Sydney Lee
While rummaging through the document na nasa table ko ay biglang may kumatok sa pintuan ng opisina ko, napakunot ako ng noo dahil alam kong hindi Gilbert ang kumakatok.
"Come in." saad ko.
Iniluwa naman ng pintuan ang isang takot na sundalo ko, nagtaka ako dahil napansin ko agad ang kanyang pasa sa mukha.
"What happened?" tanong ko. He is playing with his fingers at nanginginig siya.
Binaba ko muna ang papel na hawak ko and I rested my chin on my hands, "Sasabihin mo o tutuluyan ko nang panginigin yang kamay mo habang buhay?"
Napatayo naman siya ng tuwid at nangingilid ang kanyang mga luha.
"Nagkakagulo po sa cafeteria ngayon, nagkakainitan po ang Nightingale at ang Troops."
Napasapo na lang ako ng noo dahil sa pagrereport niya. "In what reason?"
"Nagkainitan po si Private Smith at ang ilang myembro ng Nightingale matapos mag cut sa linya ng pagkain si Private Smith." dagdag niya.
Nang dahil lang sa pagkain nagkainitan sila?
"Asan si Gilbert?" tanong ko. Nang dahil lang sa rason na yan ay nagkainitan silang lahat? Napakachildish naman.
"Siya po ang nag-utos sa akin na ireport sa inyo ito dahil po isa siya mga umaawat sa kaguluhan sa Cafeteria, hindi po kasi nagpapaawat si Private Smith at patuloy po niyang hinahamon ang Nightingale."
napakagat na lang ako ng labi, kung hindi ako nagkakamali ay yung pasa niya sa mukha ang nakuha niya sa pag-aawat ng kaguluhan. Kung hindi kaya awatin ni Gilbert ang kaguluhan ay malamang malaki nga ang problemang ito.
I slammed the table at kinuha ang malaking batuta ko, sa lahat ng ayaw ko ay iniistorbo ang oras ng trabaho ko over some trivial things.
Lumabas na ako ng opisina at sinuong ang daan patungo sa cafeteria, malayo palang ay kita ko na ang mga sundalo ko na nagsisigawan at naghihiyawan.
I clenched my fist, nakuha n'yo pa na magsaya?
"Suntukin mo Edmondo! Para malaman nila kung saan sila dapat lulugar!" hiyawan ng iilang mga sundalo ko.
I smirked, they take my words too lightly. I crossed my arms at pumwesto sa likuran nilang naghihiyawan, hindi nila ako pinapansin dito sa likod at busy sila kakacheer sa kasamahan nila.
I just observe the scene at agad kong napansin na kalmado lang ang Nightingale, kahit na pinagsusuntok na sila ay hindi pa rin sila lumalaban. Inikot ko agad ang paningin ko at napansin ko si Jericho na nakatayo sa labas, nasa harap niya ang tatlong lalaki at mukhang pinapagalitan niya ito.
"Mga lampa naman pala ang Nightingale eh, mas lamang tayo ng sampung ligo sa kanila!" hiyawan ng mga sundalo ko.
"Everybody shut up or else irereport ko to sa Colonel! Sabing tama na eh!" sigaw ni Gilbert. Kahit anong gawing paninita ni Gilbert ay hindi pa rin sila nagpapa-awat.
"Duwag ka lang talaga sir Gilbert, edi ireport mo! sa tingin mo ba magagalaw ako ng colonel na yun? Kung tutuusin ano ang magagawa ng isang babae na katulad niya? Hanggang salita lang naman siya eh!" pamilyar sa akin ang boses na to hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita.
"Wag na wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang Colonel, mas nakakataas yun sayo! At sinabing tama na eh! Hindi mo ba nakikita na hindi nga lumalaban ang Nightingale sa inyo!"
Hindi naman siya pinakinggan ng taong yun at patuloy ang pang-aalipusta sa Nightingale. Napasapo na lang ako ng noo.
"Sila naman itong nauna ah! Lungga namin to tapos hindi kami ang priority?!" galit niyang sigaw at inaambahan pa ng suntok si Gilbert. Hindi naman nagpatinag si Gilbert which makes me so proud of him.
"Sa lugar na to, kami ang priority. Kami ang palaging mauuna at kami ang superior,"
I smirked. "What a scene."
tila may dumaang anghel sa cafeteria at mga robot na nagsilungan sila, Parang binuhusan ng tubig ang mga sundalo kong kanina pa naghihiyawan at mga kaawa-awang tuta na nagsitinginan sa sahig.
"Oh, bakit kayo nagsitahimik?" sarcastic kong usal at pinaglalaruan pa ang batuta na dala ko. I stared the entire troops na nandoon at kapansin-pansin na hindi nila inakala na pupunta ako dito.
I stared that moron who confidently lift his chin and proudly look in my eyes na parang sinasabi niya na 'wala akong kasalanan at hindi mo ako pwedeng parusahan'
I smirked, ngayon ay naalala ko na kung sino siya. Umikot ikot lang ako para tignan ang damage ng cafeteria, agad kong napansin ang mga nakataob nang mga pagkain. I clenched my teeth and I am so angry right now.
But I need to calm down at baka ano pa ang magawa ko sa mga taong nandito.
"You," malamig kong turo sa tinatawag nilang Edmondo.
Tinaasan niya lang ako ng kilay, I smirked. "Where the fvck is your manners?"
tila hindi siya makapaniwala na minura ko siya.
"You can't say that to me!" pag-aangal niya.
nagmamaang-maangan naman ako. "Why?"
"Isusumbong kita sa tatay ko, kung hindi mo naiitatanong..."
Isang malakas na kalabog ang binitawan ng batuta ko matapos kong hampasin ng pagkalakas lakas ang lamesa, makikita agad ang bakas dahil sa lakas ng pagkakahampas ko dito.
"I don't ask who your father is and don't fvcking care kung sinong poncio pilato ang tatay mo," seryoso kong sambit. "Every one, run 600 laps around the barracks at kung ano ang pagkaing nakataob diyan. Yan ang kakainin n'yo hanggang bukas."
"Pero ma'am, hindi na yan kasya sa amin at madumi na po yan!" angal nilang lahat.
I smirked. "Hindi ko na yun problema, clean this mess and run."
As much as possible ay ayokong tumagal ang gulong ito at ayokong ibaby ang mga to. Lahat naman sila ay nagbulungan at halos hindi na sila gumalaw sa kanilang kinatatayuan samantalang ang Nightingale ay tumayo na at nag-umpisang maglinis.
I took a deep breath. "Hindi ba kayo susunod sa pinag-uutos ko?" malamig kong usal.
"Hindi, wala naman talaga kaming kasalanan so bakit kami ang pinaparusahan mo?!" galit na sigaw sa akin nung Edmondo.
I clenched my fist. "You think you are in a higher position than me huh?"
Tinignan ko si Gilbert. "Hand me a phone." agad niyang binigay sa akin ang kanyang phone at tinawagan ang main base.
"Is there a major that is related to Edmondo Smith?" tanong ko dito. Tila namutla naman yung Edmondo.
'Yes po Colonel,'
I smirked. "Transfer that person in my base and investigate his background, I need the result at the end of the day." pinatay ko na agad ang tawag at hinarap ang mga sundalo ko na halos nafreeze na sa kanilang kinatatayuan.
"700 laps around the barracks and dapat maubos n'yo ang pagkain na natapon dito, I will leave tomorrow and I will temporarily assigned Gilbert ang Captain Jericho of Nightingale to manage the base. I will also leave the punishment to them, and so for you..." dinuro ko agad ang taong nagpa-init ng ulo ko.
"I will put you into sanction, Gilbert put this bastard into confinement. Wag n'yo palabasin hanggang di pa ako bumabalik."
Wala akong kinampihan sa Nightingale at sa mga tauhan ko dahil unang una ayoko maging bias. Kung ano ang punishment ng isa ay yun ang lahat.
Umiling-iling na lang ako dahil sa sobrang childish ng mga sundalo ngayon, hindi pa ata sapat ang training na binigay sa kanila dati.
Kinuha ko na ang mga gamit ko at pumunta na sa garahe, hindi rin ako magtatagal dito sa base at kailangan ko nang bumyahe.
"Ma'am?"
Napalingon ako at doon nakita ko si Gilbert na nakayuko. "Don't expect me to console you after what I saw in the cafeteria," malamig kong usal.
"Alam ko po." mahinang sagot niya.
"Make sure pag balik ko maayos na ang lahat and follow all my instruction regarding on that bastard..." papasok na sana ako ng sasakyan ng may makalimutan akong sabihin.
"And also, hinay-hinay lang kayo sa pagdidisiplina sa kanila. Nagiging bastos na ang mga sundalo ko at hindi na alam ang tinatawag na manners kailangan ko nang putulin ang mga matataas nilang ihi." dagdag ko at sumakay na.
May driver ako dahil hindi ko kaya ang long drive, habang nasa byahe ay nagbabasa pa rin ako ng iilang dokumento nang biglang may nagtext naman sa phone ko. Napakunot ako ng noo dahil hindi ko kilala ang numero.
Agad ko namang binasa ang laman.
'See you later babes.'
That stupid monkey.
ibloblock ko na sana ang text message na yun nang magtext siya ulit. 'Don't block my number babe, hindi mo naman sigurong gugustuhing lumipat ako sa army under your care diba?'