16: Cornered

1033 Words
Narinig ni Marcus ang pagkalansing ng kung ano. Naalimpungatan siya. Pupungas-pungas ang mga mata. May naaninag siyang babae malapit sa pintuan. Ilang sandali, nasilayan na niya ang mukha nito. "Leila?" ani niya. Saka napabangon at umupo ng maayos. May hawak na botelya ang babae. Pamilyar iyon. "Ano kaya kung wala ka nito?" tukoy nito sa bote. Binuksan iyon ni Leila. Unti unting tinatapon ang laman nitong likido. "'Wag," nasambit niya. Sumilay ang ngiti sa mga labi ni Leila. "Mabibisto ka na niya kung ano ka talaga. Nag aalala ka ba dahil papatayin ka din niya? Susunugin hanggang maging abo..." At sunod-sunod ang paghalakhak nito. Rinig na rinig niya ang pag-echo ng nakakakilabot na tinig ng babae na hindi niya inaasahang taglay pala nito. Napabalikwas ng bangon si Marcus. Panaginip lang iyon. Nasisilaw siya sa mataas na sikat ng araw na tumatagos sa bintana ng kuwarto. Pagtingin nya sa orasan ng side table, alas-nuwebe na. Bumangon na siya at tinungo ang pintuan. Si Sue kaagad ang nabungaran niya. Nasa sala iyon nagliligpit ng mga unan sa sofa. "Nasan na ang bisita mo?" tanong niya. "Umalis na, hindi man lang nagligpit." busangol ni Sue. Nahagip ng mga mata ni Marcus ang botelya nang magtungo siya sa dining table. Kilala niya iyon. Dahil sa kanya ito. That's his special perfume. Talagang kakaiba iyon, dahil kaya niyong itago ang amoy ng pagkahalimaw niya. Kaagad niyang kinuha iyon habang hindi nakatingin si Sue. Paano naman napunta 'to dito? At nang sinubukan niyang i-spray ay wala man lang lumabas. Binuksan niya ang pinakatakip para alamin kung bakit hindi yata gumagana. Kay naman pala, wala na iyong laman! "Sue, bakit nandito to? Wala ng laman!" bulalas niya. Bumaling kaagad si Sue sa direksyon niya. "Hindi ko alam. Ngayon ko lang napansin yan, sayo ba yan?" Naalala ni Marcus ang panaginip. "Saan nakatira ang Leila na yun?!" asik niya. Mukhang iyon ang Leila na dapat niyang subaybayan at dalhin kanila Symon. "Bumili ka na lang ng bago," sagot naman ni Sue. "Hindi! Special un, hindi basta-basta nakakabili ng ganun!" Pero hindi tinuunan ni Sue ang sinabi niya. Napansin niya ang kaunting pagkunot ng noo nito. "Bakit ba parang nangangamoy aso dito?" At iyon na nga ang mangyayari. Magiging iba ang amoy niya. Idagdag pa na hindi pangkaraniwan ang sense of smell ni Sue kaya mas malalaman nito ang totoong amoy niya. Pero mabuti na rin at hndi amoy halimaw ang naaamoy nito. Dahil hndi naman sya kumakain na ng tao. Matagal na matagal na panahon na niyang pinagtagumapayan ang nature niyang iyon. Nakakasakit siya ng mga inosente. Pero hindi niya iyon magawang kainin o ano pa man. "Wala namang nag-aalaga ng aso sa labas," dungaw pa ni Sue sa bintana. Ang naaamoy nito ay ang side effect ng pagiging halimaw niya. At dahil taglay nya din ang pag-ka-Gold clan mula sa ipinasa ni Camir ay napapa-mild nito marahil ang amoy niya. Hindi siya sigurado sa totoong amoy niya, dahil hindi niya kailanman iwinawaglit na gamitin iyon. "Baka naman ikaw yun nangangamoy?" puna nito sa kanya nang mapansin nitong nakatitig siya dito. Papalapit na si Sue sa kanya. Napalunok siya. "Hindi ako yun, baka kumapit lang un amoy ng mga halimaw kagabi!" depensa niya. Saka niya kinuha ang botelya at mabilis na nagkulong sa kuwarto. Mukhang kailangan niyang maligo ng mga pabango. Nagsimula siyang maghanap sa ilang cabinet ni Klas. Umaasa si Marcus na mayroon pa ring nakatagong mga pabango si Klas dahil kuwarto pa rin ito nito noon. Para siyang nabunutan ng napakalaking tinik nang makita ngang tama siya. May mga bote ng perfume sa isang drawer table nito. Maya maya pa'y dumating si Joshua. Kasama ang mga magulang ni Leila o Lelang pala na palayaw nito. Hindi daw kasi ito dumating sa pinag usapan nilang lugar. Nagreport na daw ang mga ito sa pulisya. Pero hndi pa din ito natatagpuan ng mga oras na iyon. Umiiyak ang magulang nito. "Hindi maganda ang kutob ko," sabi ni Marcus. "Hindi kaya nakuha naman sya ng isang halimaw na nakatakas noong isang gabi?" "Kung hindi ka kasi nakialam, pati sana ang isang yun napatay ko na dapat." "Kung di ako dumating baka wala ka na!" "Talaga? Bakit, sino ka ba sa tingin mo?" Nakatingin si Joshua sa kanilang dalawa. Dahil nandoon pa din ang binatilyo sa apartment. Samantalang ang magulang nito ay umalis na. "Ano bang pinag-aawayan nyo?" naluluha na ang binata. "Wala ba tayong magagawa para kay Leila? Para mahanap na sya?" "Wala na tayong magagawa sa kanya," mabilis na sagot ni Sue. " Bakit naman?" si Joshua. "Sige na Joshua, hayaan mo na ang mga pulis ang umasikaso nun. Magpahinga ka na, magpatuloy ka sa buhay mo." saka pumasok na si Sue sa loob ng apartment. Sumunod naman si Marcus kay Sue. "Anong ibig mong sabihin?" usisa niya. "Ginagamit na lang ang katawan niya. Possessed na ang babaeng yun. Napopossess ng masamang nilalang." "O baka sya tlaga ang masamang nilalang?" kumpirmadong sagot niya kay Sue. Napagdudugtong-dugtong na niya ang nangyayari. Magmula kagabi sa pang-aakit nito, hanggang sa panaginip niyang hindi naman talaga panaginip, at ngayong nawawala ito. "Siguro nga, malamang si Dera ang nasa babaeng yun," pabulong na sagot ni Sue. Pero kahit mahina iyon ay dinig na dinig niya. Kilala nito si Dera. "Si Dera din ang hinala mo?" tanong ni Marcus. "Kilala mo sya?" bakas sa hitsura nito ang pagkagulat. Ano bang dapat niyang isagot? Papalapit si Sue sa kanya. May nakuha itong pocket knife na nakalapag sa nasa gilid nitong drawer. Mabilis na itinapat sa litid ng leeg niya. Hindi siya nakagalaw. "Sabihin mo nga sa'kin, sino at ano ka bang talaga ha, Marcus?" Kita niya ang malaking tanong sa mga mata nito. Pero hindi... Hindi pa siya handang sabihin ang lahat dito. "Sasabihin ko kung sino at ano talaga ako, basta ba sagutin mo muna ang tanong ko." "Ano naman yun?" Iritableng tugon ni Sue. "Anong nangyari satin pagkatapos mo akong halikan?"matapang niyang tanong sa babae. Napansin niya ang pag-iiba sa reaksyon ng mukha nito. Para bang pinamumulahan ang pisngi nito. "Akala mo ba nakalimutan ko na?" Saka niya ito nilaparan ng ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD