Sydney Lee
"Is this how you welcome your father?!" galit na usal ni Major Lee. I just rolled my eyes at ibinigay kay Gilbert ang susi ng kotse ko para maipark na niya iyon ng maayos.
"What brings you here commander?" malamig kong tanong.
Namula naman siya sa panlalamig ko. "May problema ba sa squad mo at kailangan mo pa talagang personal na pumunta dito sa base ko?" malamig kong usal. Napansin ko na nasa likod niya ang mga taong ayaw kong makita.
I smirked. "At nagdala ka pa talaga ng audience para ano?"
"This is a kind of daughter na pinalaki ko? Ang walang respeto sa ama niya, bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag at sulat ko sayo ha?" galit niyang usal. Napakamot na lang ako ng tenga ko dahil sa wala talagang pinipiling lugar ang mga taong ito, naturingang isa sa mga matataas na opisyal ng army pero mga walang class.
"Hindi kita pinalaking bastos!" galit niyang saad.
"Mas importante pa ba ang mga tawag at sulat mo kesa sa bayan na to?" walang buhay kong sagot.
Bumalik na si Gilbert at kinuha ko na rin ang susi ng kotse ko, napansin ko na nagbubulong bulongan na ang mga sundalo ko at halatang nakikitsismis sa kung anong nangyayari sa amin dito.
"300 laps around the barracks!" sigaw ko dito na siyang ikinagulat nila.
"Gusto n'yo dadagdagan ko po ng 200 laps?" malamig kong usal. Wala naman silang choice kung hindi sundin ang utos ko. Nang maiwan na kaming lahat dito ay napabuntong hininga na lamang ako.
"Sydney, hindi mo naman sila kailangang parusahan sa walang dahilan lang." painosenteng usal ng step-sister ko. Luatisia Jenner, katulad ng nanay niya ay blonde at blue eyes rin ang step-sister kong ito. Ah that reminds me of something.
We are really close nga pala.
"Kung ayaw mo silang nahihirapan bakit hindi nalang ikaw ang sumalo ng parusa na para sa kanila?" nakangisi kong usal at napatingin sa nanay niya.
"Tutal ang hilig n'yong mag-ina ay makisawsaw sa mga bagay na hindi niyo naman dapat pinapakielaman?" dagdag ko.
"SYDNEY AUREA LEE!"
Biglang nagpanting ang tenga ko dahil sa binanggit niya ang pangalang iyon. "You really have the nerve to call me that name, aren't you ashamed of your self?" I took a step forward.
"Wag na wag mong dinidisrespect ang nanay mo at ang kapatid mo, nasan na ba napunta ang puso mo?" hindi makapaniwalang usal niya.
This conversation is getting longer and absurb, tinignan ko si Gilbert at nakuha niya naman agad ang gusto kong mangyari.
"Sa susunod Gilbert, wag na wag kang magpapasok ng langaw sa base ko. Kung mauulit pa to, sa tingin mo makakaiwas ka sa parusang ipapataw ko sayo?" mapagbantang saad ko.
"And so are you people, may I remind you that this isn't your home..." hindi pa nga ako tapos magsalita nang sumabat bigla ang step-mother ko.
"Anak, gusto ka lang namang bisitahin ng daddy mo."
Napa-iling na lang ako sa gusto nilang ipalabas dito.
"Pumunta kami dito because we are so worried about you since hindi ka na umuuwi sa bahay." dagdag niyang usal.
"And also, you sister is very worried of you. Alam mo naman na ayaw ng kapatid mo na pumasok ka sa mundong ito." makahulugang usal niya.
I grin. "Are you implying na dapat ko sundin ang kagustuhan ng hindi ko kadugo?" natatawa na lang ako sa kakapalan ng mga taong ito.
Biglang nag-iba ang ekspresiyon nilang mag-ina at si daddy naman ay tila hinahayaan na lang sa kung ano man ang sinasabi ng mga sampid niya.
"Unless there is war, wag na wag kayong tumapak sa base ko. Lalong lalo ka na Major Lee, your visit here is unofficial and disrespectful since you don't ask for courtesy visit." I uttered with full of authority.
"But I am still your father and hindi mo mararating kung nasaan ka ngayon kung wala ako."
Nilagpasan ko nalang siya dahil ipaglalandakan niya na naman na tatay ko siya at kailangan ko siyang respetuhin.
"Kung ano man ang narating ko ngayon, hindi yun dahil sayo. What makes you think na may utang na loob ako sayo." mahinang bulong habang nilalagpasan siya.
Napansin ko rin na hindi maganda ang tingin sa akin ni Luatisia, I smirked. "Just continue in living like a fragile princess in the castle that will never be yours Luatisia, just like your mom. Who cannot grasp the situation she entered." makahulugang usal ko at pumasok na sa building ko.
Those people, they need to wake up. Lalong lalo na ang matandang yun na walang ginawa kundi ang sirain ang buhay ko.
"Colonel, may emergency po." nag-aalalang usal ni Gilbert.
"What is it?"
"May letter po galing sa higher office, mukhang pinapatawag po ang lahat ng matataas na opisyal." ibinigay niya sa akin ang letter at agad ko namang binasa iyon.
Walang sinabi kung ano ang pag-uusapan namin, "Sa loob ng ilang taon ay ngayon lang sila magpapatawag ng meeting? May terrorist threat na naman ba?"
"Wala po at ilang taon na rin po nating sinusubaybayan ang groupong yun, they didn't make any move until now."
Nakakapagtaka naman, kung hindi ang groupong binabantayan namin. Ibig sabihin may iba pang rason.
"Prepare the official car, pupunta tayo doon." Dumaretso na muna ako sa mini wardrobe ng opisina ko. Kinuha ko na ang uniform ko at sinuot ito, inayos ko na rin ang badge ko na siyang nagpapatunay ng rank ko. Kinuha ko na rin ang maliit kong baril at inilagay ito sa pouch na nakalagay sa hita ko, sa ganitong paraan ay mas mapapadali ang pagkuha ko nito. For self defense na rin.
Sinuot ko na rin ang cap ko at tinignan ang sarili sa salamin, My green eyes are so similar to my mother. She is the most dignified woman I ever known, kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako makakarating sa kung ano ako ngayon.
"Mom, I may not wearing the uniform just like you but soon enough mararating ko rin kung ano ang narating mo noon."
I will bring back our glory so that I can proudly state my full name in front of many people.
Lumabas na ako at pumunta sa official car, napansin ko ang mga sundalo ko na halos hindi na makatayo sa sobrang pagod dahil sa pagpapatakbo ko sa kanila.
"Gilbert, ask the cafeteria na magprepare ng banquet for our soilders." saad ko habang nakatingin sa kanila.
Napa-iling na lang ako dahil parang ang lalamya ng mga bagong pasok na sundalo ngayon. "If this is war, kanina pa sila namatay. Instruct the higher officers to be strict as much as possible sa mga bagong salta, mukhang sila pa ang mauunang ilibing kapag ganito sila kalamya." pumasok na rin ako. Probably I will personally handle the training for those people, kailangan ko ring disiplinahin ang mga officers ko.
Pagkadating ko sa main base ay lahat ng tao na nandoon ay hindi magkanda-ugaga. Sobrang busy nila to the point na hindi nila kami pinapansin na. Pumasok na rin ako sa loob ng main building at nakasalubong ko na rin ang iilang officials.
"Colonel!" Napalingon ako nang may tumawag sa akin.
"Lieutenant Colonel Theo." walang buhay kong usal. Napakamot na lang siya at nakangiti sa akin.
"Napakaformal mo naman Colonel, may position pa talaga."
Napa-iling na lang ako sa kanya. "Nasa loob tayo ng base Lieutenant, ano na lang ang iisipin nila kapag naging informal tayo dito."
"Kung sabagay, you prioritize honor kaya naiintindihan kita. Maiba ako, bakit nga pala tayo pinatawag?" Napalingon lingon pa siya sa paligid namin.
"I was asking the same question, since it is very unusual sa high ups na magtawag ng meeting lalong lalo na at maayos naman ang political relationship ng mga bansa."
"I think there was more into it," makahulugang usal niya at may tinuro sa entrada ng building.
Lahat kami ay nagulat dahil hindi namin inaasahan na makita sila sa lugar na to, mas lalo kaming nagtataka dahil sa kanila.
"Ano ang ginagawa ng mga Himpapawid na yan dito sa military base natin?" nagtatakang tanong ni Theo.
"If involved ang Himpapawid sa meeting na to, it means there is a bigger problem."
Habang naglalakad sila papalapit sa amin ay parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. His deep blue eyes met mine, parang tinakasan ako ng dugo nang makita ko siya.
Imbis na dumaretso sa waiting area nila ay lumiko siya papunta sa area namin, nag-iwas agad ako ng tingin.
"Uh, Colonel?"nag-aalalang usal ni Theo. Tinuro niya ang taong nasa harapan ko ngayon kaya hindi ko na napigilan ang sarili na mapatingin sa kanya, he is smiling at me.
"Long time no see, Colonel Sydney Lee."