Chapter 83 Chantal’s Pov KANINA pa ako nandito sa bahay ni Jesirey at naka ilang merienda na ako. Wala parin si Honey. Ang sabi kasi ni Love ay dito daw niya ako pupuntahan. Balak ko na nga sanang umuwi sa bahay dahil nahihiya na ako mag stay dito sa bahay nila. Wala dito ang future husband ni Jesirey dahil may emergency daw. Hindi ko na tinanong dahil alam ko naman na doctor siya. Pero nagtataka lang talaga ako kung bakit hindi pa ako sinusundo ni Honey. Hindi din siya nag text o tumawag man lang. Alam ba niyang may asawa siyang nag aalala? Nakakainis ‘to minsan si Honey eh. Nakatulala lang ako habang nakaupo. Nagdarasal na sana ay makita ko na si Honey. Ewan ko ba, pero kinakabahan talaga ako. Iba ang pakiramdam ko at para bang gusto ko ng makita si Honey. Hindi ako makakampante ka

