Chapter 87 Chantal’s Pov BUMUBUTI na talaga ang kalagayan ni Honey kaya naisipan na namin dalawa na bumalik sa bahay upang doon na siya magpahinga. Gusto ko munang hindi magkikilos-kilos si Honey at aalagaan ko na muna siya. Ngunit kahit anong pilit ko sa kanya ay gusto na niyang siya ang gumawa ng gawaing bahay dahil sobra-sobra na daw ang pagod ko at puyat sa pagbabantay ko sa kanya. Para sa ‘kin naman ay ayos lang naman sa ‘kin basta maalagaan ko si Honey ng maayos. Mahal na mahal ko siya kaya kahit ano pang mangyari sa kanya at kung ano ang gawin nya ay pinapangako ko na nasa tabi niya ako. Nandito na kami sa bahay pero si Honey ay panay ang lakad sa kusina. Gusto na daw niya kasi akong ipaghanda ng pananghalian. Hinatid nila doc. Demetri at Koa si Honey dito sa bahay upang h

