Chapter 56 Honey’s Pov NANDITO ako sa bahay ni Sid. Dumating din ang mga kaibigan ko. Nandito sila Koa, Morgan, at Demetrius. Papunta din si Deimos na inutusan muna ni Sid na bumili ng pulutan dahil nasa labas pala ito ngayon kasama ang asawa niya. “Anong atin, buddy?” Tanong ni Demetrius sa ‘kin. Akala mo talaga may meeting na importante. Pero importante naman talaga dahil emergency na ang pagtaboy ni Chantal sa ‘kin. “Wag mong sabihin na babae ang problema mo, brother in law? Wala kang ganun! Baka nag i-imagine ka lang dyan!” Saad pa ni Koa sa ‘kin kaya masama ko siyang tinignan. “Oo nga, wala naman yatang papatol sa sinto-sinto na ‘to eh.” Saad pa ni Sid habang nakaupo sa pang isahang upuan at may dala pa itong bata. Daddy na talaga siya dahil may dala na. “Hoy ikaw..” sabi ni

