko sa naging sagot niya. Napaka-territorial!
'Kung bakit kasi inaari niya na ako gayong nanliligaw pa lang naman siya sa'kin! Gagi!'
"Ah, s-sige.. Sasabihin ko lang kila Donny at Bobbie." Sabi ko at hinayaan naman niya akong lumapit sa kotse ni Donny.
Kusa namang bumukas ang bintana no'n at tumambad sa akin ang nakabusangot na mukha ni Donny.
"Sige na. Sige na. Sa susunod na lang tayo magliwaliw. Kung bakit kasi di mo sinasabi sa 'kin na may syota ka na!" Anito, wala pa man akong sinasabi.
Natatawa ko siyang pinalo sa balikat. "Loko! Sasama ako sa inyo! Pero—"
"Pero, doon ka sa sasakyan niya sasabay! Fine! Pero, teka? Seryoso bang sasama sa atin 'yang syota mo, Cat? Baka naman ma-out of place sa atin 'yan?" Bahagya pa niyang sinilip si Sir Flynn.
"Hindi 'yan.. Nando'n naman ako, eh. Hahatiin ko na lang ang atensyon ko sa inyo at sa kanya," seryosong sagot ko.
"Wow, bebz! Ikaw na! Hahaha! Tara na! Tara na! At baka abutin pa tayo dito ng umaga ng di nasasayaran ng malamig na likido ang mga lalamunan natin," sabat ni Bobbie.
Siniringan ko na lamang ang dalawa. "Mauna na kayo, susunod kami. Di namin alam kung saan tayo, eh."
"Lady Anne tayo!" Suhestyon ni Bobbie. Ngiting-ngiti.
Pinukol ko naman ito ng masamang tingin. "Magisa ka do'n! Puro mga malalanding babae ang naroon. Sa iba tayo!" Inilipat ko ang tingin kay Donny. "Sa'n tayo?"
"Sa Blue Lights na lang."
"Okay! Cool! Sige, susunod kami," sabi ko at tumalikod na ako sa kanila.
Lumapit na akong muli kay Sir Flynn na naghihintay sa akin. Inalalayan niya akong makasakay sa sasakyan niya bago siya naupo sa driver seat.
Bago niya pinaandar ang sasakyan ay may kinuha muna siya sa likod at nagulat ako dahil isa na naman iyong bungkos ng mamahaling bulaklak. May kasama pa iyong cute na cute na pink teddy bear na may drawing na puso sa harapan.
"Salamat. Ang ganda naman neto.." Inamoy-amoy ko ang bulaklak at talaga namang nanunuot sa ilong ko ang bango.
Nang lumingon ako sa kanya ay nakita kong titig na titig siya sa 'kin. Seryoso pa rin ang mukha.
Tipid ko siyang nginitian dahil nakakailang ang bawat titig niya. Nanunuot iyon sa kaluluwa ko.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumapit at kinuyumos ako ng halik sa labi. Ni hindi ako nakapalag. Para siyang kidlat sa bilis. Subalit, hinayaan ko na lang. Ang totoo kasi, nagugustuhan ko na rin ang ginagawa niya. Hanggang halik lang naman ang ginagawa niya, eh. Subalit, iba 'yong paraan ng paghalik niya ngayon. Para niya akong pinaparusahan.
'Grabe naman kasi kung mag-selos, eh!'
Kung hindi pa bumusina ang sasakyan nila Donny ay hindi pa siya titigil sa paghalik sa 'kin.
Nangingiti na lamang akong napapailing ng bitiwan niya ako at napapasimangot na hinarap ang manibela.
"Let's go. Masyadong mainipin ang mga kaibigan mo," sabi niya at saka pinaandar ang sasakyan.
Tuluyan na akong natawa.