Chapter 60 Chantal’s Pov AKALA ko ay hanggang doon lang kaninang umaga ang panggugulo ni Donna sa ‘kin. Ngunit inabangan na naman niya ako sa labas ng maisipan kong lumabas para mag lunch break. Nasa pantry si Pam at hindi ko siya kasama dahil sa sinabi ko na wag na muna siyang sumama sa ‘kin lalo na’t pinag iinitan na naman ako. Wala naman sana akong ginagawa para pagbintangan nila ako ng ganito. Ayaw talaga niya akong tigilan kaya heto na naman ako, pinagbabantaan niya. May kasama pa siyang dalawang babae na alipores na naman niya. Ilang beses niyang sinabi sa ‘kin na may pulis daw na nagbabantay sa kanya kaya subukan ko lang daw gumawa ng hakbang. Kahit anong paliwanag ko na hindi nga ako ang may gawa ay ayaw parin nila maniwala sa ‘kin. Sumasakit lang ang ulo ko sa kanya. “Tama

