14: Beasts

1062 Words
Gaya ng plano, tahimik na minamtyagan ni Marcus ang mga pinupuntahan ni Korie. Kahit abala siya sa trabaho sa gabi, sinisikap niyang may oras siya para malaman ang mga pinupuntahan ni Korie. Puro business meetings lang naman ito. Opisina at condo lang ang tungo nito ng ilang mga araw. Minsan nga ay nasasamahan pa niya ito. Lumalabas na rin silang magkasama kung kinakailangan. Maayos naman itong kausap, kasama, at kabiruan. Kaya kung minsan nakakalimot siyang anak ito ng masamang mangkukulam. Kita rin sa estado nito na maimpluwensya tiyak si Dera. Hindi sila basta basta makakalapit dito. Ang kailangan lang ay malaman niya kung sino ba talaga ang ina nito. Iyon ang agenda niya sa susunod na mga araw. Napadaan siya sa isang bakanteng lote. Pinagkukumpulan iyon ng mga tao. Huminto siya sa pagmamaneho ng motor. Nilapitan ang pinagkukumpulan. Pero nakatakip na ng puting tela ang bangkay ng kung sino man na naroon. "Kawawa namang bata," sabi ng isang matandang babae. "Masyadong brutal ang ginawa sa kanya. Adik siguro ang gumawa niyan," dugtong pa ng kasama nitong babae. Iba-iba ang naririnig niya. Pero tanging ang sinabi ng isang matandang lalaki ang nakaagaw talaga ng pansin niya. "Basta ako, malamang hindi normal na tao ang gumawa sa kanya niyan. Wakwak ba naman!" Kaagad siyang pumunta sa university kung saan dito raw nag aaral ang bata base sa uniform na suot nito na nakita nila. Usap usapan nga roon ang nangyari sa babae. Marami siyang naririnig na nasa girls dormitory daw iyon nakatira. At paanong nakarating daw ang bangkay nito sa malayong bakanteng lote na iyon. Napansin nya ang papalabas na kakilala, si Joshua. Tinawag niya ito. "O, anong kailangan mo?" Andun pa rin ang bitterness nito sa kanya. Minabuti niyang hindi na muna iungkat ang issue nila kay Sue. Iba ang gusto niyang malaman tungkol dito. Inaya niya ito sa malapit na kainan. Inorderan ng makakain na gusto nito. "Ano ba kasing kailangan mo?" "Yung natagpuang babae sa bakanteng lote na usap usapan, kilala mo?" walang paliguy-ligoy na tanong nito. "Nadaanan ko kanina ang bangkay niya, usap usapan dito daw iyon nag-aaral. "Hindi. Iyong bf nun lang. Kaklase ko siya." sagot nito. At umupo ng diretso nang makita ang tinutukoy. "Ayun siya." Sinundan ni Marcus ang tinuro ni Joshua. Napansin niya kaagad ang maskuladong binata. Naamoy niya bigla ang kakaibang amoy, iyon ang amoy ng isang baguhang halimaw. Mukhang alam na niya kung sino ang responsable sa pagkasawi ng babae. Pero naagaw ang atensyon niya sa kabilang side. Nalalanghap niya rin sa kabila ang parehas na amoy. Hindi niya na masiguro kung saan talaga ito o kung kanino nanggagaling ang iyon. May posibilidad na hindi lang isa ang infected na estudyante dito. Binalik niya ang tingin sa sinasabi ni Joshua na BF ng babae. Nahuli niya ang pagngisi nito sa kanya. At nilagpasan lang siya nito. "Weird," komento ni Joshua. "Kilala mo ba si Klark?" Tumanggi siya. "Tama ka, weird siya. My nangyari na sa GF niya nakakangiti pa siya ng ganoon?" Kaya nagdesisyon si Marcus, hindi iyon maaari, isang baguhan lang ang binatang iyon baka hindi lang isa ang biktimahin nito lalo't nag-iiwan pa ito ng ebidensya. Huli na para sundan ang Klark na sinasabi ni Joshua. Hindi na niya makita ito. Maging ang amoy nito ay nawala na rin sa paligid. Pasapit na ang gabi, kaya inisip ni Marcus kung saan posibleng pumunta ang halimaw. Syempre, kung saan maraming mabibiktima. Naalala nya ang girls dormitory. Nandoon na siya, pero mukhang normal lang naman ang paligid. Nasa malayo lang siya pumwesto. Tanaw niya ang dormitory mula sa likod ng poste ng shed. Hanggang sa may nakita siyang isang binatilyo na may babaeng hinatid sa dorm. At naamoy niya muli ang amoy na iyon na kanina nya pa hinhintay. May hinala siyang ang lalaki na yun ang halimaw. Kaya sinundan niya iyon. Malapit na niya iyong lapitan, pero naunahan siya nito. "Bakit mo ako sinusundan?" Pero nawala kaagad ang amoy, tumingin siya sa paligid. Mukhang may nakikipaglaro sa kanya. "Wala naman. Mag iingat ka." Nagtaka ang binatilyo sa kanya. Kaya naman tinapikan lang niya ito. Hanggang sa may narinig siyang sumigaw na babae sa di kalayuan. Bumalik sya sa dormitory at napansin niyang nakasarado na ang lahat ng bintana ng dorm. Pero sa bandang ibaba ay may ilaw pa rin. Kita ang bulto ng mga babaeng nagkukumpulan. Maya maya pa'y lumabas sa main door ng dormitory ang isang nakaitim na bulto. Hindi niya matukoy kung babae nga ba iyon. Tumakbo ang naka-itim papuntang likod ng dormitory. Sinundan niya. Magubat na ang tinatahak nila. Probinsya pa rin ang lugar na ito kahit na may malalaking university at pamilihan sa lugar. Marami pa ding malalaki at matataas na puno. Tama nga ang tinatahak nila, naaamoy niya ang halimaw. Hanggang sa bumungad sa kanya ang tatlong halimaw na nakapalibot sa nilalang na naka-itim. Napahangad siya sa kalangitan. It was crescent moon, unfortunately. Susugod na siya kahit nasa anyong normal pa siya, pero hindi niya inasahan ang nasasaksihan. Nakamask ang nilalang, bandang mata lang nito ang walang takip. Hawak nito ang isang pulang latigo. Sa tingin niya ay umaapoy iyon na latigo. At sa bawat hagupit niyon ay matinding daing ang impit ng mga halimaw. Naisip niya si Sue. Si Sue nga kaya ito? Pinakatitigan niya ng mabuti. Hindi niya sigurado. Hindi nya pa naman ito nakita sa ganoong postura. Humahanga sya sa babae. Sigurado na siyang babae ito. Isang taga-Red Clan. Ang galing nito. Pero kabaligtaran ang epekto ng babaeng Red Clan sa mga halimaw. Hindi nila ito nagugustuhan. Nagagalit ang mga iyon. Ginalit nito ang isa kaya napalakas ang sugod nito sa kanya. Pagkakataon kaya't napatumba ang babae. Masyadong mabilis ang isang halimaw kaya kaagad nitong hinablot ang babae hindi pa man iyon nakakabangon. Pero nakaiwas ang Red Clan kahit kaunti, kaya ang mask lang nito ang naabot ng mga kuko ng halimaw. Pero ang mask ay kadugtong sa pang-itaas na damit nito. Sa gulat ay hindi namalayan ng babae ang dalawa pang halimaw na nahawakan ang magkabilang braso niya. Nanlaki ang mga mata ni Marcus sa gulat nang masilayan ang tinatago ng mask. Walang iba kundi si Sue... Si Sue na hindi lang mukha ang tumatambad sa mga halimaw. Kundi pati na rin ang hubad na leeg hanggang mga balikat nito... "Hindi pwede to. Mga siraulong to!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD