Sydney Lee
Naging mas busy ang base ko mula nung araw na yun, tatlong araw na rin ang nakakaraan at hindi pa natratransfer ang hide out ng Nightingale sa base ko pero alam kong hindi yun kadali.
“Colonel may sulat pong dumating para sa inyo.” Bungad sa akin ni Gilbert.
“Ilagay mo lang doon sa box dahil babasahin ko yan mamaya, may ginagawa pa ako.” Saad ko habang binabasa ang iilang mga dokumento na related sa mission namin.
“Mukhang galing po sa Himpapawid pero ilalagay ko lang po dito,” napatigil ako at napakunot ang noo. “Ang aga naman ata para magpadala ang Himpapawid ng sulat?” kinuha ko naman sa palad ni Gilbert ang sulat at tama nga siya.
Galing nga ito sa Himpapawid. Kinuha ko agad ang gunting para mabasa ko na agad ang sulat na iyon, baka may karagdagan pa silang impormasyon na pwedeng makatulong sa misyon na to.
“Nga po pala Colonel, ngayong araw po ang dating ng Nightingale. Sasalubungin n’yo po ba sila ng personal?” Tanong ni Gilbert.
Ah. “Ngayong araw na ba yun?”
Akala ko maghihintay pa ako ng isa o dalawang linggo para ma-approve ang temporary transfer of leadership sa akin. Hindi ata umangal ng todo si General na yun?
Gilbert nodded.
"Sasalubungin ko sila ng personal just make sure na yung pagkain nila ay okay na, mahaba habang byahe kasi ang ginawa nila." saad ko at binalik ko na ang buong atensyon sa papel na hawak ko.
"Dear Colonel Sydney Lee, Himpapawid would like to invite you to an official meeting at the Himpapawid Headquarters 7:30 am, August 20, 2023. This is regarding to the joint mission between the Army and Himpapawid. " basa ko dito. So pitong araw mula ngayon ay pupunta ako sa headquarters nila?
But that will be a 5 hours drive from here at ang aga pa ng napagkasunduang oras!
"Anong akala nila sa akin may pakpak para makapunta ako ng ganito ka aga?" hindi makapaniwalang usal ko.
Sabihin na nating 1 am palang aalis na ako dito sa base pero hindi ako aabot ng 7:30 kasi marami pa akong gagawin!
"Colonel, may nahulog pong papel." saad ni Gilbert. Kinuha ko naman iyon at binasa agad, nakatupi ito at may heart na drawing pa sa labas.
'That stupid moron.' saad ko sa isip ko. How childish is he!
'If you can't arrive at exactly 7:30 a.m, Himpapawid would like to implement consequences.' Basa ko dito. I slammed the table and I gritted my teeth.
"Sinusubukan talaga ako ng unggoy na to!" inis kong usal habang hindi tinatanggal ang tingin sa papel.
'But if you want me to help you, I can send a war craft just to pick you up.' Saad niya sa sulat.
I crumpled the paper at inis na tinapon iyon sa labas ng bintana ko. I screamed so hard para malabas ang inis na naiipon sa dibdib ko.
"That stupid flirt!" nastre-stress na ako sa kanya, how can he be so chill sa mga oras na to?
"Uh, Colonel?"
"WHAT?!" hindi pa ba umaalis si Gilbert?
"The postman also told me to deliver this exact words to you kasi yun ang utos sa kanya," mahinang saad niya at nag-aalinlangan pa kung sasabihin niya ba o hindi.
"Ano?"
"In case itapon mo ang sulat, pinapasabi ng Lieutenant General Daniel na pwede ka daw niya sunduin kung ayaw mong magpasundo sa war craft."
Napahilot na lang ako ng sintido sa lalaking yun, I can't believe na makikipag-cooperate ako sa kanya. Nagdududa tuloy ako kung kaya ko ba na sagipin ang mga hostage mula sa groupong yun?
Pinaalis ko na si Gilbert dahil naaalibadbaran ako sa tuwing nakakakita ako ng lalaki, mas dumagdag pa sa inis ko ang lalaking yun. Matapos kong tapusing basahin ang mga sulat na pinadala sa akin ay bumaba na ako para personal na salubungin ang pagpasok ng Nightingale sa base ko.
"Colonel!" masayang bati sa akin ni Theo. I rolled my eyes at him.
"Ikaw naman napakasuplada mo naman oh," saad niya at tumabi na sa akin.
I coldly look at him. "Hindi ka ba hinahanap sa base n'yo at bakit ka dito tumatambay?"
He playfully smiled at me.
"Kung nandoon ako malamang sa malamang ay hindi ako makakalabas na walang bukol sa ulo, kontrahin ba naman ng nag-iisa kong kaibigan ang General namin."
That reminds me na si General Rico nga pala ang nagmamanage ng base nila at sa lugar na yun ay wala siyang kawala kapag naparusahan siya.
Umiling na lang ako at napabalik ang buong atensyon sa kakapasok lang na mga military trucks. Tatlo ito at naglalaman ng 20 na tao.
"Colonel, nasa linya na po si Chief of Staff." bulong sa akin ni Gilbert kaya kinuha ko naman ang telepono para makipag-usap sa kanya.
"Hello?"
"Iha, I just called because I wanted to check is dumating na ba ang Nightingale sa base mo?" At personal mo pa talagang chineck kung dumating na sila ha.
"Yes po, kadarating lang nila. Why? Is there any problem?"
I heard him sigh. "I just heard a report na nagwala daw si General Rico when Snoppy bid a goodbye sa base nila, akala ko nga hindi sila makakalabas dahil sa pag-aangal ni Rico."
Syempre, kunin ba naman sa kanya ang gatasan niya sa loob ng tatlong taon? Magwawala talaga yun.
"Just don't mind him sire, ang importante ngayon ay maging successful ang misyon na to at marescue na natin ang mga hostage ng groupong yun." kalmadong usal ko.
Hindi na siya nagsalita at mukhang binaba na niya ang tawag. Binalik ko na ang telepono at naka-angat ang kilay na napatingin kay Theo.
"What?" nagtatakang tanong niya.
I smirked and I crossed my arms. "Dito ka muna hanggang sa humupa ang galit ni General Rico, mukhang hindi ka na makakalabas ng buhay pag bumalik ka pa sa base n'yo."
Umalis na ako sa tabi niya at pumunta na sa platform. I saw a lot of Nightingale members at karamihan dito ay hindi na bago sa paningin ko, some of them are my friends.
"Nightingale troops, attention!" saad ng pinakaleader nila. All of them stood straight and gave salute at me as a sign of respect.
"Captain Jericho Boleoti reporting for duty, Colonel Lee." magalang na saad ng Captain nila.
I nodded and gave them a salute. "Welcome Nightingale troops in my base, in this place I only have one rule. Respect each other, I don't want to hear from any of you that you bully you co-nightingale comrades or my men because of your rank. If I hear even a rumor, I will personally train all of you. Do you understand?" malamig kong sambit.
"Ma'am yes ma'am!" all of them salute at me and I just smiled.
"Gilbert will accompany you to your barracks, if you have questions just relay your problems through your captain. Hindi tayo lahat kakasya sa opisina ko kung lahat kayo may problema." dagdag kong saad. Gilbert assisted all of them papunta sa barracks nila.
"Snoopy." malamig kong tawag. Napatigil naman ang Captain nila at napatayo ng tuwid habang straight ang mukha na nakatingin sa akin.
"Report in my office now."
'Snoppy', a codename assigned to him. Each Nightingale member are assigned with a designated codename at yun ang ginagamit nila during a mission and now, I called their captain in his codename to instruct him kung ano ang gagawin nila during their stay here. Kailangan nilang gamitin ang codename na yun para matago ang kanilang identity at mas mabilis ang communication sa kanila kung codename lang ang gagamitin.
Hindi lahat alam ang codename o alyas nila at tanging kami lang na nakakataas ang nakakaalam nun dahil karamihan sa amin,
Dating myembro ng Nightingale. Except lang talaga kay General Rico na sumasapaw at feeling myembro ng Nightingale
Pagkadating namin sa opisina ay umupo agad ako sa sofa. "Snoppy, you may take you sit." seryoso kong usal.
Umupo naman siya at tila isang statwa sa sofa, sobrang tigas naman ata ng katawan nito.
I chuckled a little bit. "You are too intense Jericho, calm down. Ako lang to"
Tila nagulat naman siya pag-iiba ng aura ko.
"P-Pero Colonel..."
"Is that how you address me, Snoppy?" nakangisi pero mapagbantang usal ko.
He just rolled his eyes at napasandal na lang sa sofa. "Paano kita niyan seseryosohin kung ganito ka makipag-usap sa akin?"
Napatawa na lang ako dahil sa nag-iba bigla ang tono ng kanyang pananalita. He just smiled and he crossed his legs, napatawa na lang ako ng todo dahil sa hindi na niya mapigilan ang paglabas ng totoo niyang pagkatao.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago Jericho," masayang saad ko.
He rolled his eyes again. "Malamang, mukha at katawan ko lang nagbago no! Kung hindi lang dahil sa chakang matandang yun, hindi ganito karami ang wrinkles ko!" asar niyang usal at kinuha ang maliit na salamin mula sa kanyang bulsa.
I just sighed, babaeng babae pa ito sa akin. Hindi pa nga ako makapaniwala dati na myembro siya ng LGBT dahil gwapong gwapo siya at ang tikas ng pangangatawan.
"Mabuti na lang talaga at naisipan mong itransfer sayo ang leadership ng Nightingale dahil hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa corrupt na opisyal na yun." mataray niyang usal habang naglalagay ng lip balm sa bibig.
I smiled. "Pasensya na, marami lang akong iniisip at ngayon ko lang kayo naisip."
nag-iba agad ang kanyang ekspresiyon dahil sa malungkot kong mukha, "Maiba tayo, bukang bibig ng chakang aswang na yun ang imposible mong misyon. Ito na ba yun?"
Tumango ako. "We just got a recording na nagpapatunay na buhay ang nanay ko, nabuhayan ako ng loob Jericho. I can finally save my mother and I really hope na kasama niya ang kapatid ko."
Jericho nodded.
"So whats the first plan?" curious niyang tanong.
Mabuti at natanong niya yan. "I already sent the full plan to the chief of staff at magkakaroon ako ng meeting together with the lieutenant general ng Himpapawid, the first thing you need to do, dalhin mo dito si Lily."
Nanlaki ang mga mata niya when I mention her name. "Lily? why?"
I smirked. "I am hitting two birds with one stone, gusto mo bang bumalik sa original hide out n'yo na siya pa rin ang General na hahawak sa inyo?" makahulugang usal ko.
"Ay perfect!" pumalakpak naman siya at sobrang lapad ng ngisi sa akin. "Pero mukhang matatagalan pa bago bumalik si Lily dito, may misyon pa siya na kailangan niyang tapusin mga dalawa o tatlong linggo pa ata."
Sumandal ako sa aking upuan. "That's alright, I can wait. Kailangan ko rin kasing iexplain sa Himpapawid ang plano," and thinking na mag-eexplain ako sa unggoy na yun ay sumasakit na ang ulo ko.
"Himpapawid? Yung Lieutenant General ba na tinutukoy ay si Nicholas Daniel?" nagtatakang tanong niya. Napakunot naman ang noo ko, "Kilala mo?"
"Of course inday! Wala na atang tao ang hindi nakakakilala sa kanya, kung meron man ay nako alien ata siya."
What?! "So alien ako? Hindi ko kilala ang taong yun eh, sino ba yun?"
Nanlaki agad ang kanyang mga mata at umiiling iling pa. "No way, that man is the hottest person in the world! Paanong hindi mo siya kilala?" hindi makapaniwalang usal nya.
"Magtatanong ba ako kung kilala ko? Minsan ang utak mo hindi gumagana eh," asar kong sagot.
Pero totoo, ganun siya kakilala na?
"Naku inday, maghinay hinay ka sa kanya. Demonyo yun pagdating sa landian, halos lahat na ata na babae na under sa kanya nalandi na niya ata kaya maghinay hinay ka. Baka ikaw na ang sunod." pagbabanta niya sa akin habang inaayos ang buhok niya.
I scoffed, "Ako? Malalandi niya, ang tawag doon imposible." tinuro turo niya naman ako.
He just smiled playfully at sumandal. "Basta pinagbantaan na kita ha. Tignan natin kung tatalab sa kanya ang pagiging man-hater mo."