Chapter 86 Chantal’s Pov NAKATITIG lang ako kay Honey habang naghihintay ako ng kasugatan sa mga tanong ko. “Totoo ba?” Tanong ko sa kanya kaya tumingin siya sa ‘kin at ngumiti. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya at sinalubong ko ang titig niya. “Yes. Ako ang bumangga sa ex mo tulad ng wish mo. I just want to fulfill your wish, langga. Kaya ko nagawa yun.” Sagot niya kaya napatango tango ako at umiwas ng tingin sa kanya. Tumuon ang tingin ko sa bedsheet at iniisip ang nangyari kay Lowela at Flora. Pakiramdam ko ay siya ang may gawa no’n. Paano pala kung may cctv ang office namin. Hindi malabong mangyari na alam ni Honey ang nangyayari lalo na’t kaibigan niya ang boss ko. Madali lang para sa kanya ang humiling upang mabantayan ko. Yun talaga ang pumasok sa isipan ko. Kaya nong ar

