"Some birds are not meant to be caged, that's all. Their feathers are too bright, their songs too sweet and wild. So you let them go, or when you open the cage to feed them they somehow fly out past you. And the part of you that knows it was wrong to imprison them in the first place rejoices, but still, the place where you live is that much more drab and empty for their departure."
Ashlee pov
"Ash anak pagbutihin mo ha..." bilin ni inay.
"Opo inay... para po sa inyo ito." sagot ko.
"Camille anak, ikaw na muna ang titingin sa kaibigan mo." baling naman niya dito.
"Opo nay... huwag po kayong mag-alala ako po ang bahala sa kanya." mayabang naman nitong sagot.
"Inay naman, 24 years old na ako pero kung makapagbilin kayo para namang isa pa akong paslit." kunwaring nagtatampong wika ko.
"Hindi naman anak, nag-aalala lang ako saiyo." sabi pa niya.
"Huwag ka na po mag-alala inay, kaya ko na ang sarili ko. At isang buwan lang naman iyon. Tatawag-tawag ako sa inyo at kapag weekend uuwi naman po ako."
"Kunin mo ito anak." inabot niya sa akin ang isang kwintas...
"Inay, saan naman galing ito?" tanong ko. Pinagmasdan ko itong maigi...
"AA" basa ko sa nakaengraved na letters.
"Huwag mong wawalain iyan anak. Karugtong ng buhay mo iyan." napatingin ako sa sinabi nito.
Paano naman kaya naging karugtong ng buhay ko ang isang kwintas. May buhay ba ito??? nakangiti kong bulong sa isip.
"Tingin..." agaw naman ni Camille.
"Ohhh, dahan-dahan naman mapigtas." saway ko dito.
"Wow, ito iyong kwintas mo noong baby ka pa na nakita natin sa pict mo Ash..." sabi niya. Napatingin ako sa frame na nakasabit sa dingding.
"Tignan mo oh... may bato din ito..." turo niya sa kumikinang na bato sa gitna ng dalawang A. Kinuha ko ito at pinaghambing sa pict ko. Parehas nga...
"Nay bakit mo ito binigay... Itabi niyo nalang po baka mawala ko pa. Sayang naman. Mukha pang mamahalin." abot ko kay inay.
"Gaga ka talaga, siyempre isusuot mo iyan, kasya pa naman sa leeg mo eh." sabi pa niya.
"Alam mo namang hindi ako mahilig sa mga sabit-sabit sa leeg." tanggi ko.
"Hmpt, kailangan mo ngang isuot yan para kapag hinanap ka ng magulang mo. Iyan ang patunay na ikaw ang anak nilang itinapon sa basurahan... "
"Aray naman Ash..." binatukan ko nga...
"Kailangan talaga kompletong detalye?" sabi ko.
"hehe peace na tayo bestfriend... " nagpeace sign pa ito.
"Inay bakit mo nga ito ibinigay? tanong ko ulit.
"Isuot mo anak... tama si Camille. Yan ang magpapatunay na anak ka nila kapag hinanap ka ng tunay mong magulang." nalungkot ako sa sinabi nito.
"Bakit inay, ayaw niyo na ba ako? " may tampong tanong ko.
"Anak hindi sa ayaw kita... Pero darating ang araw na makikilala mo din sila. Hindi habang buhay ay nandito ako. Mahina na ang katawan ko anak. Hindi na ako magtatagal." iba talaga ang pakiramdam ko sa mga sinasabi ni inay.
"Inay hindi nalang kaya ako mag-OJT baka kasi pagbalik ko hindi ko na kayo madatnang humihinga." saad ko.
"Sapakin ko kaya iyang bunganga mo Ash." saway sa akin ni Camille.
"Natatakot na ako sa mga sinasabi niya kasi Cams eh."
"Okey lang naman kayo inay di ba?" tanong ko dito.
Hinaplos niya ang aking mukha.
"Anak lahat tayo iisa lang ang tungo. Hindi nga lang natin alam kung kelan tayo babawiin ng Dios. Pero kailangang ipagpatuloy ng maiiwan ang buhay niya." alam ko naman iyon eh... pero hindi pa ako ready para diyan...
Niyakap ko siya.
"Huwag mo akong natakot inay... Magmamartsa pa tayo. Iaabot ko pa ang diploma ko saiyo." umiiyak ko nang sabi.
"Napakaiyakin mo parin talaga anak... Hindi naman ako mamamatay, dahil magmamartsa pa tayo. Magbabayad ka pa ng utang mo sa akin." biro niya.
"Ang drama-drama niyo." naluluhang saad naman ni Camille.
"Payakap din ako... Ikaw nanay kapag namatay ka, susulsulan ko si Ashlee na ipaanod ka nalang doon sa resort na pag-o-OJT-han namin." yakap niya.
" O di naman kaya, ibubugaw namin si Ashlee doon sa mga matatandang panot na naghahanap ng aliw..." what??? Itinulak ko ito.
"Lumayo ka nga Cams... Kung ano-anong sinasabi mo." tumatawa na ito. Pati si inay ay napapatawa na din.
"Biro lang po niya iyon inay." sabi ko dito.
"Hmpt, ikaw ang ibubugaw ko kapag nangyari iyon Cams..." nakangusong sabi ko sa isa.
"Hahaha, Joke lang bestfriend." saad naman niya.
"Oh nagtext na pala si Rogelio, labas na tayo." sabi niya habang hawak ang Cellphone niya.
Binitbit na namin ang mga gamit namin. Inilagay ko naman sa pouch ko ang kwintas.
Paglabas namin ay sakto namang dumating na ito. Siya kasi ang maghahatid sa amin. Free lodging kami doon sa resort kaya naman napakadami naming dala. May nakalaan daw kasi na para sa mga trainee at staffs...
Pagbukas ni Rogelio sa pinto ng sasakyan ay napatulala kaming dalawa ni Camille. Si Rogelio ba talaga to??? No I mean, bakla ba talaga ito.
Minsan hindi ko na maiwasang tanungin ang sarili ko kung nagpapanggap lang ba ito o hindi. Humalin siya sa pisngi namin ni Camille at nagmano kay inay.
"Nay suaunduin ko na po ang dalawa." paalam nito.
"Mag-iingat ka sa pagdadrive anak ha..." paalala naman niya.
"Opo inay." sagot niya.
"Baka gusto mong sa bahay na muna tumira nay hanggat wala si Ashlee." anyaya niya na agad namang tinanggihan ni Inay.
"Huwag na anak, makakaabala lang ako sa magulang mo."
"Sila po ang nagsabi nay na ayain ka doon. Tutal hindi ka naman na daw po iba." sabi pa niya ngunit ayaw talaga nito.
"Dito na ako, nakakahiya naman kung pumisan pa ako sa inyo. May binilinan naman na si Ashlee na titingin sa akin kung kailangan." tanggi parin niya.
"Sige ikaw po bahala nay. Pero matutulog ako dito paminsan-minsan para may kasama kayo pag gabi." napatingin kami pareho ni Cams.
"Hoy bakla, baka naman gusto mo na ding alukin ng kasal si Ashlee." napatawa si nanay...
"Kung sakali ba anak, papakasalan mo ba ang anak ko?" tanong nito...
"Ahhhhh? Nay? " padyak niya.
"Oh iyang asta mo, andito tayo sa labas sweetheart." inilingkis ko ang braso ko sa bewang nito. Nagpipigil nang tawa ang isa.
"Ash, kinikilabutan ako sa ginagawa mo... Huwag ka ngang yumakap. Para kang sawa eh. " naiinis na naman. Kumalas ako.
"Sige na, layas na tayo... " binalingan ko si ate Nora na nakatingin lang sa bakod nila.
"Ate, ikaw na muna bahala sa inay ko ah. Babawi ako sa inyo balang araw. " sigaw ko dito.
"Oo iha... Galingan mo ah. Para sa ekonomiya.. " biro pa niyang sigaw... nagtawanan naman kami.
"Inay, alis na kami. Mag-iingat ka ah. huwag mo po hahayaang malipasan ka ng gutom. May stocks ka naman na ng buong linggo. Bibili nalang ulit ako sa week end. I love you inay. " paalam ko dito.
"Mahal din kita anak. Kaya pagbutihin mo. At magpakabait ka." paalala niya.
"Uy tama na ang drama... sa kabilang bayan ka lang pupunta. Akala mo naman sa ibang bansa na." sita na naman ni Cams...
"Ikaw talagang babae ka...." pailing-iling na wika ni Rogelio. Saka ito piningot...
"Bakla... bitawan mo ang tenga ko. Masakit... " daing nito...
"Nagmomoment pa kami umeeksena ka na... Oh siya nay, alis na talaga kami. Tandaan mo inay, wag kang lalandi ah. Mahal ang bigas, wala tayong ipapakain kapag nabuntis ka... " biro ko.
"At nay kapag may nanligaw sa inyo. Sabihin niyo sa akin, dadaan muna sila sa akin. Baka lokohin ka lang." dagdag din ni Rogelio.
"Sus, akala ko ba aalis na tayo? " tanong ni Camille.
"Nanay, huwag kang mag-alala kapag naisipan mo nang mag-asawa sasagutin na daw ni Rogelio ang letson...oink oink... " nagtatawanan kaming tinalikuran si inay.
"Inay tuloy na po talaga kami. Mag-iingat ka diyan." kaway ko sa kanya bago pa man mapaandar ni Rogelio ang sasakyan niya. Habang binabagtas namin ang daan papunta sa resort ay nag-iisip na ako kung ano ang mga dapat kong gawin...
Dahil sa kabilang bayan pa iti ay inabutan kami ng mahigit isang oras. Nadatnan na namin ang ibang classmates namin na ihinatid ng school bus.
"Dadalawin ko nalang kayo dito kapag may bakante akong oras ah. Wala kasing tatao sa bar." sabi ni Rogelio nong naibaba namin ang mga gamit namin.
" Salamat Gel... Mag-ingat ka pauwi ah." niyakap ko siya... ganun din ang ginawa ni Camille.
"Kiss mo.." bulong niya. Iginala ko ang paningin ko. Napansin kong sa amin pala nakatutok ang mga mata ng mga kasamahan namin. Kaya nagsmack kiss ako sa labi niya. Pero di ko inaasahan ang ginawa niya. Hinila niya ang bewang ko na naging dahilan ng pagkakalapit ng katawan namin saka niya idinampi din ang labi niya. Hinalikan din niya ako? Gumanti siya? Pero bakit? Di ba bakla siya? Tanong ko sa sarili ko.
"Huwag matulala, ginawa ko iyan para mas convincing. Tignan mo dami nating audience." maarteng wika niya.
"Gago, akala ko pa naman tumatayo na ang batuta mo. " bulong ko din dito. Kinurot niya ng pino ang bewang ko.
"Ang lalandi niyo..." bulong din ni Camille.
"Ang swerte talaga niya."
"San ka pa, gwapo na nga, sobrang thoughtful pa."
"Sus parang di naman maghihiwalay eh."
Inirapan ko ang mga schoolmates ko. Mga baliw, syempre walang kami kaya paano maghihiwalay eh bakla to... bulong ko sa sarili ko.