Sydney Lee
"Long time no see, Colonel Sydney Lee." nakangisi niyang usal. Lahat ng tao na nandoon mapa higher ranking man o hindi ay halos hindi makapaniwala sa nakikita nila, ngayon lang ba sila nakakita ng taong kinakausap ako?
But more importantly is this man in front of me na grabe ang ngisi sa akin na akala mo naman ay close kaming dalawa.
"Colonel, hindi ko ata inaasahan na makikita kita dito. What a coincidence!" puno ng galak niyang usal pero may bahid iyon ng panunukso. I observe his clothing at mapapansin mo talaga na iba siya sa iba niyang mga kasama, if ang basis ko lang is ang badges niya.
"Sinong mag-aakala na dito pa talaga tayo magkikita, Colonel Sydney Lee." nakangiti niyang sambit.
Napakagat na lamang ako ng labi ko at pekeng ngumiti sa kanya. "What a wonderful reunion, kumusta na pala yung babaeng kasama mo?"
Mas lalong lumawak ang ngiti niya na siyang ikinapagtaka ko pa.
"I think she's doing well, I guess." He shrugged his shoulders. "Well, sabihin mo regards ha."
tatalikod na dapat ako para hindi ko na makita ang nakakairitang pagmumukha niya.
"If you are free later, can I ask you for dinner?" biglang aya niya sa akin na siyang ikinasinghap ng mga tao sa paligid ko.
Napakunot ang noo kong humarap sa kanila, "Ngayon lang ba kayo nakakita ng dalawang taong nag-uusap?" asar kong sabi. Lahat naman sila ay nagsi-iwas ng tingin sa aming dalawa samantalang ang taong nasa harap ko ay grabe kung makangisi.
"And you, stop smiling and don't act like parang magkakilala tayo. If you are an official, you should act like one para kang aso kung makangisi diyan." maldita kong usal at umalis na sa harap niya.
Mas lalong napasinghap ang mga tao sa paligid ko, isa pa to eh kaya gustong gusto kong disiplinahin ang mga opisyal na to kasi parang sa kanila nagsisimula na maging tsismoso ang mga sundalo namin eh.
"Sinong mag-aakala na may lalaban sa kanya?" naririnig kong bulong bulongan nila.
"Kaya nga, nagulat nga ako at nilapitan siya ni Commander."
Hindi ko na sila pinansin at naghanap na lang ng upuan, maya-maya pa ay lumapit si Theo sa akin na puno ng pagtataka ang mukha.
"Alam ko kung anong klaseng mukha yan Theo," malamig kong sambit. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa curiosity ng taong to.
"Paano mo nakilala ang taong yun Colonel?" hindi makapaniwalang usal niya.
Bakit ano ba ang deal sa taong yun? Parehas lang naman ata kami ng rank eh, sa himpapawid lang siya at ako sa lupa.
"Siya lang naman ang taong ayaw na ayaw ko sa lahat," Umupo siya tabi ko. "Bakit? Anong ginawa niya sayo?"
I took a deep sigh, "Hindi ko kailangang sabihin sayo Theo kasi nga ayaw ko, kung ayaw mong ako mismo ang magparusa sayo izipper mo na yang bibig mo at manahimik ka nalang." pagtataray ko.
Bakit ba kasi ang tagal nila kami papasukin sa auditorium, kanina pa kami dito ah. Maya-maya pa ay pinapasok na rin kami, nahati ang auditorium sa dalawa. Nasa kanan ang Himpapawid at nasa kaliwa naman kaming mga Military.
"Kahit na gusto ko na talagang malaman kung ano ang nangyayari, wala talaga akong magawa. Hanggang ngayon ay gustong-gusto kong malaman kung bakit nandito sa main base natin ang Himpapawid?" napakamot na lang sa ulo si Theo.
Kung ano man ang rason kung bakit sila nandito ay paniguradong gulo ang dala nito, maya-maya pa ay pumasok na ang mga nakakataas na opisyal ng Militar at Himpapawid. We stood up and give respect to them by saluting.
"At ease." saad ni General Rico. Umupo na agad kaming lahat at isang nakakabinging katahimikan ang dumaan sa loob ng auditorium, lahat ay tensyonado sa mga mangyayari sa loob ng auditorium.
"We called this emergency meeting to announce that something is about to happen," tumigil siya ng bahagya na siyang nagpalakas ng kutob namin.
Nagtaas ako ng kamay at tumayo. "When you say something is about to happen, do you mean that group is making a comeback?" seryoso kong tanong.
Tumango naman si General Rico, I clenched my fist at ikinalma ang sarili. "So what did they do this time?"
"For now wala pa but an intel gathered a data that they are planning to something,"
Sa pagkakatanda ko ay sinabi ni Gilbert na wala pang ginagawang hakbang ang binabantayan namin pero kapag sinabi nila na may magaganap ay paniguradong sangkot din sila dito at hindi lang namin matrack.
Nagtaas na rin ng kamay si Theo, "Pero General, ano naman po ang kinalaman ng Himpapawid dito? Sa pagkakaalam ko General ay tayo lang ang may alam sa problemang ito."
Umupo na ako dahil hindi na niya talaga matiis ang kanyang kuryosidad pero lahat kami dito ay pareho rin ang tanong.
Bumuntong hininga ang katabi ni General Rico at kinuha ang microphone, "Nagtataka rin siguro kayo kung bakit kami nandito..."
"Hindi lang siguro, nagtataka talaga kami kasi sa lahat ng operation namin ay hindi kayo sangkot diba?" tinapik ko naman ang kamay ni Theo dahil ang tabil na at nakakalimutan niya ata na General yang kausap niya.
"To make the story short, 2 months ago one of our 'trusted' men accidentally entered the air space of that group and they deliberately shot the plane down. We lost communication and we cannot freely enter the place to check if they are dead or not," saad ni Mr. Blue eyes, hindi ko alam kung ano ang pangalan niya eh.
"So what are you implying? Humihingi kayo ng tulong para irescue ang mga kasamahan n'yo?" tanong ko.
"We are not asking for your help because we can also do what you can do in rescuing your comrades but one of our supposed dead men communicate us three days ago, although he is asking for help but there is one thing na nireport siya which involves the Military."
Napakunot naman ako ng noo when he handed something to his comrade na siyang ibinigay niya rin sa harapan, mukhang recorder siya.
"Everyone listen, baka maging pamilyar sa inyo ang boses nila." nilagay ng katabi ni General ang recorder sa microphone.
"Help! Tulungan n'yo kami! Ninakaw ko lang ang communication na to para makacommunicate sa inyo! Buhay kami! Tulungan n'yo kami!" saad nung nasa recorder.
Mukhang ito na ata ang tauhan nila at mukhang nahostage sila doon, napailing na lang ako. Wala ba silang radar para malaman kung nasaan sila at ang tatanga naman nila dahil doon pa sila napadpad sa lugar kung saan maraming terrorista.
"Ilan kayo?" patuloy na sinasabi nung nasa recorder.
"Dalawa na lang kami ang buhay, patay na ang piloto namin at si first class Jared binaril! tapos may limang tao pa dito humihingi rin ng tulong!"
napakunot ako ng noo, "May sibilyan doon?" bulungan ng mga kasamahan ko.
Kahit na anong sama ng mga taong yun ay hinding hindi nila isasangkot ang mga sibilyan dahil yun ang napagkasunduan. Ragasak lang ang naririnig namin sa recorder, lahat kami naghihintay sa susunod na sasabihin ng mga hostage.
Maya maya pa ay may tumunog sa recorder, isang malalim na paghinga at tila hinahabol ng kung sino.
"If you are...recording this...." Tila nanlamig ang buong katawan ko dahil sa boses na yun. Lahat ng mga kasamahan ko ay napatingin sa akin dahil tila nabosesan nila ang taong yun.
"We have three civilians here who are badly injured... We badly need reinforcement to rescue them." napakahina ng boses niya at parang hinihingal.
Hindi nga ako nagkakamali sa boses na yan dahil siya lang ang taong alam ko na may boses na parang sa anghel.
Isang patak ng luha ang dumaloy sa mata ko, "Mommy?"