PROLOGUE

2255 Words
PROLOGUE Mula sa singkit nitong mga mata ay bigla iyong namilog habang naka awang pa ang pula nitong labi. Nakaguhit din mula sa maamong mukha nito ang kakaibang tuwa na siyang tumutunaw sa puso ko. "Nagustuhan mo ba?" Masigla kong tanong dito habang nanatiling naka-ukit sa mukha nito ang isang matamis na ngiti at pa ulit ulit na tumatango bilang tugon sa tanong ko. Napatayo pa siyang nag tatalon sa kama at hindi mapakali sa kaka-ikot habang sinusundan ng mga mata niya ang pag lipad ng bago nitong laruan. "Thank you for this mama. You're the best mama talaga!" Para siyang kinikiliting uod na napahalik sa pisngi ko at panay pa rin ang pag papalipad nito sa bago niyang drone. Alam kong iyon ang gusto niyang matanggap ngayong ika-limang taon niya. Hindi mahirap sa akin ibigay ang ano mang magustuhan niyang bagay. Kahit gaano iyon ka-mahal hindi naging problema ang pera. Doon na lang ako nakakabawi sa kaniya, ang ibigay lahat ng materyal na naisin nito. Habang tuwang tuwa ito sa pag lalaro ng bago niyang drone ay isininop ko na lahat ng kalat mula sa mga binuksan nitong regalo. "Evo, tama na 'yan gabi na. Halika na at mag linis ka na ng katawan." Aya ko sa kaniya ng matapos kong ligpitin ang lahat ng kalat. Mag hapon na kasi itong nag lalaro kanina kasama ang mga bisita niya pero mukhang walang kapaguran ang batang ito at panay pa rin ang pag lalaro. "Mama, gabi na bakit wala pa kaya si Dada?" Natigilan ako sa pag kuha ng tuwalya at tila nabato ang buo kong katawan sa naging tanong nito. Bumagal na rin ang pag hinga ko at tila hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kaniya. "A-ah, b-baka may--- m-meeting pa sila. Halika na mag linis kana para pag dating niya amoy baby kana." Pilit akong ngumiti ng lingunin ko si Evo na siyang nakatitig sa orasan. Biglang nag laho ang matamis na ngiti sa mga labi niya at parang nanlalambot nitong ibinagsak ang kamay sa magkabilang gilid. Kita ko kung paano sundan ng mga mata nito ang pag pitik ng orasan at alam ko.. nararamdaman ko, umaasa siyang darating ang Dada niya tulad ng ipinangako nito sa kaniya. Hindi ko mapigilang masaktan habang pinagmamasdan ang anak kong umaasa at nag hihintay sa pag dating nito gayong alam kong malabo iyong mangyari. Pang limang taon na niya itong ginagawa, palagi na lang siyang nangangako na dadating siya sa espesyal na araw ni Evo pero kahit minsan, hindi siya nakauwi para sa anak niya. "Ang totoong birthday wish ko, sana dumating si Dada bago matapos ang araw na 'to. Kahit saktong eleven fifty nine, gusto ko lang na batiin niya ako ng happy birthday, Evo." Nalukot ang mga labi nito at kita ko kung paano pumatak ang luha sa mga mata niya na agad din niyang pinahid ng braso. May kung anong kirot ang dumurog sa puso ko habang nakatitig ako sa kaniya. Higit akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Pakiramdam ko napaka-wala kong kwentang ina dahil wala man lang akong magawa para ibigay sa kaniya iyong nag iisa niyang hiling kada-taon. Bagay na kahit anong gawin ko, hindi kayang bilhin ng pera. Kahit pa ubusin ko ang yaman ng pamilyang 'to, hinding hindi ko maibibigay kay Evo ang regalong hinahangad nito mula noon. "And they lived happily ever after." Nakangiti kong isinarado ang libro at hindi ko napigilan mapatingin sa maamo at mapayapang mukha ni Evo ng sumiksik ito sa akin at mahigpit ang yakap sa bago niyang laruan. Napangiti akong hinagod ang natutulog na mukha ni Evo at hindi ko maiwasang halikan ang noo niya. Kinumutan ko rin ito at napatitig sa kaniya. Ang laki laki na niya, hindi ko kailan man na isip na magkakaroon ako ng isang anghel sa buhay ko. Ikaw ang lakas at buhay ni Mama. Sayo lang ako humuhugot ng lakas at tatag ng loob para ipag-patuloy ang buhay ko. Masaya ako at dumating ka sa akin, anak. Mahal na mahal ka ni mama. Nakangiti kong hinagod ang buhok nito at akmang hahalikan ko ulit ito ng marinig kong bumukas ang pinto. Agad akong napatayo sa gulat at kita ko ang pa gewang gewang na pag lapit ni Trevor. "Evo, anak... N-nandito na si Dada. H-Happy Birthday!" "Trev, bukas na lang. Tulog na 'yung bata oh." Hinarang ko ang sarili ko para hindi na nito magising pa si Evo pero tinabig lang ako nito at pilit na nilapitan ang anak namin. "Evo, gising na nandito na si Dada." Niyugyog pa niya ang balikat ni Evo kaya buong lakas kong hinila ang braso nito palayo. Ayoko maabala ang mahimbing na pag tulog nito dahil ala-una na ng madaling araw at halos kakatulog lang ni Evo dahil sa kakahintay sa kaniya. "Trev, please... Tulog na siya. Bukas mo na lang siya batiin." Mahinahon at kalmado kong pakiusap dito. Natigilan ito sa pag gising sa bata at kita ko kung paano namilog ang mga kamao nito. Wala sa sarili akong napa-atras kasabay ang mabilis na pag kabog ng dibdib ko sa takot. Tila nahulasan ito mula sa kalasingan ng lingunin niya ako. Sumalubong sa akin iyong matatalim nitong tingin at nagtatagis nitong bagang. Hindi ko mapigilan ang kusang pag atras ng mga paa ko at walang humpay kong pag iling sa kaniya. Halos nakikiusap na rin ang mata ko sa kaniya pero sigurado akong hindi niya ako pakikinggan. "Trevor!" Gulat pero ipit at pigil kong sigaw ng bumalot ang malaki nitong kamao sa lalamunan ko kasabay nun ay pag hampas ng likod ko sa pader. "Wala kang karapatan para diktahan kung ano ang dapat kong gawin! Kung kailan ko pwedeng gisingin at kausapin ang anak ko! Naiintindihan mo ba?!" "T-Trev-- n-nasasaktan a-ako." "Sumagot ka!?" Gigil nitong untag sa akin na siyang kinapikit ko sa takot. Hindi ko matagalan iyong nakakatakot niyang mga tingin na kulang na lang ay patayin ako nito sa tingin. "Sagot!" "O-O-oo." Hirap kong sagot sa kaniya at napatango ng ilang beses bago ako nito tuluyang bitawan. Napahawak ako sa leeg ko at ilang beses na napa ubo para bawiin iyong hanging nawala sa akin. Halos lumuhod ako sa sahig bago ko mabawi ang hangin sa katawan ko. Pag angat ko ng tingin ay nakita ko ang pag gising nito kay Evo hanggang sa naalimpungatan ang bata. "D-Dada!?" Biglang nanlaki ang mata nito at bakas ang tuwa ng makita niya ang Dada niya. "Happy birthday, Evo." Nakangiting bati nito sa bata. Ngiti na alam kong totoo, ngiti na minsan ko lang makita at ngiti na katulad na katulad ng kay Evo. Pilit akong tumayo at pasimpleng pinahid ang luha kong nakatitig sa kanilang dalawa. Wala akong makitang kahit na anong pagkakaiba nilang dalawa, kahit saang anggulo ako tumingin, magkamukhang-magkamukha sila at hindi maitatanggi na anak niya talaga si Evo. Masaya ako makitang masaya si Evo na makita ang Dada niya kahit pa alam ko sa sarili ko na isang sumpa kay Trevor ang pag dating ko sa buhay niya, ang pag dating namin ni Evo sa buhay niya. Tahimik ko na lang na nilisan ang silid ni Evo at tinungo ang kwarto ko. Mabigat at nanlalambot akong napaupo sa gilid ng kama at naihilamos ang kamay sa mukha ko. Kahit gaano kasakit, kahit gaano kahirap mananatili akong matatag at malakas para sa anak ko. Titiisin ko lahat ng sakit para sa kaniya. Iyon lang ang magagawa ko para maramdaman niyang meron siyang isang masaya at buong pamilya kahit ang totoo, lahat ng iyon ay isang palabas lang. "Papasok na po ako sa school." "Anak, sandali lang. Iyong baon mo." Nag mamadali pa akong tumakbo papuntang kusina para kuhanin ang baon nito at naabutan ko namang buhat buhat ni Trevor si Evo. Napangiti na lang akong sumunod sa kanila, kahit hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin sapat ng alam kong hindi niya sinasaktan ang anak namin, na kahit paano alam kong mahal niya rin ito. "Dada, hindi na nga po ako baby boy. Big boy na ako. Si Dada naman ang kulit!" Natawa ako ng makita kong napakamot pa ng ulo si Evo sa pag papaliwanag na hindi na siya baby. We used to call him baby dahil sa nag iisang anak lang siya at kung ako ang tatanungin parang ayoko na siyang lumaki, natatakot ako na baka maiwan at makalimutan niya ako pag dating ng araw. "Oh sige na big boy kana basta mag aral kang mabuti at 'wag puro kalokohan." "Aye aye Dada!" Sumaludo pa ito kay Trevor kaya ginulo naman nito ang buhok ng bata. Lumapit ako para iabot ang baon niya at hinalikan ko ito sa pisngi. "Ingat ka. I love you." "I love you too mama and dada!" Nakangiti nitong sabi at hindi na ako nagulat ng hilahin ni Trevor ang bewang ko at ikulong iyon sa mga bisig niya habang nakangiti ito sa anak namin. Hindi na lang ako kumibo at pilit ding ngumiti. "Sige na manong pakihatid na si Evo baka mahuli pa siya sa klase niya." "Opo sir." "Ba-bye po!" "Ingat ka, huwag masiyadong malikot." Kumakaway pang tumango si Evo at hindi na alis ang tingin ko sa sasakyan hanggang sa tuluyan na iyong nag laho kasabay nun ay naramdaman ko ang pag bitaw ni Trevor sa akin at ang mabilis na pag babago ng awra nito. "Manang pakikuha iyong gamit ko sa kwarto." "Opo." Nag mamadaling kinuha ni manang iyong gamit niya at wala pang ilang minuto ay nakasakay na ito ng sasakyan. Walang kahit na anong salita ang namutawi sa labi nito. Sanay na ako, ganiyan naman siya palagi, aalis agad pagka alis na pagka alis ni Evo at uuwi kung kailan niya gustuhin. Hinahayaan ko na lang siya dahil wala rin akong karapatan na kontrahin siya. Tulad nga ng sabi niya, wala akong karapatan para diktahan ang buhay niya. Napatungo na lang akong bumalik sa kwarto ko. Balak ko ngayong mag grocery, may mga katulong naman kami pero nalilibang kasi ako pag ako ang namimili ng mga gamit namin dito sa bahay. Mabilis akong gumayak at dali dali ko ring inayos ang dadalhin ko. Saktong pag bukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Trevor na siyang kina-gulat ko. Bahagya pa akong napa-atras ng hagurin ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa pabalik sa mga mata ko. "Saan ka pupunta?" "Mag g-grocery lang ako. Pauubos na kasi iyong mga stock natin." Kinakabahan ko pang sagot sa kaniya, may nakalimutan kaya siya at bigla siyang bumalik? "Tss! Sinungaling." "Trevor!" Gulat akong napahiyaw ng bigla na lang ako nitong itulak papasok ng kwarto. Nakita ko pa kung paano nito i-lock ang pinto. Nanuyo bigla ang lalamunan ko ng salubungin ko ang mapanuya nitong mga tingin. "Hinintay mo pa talaga akong umalis bago ka aalis?" "T-Trevor, h-hindi sa ganun iyon. Mag g-grocery lang talaga ako. Maniwala ka." "Talaga? o nag hahanap ka ng bago mong bibiktimahin?" Mabilis akong napa-iling sa kaniya at muling napa-atras. "H-hindi. M-mali ka ng iniisip. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ganun iyon. Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?" Naramdaman ko iyong pag init ng magkabilang sulok ng mga mata ko habang kinakain ulit ako ng takot sa pwedeng mangyari. "Maniwala sa'yo? Bakit ako maniniwala sa katulad mo." Nakangisi nitong hinigit ang braso ko at hindi ko na napigilan ang pag patak ng luha ko sa sobrang takot ko sa kaniya. Hindi ko na nga ramdam iyong hapdi mula sa pagkakahawak niya sa braso ko. "P-Please-- Hindi ka ba napapagod?" "Hinding hindi ako mapapagod iparamdam sa'yo kung paano mo sinira lahat ng pangarap ko!" Gigil nitong untag sa akin at kahit anong sabihin ko mananatiling sarado ang isip niya sa isang bagay at habang buhay ko iyong pagdudurusahan "Please.. Bitawan mo na ako. Nasasaktan a--" Galit ang mga mata nitong itinulak ako sa kama at bago pa ako makabangon ay mabilis itong kumaibabaw sa akin. "Gusto mo to diba? Pag bibigyan kita hanggang pag sisihan mo 'yung araw na 'yun." "T-Trevor h-huwag-- p-please.." Iniwas ko iyong mukha ko sa kaniya habang nag pupumiglas mula sa pagkakahawak nito sa akin pero higit siyang mas malakas kaya na gawa nitong ipitin ang magkabila kong paa habang hawak ng kamay niya iyong magkabila kong kamay at hinila iyon pataas. Walang pag aalinlangan din niyang hinalikan ang leeg ko. "H-Huwag.. p-please.. T-tama na.." Umiiyak kong pakiusap sa kaniya pero para itong walang naririnig at patuloy sa pag halik sa leeg ko habang abala ang isang kamay nito sa pag punit sa suot kong damit. "Trevor, P-please... n-noo.." Nanginginig ang buo kong katawan sa takot kasabay nun ay nanlalambot ako sa ginagawa niyang pag hawak sa dibdib ko. Hindi ko maramdaman iyong sakit na dulot ng mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko at mas nangingibabaw iyong sakit na unti unting dumudurog sa puso ko. Alam kong kahit anong gawin kong panlalaban o pag pupumiglas hindi ako mananalo sa kaniya at kahit anong gawin ko, he will do everything he wants just to make me pay for ruining his life. I already accepted that I was trapped in this marriage, that wherever I am is my choice and my fault. I choose to stay and live in his bad ways. _____ SNS Account: FB Account: Ash Sandejas Twitter: CreepyPervy Wattpad: CreepyPervy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD