Wala pang full moon. Kaya wala pang kakayahan si Marcus na makapag-palit sa tunay na anyong halimaw. Pero wala na siyang pakialam roon. Hindi niya hahayaang mapag-kaisahan at pag-pira-pirasuhin ng mga lintik na halimaw si Sue.
Isa-isa niyang pinagbabanatan ang mga iyon. Wala man sya sa anyong halimaw pero halos wala namang nabawas sa kakayahan niya. Taglay pa din niya ang pag-ka Gold Clan at pagiging halimaw na naipasa ni Camir sa kanya.
Nang malaya na si Sue ay kapwa na nila pinagtulungan ang mga halimaw. Nakakuha ng tyempo si Sue na matarakan ng patalim sa dibdib ang isa. Sa tulong ni Marcus ay nagawa rin nitong makulong sa latigo ang isa pa. At saka ito sinaksak ng patalim sa dibdib rin.
Pero nawala ang isa. Nakatakas iyon.
Nanumbalik sa anyong tao ang dalawang halimaw. Mga binatilyo pa nga ang mga ito, gaya ng hinala ni Marcus.
"Susunugin mo?" Nag-aalalang tanong niya kay Sue nang kuhain ang lighter sa bulsa nito. Pero hindi siya nito pinansin. "May mga pamilya pa rin ang mga batang yan."
Hindi pa rin siya pinukulan ng sagot nito. At sinimulan na ngang sinunog ang mga labi.
Kinuha ni Sue ang latigo at damit na napunit. At umalis na ito.
Naglakad sila pababa.
"Sue, " tawag nya dito.
Huminto ito. Hinarap siya. "Ano bang ginagawa mo dito?" balik tanong ni sue.
Natigilan sya..
Hindi siya kaagad makasagot. Nakatitig lang si Marcus sa mga mata ni Sue. May pagtatanong pero naroon din ang pag-aalala, ramdam niya iyon.
"Sumagot ka! Anong ginagawa mo dito?!"
Matalim ang pagtitig nito sa kanya.
"M-May nadinig akong sumigaw, may nakita akong tumatakbo. Tapos nakita ko yung mga halimaw na yun. Saka ikaw! Nakita kita, kung paano mo sila nilabanan."
"Nakita rin kita," bwelt rin nito sa kanya. "Alam na alam mo kung saan sila patatamaan."
Magsasalita pa sana siya. Pero pinigil na ni Sue ang bibig niya. "Umuwi na tayo."
Sa bahay, napansin ni Marcus ang sugat sa pisngi ni Sue. Kaya naman inalok niyang siya na ang gagamot dito. Dumiretso siya sa kuwarto. Pero nanlaki ang mata niya nang may makitang babae sa higaan niya.
"Sino ka?"
Pasugod na nilapitan siya ni Sue. Sinabi na si Leila iyon, kaklase ni Joshua. Ipinaliwanag ni Sue na pinayagan niya itong dumito ngayong gabi dahil ayaw na nitong doon sa dormitory matulog. Iyon ding dormitory na kanina lang kung nasaan sila naroon.
Bukas ng umaga ay susunduin na rin ito ng kaanak.
"Sige na, umalis ka na dyan," Utos iyon ni Sue. "Di ba ang sabi ko sayo sa sala ka?"
"Leila ang pangalan niya?" pag-uulit niya. Maamo naman ang mukha ng babae. Hindi lang niya inaasahang Leila ang pangalan nito. May naalala tuloy siya. Mukha ni Korie ang kaagad rumehistro sa isipan niya. Wala namang pagkakahawig ang dalawa.
"Ayos lang naman sa'kin na dyan ka na Leila matulog." Bumaling siya kay Sue. "Doon na lang tayo sa kuwarto mo." Saka hinatak na niya Sue.
"Hindi!" malakas na tanggi ni Sue. Napakamot tuloy si Marcus sa ulo. "Sa sala ka matutulog Leila. Ok lang naman sayo di ba?"
Lumabas si Leila. At naglatag sa sofa.
Pumasok na si Marcus sa kuwarto niya para kuhain ang first aid kit. Pero nang papasok na siya sa kuwarto ni Sue ay kinuha na lang nito ang kit at saka siya sinaraduhan.
"Sige na, good night na nga lang." Iyon na lang ang nasabi niya sa pintuan ni Sue. Marahil pagod na talaga ito ay ayaw ng magpaistorbo pa. Wala naman siyang ibang gagawin dito. Gusto lang talaga niyang gamutin ang sugat nito. Iyon lang. Pero kung makatanggi ang babae, parang may iba siyang gagawin dito.
"Good night na din sayo, Leila." Nakaupo pa kasi iyon sa sofa. " Leila.. kakaiba, nagkataon lang ba?"
"Bakit? May business ka ba skin? Hinahanap mo din ba ako?"
Napatingin sya dito. May laman ang mga sinabi nito.
Napatitig siya sa mukha ng dalaga. Ni hindi na nga niya maibaling pa sa ibang direksyon ang isip niya. Para ba siyang nahuhumaling nito.
Nagsasalita iyon pero hindi niya maintindihan ang mga sinasabi. Ang tanging alam lang niya ay nagagandahan siya sa mukha nito. Maging sa boses nito...
Kaakit-akit ito sa paningin niya habang tumatagal...
Tinaas nito ang hintuturo. Sumesenyas na pinalalapit siya.
Hindi nakakurap ang mga mata niya nang ilaylay pa nito ang kanang strap ng suot na spaghetti blouse.
"Halika, lumapit ka. 'Di ba ako naman ang pakay mo? Ibibigay ko kung anong gusto mo. Ibibigay ko ang sarili ko sayo... "
Tama ito.
Ito ang misyon niya , si Leila.
Ang mapang akit na si Leila, na anak ni Dera.
Ihahakbang na niya ang mga paa palapit sa dalaga. Pero napigil siya ng isang pagpihit mula sa mga balikat niya. Mukha ni Sue ang bumungad sa kanya. Hinatak at hinarap siya nito.
"May nakalimutan ako," sabi ni Sue sa kanya. Saka lumapit pa ng bahagya sa kinatatayuan niya, hinawakan ang magkabilang pisngi niya. Saka siya hinagkan ng mariin.
Hindi niya napigilang pumikit. At namnamin ang sandaling iyon. And then, all went black.