bc

Henderson's Attraction

book_age18+
5.1K
FOLLOW
14.3K
READ
spy/agent
love after marriage
friends to lovers
independent
dare to love and hate
drama
bxg
sniper
office/work place
love at the first sight
like
intro-logo
Blurb

Russell Knight “RK” Henderson is second to the youngest of the Henderson’s siblings. He is a CEO in one of their company’s branch but he has other job, he’s a secret agent in a secret organization who’s solving difficult cases. Because of his job, he met Reagan Harley, a woman who is always in trouble. Reagan is an assassin who works for her foster brother, Xavier. The one who saved her from the fire five years ago. Xavier hide her sister from her so she needs to work for him to see her little sister.

RK and Reagan met in an unexpected situation. RK was also fascinated by Reagan the first time he saw her.

While solving the case of assassination of a businessman. RK bumped into a name Alexia Santiago. The one that they name as Sniper X but it leads to another case. And Reagan Harley were involved.

RK wanted to protect Reagan and the only possible way to protect Reagan is to marry her.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
NAPANGITI si RK habang nakatingin kay RA na nasa tabi niya. Nasa altar sila pareho. Araw ng kasal nito ngayon at siya ang best man nito. Hindi mapakali si RA at panay ang tingin nito sa pinto ng simbahan. RK shook his head. "You’re sweating bullets, brother." Kinuha niya ang panyo sa bulsa saka pinunasan ang pawis nito. Kinuha ni RA ang panyo na hawak ni RK saka pinunasan ang sariling pawis. "Darating siya, okay?" "I know." "E bakit hindi ka mapakali diyan?" Sabi ni RK. "Maiintindihan mo rin kapag ikakasal ka na." Tugon ni RA. RK just sighed. Alam ni RK na nagtataka ang mga bisita nila kung sino sa kanila ang groom kaya naman ng dumating ang bride at nagsimula na itong maglakad sa aisle, naglakad siya palapit kay RV at binuhat ang anak nito na magdadalawang taon na. "Kailan ka naman ikakasal?" Tanong sa kaniya ni RV. Umiling si RK saka nagkibit ng balikat. "Hindi ko alam. Maybe next month or next year." Napailing si RV. "You should start looking for the one, RK. Sa ating tatlo ikaw na lang ang wala pang partner." Sabi niya. RK chuckled and kissed Rafael's cheek. "Darating din tayo diyan. Hindi ba, buddy." Aniya kay Baby Rafael. "Maraming babae ang nagkakandarapa sa 'yo. Imposibleng wala kang nagustuhan sa kanila." Sabad ni Heaven sa pag-uusap ng magkapatid. "Believe me, sister-in-law. Wala akong nagustuhan sa kanila. I would rather accompany my computer or to eat delicious food than to flirt with women. Baka mabatukan pa ako ni Mommy kapag nalaman niya na nagloloko ako." Sabi ni RK. Natawa si Heaven saka napailing na lang. Napatingin si RK sa harapan nang magsimula na ang seremonya ng kasal ni RA at Bree. Natatawa na lang siya kapag naaalala ang mga araw na pinagseselosan siya ni RA. Nasuntok pa nga siya nito dahil sa selos. RK smiled and looked at his brother na masayang-masaya dahil ikakasal na ito sa babaeng mahal nito. Tama si RV. Sa kanilang tatlo, siya na lang ang walang partner pero saan naman siya makakahanap ng babaeng magmamahal sa kaniya ng totoo katulad ng nangyari sa dalawa niyang kakambal. Women nowadays are after money and fame. RK looked at his brother. Ibinigay niya rito si Baby Rafael. Nangalay na siya pagbuhat e. Halos isang oras rin ang seremonya ng kasal ni RA at Bree. Nang matapos ang kasal ng mga ito at picture taking sa family members. Lumabas ng simbahan si RK. Napailing siya. Natalo siya sa pustahan nilang magkakapatid at ang consequence ng matatalo ay siyang magmamaneho sa kotse ng bagong kasal. Siya lang naman ang magmamaneho ng kotse patungo sa reception. Pumasok si RK sa driver seat at hinintay ang bagong kasal. Napatingin siya sa likuran nang marinig na bumukas ang pinto ng back seat. Pumasok si Bree habang inaalalayan ito ni RA. "Happy wedding." Bati niya kay Bree nang makaupo ito sa back seat. Ngumiti naman ito. "Thanks." "Ako? Hindi mo babatiin?" Sabi ni RA nang makaupo ito sa back seat.  "Hindi na kailangan." Tugon ni RK saka pinaandar ang makina ng kotse. "So hayan kasal na kayo. Hindi mo naman na siguro ako pagseselosan?" Sabi niya sa kakambal. RA rolled his eyes. "Basta huwag kang lalapit sa asawa ko." RK tsked. "Seloso talaga nito." Napailing siya. "Pareho lang kayo ni RV at Kuya Felix." Aniya. "You will understand us once you found your woman." Sabi ni RA. "Baka mas malala ka pa kaysa sa akin 'no o kaysa kay RV." RK tsked. "I don't want to find it." Sabi niya saka maingat na pinaharurot ang kotse. "Tignan natin kapag nakita mo na ang babaeng nagpapatibok ng puso mo. Kambal, kapag dumating ang araw na 'yon, huwag kang hihingi sa akin ng advice, okay?" Tinapik ni RA ang balikat ni RK. "Whatever." Sabi na lang ni RK. Natawa si Bree. "I heard that Agent Maine has a crush on you." "I don't like her." Deretso niyang saad. Yes, he's really straightforward when it comes to this. Kapag hindi niya gusto ang isang babae at sinabi nitong gusto siya nito. Sasabihin niyang hindi niya ito gusto right on the spot. RK sighed. Nang makarating sila sa reception, ipinarada ni RK ang kotse sa tapat ng entrance ng hotel saka siya bumaba at pinagbuksan ng pinto ng kotse ang sister-in-law. Sunod niyang binuksan ang pinto sa tabi ni RA.  "Kamahalan."  Mahina siyang binatukan ng kapatid nang makababa ito. "Tigilan mo nga ako." Sabi nito at umikot patungo kay Bree. Inalalayan nito ang asawa na bumaba ng kotse. Napangiti na lang si RK at hindi sa entrance dumaan. Dumaan siya sa ibang pinto ng hotel patungo sa reception. Nang makapasok siya, pumunta siya sa kinaroroonan ng mga magulang, kasama ng mga ito si Lexi. Humalik siya sa pisngi ng ina. "Hi, Mom." Bati niya rito. "Hi, little sister." Bati niya sa kapatid. "Hi, Kuya." Bati sa kaniya ni Lexi. "RK, umupo ka na." Sabi ng ama. Umupo naman si RK sa tabi ng ama. Tumingin siya sa gitna at nakitang sumasayaw ang bagong kasal. Halata sa mukha ni RA na masaya ito. Kumunot ang nuo ni RK. Ganun ba talaga kapag ikakasal? Wala kang ibang maramdaman kundi saya at ligaya? How would I know? Pero ganun rin naman kasi ang nakita niya noong ikinasal ang dalawa niyang kapatid at ngayon naman ay si RA. Napailing si RK. Hindi niya napansin ang paglapit sa kaniya ng isang bata. "Tito."  Nagulat si RK nang may biglang na lang humila sa kamay. Nang tinignan niya ito, napabuntong hininga na lang siya saka binuhat si Finnley. "Ikaw talagang bata ka." Naiiling niyang saad. "Sabi ng huwag mo akong bibiglain." "Sorry, Tito." Sabi ni Finnley. Ginulo na lang ni RK ang buhok ng pamangkin. Isa ito sa kambal na anak ng Ate Relle niya at Kuya Felix niya. Ang kakambal ni Finnley na si Finnegan ay na kay Felix. Nasa katabi nila ang mga itong mesa kasama si RV na buhat si Rafael at si Heaven. "Tito, tubig." Sabi ni Finnley.  Kinuha naman ni RK ang isang baso ng tubig na nasa harapan niya at pinainom si Finnley. "You will be a good father in the future." Sabi ng kaniyang ama saka siya nito tinapik sa balikat. RK rolled his eyes. "Wala nga akong girlfriend. Paano ako magiging ama?" Aniya. "Mag-girlfriend ka na po kasi, Tito RK." Sabi ni Finnley. Mabilis na tinakpan ni RK ang bibig ni Finnley. "Sshh. Baka marinig ka ng mommy mo. Pipingutin niya ang tainga ko." Aniya. Napatingin si RK nang maramdaman na nag vibrate ang phone niya. Kinuha niya ang cellphone sa breast pocket ng suot niyang coat at tinignan ang screen ng cellphone. Nakita niyang may nakalagay na 'mission' at may nakalagay na address sa ibaba. Sunod na nagpakita ang 'rescue'. So may ire-rescue sila sa address na pinadala ng Crime Intelligence Organization. Mabilis niyang itinago ang cellphone nang tumingin sa kaniya ang ina. "Mom, I need to go." Aniya. "Saan ka pupunta?" Tanong ng ina. Tumayo siya at inilipat si Finnley sa hita ng ama. "Dad, sa 'yo muna si Finnley." "May emergency lang po, Mom, sa company. Kailangan kong pumunta doon." Sabi niya saka hinalikan ang pisngi ng ina. Nagmamadali siyang umalis ng reception.  Alam niyang maiintindihan ni RA ang biglaan niyang pag-alis. Alam naman nito na may iba pa siyang trabaho maliban sa pagiging CEO niya ng sa isang branch ng kumpanya nila. Nang makarating siya sa kinaparadahan niya ng sasakyan, kaagad siyang sumakay at pinaharurot ito patungo sa address na pinadala sa kaniya. Hindi alam ng mga magulang na may iba pa siyang trabaho maliban kay RA at Bree. Wala ring alam si RV, Ate Relle niya at Lexi. Si RA lang talaga ang nakakaalam na may iba siyang trabaho. Nangako naman ito na hindi ito magsasalita, basta sinabi nitong mag-iingat siya. Nangako naman siyang mag-iingat pero hindi pa rin maiwasan minsa na masaktan siya sa mga misyon niya. Mabuti na lang at nasanay siya sa physical pain noong nagte-training siya kaya nakakaya niyang umaktong normal sa harap ng kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang mga magulang. Nang makarating si RK sa address na pinadala sa kaniya, nakita niyang naroon na ang Arsenal Team. "Now I know kung bakit wala kayo sa kasal ni Bree." Sabi niya sa mga ito. "Sorry, Team Leader." Ani Agent Rod. Yes, siya ang pumalit kay Bree na Team Leader ng Arsenal Team nang mag-resign ito. Siya ang ipinalit ni Director James. Tinanggap naman siya ng Arsenal Team bilang maging Team Leader ng mga ito. "May misyon e." Sabi ni Agent Tyler. "Hayaan niyo na." Sabi ni RK. "Anong situation natin?" "Hostage taking, Team Leader." Sagot ni Agent Maine. "Masyado silang marami at mga armado pa sila kaya nagpatulong ang mga pulis." Tinignan naman ni RK ang mga pulis na nasa paligid. Bumuntong hininga na lang siya. Tinignan niya ang building. Napansin niyang may hagdan sa gilid nito patungo sa itaas. Hinubad niya ang suot na coat at ibinigay kay Agent Tyler. "Hold it. Huwag mong itatapon." Aniya. "Kakatayin ako ni Mommy kapag hindi niya nakita 'yan na suot ko pag-uwi." Natawa ang Arsenal Team. "Huwag niyo akong pagtawanan. Nagsasabi lang ako ng totoo." Sabi niya. Kinuha niya ang baril na nakatago sa suot niyang damit. "Wait for my signal." "Yes." "Copy." Huminga ng malalim si RK saka tumakbo patungo sa hotel.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.9K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.3K
bc

Dangerous Spy

read
298.2K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.5K
bc

EASY MONEY

read
174.2K
bc

YOU'RE MINE

read
893.5K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook