Chapter 63 Chantal’s Pov HINDI AKO makapaniwala na pumunta talaga ako sa birthday ng unggoy na ‘to. Si Jesirey kasi ang salarin. Pinilit niya ako na pumunta kahit pa nga labag sa kalooban ko. Ayaw ko talaga pumunta dahil hindi pa ako nakaka move on sa ginawa ni Honey sa ‘kin. Akala ko talaga nagbibiro lang siya. Birthday pala talaga niya ngayon. December 25. Sino bang mag aakala na may birthday pala ang abnormal na yun. Kaya heto ako.. pumunta parin kahit iritang irita. Wala akong dalang regalo sa kanya dahil hindi ako sigurado kung deserve ba niyang bigyan ng regalo sa dami niyang kasalanan na ginawa sa ‘kin. Balak ko sanang hindi magtagal at aalis din ako. Balak ko kasing umuwi sa bahay ng mga magulang ko dahil panay ang tawag ni papa. Tinatanong kung kailan daw ako bibisita. Sasa

