Chapter 1

2921 Words
LEI "This is great, mister Del Valle. You can send me a copy of the contract and after that let's talk about it." "Sure, It's my pleasure Gov. I assure you, we won't disappoint you with our services." "I know, your family and mine is as its best." Nakita ko pang nag kamayan silang dalawa, hudyat na maayos ang naging deal nito sa isa't isa. Napalingon pa si Governor Fuentbella sa direksyon ko at isang matamis na ngiti ang sumilay sa gwapong mukha nito. He was in the mid of 50's to 60's yet he's stunning. Ginantihan ko rin ito ng isang matamis na ngiti at alam kong magiging maayos ang deal nila dahil malapit na kaibigan ng Del Valle ang mga Fuentabella. "Mukhang naniniwala na ako na behind every successful man is his woman." Lumapad ang ngiti nito sa akin at mula sa isang matamis na ngiti ay naging isang pilit na ngiti ang gumuhit sa labi ko. Napalingon ako kay Trevor and I saw how his genuine smile turned into a fake one too. Mabilis din itong lumapit sa akin at mahigpit na hinila ang bewang ko palapit sa kaniya. "Of course ninong, I won't be here if she wasn't my wife. Right, sweetheart?" Nakangiti niya akong nilingon, ngiti na kung titignan ng iba ay puno ng pagmamahal at tuwa pero para sa akin isa iyong malaking insulto at isa lang palabas. Pero tulad ng dati kailangan kong ipakita na masaya kami, na ok kaming dalawa kaya wala akong ibang na gawa kung hindi ngumiti rin at pakiwaring hinahagod pa ng malambing ang balikat nito. "Ako nga po ang swerte rito sa inaanak niyo." Nakangiti kong sagot at abot ang dasal na sana ay hindi na humaba pa ang usapan tungkol sa aming dalawa. Alam ko kasing hindi iyon naiiwasan dahil isa siya sa mga naging ninong noong araw ng kasal namin. "Ang swerte nga ng Daddy mo at nakita niya na agad ang apo niya sa'yo while I'm still waiting for Jay and Aloja's wedding. Nakakainip." Natatawa pa nitong untag sa amin habang hindi na ako maka-imik at naiilang sa sitwasyon namin ni Trevor. Kahit limang taon na kaming mag papanggap na masaya at ok ang pamilya namin, hindi pa rin ako kumportable sa ganitong sitwasyon. Nasasaktan ako at naawa para sa sarili ko. "Don't worry, ninong. Sooner or later, mag papakasal na rin ang dalawang iyon. I saw how Jay gives everything to Aloja." Nakangiti pa ring sagot ni Trevor pero sa kabila nun alam kong hindi na rin niya matagalan ang sitwasyon. Humigpit ang pagkakahawak nito sa bewang ko pero pilit kong pinigilan ang ngumiwi sa sakit ng pagkakahawak niya. It is actually a sign that I need to do something para makaiwas na kami sa usapan tungkol sa aming dalawa so I think and make a first move. "Wait, I baked some cookies for you and for your wife. Hold on, I'll get it." Nakangiti at pakiwaring marahan kong inalis ang kamay ni Trevor sa bewang. Saktong pag talikod ko ay hindi ko napigilan ang mapangiwi sa sakit. Pasimple ko na nga lang iyong hinagod ng hindi nito mapansin ang pag inda ko. "Ito po, paki sabi po kay ninang na pag may time ako tuturuan ko na talaga siyang mag bake." "Don't worry, I'll tell it to her. So paano mauuna na ako sa inyo at thank you dito sa cookies mo Lei." Ngumiti akong tumango sa kaniya at kita ko pa kung paano tinapik nito ang balikat ni Trevor bago niya tuluyang nilisan ang silid. Muli akong nakahinga ng maluwag at sinimulan ko ng iligpit iyong pinag kapehan nilang dalawa, samantalang bumalik na ito sa lamesa niya at itinuon iyong atensyon sa harap ng computer. "Ah, Trevor." Kabado kong tawag sa pangalan niya pero hindi man lang ako nito nagawang lingunin. "D-darating pala sila mommy mamaya. H-Hindi kasi sila nakapunta sa birthday ni Evo kaya mamaya raw sila pupunta." Buong lakas kong sabi rito pero di pa rin ako nito tinapunan ng tingin. Alam ko kasing ayaw niya tumatanggap ng bisita sa bahay dahil sa ayaw niya rin iyong set up na nag papanggap kaming ok pero parents niya iyong dadalaw kaya siguro mas mabuting alam niya. "O-ok lang din bang doon sila matulog?" Tanong ko rito na kina-bagsak ng ballpen niya at kina-angat ng tingin nito sa akin. "Pumayag ka na ba?" Walang ganang tanong nito na agad kong sinagot ng isang tango. "Oh pumayag kana pala, eh bakit tinatanong mo pa ako? Kayo lang nagkakaintindihan kaya pag dating sa usapan niyo, 'wag niyo na akong idinadamay." Inis nitong singhal sa akin habang matalim ang mga mata nitong nakatitig sa mga mata ko. "S-sinasabi ko lang para sana alam mo--" Nagulat ako at biglang napaatras, nabitawan ko rin iyong hawak kong mga baso ng bigla na lang nitong hampasin iyong lamesa niya. "Lei tumigil ka na please! Sumasakit lang ang ulo ko sa mga walang kwentang pinagsasabi mo. You want to inform me in your decisions? Tingin mo ba interesado ako malaman iyong mga gagawin mo? Come on! Wake up! You are nothing but just a mother of my son. Huwag mo masiyadong isipin na malaki na ang papel mo sa buhay ko o may halaga ka na sa akin dahil sa ikaw ang ina ni Evo." Napayuko na lang ako at hindi ko mapigilang masaktan sa mga sinasabi niya. Alam kong wala akong halaga sa kaniya pero hindi niya na iyon kailangan pang isampal sa akin. Bakit kasi nasasaktan pa rin ako kahit ilang beses ko na iyong narinig sa kaniya, kung alam lang niya, hindi ko rin ginusto ang manatili sa tabi niya kung hindi lang dahil sa anak namin. Napahinga ako ng malalim at pilit na pinigilan iyong pag iyak ko. Buong loob akong nag angat ng tingin at sinalubong ang mga mata niya. "Sinabi ko lang para hindi ka mabigla sa pag dating nila. Kung di ka interesado, 'wag mo na lang pansinin." Tatalikod na sana ako para lumabas ng matigilan ako sa sinabi niya na siyang nag pa kulo ng dugo. "Wala na akong ikakagulat dahil na gawa mo nga akong papirmahin sa kasal na hindi ko pinangarap." Mahigpit kong na ikuyumos ang kamao ko sa mga salitang lumabas sa bibig niya at napapikit ako para pigilan ang sarili ko na makapag salita ng hindi maganda na alam kong sa huli, ako lang din ang magdurusa. Huminga ako ng malalim at mariin na ipinikit ang mata ko bago muling iminulat iyon sa katotohanang ako mismo ang nag dala sa sarili ko sa sitwasyong ito. "Kung may kailangan pa sabihin mo na lang kay manang, susunduin ko na si Evo." Diretso na akong lumabas ng kwarto at kumukulo pa rin ang dugo kong bumaba ng hagdan hanggang sa marating ko iyong sasakyan. Kumalma ka lang, Lei. Ikaw ang totoong nakaka alam ng sitwasyon, ikaw ang mas may malawak na pang unawa kaya ikaw na lang din ang umintindi sa gago mong asawa na walang ibang alam gawin kung hindi ang sisihin ka araw araw dahil ako ang naging asawa niya. Akala niya siguro natutuwa ako na sa kaniya ako ikinasal, kung alam niya lang.. hindi ko kailan man pinangarap ang makasama ang katulad niyang lalaki. Masyado siyang maarte, kahit sa mga pagkain lang napaka-pihikan niya, ultimong konting gusot sa damit niya, inirereklamo, mayaman nga siya at gwapo pero hindi iyon batayan para masabing siya na ang the right one. He was my biggest mistake in my life, nagsisisi akong nakilala ko ang isang Trevor Del Valle. Kung kaya ko lang ibalik ang panahon, hinding hindi ako mag papakasal sa kaniya, hinding hindi ko gugustuhing makilala siya. Pinagsisihan ko lahat ng bagay na ginawa ko para maipit ako sa sitwasyong naging dahilan ng kasal namin. Sana hindi na lang.. hindi na lang sana--- "Kailan niyo ba balak sundan itong si Evo? Aba, limang taon na itong apo ko pero wala pa ring kapatid." Halos maibuga ko iyong kinakain ko sa naging tanong ni mommy. Sundan? Si Evo? No way! Ayoko ng magkaroon pa ng anak ulit kay Trevor. I mean, ok na ako kay Evo, sapat ng si Evo na lang iyong anak namin ni Trevor at hindi na madagdagan pa iyong bigat na dadalhin ko sa tuwing nakikita kong nalulungkot ang anak ko ng dahil sa madalas wala ang Dada niya at mas inuuna pa nito ang pagsisi sa nasira niyang plano sa buhay ng dahil sa akin. Walang kumibo sa amin ni Trevor at kanina pa hindi maipinta ang mukha niya. Kung may tao man na nakaka alam ng tunay naming sitwasyon, masasabi ko na iyon ay ang mga magulang ni Trevor, alam nila na hindi kami ok ng anak nila dahil isa sila sa dahilan kung bakit na ipit kaming dalawa sa isa't isa. We didn't like each other, hindi nga kami magkakilala talaga ni Trevor. Nagkataon lang na nabuntis niya ako at pilit kaming pinakasal ng mga magulang niya, si Evo ang bunga ng isang gabing pagkakamali naming dalawa kaya ganun na lang kung sisihin niya ako kung bakit nasira ang mga plano niya sa buhay. Ipinagpapasalamat ko na lang na kahit si Evo ang bunga ng gabing iyon ay hindi niya ito kinamuhian o sinaktan. Ok na sa akin na alam kong mahal niya rin ang naging anak namin kahit pa isang pag kakamali lang ang lahat. "Trevor, we want another son from you. Mas mabuti kung magkaka-apo na ulit kami para alam na namin kung kanino namin ipagkakasundo ang mga anak niyo pag lumaki na sila. We want to maintain the legacy of Del Valle." Seryosong utos ng Daddy ni Trevor na siyang nag patindi ng tensiyon. I already knew about the family code of Del Valle, gusto nila manatili ang yaman ng pamilya kaya ganun na lang kadali para sa kanila na ipagkasundo ang isa't isa sa mga kasosyo nila sa negosyo kahit alam nilang hindi magiging masaya ang buhay mag asawa ng mga ito. Actually, I don't want my son to place in that situation pero mukhang wala akong magagawa dahil isa lang akong sampid sa pamilyang ito. Walang yaman kaya wala akong karapatan na kontrahin sila. Sana lang talaga pag laki ni Evo ay hindi siya magaya sa akin o sa Dada niya o sa kahit na sino sa mga Del Valle, gusto ko piliin niya iyong tao na mahal niya at gusto niya talaga makasama habang buhay dahil alam ko, ramdam ko kung gaano kahirap ipag pilitan iyong sarili mo sa isang lugar na hindi naman nakalaan para sa'yo. "Manang, paki samahan nga si Evo sa kwarto niya." Utos ni Trevor kay manang kaya kahit hindi pa ito tapos sa pagkain ay kinuha na ito ni manang. Patayo na rin sana ako para sumunod kay Evo ng mariing hinila ni Trevor ang kamay ko pabalik sa pagkakaupo. "Dito ka lang. Gusto ko marinig mo lahat ng sasabihin ko." Seryosong utos nito sa akin at kahit ayokong makinig sa pag uusapan nila ay wala akong magagawa kung hindi manatili. "Gusto mo ng apo ulit sa akin?" Nakangisi at mapanuyang tanong ni Trevor sa Daddy niya. Damang dama ko iyong di magandang patutunguhan ng usapan na ito sa klase ng mga tingin nila. Halos pigil din ako sa pag hinga at tila handa na sa kahit na anong mang g**o na pwedeng mangyari. "I can give you one but not with this woman." Napahigit ako ng hangin sa sinabi ni Trevor at tila hindi makapaniwala sa sinabi niya. Ganun din ang ina nito na mukhang aatakihin sa puso sa sinabi ng anak niya. Alam ko namang ayaw niya sa akin pero huwag naman.. huwag naman niyang gawin na mag ka anak sa iba, para akong sinasakal sa sinabi niya na 'yun. Hindi ko alam pero iniisip ko pa lang na magkakaroon siya ng anak sa ibang babae, ang sakit sakit na tila na gusto niya lang ipamukha sa akin na kaya niyang magkaroon ng anak kahit wala ako, kulang na lang sabihin niya na lumayas na ako sa bahay na ito dahil tapos na ang trabaho kong bigyan siya ng anak. Ang sakit at malaking insulto sa akin iyon bilang isang babae, hindi ko matanggap na kahit gusto ko siyang sumbatan, hindi ko magawa dahil babalik lang din sa akin ang lahat ng sisi. "Trevor!" Sigaw ng mommy niya na mukhang ngayon lang nakabawi sa sinabi nito. "But you have another option, bakit di na lang kayo ang humanap ng bubuntis sa kaniya para magka-apo ulit ka--" Hindi ko napigilan ang sarili ko na kumawala sa pagkakahawak nito at paliparin ang kamay ko sa pisngi nito. Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya, tanggap ko naman pag binaboy niya ako, pag pinipilit niya akong gamitin sa tuwing na aalala niya iyong galit niya sa akin pero para sabihin niya na handa niya akong ipagamit sa iba? Hindi ko na iyon kaya pang tiisin. Marahas akong napapahid sa pisngi ko ng maramdaman ko iyong pag agos ng mga luha. Bakas din sa mukha ng mga magulang niya iyong gulat sa naging reaksyon ko pero hindi ko makakitaan ng pagsisisi si Trevor sa mga binitawan niyang salita. "L-Lei, nag bibiro lang siguro si Trevor." Malumanay na sabi sa akin ng mommy nito pero mapait akong napangiti at umiling sa kanila. "Pwes hindi po ako natutuwa sa biro ni--" "Seryoso ako and obviously hindi siya sang ayon sa pangalawang option so I'll do the first one if you are really into having a second grand child." "Trevor, we asked you to have a child with your wife." "Like you didn't ask me if I want her to be my wife." Mapanuya ulit nitong sagot sa Daddy niya na hindi na napigilan pang tumayo. I know that any moment ay may pwedeng magkasakitan ang mag ama and it feels like.they didn't care about my feelings. Tila ba kung sino lang ako na tao sa harapan nila at wala silang pakialam kung masasaktan ako sa mga sasabihin nila. I want to run but he's holding my grip tightly that he really want me to hear everything, he want to hurt and make me suffer emotionally. "Trevor, you know we did that for your own good. Kung hindi kayo kinasal siguradong walang Evo. Aren't you happy?" Kalmadong tanong ni mommy sa kaniya habang pilit din nitong kinakalma ang asawa na handa ng suntukin sa kahit na anong oras si Trevor. "Happy? Yes I'm f*****g happy. Don't you see. I'm enjoying this f*****g conversation with my f*****g and stupid parents--" "Honey!" Nagulat ako ng bigla na lang bumagsak si Trevor mula sa pagkakasuntok ng Daddy niya. "Wala kang utang na loob! Isa kang malaking kahihiyan sa pamilya na 'to." "Go on, say whatever you want. You can't control my life now like you always did." "Gago ka pala talaga!" "Honey tama na!" "Tama na po, please." Buong tapang kong hinarang ang sarili ko ng akmang susugurin niya muli ang anak niya ng isa pang suntok. Ayoko ng umabot pa ito sa kung saan at lalong ayokong marinig ni Evo iyong g**o sa pamilya na meron siya. "Please po, para na lang kay Evo. Baka marinig niya tayo." Nakikiusap kong pakiusap dito na kinakalma ng mukha niya. I won't stand to protect him if it is not because of our son. Ayokong mag tatanong sa akin ang anak ko kung bakit may pasa sa mukha ang Dada niya at ano? Panibagong kasinungalingan na naman? Nakakapagod na, ayoko ng ganito. "You're still lucky, jerk! Soon, you'll realise your own stupidity at sigurado ako pag sisihan mo iyon." Galit nitong untag sa anak niya bago ako nito nilingon at naiiling na tinignan. "Hindi na ako magugulat kung isang araw, iiwan ka ng asawa mo." "Then it's my pleasure." Nakangisi nitong sagot na kinakirot muli ng puso pero mas nauna ko pa ring isalag ang sarili ko ng mabakas ko ulit iyong galit sa mukha ng Daddy niya. "Honey! Stop it, tara na umuwi na lang tayo. Halika na. Lei, I'm sorry we can't stay tonight." Tipid na lang akong ngumiti at napatango sa kanila kahit pakiramdam ako, ako iyong pinaka sugatan dito, ako iyong higit na inapakan at nadurog sa mga nangyari. Sobrang sikip ng dibdib ko pero wala akong mahingahan ng sama ng loob at tanging nagawa ko ay ipikit ang mga mata ko. Naramdaman ko pa ng sadyang binunggo ni Trevor ang balikat ko ng makatayo siya at bago niya tuluyang nilisan ang kusina. Doon ko na hindi na pigilan ang umiyak at parang gusto ko na lang mag lupasay sa sahig sa sobrang bigat ng nararamdaman ko. Kung hindi lang dahil kay Evo, aalis ako, gustong gusto ko ng umalis at tumakas sa kamay ni Trevor pero hindi ko iyon magawa dahil mahal ko ang anak ko, ayoko na lumaki siya ng kulang ang pamilya niya, ayokong tuksuhin siya ng ibang bata na wala siyang tatay o nanay. Gusto ko ibigay sa kaniya iyong kumpletong pamilya kahit pa.. hindi kami totoong masaya, kahit pa na ako iyong mahirapan basta para kay Evo titiisin ko ang lahat, lahat lahat. Konting tiis pa Lei, darating din yung araw na makaka alis ka sa puder ni Trevor. Just let him win for the mean time and sooner you'll be free from all the pain he caused and for all the blame and madness he had from you. _____ SNS Account: FB Account: Ash Sandejas Twitter: CreepyPervy Wattpad: CreepyPervy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD