Chapter 74 Chantal’s Pov NAKARATING kami sa isang mall para bumili ng mga alak. Pangalawang mall na ‘to na napuntahan namin. Hindi kasi kami nakabili sa unang mall na napuntahan namin dahil ubos-ubos na ang mga alak. Kaya napag pasyahan na lang namin ni Honey na pumunta sa ibang mall. Sana lang ay makabili na kami dito. Bumaba si Honey sa kotse at agad na umikot papunta sa passenger seat para pagbuksan niya ako ng pintuan. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse at agad akong bumaba. Inalalayan pa talaga niya ako at tulad kanina ay inilagay niya ang palad niya sa ulo ko upang hindi ako mauntog. Paanong hindi titibok ang puso ko sa kanya kung ganyan siya ka sweet. Nang makababa ako ng kotse ay pinagsiklop pa talaga niya ang kamay namin dalawa. “Sana may mabili na tayo dito, langga. M

