Chapter 81 Chantal’s Pov ILANG buwan na ang nakalipas simula ng maging mag asawa na kami ni Honey at sinabi ko din na mahal ko siya ay naging masaya na ang buhay ko. Tingin ko ay hindi na ako stress dahil ramdam ko na talagang mahal na mahal na ako ng lalaki. Sa tingin ko ay nahanap ko na talaga ang lalaking magmamahal sa ‘kin ng tunay. Akala ko ay hindi ko na mahahanap pa. Masaya ako araw-araw at wala na yata akong mahihiling pa sa buhay. Hanggang ngayon ay hatid sundo pa rin ako ni Honey. Hindi na ako nakasubok sumakay ng taxi dahil sa kanya. Ang aga din niyang pumupunta sa labas ng building kung saan ako nag ta-trabaho. Minsan ay pinipigilan ko pa si Honey na wag niya akong sunduin ng maaga dahil nakatambay lang siya sa labas at naaawa ako sa kanya. Ayaw naman niyang magpapigil

