CHAPTER 3

3179 Words
"PAPA! May mga bisita po tayo!" Magiliw na tawag-pansin ni Bobbie sa tatay niya kahit nasa bakuran pa nga lang kami ng barong-barong nila. Magkakasunod kaming pumasok sa kanilang gate na gawa sa kawayan. Naaasiwa ako dahil nasa likuran ko si Sir Flynn at pakiramdam ko ay tutok na tutok ang mga mata niya sa akin! Nakakailang at ngayon lang ako nakaramdaman ng ganito sa isang lalaki. Tila nahihiya ako na ewan! Subalit, mas matimbang pa rin ang inis ko sa kanya dahil wala akong nagawa nang pigilan niya akong umalis kanina. Nasunod ang kagustuhan niyang dito muna kami magpapalipas ng gabi sa bahay nila Bobbie. Wala din naman akong lakas ng loob para suwayin ito. "Pa! Nandito na ako! At may mga kasama po ako! Hehehe!" Tuwang-tuwang sigaw ni Bobbie. Mukhang nakalimutan na din niya ang pangungunsensya sa kanyang sarili kanina matapos masira ang sasakyan ni Sir Flynn. Pagkuway, nilingon niya kami nang makapasok na kami sa kanilang balkonahe. "Maupo muna kayo. Hehehe. Pasensya na kayo sa bahay namin. Maliit at gawa sa sawali pero napaka-presko naman." Saka naman kami naupo sa silyang kahoy na nandoon. "I like this kind of house. Cute," saad ni Sir Flynn habang inililibot ang paningin sa palibot. "Maganda ang bahay niyo. Simple lang." "Thank you po, Sir Flynn," ani Bobbie. "I told you, 'wag mo kong tatawaging 'sir' kapag kaharap na natin ang papa mo. And remember, katrabaho niyo lang ako, okay? Is that clear?" "Yes, Sir!—ah..eh..hehehe. Yes, F-Flynn!" "Good!" Hindi na lang ako sumabat sa usapan nila. Inabala ko ang sarili sa pagmamasid sa nag-gagandahang halaman na naroon sa balkonahe. "Pa! Nandito na ako! Buksan mo na 'tong pinto!" Muling tawag ni Bobbie sa tatay niya. Maya-maya lang ay biglang bumukas ang pintuan at tumambad ang isang matandang lalaki, nakasalamin ngunit halatang mabait. Kaagad din nitong binuksan ang ilaw sa balkonahe upang maaninag kami. Nakangiti kaagad ito sa amin. "Pasok kayo." Mahina nitong sabi na mukhang kagigising lang. Kaya naman ay dali-dali kaming tumayo at agad naman kaming iginiya ni Bobbie papasok sa loob. "Mano po, pa!" Kinuha ni Bobbie ang kamay ng kanyang tatay pagkalapit at dinala sa kanyang noo upang magbigay galang. At pagkatapos ay saka naman niya kami ipinakilala. "Pa, mga kasama ko po. 'Eto po si Aleina Catrisse at siya naman po si Si—ah.. Flynn Kaizzer." Kamuntikan pa niyang makalimutan ang bilin kanina ni Sir Flynn na huwag itong tatawaging 'Sir' kapag nakaharap na ang tatay niya. "Magandang gabi po." Nagulat pa ako dahil nagkasabay pa kami sa pagbati ni Sir Flynn at dahil doon ay nagkatinginan pa kami. Ako din naman ang unang nagbawi ng tingin. "Magandang gabi naman sainyo," nangingiting tugon ng matanda habang hindi maalis-alis ang paningin sa amin. "Kaygwapo at kayganda niyo namang dalawa." Napangiti ako. "Salamat po." At bilang paggalang dito ay agad din akong lumapit para nagmano. "Mano po, 'tay." Pagkatapos ko ay nagulat na lamang ako nang nasa katabi ko na si Sir Flynn upang magmano rin sa tatay ni Bobbie. "Bless po, Sir," aniya na may nakapaskil pa na ngiti sa namamasa-masa at mapupula niyang labi. Saka muli na siyang umayos ng tayo at sandaling sumulyap sa gawi ko..ng nakangiti pa rin. Para na naman akong natameme sa gilid. Kung bakit tila lumulukso ang puso ko sa tuwing nakikitang ngumingiti ang lalaking ito. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. "Kaawaan kayo ng diyos, mga anak," tugon ng tatay ni Bobbie ng hindi rin mawala-wala ang ngiti. Mababakas sa mukha nito ang taglay na kabaitan. At kahit matanda na ay makikita pa rin dito ang kagandahang lalaki noong araw. Pagkuway, bumaling uli ito kay Bobbie. "Kaano-kaano mo ba areng mga gwapo't magandang kasama mo, 'nak?" Tanong nito sa kaibigan ko. Kasalukuyan namang lihim na nanunukso ang paningin ni Bobbie sa akin at kay Sir Flynn. Sumeryoso lamang ito nang lihim ko itong samain ng tingin. "Ah.. Mga k-katrabaho ko po sila, pa," anya. Isa iyon sa bilin ni Sir Flynn kanina na huwag sasabihin ang katungkulan niya sa aming dalawa. Tumango naman ang kanyang tatay. "Bale, dito po muna sila magpapalipas ng gabi sa atin kasi nasiraan po ng sasakyan si Si—F-Flynn." Kunwari'y napaubo pa dahil kamuntikan na naman siyang magkamali. "Hinatid po kasi nila ako dito sa atin kaso bigla na lang umusok ang makina ng sasakyan at tuluyang tumirik." "Gano'n ba.." Tumatango-tangong saad ng tatay ni Bobbie. Saka tumingin sa amin ni Sir Flynn na animoy humihingi ng paumanhin. "Ay, pasensya na kayo at naabala pa kayo nitong anak ko. Tuloy ay napahamak ang sasakyan niyo. Lubak-lubak pa naman ang kalsada dito at hindi man lang kasi inaayos ng gobyerno." "It's okay po. Ipapaayos ko na lang po iyon bukas. Ako naman po kasi ang nagpresintang ihatid ang anak niyo," tugon ni Sir Flynn. "Ay, gano'n ba.. Ngunit, pasensya pa rin, iho." Malungkot pa rin na paumanhin ng matanda. Pero, ngumiti si Sir Flynn dito kaya't muli ng umaliwalas ang mukha nito. Saka uli ito bumaling kay Bobbie. "Dito ba sila kamo magpapalipas ng gabi, 'nak? Nasambit mo kanina." "Opo, 'pa." Tumatango-tangong tugon ni Bobbie. "Ayos lang naman po saiyo, pa, diba?" Ngumiti ang matanda. "Abay, oo naman. Walang problema iyon." At muli na namang nabaling ang tingin nito sa amin ni Sir Flynn. "Matanong ko lamang, mga anak...Kayo ba'y magnobyo?" Nagulat ako sa naging tanong nito. Kamuntikan pa akong mabilaukan ng sarili kong laway! Papaanong natanong nito ang bagay na iyon gayong mukha akong lalaki sa suot ko? Gagi.. Nahihiya ako habang napapangiwi. "Ah.. H-Hindi po, 'tay.." Napayuko pa ako dahil ayaw kong makita ang mga reaksyon nila! "Bakit po, Sir? Bagay po ba kami ni Cat?" Tila niyanig ang tenga ko sa biglaang pagsabat ng lalaking nasa katabi ko at inaakbayan na ako! 'Cat?? At teka! Ba't ba nang-aakbay 'to?? "Aba'y.. bagay na bagay kayong dalawa." Hirit pa rin ng matanda. Minsan pang humagikhik. "Isang guwapo at isang maganda. Tiyak magiging maganda ang magiging lahi niyo." 'Gagi!!! Lamunin na ako ng lupa!!!! Wala pa sa bukabularyo ko iyon!' Para na akong naliligo sa sarili kong pawis! Pakiramdam ko rin ay pulang-pula na ako! At kung bakit ayaw pang tanggalin ni Sir Flynn ang braso sa balikat ko.. ay ewan ko! Tsk! Kabigat, pa naman! Mukhang ini-enjoy pa ang sandali! At nanginig ako nang dungawin niya ang mukha ko. "Do you hear that? Bagay daw tayo?" Saglit akong sumulyap sa kanya at kitang-kita ko ang malawak niyang ngiti sa mga labi. Napalunok ako. "Ah..eh..hehe." Iyon lang ang tanging nasambit ko bago umiwas ng tingin. Ngiwing-ngiwi na talaga ako! "Eeekkekeke..Hehehe! Bagay nga kayo. Hehehe!" 'Tsaka ko naman nilipat ang tingin kay Bobbie... Putsa! Sumakay din ang loko at tuwang-tuwa pa! Tsk! Kailan pa ako nito ini-ship sa mga lalaki?! Mukhang babae na ulit ang kaibigan ko, ah! Anang isip ko. Nakahinga naman ako ng maluwag ng tanggalin na ni Sir Flynn ang braso niya sa balikat ko. "O, siya't, dumito na muna kayo sa bahay. Delikado kung diyan kayo matutulog sa sasakyan. Baka mapagtripan pa kayo ng mga adik diyan, eh." Ani ng tatay ni Bobbie at saka ulit bumaling sa anak. "Ipagamit mo muna sa kanila ang kwarto mo, Barbie. Dito na lang tayong dalawa sa salas matutulog, ano?" Nakita kong ngumuso si Bob na ikinakunot ko ng noo. "Pa naman.. Bobbie kasi, eh." Gumigewang-gewang pa ang ulo habang nagpapapadyak pa ang mga paa. 'Gagi 'to! Akala ko pa naman ay ayaw pumayag na gamitin ko ang kwarto niya!' Bulong uli ng isip ko. "Iyon naman talaga ang pangalan mo, eh! May pa-Bobbie-Bobbie ka pa kasing nalalaman. Hehehe." Pangaasar ko. Gusto ko siyang bawian sa panunukso niya sa 'kin kanina. "Tsk! Pambabae kasi ang pangalan ko. Di bagay sa 'kin!" Anya na mas nilakihan pa ang boses habang nakaharap sa akin. Natawa ako. Actually, boses lalaki na talaga siya dati pa at bagay sa personality niya. Saka siya bumaling sa tatay niya na ngingisi-ngisi rin. "Pa, napagusapan na natin 'to, diba? 'Wag niyo na akong tatawagin sa gano'ng pangalan. Gusto ko, Bobbie, para cool!" Umaarte pang anya. Di na nahiya na nandito ang boss namin. Subalit nang mapatingin ako kay Sir Flynn ay nakangiti rin ito. At nagulat pa ako nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya! Gagi! Umiwas kaagad ako ng tingin. "Oo na. Sige na. Bobbie na kung Bobbie. Linisin mo na ang kwarto mo at ng makapagpahinga na areng mga bisita mo." Utos ng tatay niya. Sumangayon naman kaagad si Bobbie! Ngiting-ngiti na. "Opo, pa!" Saka lihim na sumulyap sa akin sabay tango. Sininghalan ko naman siya ng tingin at sumabat ako. "Uh.. D-Diyan na lang ho ako sa mahabang upuan matutulog, 'tay. Si Si—aw! F-Flynn na lang po doon sa kwarto ni Bobbie. Ayos na po ako diyan." Itinuro ko ang upuang kawayan sa may maliit ngunit malinis nilang sala. Napangiwi pa ako dahil bigla kong nakagat ang dila ko. Tsk. 'Kung bakit ba naman kasi ayaw patawag ni Sir Flynn ng Sir!' Naiinis kong bulong sa isip. "No. Babae ka at doon ka na sa room. Ako na lang diyan sa sofa," sabat naman ni Sir Flynn kaya't napalingon ako sa kanya. Bigla naman akong nagsisi dahil muli kong nakita kung papaanong kuminang ang mga mata niya. Bigla na lang kasing lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa tuwing nakikita ko ito. "A-Ayos lang po talaga sa 'kin. Ikaw na lang po sa kwarto." Giit ko. Nakakahiya naman kasi kung dito sa sala namin siya patutulugin ni Bobbie. Boss namin siya. Di bale ng ako na lang ang magtiis na matulog sa upuan, sanay naman ako. "Ako na lang po dito sa upuan." Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at saka inilapit ang bibig sa tenga ko. "Can you remove your 'po' when you talk to me infront of Miss Gomez's dad, hmm?" Saka siya lumayo ng nakangisi. Tila nanunuot pa rin ang gwapong boses niya sa tenga ko! Nakakakiliti iyon.. Grabe! Para akong nangilabot! "Eherm.." Dinig ko naman ang mahinang tikhim at nanunuksong si Bobbie. Gustuhin ko mang singhalan ito ng tingin ay hindi ko magawa dahil titig na titig sa akin ang lalaking nasa tabi ko! "Ah, beb! Si tatay ang natutulog diyan sa mahabang upuan. Pasensya ka na. Doon ka na lang sa kwarto. Kayong dalawa ni Flynn. Kung nahihiya ka namang makatabi si Flynn, eh, di... do'n ka na lang sa sahig. Bibigyan kita ng banig," nakangiti niyang suhestyon. Pinagisipan ko naman ang naging suhestyon niya habang hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. "Pagisipan mo, beb. Hehe. Iwan ko muna kayo diyan at lilinisin ko lang ang kwarto ko," paalam pa ni Bobbie at iniwanan pa ako ng nanunuksong tingin. Putsa! Nakakainis ka gagi! Napapalunok na lang akong tumango may-maya. "Sige p— I mean, s-sige. D-Doon na lang din ako sa kwarto. Pero.. sa kama ka at sa sahig na lang ako." Mukha din akong tangang nauutal. Nakakahiya tuloy. Umiling si Sir Flynn. "Sa kama ka at ako na lang sa sahig. Final decision," anya. Hindi na ako umapela pa. May magagawa pa ba ako? Siya ang batas, eh! Hawak niya pati desisyon ko kasi baka bigla niya na lang akong tanggalin sa trabaho kung magiinarte pa ako. "O, siya! Lumalalim na ang gabi at magpahinga na tayo," ani ng tatay ni Bobbie na naupo na sa mahabang upuan na gawa sa kawayan at mahihiga na sana subalit nahinto ito nang tila may naalala. Muli itong napatayo. Pinaglipat-lipat nito uli ang paningin sa amin. "Kayo ba'y nagsikain na?" Nagkatinginan naman kami ni Sir Flynn. Pero, ako ang unang nagbaba ng tingin saka bumaling sa matanda. "Hindi pa po, eh," tugon ko. Hindi ko naman kailangang magsinungaling na busog ako gayong nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura ko. "Ay, ginoo ko! Hamo't maiwan ko muna kayo diyan at magluluto ako ng ginisang sardinas. Iyon lang kasi ang nandirito. Wala na rin kasing bukas na tindahan. Maaga silang nagsasara," anito at tatalikod na sana nang pigilan ito ni Sir Flynn. "Don't bother po, Sir. I'm full," Bigla namang nangunot ang noo ng matanda. Mukhang hindi naintindihan ang sinabi niya. "I mean.. Huwag na po kayong magabala, Sir, busog pa naman po ako." Pagta-translate niya sa unang sinabi. "Gano'n ba.." Tumatangong tugon ng tatay ni Bobbie. Ngunit, nabaling ang paningin nito sa 'kin. "O, siya't para na lang saiyo, ineng, ang iluluto ko." Ngumiti ako dito. "Salamat po, 'tay." "Mang Kanor.. Iyon na lang ang itawag niyo sa akin." Saka ngumiti. "S-Sige po.. Mang Kanor." Nakangiting tugon ko. "O, siya't maupo muna kayo diyan at maiwan ko na muna kayo." Saka na ito nagpaalam at tumungo sa maliit nilang kusina. Kung kaya't pagkakataon na rin naming makaupo sa medyo luma na nilang upuan. Nangangalay na rin kasi ang mga binti ko. At saka na nga ako naupo at iniunat ang namamanhid ko ng paa. Pagod na pagod na kasi iyon sa maghapong pagtatrabaho sa restaurant. Kaming dalawa na lang ang naroon at alam kong nakatingin siya sa 'kin. Naiilang ako sa kanya kaya hindi ko magawang salubungin ang bawat titig niya. Ewan ko ba kasi kung anong nakikita niya sa akin at medyo natutulala pa siya. 'Baka naman isipin niya ay ginagayuma ko siya? Tsk! Gagi..' Nagulat ako nang tumabi sa akin si Sir Flynn. 'Yong halos ga-hibla na lang ang pagitan namin. Para tuloy akong nanigas sa kinauupuan. Subalit, ayaw ko namang ipahalata. Nakakahiya, eh! "Nahihiya ka ba sa 'kin, Cat?" Maya-maya'y tanong niya. 'Cat?? Huwow! Feeling close lang, ah??' Tugon ko sa kanya sa isip ko. Inangat ko naman ang paningin sa kanya at sa muling pagkakataon ay nagkatitigan kami. Saka ako bahagyang tumango. "Opo, Sir.." Mahina kong tugon. "Why?" Seryoso niyang tanong habang hindi niya inaalis ang paningin sa 'kin. Hindi ako ako kaagad nakasagot sapagkat hindi ko alam ang sasabihin. Kung kaya't, kumibit na lang siya ng balikat at saka ngumiti. "Hindi mo kailangang mahiya sa 'kin. Isipin mo na lang na ordinaryo lang akong tao. Hindi celebrity at hindi boss mo." "Po? Ah.. Mahirap po iyon. H-Hindi po maiiwasang isipin 'yon. Kahit po kasi bali-baliktarin natin ang mundo ay sikat kayo at kayo ang boss namin ni Bobbie. Nakakahiya naman po kung tatratuhin ka namin na parang ka-level lang namin." Medyo napapaiwas ako ng tingin sa kanya. Nakakailang kasi ang titig niya. Nagulat na lamang ako nang kunin niya ang mga kamay ko at marahang pinisil iyon! Hindi ako nakakilos. Tila nanigas ang katawan ko at tila nagkakarera sa bilis ng kabog ang dibdib ko! Parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa katawan ko na di ko mawari dahil maging ang talampakan ko ay tila kinikiliti! Putsa! "I like you.. And, I mean it." Namilog ang mga mata ko at halos hindi na ako kumurap pa nang ilapit niya ang mukha niya sa akin! "I can't resists your beauty the first time I saw you and now I can't resists your lips.. It's so inviting.. Can I taste it?" Hindi ko magawang magsalita! Nanginginig ang buong kalamnan ko sa sobrang kaba! Ga-pulgada na lang ang layo ng mga mukha namin nang may biglang tumunog sa labas na siyang nakapagpapitlag sa amin! Gulat kaming napahiwalay sa isa't-isa kaya't muling umaayos ang daloy ng dugo't-paghinga ko. Napayuko ako para itago ang pamumutla ko! Para akong aatakihin sa puso! Grabe! Pero ang nakakabigla din sa akin ay kung bakit hindi man lang ako umaatras!? Hinintay ko pa talagang lumapit ang labi niya sa 'kin! Lihim kong nakagat ang pangibabang labi ko. Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumayo si Sir Flynn at dumungaw sa labas ng bahay habang nakatayo sa may hamba ng pintuan. Sa labas kasi nanggagaling ang kumalabog kanina. Saka ko naman naalalang nasa labas pala ng bahay ang mamahalin niyang sasakyan na pinagtulong-tulungan pa naming itulak kanina. "I think someone is trying to get inside my car," anya habang nakatanaw sa labas. Kinabahan ako kung kaya't napatayo na rin ako at nakidungaw sa pinto. Nga lang, maliit ang pintuan kaya't halos magkatabi kaming nakabalandra doon. Hindi ko na lang pinansin. Curious kasi ako sa kung anuman ang nangyayari sa labas! Pilit kong inaaninag ang sasakyan at wala naman akong makitang iba doon. Maliwanag naman ang ilaw sa balkonahe kaya abot ng liwanag nito ang pwesto kung saan nakatirik ang mamahalin niyang sasakyan. "Baka po pusa lang iyon," sabi ko habang nakatingin pa rin sa sasakyan. "Yeah. I think so," anya. Saka ko siya binalingan at tiningala. Hanggang balikat niya lang kasi ako kaya't nakatingala ako sa kanya. Dinungaw niya naman ako. Nakaramdam naman ako ng pagkailang kaya medyo umatras ako. Pilit kong nilalabanan ang mga titig niya. "W-Wala naman po sigurong maglalakas-loob na pasukin 'yan." "I hope so." Saka siya ngumiti sa akin ng pagkatamis. Nakatingin siya mga mata ko at bumaba iyon sa mga labi ko. Kinabahan ako nang maalala ang ginawa niya kanina. Kamuntikan niya na pala akong mahalikan! Lalakad na sana ako patalikod sa kanya nang mabilis niyang nahawakan ang braso ko. Tinambol ng malakas ang dibdib ko. Napatingin muna ako sa kamay niya bago ko dahan-dahang inangat ang paningin sa mukha niya. At sa isang kisap-mata ay nakulong niya ako sa matitipuno niyang braso at saka niya idinampi ang mapupula niyang labi sa labi ko! Napigil ko ang paghinga! Mulat na mulat ang mga mata ko sa sobrang kabiglaan. Ngunit, dahan-dahan akong pumikit nang masuyo niya ng igalaw ang mga labi sa ibabaw ng labi ko. Napasandal pa ako sa dingding dahil dalang-dala na ako sa bawat sensasyong idinudulot ng bawat paggalaw niya. Hawak na niya ang magkabila kong pisngi at ramdam ko ang panggigigil niya sa labi ko. Hanggang sa unti-unti na iyong lumalalim.. Lumalim ng lumalim.. Subalit natigil siya nang rumagitnit ang pintuan. Sabay kaming kumawala sa isa't-isa at nagpanggap na walang nangyari! Maya-maya'y lumabas sa kwarto ang tagaktak sa pawis na si Bobbie. "May narinig akong kumalabog sa labas. Kaso tinapos ko muna 'yong paglilinis ko bago ako lumabas," ani Bobbie habang papalapit sa amin ni Sir Flynn. Nagtatanong ang mga mata at pinagmamasdan kami na animoy nagtataka. "Ano 'yong kumalabog?" "There's a cat. Tumalon sa bubong ng sasakyan ko," si Sir Flynn ang sumagot. Tumango-tango naman si Bobbie. Saka ito matagal na tumingin sa akin. Pinandilatan ko naman ito ng mga mata ko. "Bakit parang nakakita ka ng multo diyan? Namumutla ka, ah!" Pinakatitigan pa ako sa mukha. Agad naman akong umiwas. "Ah.. A-Akala ko kasi kung ano na 'yong kumalabog, eh. N-Natakot ako syempre," sagot ko ng hindi tumitingin dito. Sobrang lakas pa rin kasi ng t***k ng puso ko. Subalit, mukhang hindi kumbensido ang kaibigan ko dahil hindi matinag ang paninitig nito sa akin. Mukhang sinusuri pa ang kabuuan ko. Nagulat ako nang biglang umakbay sa akin si Sir Flynn at marahan pang pinisil ang magkabilang balikat ko. "Pusa lang 'yon.. Don't be scared.. I'm here, okay?" Aniya at dinungaw pa ang mukha ko. Muli na naman akong nangilabot dahil doon! At nang tumingin ako kay Bobbie, ang nanunuksong mga mata nito ang siyang sumalubong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD