Chapter 73 Chantal’s Pov ILANG ARAW na akong dito nakatira sa bahay ni Honey. Dito na din yata ako mag n-new year kasama ni Honey. Panay nga ang text ni papa na umuwi daw ako sa bahay namin para sama-sama kami. Ngunit tinext ko si mama at sinabi ko na kung pwede ay siya na ang bahalang mag sabi kay papa na hindi ako pupunta. Pumayag naman si mama dahil alam naman niya kung bakit. Ayaw ko din naman kasing isama si Honey sa bahay dahil alam kong guguluhin lang siya ni Vedda. Sabi kasi ni mama ay hindi daw umuwi ng probinsya si Vedda. Mas gusto niyang mag new year sa Manila. December 30 na pero nasa bahay lang ako ni Honey. Nakaupo lang ako habang si Honey ay pinaghahandaan na naman ako ng pagkain. “Langga..” tawag ni Honey sa ‘kin. “Hmm..” tugon ko habang nakatitig sa kanya. “Wala

