17: Dark Plan

1131 Words
Nanatili lang si Sue sa likod ng pintuan noong gabing nag-alok si Marcus na gamutin siya. Sa katunayan ay hindi siya makapagpasya. Hindi niya inaasahang makikita siya nito sa anyong Red Clan. Maraming tanong sa isip niya. Pero ang tanging nangibabaw dito ay ang kagustuhan niyang malaman kung ano ang nararamdaman ng lalaki sa kanya ngayon? Kaya ba siya nitong tanggapin? Na handa ba ito lagi na nalalagay sa kapahamakan ang kalagayan niya? Hindi rin naiwasan magtaka ni Sue sa sinasabing Golden Beast. Hindi niya iyon nakita sa tatlong halimaw na naka-engkwentro. O masyado lang siyang naging abala lalo't dumating noon si Marcus, kung kaya ay hindi niya napansin ang pag-aaligid ng pakay niya? Naudlot ang mga iniisip niya. Inalala niya si Marcus. Nakita niya kung paano siya nito tinulungan. Ayaw man niyang purihin ang lalaki ng harapan, pero kakaiba ang lakas nito. Hindi gaya ng sa normal na lalaki. Masyado siyang inalala ni Marcus. Pero nakalimutan nitong may mga sariling galos din itong natamo. Siguro nga, utang ko sa kanya ang gabing 'to. Minabuti niyang tanggapin na ang alok nitong panggagamot. Hindi naman ganoon katigas ang puso niya. Gusto rin niyang magamot ang mga galos ng lalaki. Sa pagbukas niya ng pinto, hindi niya inasahang naroon pa pala si Marcus. Nakaharap sa direksyon ni Leila. Si Leila na unti-unti nang nililis-lis ang isa pang strap na suot nito. Nakuyom niya ang kamao. "Marcus," agarang tawag niya at paglapit sa lalaki. Hinawakan ang magkabilang pisngi nito. Wala na siyang ibang naisip kundi ang dampian ang mga labi nito. His lips was hot and almost tempting. Kaya bago pa man mapunta sa kung saan, kaagad niyang pinulsuhan ang leeg nito. Sorry. Nawalan ng malay si Marcus. Nasalo niya naman ang mga balikat nito. "Meron bang nangyari Sue?" pag-uusisa pa din ni Marcus sa kanya ng sandaling iyon. Hindi niya nagugustuhan ang ibig ipahiwatig ng lalaki. At hindi niya ibibigay ang sagot na alam niyang gusto nitong marinig. Diniinan niya ang patalim sa leeg nito. "Walang nangyari Marcus. Inaakit ka ng dalagang yun. Pinigilan lang kita! Ikaw itong nagsabi na huwag papatol sa mas bata, pero ikaw itong susunggab na pinakitaan ka lang ng balikat?" "Sinabi ko nga 'yun. Hinipnotized niya ako, Sue." "Alam ko," diin pa rin niya sa patalim na hawak. Kita niyang may nagmarka ng guhit. Binalikan niya ng tuon si Marcus, pero parang wala lang iyon sa binata. Nakangiti pa ito sa kanya. "Kaya hinalikan mo ako, para ma-distract ako? Tama?" Kita niya ang pag-kagat pa nito sa mga labi pagkasabi niyon. Hindi niya naiwasang matitigan ang mga labing iyon. Para bang gusto niya ulit iyong matikman. Hindi niya namalayang lumuwag na pala ang pagkakadiin niya sa patalim kaya't nahawakan na ni Marcus ang braso niya. Nagawa siya nitong iikot. Ang likod niya ay nakasandal na sa dibdib nito. Habang ang braso niya ay hawak nito na nakadagan sa dibdib niya mismo. Ang patalim ay nakatapat na sa puso niya. Naramdaman niya ang hininga ni Marcus sa kanan niyang tainga. "I swear, Ikaw lang ang type ko. Kaya dapat sa akin lang din ang mga halik mo." Di yata't mainam palang nasa ganoon siyang posisyon. Naitatago niya ang tiyak na pamumula ng pisngi niya ng sandaling iyon. Nakiliti siya sa hininga nito. Idagdag pa ang mga sinabi nito. "Sakin na muna 'to," kuha ni Marcus sa patalim na hawak niya. Saka siya binitawan din. Pagharap ni Sue kay Marcus ay nakatalikod na ito sa kanya. "Sagutin mo na ang-" "Isa akong Gold Clan, Sue." Hinarap siya nito. "Gaya mo, meron din akong clan na against kay Dera. At sa mga alipores nitong naghahasik ng lagim sa mga tao." Bago sa pandinig niya ang Gold Clan na sinasabi nito. Pero hindi iyon ang gusto niyang malaman ng husto. "A-Alam mong meron akong clan?" gusto niyang kompirmahin ulit. "Oo, Red Clan. Samahan ng mga babaeng lumalaban sa mga taong lobo, o mga halimaw." Hindi niya iyon inaasahan. "Kung ganoon matagal mo na bang alam?" Umiling ito. "N-Ng gabi lang na iyon. Na kinalaban mo ang mga.. halimaw na 'yun gamit ang latigo mo." "Kaya pala kakaiba ang lakas mo. At mukhang sanay kang makipaglaban." Inilahad ni Marcus ang kamay nito sa kanya. "Samahan mo ako. May ipapakilala ako sayong mga kaibigan. Gaya nila, laban din sila kay Dera." Tinitigan niya ang palad nito. Kasunod ay ang mukha ni Marcus. Si Marcus na kumpiramdong hindi rin pala ordinaryo gaya niya. Pero paano niya ba sasabihing hindi talaga siya kalaban ni Dera? Na isa siya sa mga alipin nito. Aliping walang ibang pagpipilian kundi ang sumunod. Na kung susuway ay buhay niya at ng mahal niya ang kapalit? "Halika na," pagkuha niyon sa kamay niya. "Kasama mo naman ako. Basta andito ako sa tabi mo, walang mangyayari sa'yo." At inaya na siya nito palabas. **** Kumatok si Leila sa isang private room ng isang hotel. Isang matikas na lalaki ang nagbukas sa kanya. "Dala ko na ang kailangan mo," sabi niya sa nakaupong babae sa swivel chair. Abala iyon sa tablet na hawak. Inilapag niya sa glass table ang dalang clear plastic wrap. May laman iyong maiksing hibla ng buhok. "Magaling aking Leila," maliit na pagpalakpak ng babae. She is wearing elegant suit. Bakas ang karangyaan sa pananamit nito. She's all in white. Pero hindi ang budhi at mga plano nito. "Thank you for this. Hindi ito masasayang. I need a second plan kung papalpak ang tiwalag na yun. Well, this is better. Two birds in one stone? Ah hindi, Two hearts in one show." Sumilay ang ngiti sa babae. Inamoy niya ang hibla ng buhok na dala ni Leila. "Malapit na. Makukuha din kita." Tinawag niya ang isang binatilyo sa gilid. Iyon ang halimaw na nakatakas sa mga kamay ni Marcus at Sue noong nakaraang gabi, si Klark. "Siguraduhin mong walang pagpipilian ang tiwalag na yun. Kailangan niyang sundin kung ano ang pinagkasunduan namin." Umalis na ang binatilyo. Naiwan si Leila sa kuwarto. Nakatitig lang ito sa kawalan. "Tapos na ang misyon mo sa'kin," sambit ng babae. "Gaya mo at ng magulang mo, hindi sila marunong sumunod sa usapan. Akala ba ng mga magulang mo ay hindi kita matutunton? Ako ang gumawa sayo, sa inyo. Wala kayong ibang dapat gawin kundi ang pagsilbihan ako." Wala sagot ang lumabas sa bibig ni Leila. "Tila nasa ilalim pa siya ng mahika mo, mahal na Dera," pagpapaalala ng matikas na lalaki. "Masyadong mahina ang taong ito, kung gayon? Kaya't ang kahinaan niya ang magpapahamak sa kanya. Sige na, she's all yours." Sumilay kaagad ang ngisi ng matikas na lalaki. Inakay nito si Leila. Hindi napigilan ni Leila ang pagtulo ng luha. Pero walang anumang hikbi ang lumabas sa kanya. Malaya siyang sumama sa matikas na lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD