Chapter 75 Chantal’s Pov HINILA ko ang push cart ko patungo kay Honey. Hindi ko na pinansin pa ang seryoso niyang mukha. Ang gusto ko lang ay makausap siya. Ayaw ko kasing may isipin siya na hindi naman totoo. "Honey.." sambit ko sa pangalan niya. Bahala na kung marinig ni Rafael. Wala naman akong pakialam sa kanya kaya bahala siya sa buhay niya. Napahinto ako sa paghakbang ng marinig ko ang mahinang tawa ni Rafael. "Kaya naman pala ang tapang mo na dahil may lalaki ka na palang nagugustuhan. May ipinalit ka kaagad sa 'kin, babe? sa pagkakaalala ko ay siya yung sumuntok sa 'kin sa kalsada eh. Ibig sabihin ba nito ay may relasyon na kayong dalawa dati pa?" Tanong niya sa 'kin kaya nilingon ko si Rafael at matalin siyang tinignan. "Pwede ba.. wag kang gumawa ng estorya dahil alam mong

