HALOS kalahating oras na kaming naghihintay na magising si Honeybee dahil hanggang ngayon ay tulog pa rin ito. Pero, ayon naman sa doktor na tumingin dito ay stable na rin ang kalagayan ni Bee. Wala namang naging fracture sa katawan nito. At ang dahilan lamang ng pagdurugo ng ilong nito kanina ay sanhi ng pagkahilo matapos ng pagkakasubsob ng mukha nito sa sahig.
Napakatangos kasi ng ilong ni Bee at iyon ang unang tumama sa sahig.
Nasa private room kami ng hospital at kasama pa rin namin si Sir Flynn na nagalala rin ng kay Bee. Hindi alintana ang pagiging celebrity. Kahit pa halos dumugin siya kanina sa labas ng hospital ay binalewala niya. Mabuti na lang din at mabilis na humarang ang mga security guard at nakapasok kami ng hospital ng matiwasay.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umaalis at hindi ko alam kung may balak pa ba siyang iwanan kami dito sa hospital.
Isang oras lang din ang nakalipas nang gumising na nga si Bee. Hindi kami magkamayaw na daluhan ito at kamustahin, tanungin ng kung anu-ano at kung nagugutom na ba o nauuhaw. Pero, sumingit ang doktor at titingnan lang daw muna ang kondisyon ni Bee. At ayon naman dito ay maayos na ngang talaga ang kalagayan ng bata.
Kaya naman, bumalik na rin ang pagiging masungit ni Sweetzel sa kapatid.
"Kumain ka ng madami, Bee, para lumakas ka agad. Pinagalala mong masyado ang mga ate at si kuya Flynn." Kasalukuyan niyang sinusubuan ng mainit na sopas ang kapatid niya.
"Sorry po, ate. Hindi ako naging maingat, eh." Hinging paumanhin naman ni Bee. Saka ito tumingin sa akin at kay Sir Flynn. "Sorry din po sainyo, ate Cat...kuya Flynn. Naabala ko pa po kayo."
Tumayo ako at saka ko inabot ang buhok niya. "Ano ka ba, bee.. Okay lang 'yon. Ang mahalaga, ayos na ang kalagayan mo, ang pakiramdam mo." Nakangiti kong hinaplos-haplos ang mahaba niyang buhok.
"Yeah.. That's okay with me too, baby girl," ani naman ni Sir Flynn. Nasa katabing upuan ko siya nakaupo kaya hindi ko makita ang reaksyon niya. Naiilang naman akong lingunin siya. "We're happy to see you in a good condition. Be careful next time, okay?"
"Opo. Thank you po.." Tipid ang ngiting sambit ni Honeybee. Saka siya bumaling sa kapatid na walang hinto sa kakasubo sa kanya. "Ate, busog na ako. Tubig naman."
"Utusan mo 'ko? Hmp! Sa susunod 'wag ka ng magwo-walk out ng gano'n, Bee, ha? Papatayin mo 'ko sa nerbyos," ani Sweetzel sa kapatid na ngingiti na.
"Opo, ate. Sorry na."
"Hmp! Pasalamat ka, mahal ka ni ate!"
Isang oras pa kaming nanatili sa hospital bago dinis-charged si Bee. Si Flynn na ang sumagot sa hospital bills at siya rin ang naghatid sa amin sa apartment.
Nakakahiya man sa part namin na sagutin ang bayarin sa hospital ay hinayaan na namin. Makulit kasi siya, eh.
Kaya naman, wala ng katapusang pasasalamat ang ginawa ng magkapatid kay Sir Flynn. Maging ako man ay nagpapasalamat sa kanya. Hindi kasi namin inakala na may tutulong sa amin sa oras ng pangangailangan.
Nakauwi na kami ng apartment at naihatid na rin namin ni Sweetzel si Honeybee sa kwarto nila. Naiwan sa salas si Sir Flynn kung kaya't agad namin itong binalikan.
Pagdating namin sa ibaba ay tumayo na rin mula sa pagkakaupo si Sir Flynn.
"I think, I have to go now?" Paalam niya.
Napatingin ako sa kanya at nagulat pa ako dahil nasa akin pala ang paningin niya. Napahawak ako sa armchair ng upuan ng mapaatras ako ng bahagya. Dahil sa naging reaksyon ko ay sumilay tuloy ang magandang ngiti sa mga labi niya.
Para naman akong napipi at hindi makapagsalita. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kanya.
"Thank you so much talaga, Flynn!" Sabat ni Sweetzel. "Thank you, thank you! Ingat ka sa paguwi mo at pakisabi na rin kay Drake na pupuntahan ko siya sa condo niya anytime soon. Ayaw kong maiwanan niya ako dito ng hindi niya nalalaman ang feelings ko sa kanya, uwu!" Sa sinabing iyon ni Sweetzel ay sa kanya ko naituon ang paningin ko at saka ko siya nginiwian sa kaartehan niya.
Mahinang tawa naman ang naging tugon ni Sir Flynn habang tumatango-tango. Marahil sa isip niya ay desperada ang kaibigan ko.
"Tumigil ka nga diyan, Sweetzel. Nakakahiya ka." Saway ko. Agad naman niya akong nilingon at siniringan ako. "Tsk. Ikaw pa talaga ang pupunta sa lalaki? Gagi! Hintayin mong siya ang pumunta sa'yo, hindi ikaw," mariin kong sabi.
Nginiwian niya rin ako. "Paano naman niya ako pupuntahan dito, friend? Eh, sa hindi niya alam na may gusto ako sa kanya! Kaya nga ako na ang pupunta sa kanya para ma-knows niya ang feelings ko. Baka bigla na lang 'yon mag-boom!" Umaaksyon pang saad niya.
"Anong mag-boom?" Nakakunot-noo kong tanong.
"I mean, baka bigla na lang siyang umalis! Ganurn!"
"Tsk. Ewan ko sa'yo." Napapailing kong tugon.
"Hmp! Hirap sa'yo, eh, ayaw mo 'kong suportahan." Inirapan niya ako saka bumaling sa katabi ko na tatahi-tahimik at nakikinig lang. "Sige na, Flynn. Hehe. Okay na kami. Maraming salamat talaga, ah? Kanina ka pa pala nagpapaalam, andami pa naming hanash! Sowee." At nag-piece sign pa ang loka loka.
"It's okay. So, I really have to go now... Cat?" Tinawag niya ako kaya nailipat ko na ang paningin sa kanya. "I'll see you later?"
Namilog ang mga mata ko. "Po? Later? M-Magkikita po ba tayo, Sir?"
Napangiwi ako ng biglang tumawa si Sir Flynn. "You said, magha-half day ka sa restaurant, right? So, magkikita tayo doon..later." At saka siya lumapit at ginulo-gulo ang buhok ko na maayos ko pa namang itinali.
Natutulala na lang ako sa kanya habang tumatango-tango.
'Tanga.. Papasok nga pala ako sa restaurant niya mamaya..'
"Bye, guys. I'll go ahead," aniya nang hindi na ako umimik at saka na siya naglakad papalabas ng gate kasunod si Sweetzel.
Nakatulala na naman akong sumunod sa kanila at tinanaw na lang sila.
"Ingat, Flynn!" Pahabol pa ni Sweetzel habang papasakay na ng sasakyan si Sir Flynn.
Kaway na lamang ang itinugon niya ngunit ramdam kong nasa akin ang paningin niya. At hindi ko maitatatwang, ubod siya ng gwapo ng sumilay uli ang ngiti sa mga labi niya.
Tumatak iyon sa isipan ko at hindi na naalis pa.
"Hoy, Aleina Catrisse! Tulaley ka diyarn? Hmp! Pero..hehe. Good news 'yan, gurl! Nagkakagusto ka na, ehe! You're not shomboy anymore!" Kantyaw ni Sweetzel sa akin habang dinudunggol ang tagiliran ko gamit ang siko niya.
Inirapan ko naman siya at kumibit ng balikat. "Pinagsasasabi mo diyan? Gagi! Akyat na ako. May pasok pa ako mamaya, eh." Sabi ko at tinalikuran ko na rin siya.
May mga pahabol pa siya pero di ko na pinansin pa.
Pagpasok ko sa kwarto ay mabilis akong sumalampak sa kama at natutulalang tumingin sa kisame. Kung bakit, hinding-hindi mawaglit sa isipan ko ang mga ngiting iyon ni Sir Flynn.
At syempre hindi ko makalimutan ang labi niya...
Hindi ko nakakalimutan kung gaano siyang kasarap humalik. Napaka-eksperto. Nakakadala.. Nakakapanghina.
Bigla kong nahawakan ang labi ko at saka pumikit. Iniisip na nasa harapan ko siya at unti-unting inilalapit ang mukha sa 'kin...
Gagi! Ano ba'ng iniisip ko???
Ngunit, bigla akong napabalikwas ng tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa pa naman ng pantalon ko. Nag-vibrate din iyon at para tuloy akong kiniliti na ewan.
Kaagad kong kinuha ang cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Subalit, agad na kumunot ang noo ko ng makita ang pangalan na naka-rehistro doon.
~~HONEYBABE CALLING~~
'Honeybabe??? Sino 'to?'
Pero, mayroon ng ideyang namumuo sa isipan ko kung sino man ito. I know who this is. Malakas ang kutob ko. At kung papaano niya na-save ang numero niya sa akin ay 'yon ang hindi ko alam.
Kaya naman agad-agad ko ng sinagot ang tawag niya.
"Hello?"
"Hi."
'Shoot!! It's him.'
"S-Sir Flynn.." Tila pa ako nautal sa pagkakasambit ng pangalan niya.
Dinig ko ang tila hinahabol na hininga niya sa kabilang linya. Hindi ko alam kung kabado ba siya o pagod lang. Ewan ko.
Nang hindi siya nagsasalita ay inunahan ko na siya.
"Sir, papaano mo nai-register ang number mo sa cellphone ko? Nagulat ako, eh. 'Tsaka... B-Bakit po honeybabe ang pangalan niyo?" Deretsahan kong tanong. Walang paligoy-ligoy. Prangkahan kumbaga.
Mahinang tawa ang narinig ko sa kabilang linya. "I'm your honey.. And you're my babe." Napangiwi ako.
Bakit siya ganyan?
May endearment na agad kami gayong wala pa naman kaming relasyon? Ano kaya 'yon??
"Babe..?" Tawag niya sa akin sa kabilang linya. Mariin akong napapikit. Pero, nanunuot naman sa tenga ko ang namamaos niyang boses at talaga namang napakasarap no'n sa pandinig ko. "I want see you."
"H-Ha?" Bigla akong napamulat.
'Aba, loko! Kakikita lang namin kanina, ah? Wala pa ngang kalahating oras no'ng makaalis siya.. Aba naman..'
"Sunduin kita mamaya. I just want to see you. Ihahatid na kita sa restaurant."
"P-Po?"
"What po? Aiissh.. I said, 'wag mo na akong pino-po at Sir. Okay, babe?"
Napalunok naman ako sa sinabi niya.
'Nanliligaw na ba talaga siya sa 'kin? Kakikilala lang namin, eh.. At isa pa, langit siya at lupa naman ako. Magkaiba kami. Boss ko siya at waitress niya lang ako..'
"Cat.. Are you still there? Hello?"
Napatikhim ako at inalis ang tila nakabarang bato sa lalamunan ko. Lihim din akong napapabuntong hininga.
"Ahm, opo—I mean, oo.. M-Magkita na lang po—I mean, magkita na lang tayo sa restaurant. Maaabala pa kasi kita, eh. Hehe. Alam ko naman na busy ka." Nauutal at napapangiwi kong tugon.
"I insist. Delikado ang panahon ngayon. Madaming napapabalitang kinikidnap ang mga babae even lalake. I just wanna make sure your safety, Cat. Lalo pa, madalas kang maglakad kapag uuwi. Ako na ang maghahatid-sundo sa'yo." Mahaba niyang sabi.
'Whaaatttt??? Ano daw??? Siya na ang maghahatid-sundo sa 'kin??'
Pero, tila napaisip naman ako sa sinabi niya. Natitigilan akong tumingin sa kawalan.
Oo nga't delikado nga ang panahon ngayon. Napanood kasi namin sa telebisyon kanina sa hospital 'yong mga mukha ng babae at lalakeng nakidnap at hindi na nakakabalik sa kanila. Kung meron mang nakabalik ay wala ng buhay. Sobrang nakakatakot. Ayaw ko naman na mangyari sa akin ang gano'n. Kailangan ako ng lola ko sa probinsya at kung may mangyayari sa aking masama rito, sino na lang ang tutulong sa lola ko?
Muli akong napabuntong-hininga.
"Just think of it, Cat." Dinig ko pang saad niya.
"S-Sige.."
"What do you mean, sige?"
"S-Sasabay na lang ako sa'yo.." Nahihiya man ay nilakasan ko na lang ang loob ko. Kung sabagay, siya naman ang nagpresinta.
Ewan ko kung anong nangyari sa kanya sa kabilang linya dahil sobrang tagal niyang sumagot. Tiningnan ko pa kung patay na ang linya pero naandon pa rin naman siya.
"So, anong oras kitang susunduin mamaya?" Nagulat ako ng bigla siyang magsalita.
"Uh.. A-Alas dos na lang siguro.. Para may isang oras pa akong mag-prepare sa restaurant. Ayaw ko kasi na nali-late, eh. Mas gusto kong nauunang pumasok sa mga kasama ko."
"Hmm.. That's nice. So, I'll be there at two pm, babe."
Nangiwi na naman ako sa itinawag niya sa 'kin. "S-Sige.."
"Alright! Ibababa ko na. Nag-go signal na, eh. By the way, I'm on my way to my penthouse na. Maliligo lang. Then, I'll fetch you up later.."
"Okay po." Nakangiwi akong tumango-tango. Marahil, maiinis siya kung nakikita niya ang reaksyon ko. "Ingat po kayo."
"Aiisshh. Po na naman?" Dahil sa inglishero siya, naging tunog 'cute' ang boses niya.
Napangiti ako. "Ha? Ay sorry.. Di kasi ako sanay, eh. Boss kasi kita. Nakakailang naman kasi.."
"Don't be. I'm not your boss, babe.. You are my boss." Dinig ko pa ang tawa niya sa kabilang linya.
'Tsk! Loko-loko din, eh.'
"Sige na po, 'baba niyo na at baka madisgrasya pa kayo diyan. Ingat po—" At sa hindi ko sinasadya ay napindot ng daliri ko ang end button. Pinanlamigan tuloy ako at natulala.
'Hala ka...'
Kaya naman ay dali-dali ko siyang tinext.
TO: HONEYBABE
0909****126
'SORRY. Di ko sinasadyang mapindot. Bye po, ingat!'
MESSAGE SENT!
Kabado kong ipinatong ang cellphone sa dibdib ko matapos kong mahiga. Nagaalala ako na ewan! Pero, bakit nga naman ako kinakabahan? 'Yon lang naman, eh. Tsk!
Ilang minuto pa akong naghintay sa reply niya pero wala akong natanggap ni isang text.
Mas lalo tuloy akong nagalala.
'Nagalit ba siya?'
Tsk! Bahala siya!
Sa inis na may halong pagaalala ay bigla akong nakaidlip. At kung hindi pa kumalam ang sikmura ko ay hindi pa ako magigising.
Ala una na pala ng hapon nang mapatingin ako sa wall clock ko.
'Gagi! Isang oras na lang nandiyan na siya!'
Bumangon na ako at mabilisang naligo at saka nagbihis muna ng pambahay. Bumaba na muna ako sa kusina at nagluto ng pagkain ko. For sure kasi wala na namang ulam dahil mahilig si Sweetzel at Honeybee ng pagkain through online. Nakakakain lang sila ng lutong-bahay kapag day off ko. Ako naman, mas gusto ko ang sarili kong luto.
Ginisang sardinas at nilagyan ko lang ng dahon ng sili na pinitas ko pa sa tanim ko. Buti na lang din at may tirang kanin sa rice cooker kaya di na ako nagsaing.
Dali-dali na akong kumain dahil ilang minuto na lamang ay darating na 'yon si Sir Flynn.
Matapos kong kumain ay agad akong pumasok sa banyo para magsipilyo. Tinodo ko ang pagsisipilyo lalo na malansa ang kinain ko. Isa pa, baka bigla-bigla na naman akong sunggaban ng lalaking 'yon.
"Gagi! Kung makahalik kasi sa 'kin 'kala mo, jowa niya na ako! Sarap upakan, eh! Kung di ko lang siya boss, naku!.." Bulong ko.
"Aha!!"
"Put-tikbalang ka!" Sa gulat ko ay naibuga ko pa sa damit ni Sweetzel ang minumumog kong tubig.
Napasinghap siya at biglang namilog ang mga mata niya habang nakatingin sa suot niyang damit.
"Waaaahhhh!!! What did you do to my outfit, friend! Look? Basang-basa ako! Huhuhu!" Ngumangawang anya at napapapadyak pa. "This is my last outfit na babagay sa condo unit ni Drake my love! Bakit mo naman binugahan??"
Napapangiwi naman akong pinagpag ang damit niya. Na akala mo naman ay matutuyo iyon gamit ang kamay ko.
"Sorry na. Ikaw naman kasi, bigla-bigla ka na lang nanggugulat. Hayan tuloy nabugahan pa kita." Paninisi ko pa sa kanya.
Inirapan niya ako at pinigilan ang kamay ko sa kapapapagpag sa nabasang damit niya.
"Nanisi ka pa! Hmp! Fine! Kasalanan ko. Pero..." Ngumisi siya at tiningnan ako ng nanunukso niyang tingin. "Ano 'yong narinig ko kanina, ha? Ano 'yon??"
"Alen?" Maangmaangan kong tanong. Bahagya akong tumalikod at inilagay sa lalagyan ang toothbrush ko. Pagbaling ko paharap ay nakaharang na siya sa pintuan. "Dadaan ako."
Inismiran niya ako at pinadaan. "Hoy! Aleina Catrisse.. Hindi ako bingi. Dinig na dinig ko 'yong sinabi mo kanina! 'Wag kang maangmaangan diyan!" Dinuro niya pa ako.
Ako naman ang umirap sa kanya. "O, eh, narinig mo na pala, eh! Okay na 'yon!" Balak ko na sanang tumalilis ng harangan niya ako uli sa may hamba ng hagdan. "Ano na naman?" Nakukulitan kong tanong.
Nangingisi siyang tumingin sa akin. "Tell me.. Nagkiss na kayo ni Flynn, 'no? No more denying, my friend. Okay lang naman 'yon, eh." Tumataas-baba pa ang mga kilay niya.
Para matigil na ang pangungulit niya ay napaamin na rin ako. Nahihiya akong tumango at pagkatapos ay iniiwas ko ang paningin sa kanya. Tsk! Bakit ko pa nga naman itatago ang tungkol doon? Narinig naman na niya. Pa'no ko pa maitatago iyon? Engot!
Nang mapatingin uli ako kay Sweetzel ay nakita kong namimilog na ang mga mata niya at nakaawang pa ang mala-Anne Curtis niyang bibig. At maya-maya nga lang ay bigla na lang siyang nagtitili.
"Iihhhhhh!!! Really??!! Oh my gosh, friend!! Ano ha? Ano ang feeling? Gosh! I can't expect this! Si Flynn lang pala ang magiging katapat ng pagiging mapili mo sa guy, friend!"
Hindi ako umimik. Ano nga ba ang isasagot ko? Wala akong maisip.
"So, ano nga? Ano ang feeling? Anong lasa ng lips niya? Iihhh!!"
Napangiwi ako. "Tikman mo ang lips niya ng malaman mo ang lasa at pakiramdam! Kadiri ng tanong mo." Sagot ko at iniwanan ko na siya.
"Hoy! Sandali lang! Naguusap pa tayo, eh! Lokong 'to." Dinig ko pang bulong niya.
Tuloy-tuloy na akong pumanhik sa kwarto ko at nagpalit na ng damit. 'Yong uniporme na mismo ng restaurant ang sinuot ko dahil nakasanayan ko na rin. Naglagay na rin ako ng kaunting make up at ini-bun ang buhok.
Maya-maya lang din ay tumunog na ang cellphone ko. Agad ko iyong tiningnan at nakita kong text iyon ni Bobbie. Ang sabi niya ay hihintayin niya na lang daw ako sa restaurant. Pinagbawalan na kasi siya ng security guard na tumambay sa labasan. Delikado raw kasi. Nireplyan ko naman agad siya at sinabing papunta na rin ako sa workplace namin.
Ilang saglit pa ay muli na namang tumunog ang cellphone ko. Inakala kong panibagong message iyon ni Bobbie ngunit galing na iyon kay Sir Flynn.
FROM: HONEYBABE
On the way na ako, babe. Be ready. ?
'Babe ka ng babe! Gagi.. Talagang kina-career mo na ang katatawag sa akin ng ganyan, ah? Panindigan mo 'yan Flynn Kaizzer Segovia!'
Napapalunok kong in-off ang cellphone at saka na ako nagmamadaling bumaba sa sala.
Hindi ko malaman kung bakit tila nai-excite din akong sumabay sa kanya. Ewan ko ba. Pero, syempre, marunong naman akong itago ang pakiramdam na 'yon.
Malayo pa man ay dinig ko na ang tunog ng sasakyan ni Sir Flynn. Kaya naman nagsisimula na namang dumagungdong ng dibdib ko.
Nang marinig kong huminto na ang sasakyan niya ay tumayo na rin ako at lumabas ng apartment. Kasalukuyan na rin sana siyang kakatok sa gate nang maunahan ko na siya. Nabuksan ko na ang gate bago pa man maisayad niya ang mapuputing daliri sa nangangalawang na naming gate.
Sandali kaming nagkatinginan. Nagkatulala sa isa't-isa, ganurn.
Pero, maya-maya'y may inilabas siyang bungkos ng bulaklak mula sa likuran niya.
"For you." Nakangiti niyang inabot iyon sa akin.
Unang beses kong makatanggap ng bulaklak at talaga namang tumagos sa puso ko ang saya. Kinikilig ako at hindi ko maitago iyon. Parang lumukso ang puso ko sa tuwa.
"Do you like it?" Tanong niya.
Tumango naman ako. "Yes. First time kong makatanggap ng bulaklak, eh. Thank you."
"You're welcome.. So, let's go?" Yaya niya sa akin at inilahad pa ang isang kamay para alalayan akong makasakay sa sasakyan niya.
Pagpasok ko sa sasakyan ay lumigid na rin siya para makaupo sa driver seat. At bago pa man niya paandarin ang sasakyan ay hinarap niya muna ako at saka ako kinabig at siniil ng halik sa labi.