CHAPTER 1

2748 Words
"RELATIONSHIPS are very simple. There are only two things that can happen. You either get married or your break up," ani ng sikat na artista habang ini-interview ito sa isang sikat na tv show. Mababakas sa mukha niya ang lungkot at sakit sa paghihiwalay nila ng nobyong nahuli niyang may kasamang babae sa bar at naghahalikan. "But what if you still love him and he felt the same way, is there a chance na magkabalikan kayo?" Tanong uli ng interviewer. Matagal na hindi nakasagot ang babaeng artista. Hindi ko alam kung anong iniisip niya dahil nagsisimula ng tumulo ang luha sa mga mata niya at dumaloy sa makikinis niyang pisngi. "I-I think.. I.. think, yes," sagot ng babaeng artista. Sa inis ko ay bigla kong hinablot ang remote ng tv at inilipat ko ito sa ibang channel! Basta na lang akong pumindot ng numero doon ng hindi natingin sa screen! "Ang tanga niya! Ang tanga-tanga!" Inis kong singhal. Naitapon ko pa ang yakap na unan sa estante. "Niloloko na nga siya at nahuli pa niya sa akto na may ibang babae ang jowa niya tapos babalikan pa niya?? Dahil mahal pa niya?? Ang engot niya! Kung sa akin 'yon, sapok ang aabutin sa 'kin ng lalaking 'yon! Tsk! Kung bakit ba naman kasi may mga babaeng nagtatanga-tangahan at tino-tolerate ang panggagago sa kanila! Tapos iiyak-iyak bandang huli! Kaya ayaw kong mag-boyprend! Hindi pa man ako nagkakaroon, natu-trauma na ako!" Sigaw ko na halos mayanig ang buong sala sa lakas ng boses ko. Nagulat ako nang biglang may nagtapon ng unan sa akin. Sapol pa ang mukha ko. Inis kong hinanap ng mga mata ko kung sinong gumawa no'n. "Hindi lahat ng lalaki ay manloloko, Aleina Catrisse!" Si Sweetzel. Katabi niyang nakatayo sa may hamba ng pinto sa kusina ang bunsong kapatid niyang si Honeybee na gulat na gulat na nakatingin sa akin. "Tsaka, kung ayaw mo talagang mag-boyfriend, eh, di sige! Magpakatandang dalaga ka na lang! Bahala kang matigang diyan!" Napanguso ako. "Wala naman akong balak na tumandang dalaga, eh!" Sinamaan ko siya ng tingin. Pero, baka gano'n nga ang mangyari sa 'kin; ang tumandang magisa. Ewan ko nga ba kasi kung bakit takot na takot pa akong makipagrelasyon. Kung bakit ayaw kong makipagrelasyon! "Saka, siguro nga, tama ka. Hindi lahat ng lalaki ay manloloko." Napapatango-tango ko pang saad. Lumapit siya sa akin habang nakakrus ang mga braso. Nakasunod naman sa kanya si Honeybee na pumapapak ng ginawa kong ice candy. "Naniniwala ka naman pala, eh. Remember, na isa sa isang milyong tao ay merong perpektong lalaki. Well.. Not totally perfect pero masasabi mong perpekto kapag alam mong nasa kanya na lahat ng hinahanap mo," anya na parang tangang magkadaupang ang mga palad at nakangiting nakatingala sa kisame. "Okay." Iyon lang ang isinagot ko kaya inis na naman siyang tumingin sa akin. "So you agree.. Pero, bakit nangengealam ka pa diyan sa naging desisyon ni Candice Samonte? As if naman pakikinggan ka niyan if ever na madinig ka?" Kumibit ako ng balikat. "Hindi naman ako nangengealam. Ang akin lang, eh, naiinis ako. Niloko na nga siya, babalikan pa daw niya. Kung bakit ba kasi may mga babaeng sing-tanga niya." Nagpalatak ako ng dila. "Eh, sa mahal pa raw niya! Anong magagawa mo? Puso niya ang sinunod niya, Catrisse. Ang puso, kahit ilang beses na 'yang dinurog ng taong mahal mo, mabubuo pa rin 'yan dahil sa labis na pagmamahal mo. Lalo na kapag muling ipinaramdam sa'yo no'ng taong 'yon na mahalaga ka at totoong mahal ka." Siniringan ko siya. "Dami mong alam, ah? Baket? Nagmahal ka na rin ba? Nasaktan ka na rin ba gaya ni Candice?" Bigla siyang natigilan. Napalunok naman ako dahil do'n. Parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. "Sino po ba'ng Candice na pinagtatalunan niyo, ate Sweetzel? Ate Catrisse?" Tanong ni Honeybee, nakatungo sa amin ng ate niya. Nilapitan ko ang bata. Ah, eh, hehe. Wala 'yon, bee. 'Yong sikat na artista lang iyon na niloko no'ng boyprend niya. Kaya ikaw, bee, kapag nasa tamang edad ka na at kung magkakaroon ka man ng nobyo, piliin mo 'yong lalaking hindi ka lolokohin at iiwan na lang ng basta." Payo ko at hinagod-hagod ang kulot nitong buhok. "Ha?" Maang na tugon ng bata. Napasimangot namang tumabi si Sweetzel sa kapatid niya. "She's right, bee. Pero, hindi mo naman mahuhulaan agad na lolokohin at iiwanan ka ng lalaki kung hindi ka muna susubok na pumasok sa isang relasyon. Natural lang ang masaktan. Hindi gaganda ang isang kwento kung puro bardagulan lang ang bawat chapter nito," anya at inirapan ako. "At hindi mo kailangang matakot. Kasi kapag natakot ka, tatanda kang dalaga tulad ng isa diyan." Mukhang ako ang pinapatungkulan niya. "Oy! Bente singko pa lang ako, 'no!" Singhal ko na ikinatawa ng dalawa. Sa inis ko ay tinalikuran ko na sila at muli ko ng kinuha ang remote control at doon ko na lang itinuon ang atensyon ko. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumayo si Sweetzel at tumungo uli sa kusina. Siya kasi ang nakatoka ngayon sa paghuhugas. Wala din naman siyang show ngayon. Si Honeybee naman ay binanatan naman ang popcorn ko na nasa center table. Napabuntong hininga ako ng malalim. Matagal na akong kinukulit at pinupursige ni Sweetzel na maghanap na raw ako ng lalaking magugustuhan ko. Alam niya kasi na NBSB ako; No Boyfriend Since Birth. Never been kiss, Never been touch pa ako. Minsan pa nga ay inirereto pa niya ako sa mga co-models niya sa isang sikat na clothing lines. Ibina-blind date pa nga niya ako, eh. Pero, ewan! Wala pa rin sa bukabularyo ko ang pumasok sa isang relasyon. Napapraning kasi ako! Ayaw kong matulad sa mga babaeng iniiwan ng luhaan. Ayaw kong gawing tanga at lokohin na lang. Ayaw kong masaktan. Ayaw kong maging dahilan iyon para ikapahamak ko... Mahina kasi ang puso ko. Kahit pa naoperahan na ako no'ng bata pa ako ay hindi pa rin ako pwedeng makaramdam ng pagkadurog. Iyon ang hindi alam ni Sweetzel. Wala siyang alam sa kondisyon ko. Palibhasa ay hindi naman ako palakwento ng buhay ko. Dalawang taon pa lang kasi kaming magkaibigan. Hindi pa niya ako kilala ng lubusan. Napapikit ako at nang magmulat ako ay natuon ang paningin ko sa screen ng tv. Isa na naman iyong interview na magsisimula pa lang. Hindi ko na maalis ang tingin ko sa screen hanggang sa tinawag na nga ng host ang main guest. Nangunot ang noo ko. "Let's all welcome, The Segovia Brothers!" Sigaw ng host. Saka naman lumabas ang tatlong magkakapatid. Palakpakan at hiyawan naman ang mga audience na nasa loob. Tilian ang mga babaeng fans at iwinawagayway ang kanilang mga banners at placards. Hindi magkamayaw ang sigawan ng nasa loob ng studio. Maging ako ay hindi na halos kumurap ang mga mata ko. Sinong hindi tititig sa mga naggagwapuhang nilalang na 'yan? Tinalo pa ng magkakapatid na 'yan si Adonis sa kagwapuhan at kakisigan. Dahil sa magkakamukha sila ay makikilala mo lang sila sa kanilang iba't-ibang hairstyle. Nakakatuwa. Ang sabog-sabog na buhok o fringe cut na may maamong mukha ay si Xanth Eadric. Ang naka-pompadour cut or very neat naman na hairstyle ay si Flynn Kaizzer at masasabi kong napaka-intimadating ng looks niya. Si Drake Kimpner na cool na cool naman sa spiky haircut nito. Pare-pareho din sila ng style ng pananamit, magkakapareho pa ng tangkad at makalaglag ng salawal ang ngiti. Naipilig kong bigla ang ulo ko sa huling naisip. Subalit, tila hinihigop ng pinapanood ko ang mga mata ko. Tuloy ay muli ko silang tiningnan. Kasalukuyan naman na si Flynn Kaizzer ang ini-interview ng baklang host. "Are you single or taken?" Tanong ng host. "Single." Sagot ni Flynn. Tilian ang mga babae. "Ready to mingle or single forever?" -Host. Nangisi si Flynn. "Ready to mingle." "Kyaahhhhhhh!!!" Hiyawan ng mga babae. "What is your ideal girl? Simple or socialite?" -host. "Simple." "Katangian naman ng ayaw mo sa girl, boyish or flirt?" "Of course, flirt!" Saka napailing si Flynn. Natatawa. Natatawa ring itinabi ng host ang hawak na mga cards. Saka muling hinarap si Flynn. "You mean, it's okay with you if you encountered a boyish girl, huh?" Tudyo ng host. Kumibit ng balikat si Flynn. Hindi na siya sumagot pa. Kaya naman si Drake na ang binalingan ng host para tanungin ng fast talk. Hindi ko na rin masyadong naintindihan ang mga pinagsasabi ng host at ni Drake Kimpner dahil nakatutok ang paningin ko kay Flynn at para akong tangang sinusundan ang bawat reaksyon niya. Saka ko naisip na mukha talaga akong tanga! Naibalibag ko ang unan sa tabi ko at inayos iyon para mahiga. Papahiga na sana ako nang masilip ko si Sweetzel na nangingiti habang tutok na tutok din sa tv! Tsh. Muli tuloy akong napatingin sa pinapanood niya at napasinghal ako nang makitang si Drake Kimpner pa rin iyon! Napailing-iling na lang ako at tuluyan ng nahiga saka pumikit. Inaantok na talaga ako dahil pina-over time ako no'ng manager ko sa restaurant na pinagta-trabahuhan ko. Maaga akong nagising kinabukasan. Ngayon ang araw na dadating ang bagong boss ng restauran. Hindi ako pwedeng ma-late dahil kaltas na naman sa sweldo at ang masama pa ay tanggalin ako. Mahirap na pero gano'n talaga. Halos dalawang taon na akong nagta-trabaho sa restaurant na iyon at mahal ko ang trabaho ko. Bago ako umalis ay nagluto muna ako ng almusal at kinatok ang kwarto ng magkapatid. Agad naman akong pinagbuksan ni Sweetzel. "Ang aga mo namang pumasok? Alas syete pa lang naman, ah?" Nagtatanggal pa siya ng muta niya habang inaaninag ang orasan na nakasabit sa may hagdanan. "Dadating ang bagong mayari ng restaurant. Kailangang present at maaga ako doon. Baka sakaling tumaas ang ranggo ko at malipat na ako sa kusina. Ayaw ko kasing rumarampa sa dining dahil karamihan sa costumer ay bastos. Lalo na ang mga lalaki." Napamaang siya sa 'kin. "Pero, mas mahirap ang trabaho sa kitchen. Baka matilamsikan ka pa ng mantika doon at masira 'yang ganda mo!" Dinunggol niya ang tagiliran ko. Nagalala naman akong bigla. Napaisip ako. "Kaya ko namang iwasan ang tilamsik ng mantika kaysa sa mga nambabastos sa 'kin. Tsk. Kung bakit naman kasi ayaw palitan ng manager namin ang suot naming uniporme. Talo ko pang nagtatrabaho sa bar, eh." Nasuyod kong muli ng tingin ang suot ko, napangiwi. Polo sleeve ang pangitaas at mini skirt naman ang pangibaba. Nangisi naman si Sweetzel. "Ang sexy mo nga sa uniform mo, eh. Baka nga kapag nakita ka ng bagong boss mo, eh, magustuhan ka no'n!" Mas lalo akong napangiwi. "Hayan ka na naman, eh! Diyan ka na nga at mali-late na ako!" Naiinis ko siyang tinalikuran. "Take care, friend!" Tatawa-tawa niyang habilin sa 'kin. Subalit, hindi ko na siya pinansin at nagdere-deretso na ako palabas ng apartment. Sakay ng tricycle ay mabilis akong nakarating ng resturant na pinagtatrabahuhan. SPORKY BAR AND RESTAURANT. Iyon ang pangalan ng restaurant. Sa gabi lang din nag-o-operate ang bar at isini-serve ang mga hard drinks. Bawal sa umaga at mas pabor sa akin. Mas nakakatakot kasi kung sa bar ako nakatoka. Mas maraming lasing, mas maraming babastos sa akin.. At ayaw ko no'n! "Aleina! Aga natin, ah?" Nakangiting bati ni Mang Rogelio na pinaka-head ng mga utility. Ngumiti din ako sa kanya bilang pagbati. "Good morning, Mang Roge! Ingat sa pagma-mop. Baka madulas ka po." Nagmano pa ako at tinapik siya sa braso. Natuwa naman siya. "Salamat, 'nak!" 'Anak' ang tawag niya sa 'kin dahil kamukha ko raw ang anak niya at kasing edad ko rin. Tinanguan ko na lamang siya at saka ako dumeretso sa locker para iwan ang itim na backpack na dala-dala ko lagi. Maliit na make up kit, damit na pamalit, rubber shoes at itim na sombrero ang laman no'n. Iniwan ko rin doon ang mumurahin kong cellphone bago ko ini-locked iyon. Sobrang maaga pa nga dahil ako pa lang ang naroon sa halos benteng crew. Pero, kumpleto na ang limang chef at mga assistant nito sa kitchen. Naisipan ko munang pumunta doon para manood ng kanilang inihahandang lulutuin. Lahat ng mata ay sa akin natutok. Sabagay, bibihira akong pumasok sa counter na ito. "Good morning po sainyo," nakangiting bati ko. Isa-isa ko silang tinanguan. "Mas maganda ka pa sa umaga, Miss Monteverde. Ano't napadaan ka dine sa kusina?" Tanong ng matabang chef. Mas lumapit ako sa kanila. "Maaga pa po kasi, eh. 'Tsaka, gusto ko po'ng makapanood sa mga niluluto niyo kaya ako pumasok." "Nais mo bang matutong magluto?" Tanong naman ng isang may kapayatan ngunit bata pang chef. Ngumiti akong tumango. "May mga alam na rin po ako pero gusto ko pa ring may matutunang bagong luto para naman kapag nakaipon-ipon ako ay magtatayo rin ako ng restaurant gaya nito. Hehe," proud kong sabi. Napaawang naman ang mga bibig nila. "That's good. Mas maganda kapag may pangarap ka. Ha'mo, pag may pagkakataon at bakante ka, tuturuan ka naming magluto ng mga alam namin. Pumasok ka lang dito." "Sige po." Tugon ko. Saka ko inilibot ang tingin sa buong kitchen. Napakalinis at organized ang lahat ng gamit. Maliban lang sa mga ingredients at mga condiments na nakakalat sa mahabang mesa. At pansin ko na may mga kasangkapan doon na mukhang bago pa. Lalo na 'yong malalaking oven. "Napakadami pong bagong gamit dito sa kitchen. Mukhang mga high tech." "Tama ka, neng. Mga high tech nga 'yan at galing pa 'yang ibang bansa. Bilyonaryo ang bagong mayari nitong restaurant," ani chef na medyo maputi na ang balbas. Wow.. Sana all bilyonaryo! "At usap-usapan pa, sikat at gwapo ang bagong mayari nito!" Sabad ng payat na chef. Hmm.. Sana rin ay mabait katulad ng dating boss namin. Sa isip ko. Hindi ko na nagawang isatinig. Kalahating oras pa akong nakipagkwentuhan sa mga chef bago ako lumabas ng kitchen at pumunta ng C.R para ayusing muli ang sarili. Sa hindi ko malamang kadahilanan ay naglagay ako ng pulbos at pinahiran ng magic lipstick ang labi ko. Naglagay din ako ng kaunting blush on sa pisngi. At... Pak! Ang ganda ko! Galaw boyish ako minsan pero kapag nasa trabaho ako, talo ko pa ang pinakamagaling na modelo. Walang halong pagyayabang. Mas lalo pa palang lilitaw ang ganda ko kapag nababahiran ng manipis na make up. Hindi kasi ako sanay na maglagay ng kolorete sa mukha dahil nakakatanda raw iyon ng balat. Nag-spray din ako ng baby johnson kong pabango, 'yong kulay pink. Masarap kasi sa ilong. Isinilid ko na sa make up kit ko ang mga ginamit at saka muling ibinalik sa locker. Saka na ako pumunta sa conference room dahil doon daw kami titipunin para ipakilala ang bagong mayari ng restaurant. Papunta na ako sa exciting part. Char! Ang totoo. Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko maintindihan. Napatingin ako sa mga kasamahan ko na nagmamadali na ring makarating sa conference room. Hindi na nga kami nagpapansinan, eh. Ewan ko kung bakit halos liparin na nila ang hagdan makarating lang sa tuktok ng building. Karamihan pa naman doon ay mga babae. Ang kikiri! Kung sabagay, kung gwapo ba naman talaga at bilyonaryo pa ang bago naming boss, sino ba naman ang maguusad pagong para makita ito? Pero... Napapitik ako sa hangin. Imposible sa isang gwapo ang maging single. For sure, may girlfriend o fiancee o asawa na ito. Baka nga may mga anak na ito, eh. Tsk. Tsk. Bigla akong naawa sa mga kasama kong naguunahan ng makapasok sa loob ng conference room. Nagpahuli ako. Hinayaan ko munang makapasok ang mga kasamahan ko. At nang halos makapasok na ang lahat ay saka na ako pumasok.. At... "Kyaaaaahhhhhhhhh!!!!" Ang gwapo mo!" "Omaygad!! I can't breath!! Kyaahhhhh!!!" "Ang hot mo, Sir!!! Iiihhhhhh!!!" Tilian at hiyawan ng mga kasamahan ko. Naguunahan pa silang makadaupang-palad at mayakap ang lalaking nasa unahan. Dahil pinalilibutan ito ng mga kasamahan ko ay hindi ko tuloy maaninag ang hitsura nito. Paano akong makikihiyaw at makikipagbardagulan kung hindi ko ito makita?? Ayaw ko namang makipagsiksikan sa unahan! 'Wag na lang. Hihintayin ko na lang na sawayin sila ng manager at supervisor para nang sa gano'n ay matanaw ko rin mula dito sa pinakadulong upuan na kinauupuan ko ang boss namin. At ilang sandali pa nga ay parang mga batang pinaupo sila ng mga nakatataas. Napahagikhik ako. Subalit, natigil ang hagikhik ko nang makilala ang lalaking pinagkakaguluhan ng mga kasamahan ko. Si Flynn Kaizzer Segovia!!! Literal na napaawang ang bibig ko at natulala na lang dito. Siya ba ang bagong mayari ng restaurant na ito at ang bagong boss ko???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD