Chapter 61 Chantal’s Pov KANINA pa ako tawa ng tawa dahil kay Jesirey. Ang ganda niyang babae. Naiingit ako sa katawan niya na sexy. Matangkad din siyang babae. Panay ang daldal namin dalawa at pinipilit pa niya ako na wag umuwi. Kanina pa din niha pinipisil ang pisngi ko pero hindi naman ako umaangal. Mataba kasi pisngi ko kaya siguro gigil na gigil siya. Natatawa na lamang ako sa kanya. Para akong nakahanap ng kaibigan agad sa kanya. Hindi ako mabo-bored dahil madaldal. Kahit kasama ko si Honey kanina ay hindi siya makalapit sa ‘kin dahil hiiram ako ni Jesirey. Ang sabi nya ay sa kanya muna daw ako. May mga kasama din siyang mga lalaki. Kaya napapaisip tuloy ako kung puro ba lalaki ang nandito sa bahay nila. Habang nag uusap kami ni Jesirey ay hindi ko na mahagilap pa si Honey.

