Chapter 82 Chantal’s Pov NAGLALAKAD ako palabas ng opisina at tahimik lang ako na naglalakad. Walang gana akong naglalakad at hindi parin mawala sa isipan ko ang sinabi ni Rafael. Hindi naman ako naniniwala sa mga paratang ni Rafael. Pero sa totoo lang ay may isang parte ng isip ko naniniwala dahil na din sa damit na suot ni Honey nong araw na yun. Nagkatugma sa sinabi ni Rafael. Napabuga ako ng hangin habang naglalakad parin palabas ng entrance. Kung dati ay nagmamadali akong maglakad palabas dahil excited ako makita siya. Ngayon ay hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na nga nagawa ang trabaho ko dahil kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan ko. Mababaliw na yata ako. Naisip ko kung paano kaya kung totoo ang sinasabi ni Rafael. Hindi ko alam kung matatanggap ko ba o hindi

