"The process of falling in love at first sight is as final as it is swift in such a case, but the growth of true friendship may be a lifelong affair."
Hammer's pov
Gustong-gusto ko nang umuwi ng Pilipinas... Miss na miss ko na si Yanna. Ang babaeng pinakamamahal ko. Nandito ako ngayon sa Canada kasama si mama. Dinala ko siya dito para ipagamot dahil may nakitang tumor sa kanyang bahay bata. At para asikasuhin nadin ang sinisimulan kong business. Limang taon na simula dinala ko siya sa resort at apat na taon na din ang anak niya...
How I wish nasa tabi niya ako lagi. Ang sarap sa pakiramdam kapag tinatawag akong dada ni Harvey. Feeling ko ako talaga ang ama niya. Hindi ko naman gustong itago siya ngunit si Yanna na mismo ang nakiusap na doon daw muna siya. Pabor naman sa akin iyon kaya okey lang. Mag-aanim na taon na din simula nabili ko ang resort na isinunod ko sa pangalan naming dalawa. Ambisyoso ako oo, dahil kahit walang kami inaangkin ko na talagang pag-aari siya. Wala naman akong narinig na maski anong reklamo sa kanyan kaya iniisip kong nagbubunga na ang pag-aantay kong mahalin din niya ako. Napabalik tuloy ako sa nakaraan...
Anak-mayaman ito...ay mali pala dahil hindi lang pala ito anak-mayaman kundi bilyonaryo pero dahil nga sa rebelde siyang anak napadpad siya dito sa Pilipinas para hanapin ang kanyang ina na piniling iwan sila. Kalat din sa buong bansa ang pagtakas niya sa kasal na ipinagkasundo sa kanya.
Unang kita ko palang sa kanya noong napadpad siya sa bahay namin ay tinamaan na ako I don't believe in love at first sight pero wala eh...nangyari sa akin dahil simula nong araw na hinatid ko siya para gumala ay halos ayaw ko nang mawalay sa kanya. ang nakakatawa nga lang ay pinsan pa pala niya ang isa sa babaeng pinakaiiwasan ko. Si Gianne...
Naguluhan din ako nong una kasi ang pakilala niya sa akin ay kambal siya ni Gianne. Siya daw si Gianna which is parang may mali dahil alam kong patay na ang kambal nito nong maliliit pa sila...
Pero nong umuwi ding Pilipinas ang isa ay pinaliwanag niya ang lahat. b***h heiress siya kung tawagin nang lahat dahil sa ugali nitong napakagaspang, maldita at bratt pero nakita ko ang side niya na hindi pa nakita ng iba.
Ngunit sadya talagang mapaglaro ang tadhana dahil kahit anong iwas ang gawin mo kung nakatadhanang harapin mo ang mga pangyayaring hindi mo gusto ay hindi mo ito matatakasan. Ang engagement na tinakbuhan niya sa bansa ng kanyang ama ay sinundan parin siya nito kaya naman nong araw ng kaarawan ni ng magkambal na Gianne at Gianna ay inanunsyo ulit ng kaniyang lolo na engaged na siya sa anak nang kanyang kumpadre na walang iba kundi ang fiance niya din sa Saudi. Dahil sa sama ng loob ay nagpakalasing ito ng sobra. Dinamayan namin siya.
"Ha-m-mer a-a-no k-kaya k-kung i-i-kaw na-na-l-lang ang pa-ka-s-salan k-ko?" tanong na hindi ko napaghandaan... Tanong na ni minsan hindi ko pangaraping sana totoo. Pero mali dahil alam kong dala lang ito ng kalasangin niya. Kaya naman nong sinabi ni Benedick na iuwi na siya ay nakipag-unahan pa ako. Pero wala eh, talo ako sa barkada ko.
Nasabi din ng dalaga na hinalikan siya ni Benedick kaya lalo akong nagduda nung sinabi nya na siya nalang ang mag-uuwi dito... Oo nagseselos ako kahit hindi naman dapat pero mahal ko eh... mahal ko na siya sa loob ng maikling panahon na nakilala ko siya. Hindi naman talaga sila magpinsan dahil adopted child lang si Benedick pero ang isipin kong may gusto din ang kaibigan ko dito ay nanghihina na ako lalo na't iisang pamilya sila.
"Make sure she's safe." sabi ko nalang sa kanya na tinanguan naman niya... Ngunit kinabukasan parang bombang sumabog sa akin ang balitang may nangyari sa kanilang dalawa. I hate him so much na parang gusto ko na siyang bugbugin. Nagpunta ako sa bar ni Jigz kaso nagpang-abot lang kami ni Benedick.
"Paano si Hammer?" tanong ng isa naming kaibigan.
"Does he knows?" tanong pa ng isa.
"I don't know." iyon lang ang narinig kong sagot nito.
"Of course I should know everything about her." singit ko.
"And f**k you Benedick." hindi ko na napigilan pa ang sarili ko kaya nasigawan ko siya at nasuntok.
"I know right now galit ka tulad ng pamilya namin pero sana hindi matatapos dito ang pagkakaibigan natin." sabi pa niya na lalong nagpapanting sa pandinig ko.
"KAIBIGAN? PAMILYA? Alam mo pala ang salitang yan.. Sana yan muna ang una mong inisip bago mo sinamantala ang kalasingan niya." nang-uuyam kong saad.
"Pumunta ako dito para sana mabawasan ang sama ng loob ko saiyo pero nagkamali ata ako ng lugar na pinuntahan... I should go now..." nagawa ko pang magpaalam.
"Where is she?" baling ko bago ako lumabas.
"Nasa bahay sa M...." hindi na niya ito itinuloy dahil alam ko na kung saan ko ito pupuntahan.
Umuwi muna ako sa bahay para magpaalam kay mama.
"Oh Hammer akala ko ba hindi ka makakauwi." sabi nito pagkabukas niya ng pinto.
"Kuha lang ako ng ibang gamit ko Ma. Baka ilang araw akong mawawala." paalam ko dito.
"Ah sige iho. Mag-iingat ka." paalala niya.
"Opo Ma. Gagamitin ko pala ang sasakyan."
"Oo, basta mag-ingat ka sa pagmamaneho anak ah." paalala ulit niya.
"Ikaw ang mag-ingat dito Ma. May aayusin lang po ako. Babalik din ako agad." Halik ko sa noo nito.
Pagkasilid ko ng ilang gamit sa bag ay agad din akong lumabas. Binilinan ko lang ang katiwala na tingnan-tingnan si Mama.
Habang nasa daan, nag-iisip na ako kung paano ko ipapaliwanag kay Yanna lahat. Dahil kung ako ang masusunod mas gugustuhin ko pang nasa akin siya kesa maging collection ng Fuckboy kong kaibigan. Makasarili na kung makasarili. Pero sabi nga nila kahit pa ibigay mo ang langit sa isang tao kung talagang hindi kayo para sa isa't-isa ay hindi mangyayari ang gusto mo.
"Anak, anlalim yata ng iniisip mo?" tanong ni Mama.
"Iniisip ko lang po ang mag-ina mama." sabi ko dito. Aware siya sa nangyayari pero ni minsan hindi niya ako kinontra. Ang hindi lang niya alam ay wala kaming label na dalawa ni Yanna. Ang lagi lang niyang sabi ay alam ko na daw ang tama at mali.
"Bakit di mo nalang siya pakasalan anak. Ilang taon na din naman simula napunta siya sa poder mo. At sa palagay ko magiging maayos ang pagsasama niyo." suggestion pa niya. Gusto nito si Yanna unang kita palang niya kaya naman kahit na nabuntis ng iba ito ay minahal pa rin niya na parang tunay na apo si Harvey.
"Ma, nag-aantay pa ako ng tamang panahon." sagot ko nalang.
"Ikaw din, baka magising ka nalang isang araw na wala na siya saiyo." Babala niya. Kinabahan ako, dahil kung may isang bagay man akong kinatatakutan iyon ay ang mawala siya sa buhay ko. Baka hindi ko kayanin. Siya na ang lahat sa akin. Sa kanila na umikot ang mundo ko.
"Magpagaling ka na Ma para makauwi na tayo. Baka mamaya mangyari iyang sinasabi mo sa akin mawala pa siya ng tuluyan sa akin." biro ko dito. May tumatawag kaya iniwan ko muna ito pansamantala.
My Queen calling.....
mabilis pumintig ang aking puso...
"Sweetie..." sabi ko.
"Hammer kelan mo ba balak umuwi?" eto na naman... Gustong-gusto ko kapag ganito siya dahil feeling ko asawa niya ako.
"Sweetie kayo na muna ang bahala diyan okey... Babalik din ako kapag okey na si mama." sagot ko sa kaniya.
"Ano pa nga bang magagawa ko...." ganyan naman siya eh, magtatampo pero madaling umunawa.
"Sweetie promise babawi ako sa inyo ni Harvey pag-uwi ko." saad ko pa. Pero alam ko may kasunod pang idadaing ito. Her attitude is always like that.
"Bakit hindi mo nalang kasi iuwi dito si mama Hammer... para naman may kasama ako at maalagaan ko siya and para makasama na din kitang magpatakbo ng business mo dito." daing niya... oh ,see... tama ako di ba?
"Darating din tayo diyan sweetie okey... Sige na bye na... may meeting pa ako. I miss you and I love you Sweetie..." pinatay ko na ang tawag dahil alam kong babarahin lang ako nito... Napabuntong hininga nalang ako. Wala naman talaga akong meeting. Ayaw ko lang na dumaing pa siya ng dumaing na umuwi na kami.
Kung tutuusin pwede naman na talaga kasi sabi ng doctor ni mama ay pwede na siyang magtravel pero gusto kong makasiguro na okey na talaga lahat. Maybe after a week pa kami makakauwi. Sorpresahin ko nalang sila.
Pero hindi pa man lumilipas ang isang araw ay isang hindi magandang balita na ang dumating sa akin.
My Queen calling..
Hindi ko muna ito sinagoy dahil kailangan ko irush ang mga papeles na binigay sa akin ng secretary ko. Nagring muna ito ng ilang beses.
"Yes sweetheart... Sorry busy kaya hindi ko nasagot agad." Hingi ko ng paumanhin.
"It's okey. Gusto ka lang daw kausapin ni Harvey." sabi niya.
"Dada...." si Harvey.
"Hey big boy..." bati ko Pero agad kong napansin ang malungkot na boses niyo.
"What happen? Did you cry?" nag-aalalang tanong ko.
"Dada someone yell at mommy.. He is bad." sumbong nito...
"Whaat??? Who baby... Tell me..." tarantang sabi ko.
"It's Da...." naputol ito.
"Mommy I'm not yet done talking to Dada..." maktol ng bata sa kabilang linya. So may itinatago si Yanna.
"Let me talk to Dada Harvey." narinig kong sabi niya sa bata.
"Yanna! Do you want to tell me who yelled at you?" kinabahan ako bigla baka nasaktan siya.
"Dada it's...."
"Our guest... Yeah our guests..." sagot ko nito agad. Hindi ako kumbinsido. Something's wrong...
"It's not convincing...You don't know how to lie..." sabi ko pa.
"Come on tell me who it is?"
"It's Daddy...." Sigaw ni Harvey... Kumuyom ang kamao ko sa narinig. So nahanap na nila si Yanna.
"Daddy? Who's Daddy Yanna?" nakakunot na ang noo ko. Obvious namang si Benedick ang binabanggit nitong Daddy dahil hindi naman ito inilihim sa kanya.
"Harvey go to your Yaya now. Let me speak to Dada alone okey..." utos niya sa bata. Nakakatampo na halos ayaw niyang sabihin sa akin pero sino nga lang ba naman ako sa buhay niya.
"I love you Dada. I miss you..." Paalam pa nito.
"I love you and I miss you more baby." balik ko naman.
"Now Yanna talk..." utos ko sa kanya.
"Hmmmn, it's Benedick... he..." naiinis ako na hindi niya kayang magtiwala sa akin kahit iyon man lang sana kaya nahampas ko ang lamesa.
"s**t! Did he do something to you?" putol ko sa sasabihin sana niya.. Umiling siya.
"No, he bump to Harvey accidentally." sagot naman nito.
"Anong ginagawa niya diyan?" walang kaemo-emosyong turan ko.
"I don't know, kakausapin ko sana sila dahil nagrereklamo sila kay Jenny. I didn't know that he is Mr. Lazaro... and naabutan ko silang nag-uusap na ni Harvey sa lobby." kwento niya. Accidentally nga ba? O talagang alam na nila kunh nasaan siya? tanong ko sa sarili ko.
"For now please stay away from him.." paalala ko. Baka ilayo niya sa akin ang mag-ina. Hindi ko kakayanin.
"He is with your friends..." sagot nito. Natigilan ako... Anong ginagawa nila doon?
"Are you okey?" pag-aalala nito.
"Yeah I'm fine...so don't thi...." naputol na ang linya... Sinubukan ko ulit itong tawagan pero di na makontak.
Kailangan ko nang umuwi... Nagpabook agad ako ng ticket...
Akala ko kapag nakauwi ako ay tulad parin ng dati... pero hindi na pala... dahil doon na nagsimula ang bangungot sa buhay ko... Ang tuluyang layuan ako ni Yanna.