CHAPTER 2

3422 Words
"I AM FLYNN Kaizzer Segovia, you can just call me Sir Flynn. And, I am not here as a celebrity but I am here to introduce myself to you that I am now the new owner of this restaurant." Maawtoridad na pagpapakilala ng bago naming boss. Hiyawan, palakpakan at tilian ng mga naroon. Maliban sa akin. Hindi kasi ako makapaniwala na makakaharap ko siya sa personal at magiging boss ko pa! Legit. Siya na nga ang may ari nitong pinagtatrabahuhan ko. Wala ng duda. Isa-isa niya kaming tiningnan, mula sa limang chef, sa nasa sampong assistant crew sa kitchen, sa mga dishwashers, sa mga utility, sa mga cashers at huli sa aming mga waiter at waitress. At, kamuntikan pa akong mabilaukan ng sarili kong laway ng matigil ang tingin niya sa 'kin. Matagal.. At parang inaarok pati ang kaluluwa ko. Hanggang na sa akin na rin ang paningin ng lahat ng mga kasamahan ko. Hindi ko alam kung bakit. "Ahem." Nagpasalamat ako sa malakas na tikhim na iyon ng manager kong binabae. Nalipat dito ang mga matang umaarok sa akin kanina. Maging si Sir Flynn ay nakuha din nito ang atensyon. Nakahinga ako ng maluwag! "Ah.. Eh, ahm. S-Sorry. I-I was just curious why you staring at Miss Monteverde, Sir Flynn. May I know why? Maybe, I can help," maarte nitong mungkahi. Para na naman akong inulos sa kinatatayuan nang muling tumingin sa akin ang lalaking nasa harapan. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ako makagalaw! Ano bang nangyayari sa 'kin?? Lihim ko tuloy na nakurot ang tagiliran ko. Napalunok ako nang ngumiti ng pagkagwapo-gwapo ni Sir Flynn habang nakatingin pa rin sa 'kin. "I like her," anya na ikinasinghap ng mga kasamahan ko at tila mga bubuyog na nagbulungan sa tenga ko. Ako naman ay tila binuhusan ng isang tangke ng yelo. Awang ang bibig at parang huminto ang t***k ng puso ko. "Ah? Haha!" Pekeng tumawa ang manager ko. Kunot ang noong tumingin sa 'kin. Saka, inilipat ang tingin sa boss namin. "W-What do you mean.. You like her, Sir?" Subalit, ngiti lang ang itinugon ni Sir Flynn sa manager namin. At saka ipinagpatuloy ang pagpapakilala at isinalaysay sa amin ang nais niyang mangyari sa restaurant. "To make it clear, mananatiling SPORKY ang pangalan ng restaurant. Hindi ko na ito papalitan dahil nakilala na 'to ng madla. Hindi na rin ako magbabawas ng mga empleyado bagkos ay magdadagdag pa ako. Within a month ay magkakaroon na tayo ng mga branch at doon ko ilalagay ang mga newly hired employee and some of our senior employee." Muli siyang tumingin sa amin isa-isa. "I confidently believe that we will be getting bigger and bigger until the world knows our restaurant. Just keep doing your job well and let's work together with a smile!" Mahabang pahayag ni Sir Flynn. "Yes, Sir!" Sabay-sabay naming tugon. "Okay. So, let's start now and go back to your designated post. Glad to meet all of you. Dismissed." Bago pa tumalikod ni Sir Flynn ay lumipad muna ang tingin niya sa akin. Sa huling pagkakataon ay iniwan niya ako ng nakakaakit na ngiti na nagawa ko pang dalhin hanggang sa matapos ang araw at makauwi ako sa bahay namin. Nang makapasok ako sa sarili kong kwarto ay doon ko lang sinariwa ang mga ngiti at tinginang iyon ni Sir Flynn. Ngayon lang din ako tuluyang natulala. Kanina sa trabaho ay magkailang beses pa akong nabundol at mahulugan ng dala-dalang pagkain sa hawak na tray kakaisip sa lalaking iyon. Tumataas na nga rin ang kilay ng manager at supervisor ko dahil sa hindi ako makapag-concentrate sa trabaho. Mabuti na nga lang din dahil mukhang malakas ako sa bago naming boss. Parang gusto kong matawa na ewan! At saka muling lumitaw sa balintataw ko ang sinabi ni Sir Flynn na gusto niya raw ako... "Tsk! Siraulo ba siya?! Ngayon niya lang ako nakita tapos sasabihin niyang gusto niya ako?? Ano kaya 'yon!?" Bigla kong naisigaw. "Hoooyy! Hala! Sino 'yang nagkakagusto sa'yo, ha?" Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Sweetzel sa kwarto ko. Kinalampag pa niya ang balikat ko. Siniringan ko siya at tinabig ang kamay. "Wala!" Saka namaluktot sa hinihigaan. Nangunot ang noo ko nang lumigid siya sa kama at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Wala, ah?Aminin mo! Aminin mo! Aminin mo!" Bulyaw niya sa 'kin. Muli kong tinabig ang mga kamay niya. "Huwag mo nga akong hawakan! Nanlalagkit pa ako! Dumagdag pa sa init ng katawan ko ang mainit mong palad, eh!" Napabuga ako sa hangin nang dumistansya nga siya sa 'kin. "Sabihin mo na kasi sa 'kin kung sino 'yong nagkakagusto sa'yo kamo nang matigil na ako kakukulit sa 'yo, diyosang tibo ka!" Sinimangutan ko siya dahil muli ko na namang narinig ang palayaw niya sa 'kin. "Hindi nga ako tibo! Tsk!" Singhal ko sabay irap pa. "Hindi raw pero ayaw namang magpaligaw! Psh!" Bubulong-bulong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Bigla siyang natawa. "Dali na kasi! Ayaw pa kasing sabihin, eh." Tinapik-tapik pa niya ako sa braso. Suko ako sa pangungulit nitong si Sweetzel kaya't agad din akong napapaamin. Malalim akong napabuntong-hininga at saka bumangon sa kama. Ipinagkrus ko pa ang mga braso ko at tiim akong tumingin sa kanya. "Si Flynn Kaizzer Segovia.. Siya ang bagong boss ko at sinabi niya kanina na gusto niya ako sa mismong harapan pa ng mga kasamahan ko. Hindi ko alam kung bakit niya 'yon nasabi. Papaanong gusto niya agad ako gayong ngayon niya lang ako nakita? Is it because of my looks? Dahil ba sa maganda ako? Tsk! Gano'n ba ang lagi niyang sinasabi kapag nakakakita ng magaganda tulad ko?" Tuloy-tuloy kong kwento habang ang kaharap ko naman ay halos tumulo na ang laway sa sobrang pagkakaawang ng bibig niya. Kasabay pa ng pamimilog ng mga mata niya! Nginiwian ko siya at marahang binatukan. "Ang oa mo! Alam mo ba 'yon, ha?" Kung ilang beses pa siyang napalunok at kumurap-kurap na tila ba namamalikmata sa akin. Tatalikuran ko na sana siya para pumunta ng banyo nang hilahin niya ako sa kamay at muling pinaupo sa kama. Dinuro pa niya ako gamit ang mapipilantik niyang daliri. "Damn, girl! Oras mo na para magkaroon ng boyfriend! Si Flynn iyon! Si Flynn Kaizzer Segovia na isa sa mga tinitilian ng madla!" Anya at nagtitili pa. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "So? Eh, ano ngayon? Ako ba ang manliligaw sa kanya dahil lang sa sinabi niyang gusto niya ako? At para magkaroon na rin ako ng nobyo? Gano'n? No way! At saka, sasakit lang ang ulo ko kapag naging boyfriend ko 'yon," sabi ko saka humalukipkip. "Eh, bakit naman? Proud ka pa nga dapat, eh! Psh! Mabuti ka pa nga unang kita pa lang sa'yo ni Flynn ay nagustuhan ka na niya! Samantalang ako? Ni hindi man lang ako nagagawang pansinin ni Drake Kimpner kahit pa yata ibalandra ko ang katawan ko sa kanya!" Tila iiyak na. Para namang naawa akong bigla sa huling sinabi niya. Oo, matagal na siyang nagkakagusto kay Drake Kimpner pero ni hindi nga raw siya nito pinapansin. At sa sobrang dami na nakapalibot na babae rito, napaka-imposible nga na mapansin pa siya nito. "Malay mo naman biglang tamaan 'yon ng pana ni kupido at mahumaling din sa'yo." Pagpapalubag loob ko. Malawak na ang ngiting nakipag-apir pa siya sa 'kin. "Naway magdilang-anghel ka sana, friend! Hihihi! I can't wait being called his girlfriend.. Yiieehhhh!" Tila pa namimilipit sa kilig. "Mangyayari 'yon! Mark my word." Nginisihan ko siya at saka na ako bumangon para pumunta na ng banyo. "Mark my word too, friend! Ngayong napansin ka ng isa sa mga Segovia... Lagot ka! Hindi ka niyan tatantanan! Kaya naman, humanda ka na! Hahaha!" Parang tangang tumawa hanggang sa tuluyan na siyang makalabas at iniwang bukas ang pinto. Napailing-iling naman akong pumasok sa banyo at matagal na naligo. Kung dati ay hindi ako nagbababad sa tubig, ngayon ay parang naiinitan pa rin ako. Parang hindi natatanggal ng malamig na tubig ang init na nararamdaman ko. At hindi ko alam kung ano ba ang tawag dito.. Ilang oras na akong nakahiga sa kama at halos nananakit na nga ang mga mata ko subalit hindi pa rin ako makatulog. Ano't hindi nawawala sa isip ko ang sinabing iyon ni Sweetzel? 'Mark my word too, friend! Ngayong napansin ka ng isa sa mga Segovia... Lagot ka! Hindi ka niyan tatantanan! Kaya naman, humanda ka na! Hahaha!' Anong ibig niyang sabihin? Na ngayong napansin ako ni Sir Flynn ay hindi na ako nito tatantanan? Bakit? Tsk. Kinuha ko na lang uli sa bag ko ang cellphone ko saka in-open ang Twitter account ko. At doon nakita ko na top 1 trending ang hiwalayan ng magasawang parehong musician. Top 2 naman sa trending topic ang tungkol sa mabilisang pagproseso ng annulment case ng parehong sikat na artista. Nasa ika-3rd spot na lang ang tungkol kay Candice Samonte. Puro hiwalayan.. Tsk. Tsk. Tsk! Muli ko ng in-off ang cellphone ko. Nainis ako dahil nadagdagan lang ng mga iyon ang stress ko. Hindi ko alam kung anong oras ba ako nakatulog. O baka nga hindi naman ako nakatulog, eh. Pinahinto ko na sa katutunog ang alarm clock ko. Nangangalumata ako pagbangon ko sa kama at pasuray-suray kong tinakbo ang banyo. Nananakit ang sintido ko grabe! Kaagad akong naligo at mabilis na isinuot ang uniporme. Naglagay din ako ng kaunting make up sa mukha ko para matakpan ang pangingitim ng mga talukap ko. Saka ko na kinuha ang back pack ko at lumabas na ng kwarto. "Starting from now, friend, shoulder bag or sling bag na ang dalhin mo. 'Wag na 'yang back pack na laging dala mo. Kinabog mo pa si dora, eh! Hehe," ani Sweetzel na nakaabang sa may hagdan, bihis na bihis din. Inilingan ko siya habang papalapit sa kanya. "Dito ako kumportable. 'Tsaka, hindi magkakasya sa mga bag na sina-suggest mo sa 'kin ang mga gamit ko. Lalo na 'yong high cut ko. Malaki 'yon, eh." "Psh! Kung bakit ba naman kasi nagdadala ka pa ng mga iyon. Hindi ka ba makauwi ng ganyan uli ang suot?" Muli akong umiling. "Naglalakad lang ako pagumuuwi, 'diba? Kung ganito pa din ang suot ko baka habulin lang ako ng mga manyakis sa kanto!" "Psh! Nga naman.. May point. Pero.. Bakit nga ba naglalakad ka? Ang tipid-tipid mo talaga," napapailing din niyang sabi. Kumibit ako ng balikat. "Kailangan, eh. Nagiipon ako ng pera para maipagawa ko ng magandang bahay ang lola ko sa probinsya. Kung gagastahin ko lang ang pera ko, anong maiipon ko?" Hindi na siya nagsalita sa sinabi ko. Tumango-tango na lang siya. "Sige na at baka ma-late pa ako. Mahirap na at baka mawalan pa ako ng trabaho." Tinalikuran ko na siya. Subalit, hindi pa nga ako nakalalabas ng pinto ay muli siyang nagpahabol ng salita. "Kahit pa ilang oras kang ma-late, hindi ka tatanggalin ni Flynn sa trabaho mo, friend! Baka nga ilipat ka pa niya ng pwesto, eh. Ilipat ka doon sa pwesto na minu-minuto kang nakikita! Yieeehhh! Goodluck, friend!" Inilingan ko na lang siya at kinawayan. Gusto kong kiligin sa mga sinasabi ni Sweetzel pero kapag naiisip kong baka masyado lang kaming ilusyunada ay para na akong binubuhusan ng malamig na tubig. Imposible para sa isang katulad ni Sir Flynn na magkagusto sa isang katulad ko na waitress lang. At kung mangyari man na magkagusto nga siya sa 'kin, hindi ko pa rin hahayaang mahulog agad ang loob sa kanya at agad na magtiwala. Mahirap na. Pagdating sa restaurant ay maayos ko ng ginawa ang trabaho ko. Polidong-polido at ipinukos ko ang sarili ko. Inalis ko muna sa isipan ko ang mga taeng basta na lang sumasagi sa utak ko. "Table 7. 2 Roasted chicken, 3 beef steak, 2 special cordon blue, 3 sliced of strawberry cake, 3 choco crumble and a big bowl of java rice. Serve it with a nice poise and smile." "Tsk." Nakangisi kong kinuha ang dalawang tray at isahan kong dinala iyon sa isang grupo na naghihintay naman ng kanilang order. Mga lalaki iyon at tila mga bigatin. "Here's your order, gentlemen." Inilapag ko ng dahan-dahan ang dalawang tray sa mesa at saka inayos iyon. Maingat kong inalis sa tray ang mga pagkain at isa-isang inilapag ang mga bandehado sa mesa. Nagtataka at hindi naman makapaniwalang nakatingin ang mga ito sa akin. "How did you carry those heavy trays, lady?" Tanong ng isa sa pinakabatang naroon. Nagtataka at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin at sa mga pagkain. "Trained lang po ako, Sir," nakangiti kong tugon. "You're very strong, miss. Anyway, here's your tip." Saka inabot sa 'kin ang dalawang libo. Ayaw ko sanang tanggapin iyon dahil napakalaki no'n. Pero, nagpumilit naman ang lalaki. "Just keep it. It will help you. Don't worry. Barya lang 'yan sa 'kin," anito pa. Kaya kinuha ko na lang. "Thank you po," pasalamat ko. "Tawagin niyo na lang po ako kapag may bago po kayong order." Nakangiti naman itong tumango. At saka na rin ako sumibat patalikod. Nangingiti akong lumapit sa kasama kong boyish dala ang malaking tip na binigay sa 'kin. Pagkalapit ko ay agad kong ipinakita ang hawak na dalawang libo. Iwinagayway ko pa iyon sa harap niya. Namilog naman ang mga mata ni Bobbie. "Ba't ba ang swerte mo ngayon, beb! Una, si Sir Flynn na mukhang nagka-crush sa'yo tapos ngayon malalaking tip naman galing sa mga costumer natin? Aba, ah?" Napalitan ng simangot ang ngiti ko dahil sa una niyang nabanggit. Okay na sana 'yong tungkol na lang sa tip kaya swerte ako. Tsk. Kung bakit, dinamay pa 'yong isa! Hayss. "O, bakit di ka na umimik diyan? Palibre ka naman mamaya, beb!" Umiling ako. "Saka na. Kapag nakapag-pagawa na ako ng bahay ng lola ko. Hehe," nangingiti kong itinago ang pera sa bulsa ng skirt ko. "Ang kuripot mo talaga! Kahit isang bucket lang, eh!" Tinawanan ko lang siya at saka ako pumunta ng banyo para magbawas ng tubig sa katawan. Para namang nakaramdam ako ng kaginhawahan ng mailabas kong lahat iyon. Muli na akong bumalik sa pwesto ko. Hinintay na may tumawag para sa panibagong order at sa mga hihingi na ng bill. Hindi ko gawain ang pagdi-dish out dahil may ibang gumagawa no'n ngunit tumutulong pa rin ako kapag nababakante ako. Ang sigla ko ngayon sa trabaho! Lumipas ang ilang oras ko sa trabaho ng maayos at nakarami ng nakolektang tip. Malaking tulong din iyon para maidagdag ko sa ipon ko. Hindi rin naman masama ang tumanggap no'n, eh. At, mukhang hindi na rin ako nakaka-encounter ng mga bastos kagaya ng dati. At, ipinagpapasalamat ko din iyon. Pumunta na ako ng locker ko at kinuha ang bag. Saka ako tumungo sa dressing room para magbihis. Black jogger, black shirt, black cap at black high cut shoes—iyon mismo ang suot ko. "Angas mo talaga kapag ganyan ang suot mo, beb!" Ani Bobbie na lagi kong nakakasabay hanggang paglabas ng building. "All black! Paboritong-paborito mo talaga ang black, eh, 'no? Hulaan ko, underwear mo black din?" Natatawa akong tumango kaya natawa na rin siya. Papalabas na kami ng gate nang may humintong itim na sasakyan sa harapan namin. Bigla kaming nagkatinginan ni Bobbie. Kinabahan. Subalit, nang bumukas ang salamin sa bintana ng sasakyan ay halos sabay din kaming nakahinga ng maluwag. Pero, para muli na namang bumilis ng t***k ang dibdib ko! "Good evening po, Sir Flynn!" Bati ni Bobbie sa boss namin na tila binibisto kami. "Hehe. Kami po ito. 'Yong mga waitress mo po sa restaurant." Nakangiti ng tumango si Sir Flynn kay Bobbie at saka lumipad ang tingin sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka muling ibinalik ang tingin sa mukha ko. Sapilitan na akong ngumiti. Kabastusan naman kasi kung hindi ko ito babatiiin. "Hello po! Good evening po, Sir Flynn." Ikinaway ko pa ang isang kamay ko. "Why are you wearing all black, Miss Monteverde?" Nangingiti niyang tanong. Sinuyod pang muli ang suot ko mula sa pangitaas hanggang sa sapatos ko. "But, you look cool. I like it." Humagikhik naman sa tabi ko si Bobbie. Hindi ko na nagawa pang sumagot sa una niyang tanong dahil sa nagustuhan din naman niya ang style ko. Di ko na kailangan pang magpaliwanag. Nagulat na lang kami nang bigla siyang lumabas ng sasakyan at lumapit sa amin. Tila nanigas ako sa kinatatayuan. Nanayo din bigla ang mga balahibo ko. "Where are guys going?" Tanong niya. Na sa akin ang paningin. "Pauwi na po kami, Sir Flynn. Bale, ako naghihintay po ng masasakyan at si Cat naman ay maglalakad lang po papunta sa kanila," sagot ni Bobbie. "Maglalakad ka?" Tanong niya sa akin. Nagtataka. "Ah.. Y-Yes, Sir." Hindi ko magawang tumingin kay Bobbie para pukulin ito ng tingin. Tsk. Kung bakit kasi nasa akin ang paningin nitong gwapong mamang ito sa harapan namin! "Bakit ka maglalakad? Come! Ihahatid na kita. Sumabay ka na sa 'kin," anyaya niya at nagawa pang ilahad ang isang kamay sa akin. Siya namang ikinatili ng tomboy na si Bobbie! Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung aabutin ko ba ang kamay niya! Hindi ko alam kung papayag ba akong sumabay sa kanya! Hindi ko alam kung anong ikinararambol ng tiyan ko at parang natatae ako! "Don't be shy. Come on! Kayong dalawa ang ihahatid ko." Hindi ko na nagawang tumanggi pa nang halos kaladkarin na ako ni Bobbie papasok sa sasakyang kasalukuyan namang binubuksan ni Sir Flynn. Hindi ko rin alam kung namamalikmata lang ba ako nang makita kong kinagat ni Sir Flynn ang labi niya nang maupo ako sa katabi niya. "Ikaw muna Miss Gomez ang ihahatid ko dahil mas malayo ka kamo." "Okay po, Sir! Hehe!" Tuwang-tuwang sagot ni Bobbie sa likuran. Ako naman ay tila hindi na humihinga sa harapan. Mukhang magkaka-stiff neck pa ako dahil nasa labas ng bintana lang ang paningin ko. Nahihiya ako ng sobra! Nakakailang din dahil ngayon lang ako nakasakay ng ganito kagandang kotse! Kung Lamborghini ba tawag dito, ewan ko! Mabilis na nakarating ang sasakyan sa itinurong dereksyon ng bahay nila ni Bobbie. Ngunit, dahil sa lubak-lubak iyon ay nahirapang mag-adjust ng sasakyan. Kaya naman, biglang umusok ang unahang bahagi ng kotse at tumirik iyon. Napatampal sa noo si Sir Flynn. At gayon na lang din ang hiya sa mukha ni Bobbie. Pero, hindi naman kami masisisi ni Sir Flynn dahil siya mismo ang nagboluntaryong maghatid sa 'min. "S-Sir.. Nasira po yata ang sasakyan niyo dahil san kalsada namin. P-Pasensya na po." Halos mangiyak sa tabi ni Bobbie habang nagkukutkot ng mga kuko sa likod. "May malapit bang talyer dito o may kakilala kang nagaayos ng sasakyan?" Tanong ni Sir. "Malayo po dito ang talyer, Sir, eh. 'Tsaka, wala rin po akong kakilalang nagaayos ng sasakyan dito. P-Pasensya na po ulit, Sir. Kasalanan ko po ito." Agad kong kinuha sa bag ang cellphone ko para sana tawagan ang kaibigan kong mekaniko.. Pero, nadismaya ako nang makitang walang signal ang network ko! "Bob, mahina ba ang signal dito sainyo?" Tanong ko. "Tatawagan ko sana si Donny." "Oo, beb. Kaya nga naakyat pa ako ng bundok para makahanap ng signal, eh." Kumakamot sa ulong sagot ni Bobbie. "Who's Donny?" Nagulat ako sa biglaang sabat ni Sir Flynn. Gulat din tuloy akong napaharap sa kanya. "Ahm.. K-Kaibigan ko po, Sir. Papupuntahin ko sana para ayusin ang sasakyan niyo. Kaso, wala naman palang signal dito." Dahil madilim na ang paligid ay hindi ko maaninag ang mukha ni Sir. Malalayo din ang poste ng ilaw at natapat pa kami sa kalsadang walang ilaw. Kinikilabutan din tuloy ako. "Even my phone has no cignal," ani Sir Flynn at bahagyang lumapit sa akin. Para naman akong tuod na hindi makakilos. "This is too far from the main road and it looks like there's no car passing by. How can we go home, Miss Gomez?" "Dito na lang po kayo magpalipas ng gabi, Sir. Malinis naman po ang bahay namin at tatay ko lang po ang kasama ko," suhestyon ni Bobbie na labis kong ikinatutol. "Lalakarin ko na lang pabalik hanggang sa amin, Bob. Maaga pa naman, eh," sabi ko habang isinusukbit na ng maayos ang bag sa likuran ko. "No. We'll stay here for a night. Delikado para sa katulad mong babae na maglalakad pa sa gabi. Don't make me worry, Miss Monteverde," ani Sir Flynn. Hinawakan pa ako sa braso. Tila naman akong nakuryente sa simpleng hawak niyang iyon sa braso ko. Kaya, lihim kong inilayo ang katawan ko ngunit para namang de magnet ang kamay niya at nadidikit pa rin sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD