Chapter 57 Chantal’s Pov NAG AABANG ako ng taxi para umuwi na sa apartment. Kanina pa kami naghiwalay ni Pam pero ako heto pa rin naghihintay ng taxi. Ang tagal bago dumaan kung saan ako naghihintay. Kung may dumaan man ay may nakasakay na. Ako tuloy ang nahihirapan. Nasanay na kasi ako na sinusundo ako ni Honey. Naiinis tuloy ako sa sarili ko dahil sinanay ko na may naghahatid sundo sa ‘kin. Dapat talaga ay matuto akong mag isa dahil hindi naman sa lahat ng oras ay may taong nandyan sa ‘kin. Kanina pa ako nahihrapan at binabalak ko na sana na maglakad papunta sa sakayan ng jeep. Magbabayad nalang ako ng pang dalawang tao para makauwi ako agad sa apartment. Kahit anong inis ko kay Honey ay hindi ko binalak na umuwi sa bahay namin. Baka mas lalo lang madagdagan ang badtrip ko sa mukh

