Chapter 62 Chantal’s Pov NASA loob na ako ng kotse ni Honey at pauwi na kami sa apartment. Wala kaming imikan dalawa. Pilit naman niya akong kinakausap pero hindi ako sumasagot. Gusto ko ng makarating kami sa apartment pero sinasadya yata niya na bagalan ang pagmamaneho. Ang bagal ba naman at para siyang may hinahatid na patay. “Wala na bang ikakabilis ‘tong sasakyan mo?” Tanong ko sa kanya. “Wala na! Hanggat hindi mo ako kinausap at binigyan ng chance magpaliwanag ay mas lalo kong babagalan ang pagmamaneho.” Sagot niya kaya medyo nainis ako kaya nilingon ko na naman ang gago. “Wala nga tayong pag uusapan diba? Sinabi ko na sayo na hindi ako maniniwala sa katulad mong sinungaling.” Saad ko kay Honey sa matigas na boses. “Wala naman akong ginagawang masama, langga. Mahal lang kasi

