"If you are distressed by anything external, the pain is not due to the thing itself, but to your estimate of it; and this you have the power to revoke at any moment." -Marcus Aurelius
Hammer Pov
I choose to let her go... masakit pero mas di ko kakayaning mawala siya ng tuluyan sa akin. Pagkauwi ko ng pinas ay nagkaroon kami ng sagutan nang aking kaibigan...
After that ay nagkahiwa-hiwalay na kami.
Sabi ng mga kaibigan naming iba ay lumipad daw siya sa ibang bansa. I have no idea where...Ang alam ko lang ay galit siya sa akin.
And about Yanna, nagpaalam na siya sa akin dahil iuuwi na daw siya ng Daddy niya sa Saudi.
"Hammer I am not blind... I know all your sacrifices. I owe you a lot. But I can't force myself to love you back on how you loves me."
" This is good thing to us. And I hope someday you can find a woman who can love you unconditionally." yakap niya sa akin...
"Is this already a goodbye? Hindi ka na ba talaga pwedeng magstay dito?" tanong ko. Ayaw ko siyang umalis pero wala akong magawa.
"If you need me, don't hesitate to call okey... I will always be here for you." naluluha kong sabi. Hindi ako bakla pero putcha... Ayaw paawat ng luha ko.
"Don't make it hard for me please..." pakiusap nito.
"Can I kiss you.?" tanong ko dito... Tumango siya... Sinamantala ko na ang pagkakataon. Binigyan ko siya ng banayad na halik sa noo sa ko dinampian ang kanyang labi. Wala naman siyang kahit na anong reaction... This is the reason kung bakit nabigyan ako ng pag-asang mamahalin din niya ako.
" Thank you for staying in my life..." wika ko. Ngumiti siya at saka ako niyakap ng mahigpit.
"Ehem... Baka naman gusto mo pang sumama sa eroplano Hammer..." biro ni Gianne. Kasama din kasi ito pabalik ng Saudi kaya nandoon din siya.
"Pasok na kayo..." tulak ko sa kanila.
"Dada, I'll gonna miss you. But don't worry Dada, I will call you always..." sabi naman ni Harvey. Doon na ako hindi nakapagpigil... Alam ko, na ang paglayong ito ni Yanna ay way na din niya para hindi niya ako masaktan pa ng sobra... Pero mas masakit makita ang babaeng minamahal mo ng sobra palayo saiyo...
"Take good care baby ha... I'll gonna miss you too. Dada will always be your Dada okey..." haplos ko sa mukha nito... Itinuring ko na itong parang akin. Pero hiram ko lang lahat, yumakap siya bago tuluyang hinila ng ina paalis. Kumaway pa sila sa akin...
Hindi muna ako umalis hanggat hindi ko nakikitang nasa himpapawid na ang eroplanong sinasakyan nila. How I wish magbago ang isip nila... How I wish hindi na niya ako iwan kahit na kaibigan lang ang turing niya sa akin. Napakarami ko pang hiling na sana... kaso wala na talaga...
Nagsisi ako na hindi ako nagpursige para magustuhan niya ako. Nagsisi ako, na umaasa ako sa panahon na matutunan din niya akong mahalin. Nagsisi ako dahil nagtiwala akong sapat na ang panahong pag-aalaga ko sa kanila para magustuhan niya din ako... pero kasalanan ko din, dahil kahit alam kong hanggang kaibigan lang ang kaya niyang ibigay ay kumapit pa rin ako.
Umiiyak na ako at pinagtitinginan ng mga taong nagsisidaanan pero wala akong pakialam. Eh sa naiiyak ako... May lalaking lumapit sa akin, may edad na ito. Inabutan niya ako ng tubig saka umupo sa tabi ko.
"Iho masakit ba?" gusto kong tumawa sa tinuran nito... pero pinili kong manahimik. Seriously???
"Alam mo ang isang bagay kapag ginusto mo, makukuha mo sa kung anong paraan basta may tiyaga ka. Pero ang tao hindi mo pwedeng piliting magstay saiyo kung talagang hindi siya ang nakalaang makasama mo dahil masasaktan ka lang. May darating din na babae para saiyo." saad niya. Tumingin ako dito pero malayo din ang tingin niya.
"Masarap magmahal kung mahal niyo pareho ang isa't-isa." dagdag pa nito.
"Tinatanong mo siguro kung bakit ko sinasabi saiyo ito..." tanong niya nong sumulyap siya sa akin. Tinanguan ko lang siya.
"Nasa kaedaran mo siguro ako nong una akong makaramdam ng pag-ibig. Naging kami pero ramdam kong hindi siya masaya sa akin. Mahal daw niya ako. Kaso hindi sa paraang gusto ko. Awa! yan ang huwag mong hayaang maramdaman saiyo ng isang taong mahal mo. Dahil mas masakit kapag nagstay sila na napipilitan lamang or dahil naaawa lang sila. Wag mo ding hayaang mahalin ka nila ng dahil lang sa may nagawa kang mabuti sa kanila dahil hindi pagmamahal iyon kundi pag-oobliga sa sarili nila." mahaba nitong paliwanag. Hindi ko pa masyadong naintindihan ito. Tinapik niya ang balikat ko bago tumayo.
"Iho, set her free kung hindi ka niya gusto, dahil ang totong ligaya ay ang mapalaya mo din ang sarili mo sa sakit na nadarama mo ngayon. Masakit pero kailangan mong gawin para maging masaya din siya. Alis na ako Iho, nandiyan na ang misis ko." turo nito sa babaeng kalalabas lang ng paliparan.
"She's the woman who healed my broken heart before... Darating din ang para saiyo... not now iho pero coming soon na... " nakangiting lumayo ito sa akin.
Tumayo na din ako. Tinungo ko ang sasakyan ko. Pagkabukas ko ng pinto ay sakto namang tumatawag ang sekretarya ni Yanna.
"Yes Jenny?" tanong ko dito?"
"Sir bukas na po ang magstart iyong mga mag-o-OJT. Napproved na po ito ni mam Yanna bago pa po siya umalis..." saad nito.
"Ikaw na muna ang bahala Jenny. Pakitawagan iyong sekretarya ko. Sabihin mong tawagan niya ako. Salamat" ibinaba ko na ang tawag.
Ayaw kong makita ako ng mga empleyado ko na hindi ako okey. Kailangan ko munang mag-isip. Nagring ang cp ko.
"Good afternoon sir. " bati nito.
"Ano pong maipaglilingkod ko?" magiliw nitong bati.
"Rona, I can't come to work for a couple of weeks, arrange my schedule." utos ko dito.
" Okey na po ang scheduled mo sir. I know you need a break." ito ang gusto ko sa sekretarya kong ito. Hindi lang ang trabaho niya ang inaalala niya. Marunong din siyang makiramdam.
"Thank you Rona." papatayin ko na sana ang tawag nong bigla itong nagsalita.
"Ahm sir, if you need someone to talk to, andito lang kaming mga staff mo." bigla niyang sabi. Hindi agad ako nakaimik.
"I'm okey, huwag kayong mag-alala sa akin. Just don't touch her things. Babalik din siya. " bilin ko. Bumuntong hininga lang ito.
"sige po sir... cheer up." sabi pa niya.
Umuwi na din ako nang bahay, dahil for sure nag-aalala na si mama. Alam ko hindi man ito umiimik ay nasasaktan din ito. She likes Yanna too much.
"Ma, bakit di ka pa nagpapahingaa?" tanong ko dito nong mabungaran ko siyang nakaupo sa sala.
"Nag-aalala ako saiyo anak. Okey ka lang ba?" and there... I thought I can surpass the sadness but the moment my mom ask, I broke...
"Mama....." umiyak ako. hinaplos niya ang likod ko saka niyakap.
"She left me... Yanna left me..." hagulgol ko.
"Don't cry anak, Yanna didn't left you. Kailangan lang niyang gawin iyon. Babalik din siya kapag okey ka na."
"Ma, paano na ako.. How can I continue to live kung hindi naman na siya ang kasama ko? How can I move on?" humahagulgol kong tanong.
"Hammer anak, hindi mo kasalanang magmahal ng isang tao. Pero sabi mo noon sa akin okey lang kahit hindi ka niya mahalin pabalik basta masaya siya at malaya siyang gawin ang nais niya.
" And now anak, Yanna is just starting to find her happiness with her family. So give her freedom okey." mahabang paliwanag niya. Nakayuko lang ako habang yakap niya.
"She loves you anak, kaya ayaw ka niyang makitang mas lalo pang masaktan at malugmok nang dahil sa kaniya,,, " sinuntok ko ang sofa.
"Paano na ang resort mama? Sino na ang kasama kong magpapatakbo non? Lahat ng meron ako ngayon ay dahil sa kanya..." daing ko pa.
"Mamili ka, ang tuluyang mawala saiyo si Yanna at Harvey o ang ikulong siya sa pagmamahal na ikaw lang ang masaya?" umiling-iling ako.
" Friendship is better than relationship anak." gumaan konti ang pakiramdam ko pero hindi iyon sapat para mawalan ako ng pag-asang babalik siya at marerealize niyang kailangan pa niya ako.
"You're in pain anak but your life must go on. Alam ko iyan ang gusto ni Yanna para saiyo. We love you anak. And we are here for you." hinalikan niyo ang noo ko.
"Thank you Ma." yakap ko sa kanya.
"Pero anak ano nga bang ipinagpuputok ng butse mo, eh pumunta lang naman ng ibang bansa iyong tao. Ikaw nga iniiwan mo siya mag-isa sa resort." hindi na ako umimik pa.
I know sa ngayon mahihirapan ako because Yanna is my everything but like my mom said I need to let her go. But it doesn't mean na palalayain ko na din ang sarili ko. That won't happen.