Chapter 7

1955 Words
" “Success is no accident. It is hard work, perseverance, learning, studying, sacrifice and most of all, love of what you are doing or learning to do.” – Pele Ashlee pov "Cams nakakapagod pala." daing ko sa kaibigan ko. Lahat ng related sa course namin ay ipapahawak sa amin. Para in case na gusto daw naming magtrabaho ay may idea na daw kami. And baka daw magustuhan ang performance namin eh mahired kami. "Ash kaya natin ito... Ilang taon tayong nagtiis para lang maabot ang mga pangarap natin." saad nito. Tinanguhan ko lang ito... Iniisip ko kung paano nga kaya kung maging permanent employee kami dito? "Cams kilala mo ba kung sino ang may-ari ng resort na ito?" curious kong tanong. "Hindi eh, pero ang alam ko ay dating pagmamay-ari ito ng mga Gokongwei..." sagot niya. "Gokongwei? Unique naman ng apilyido." "Oo, Chinese-Filipino ata sila." "Mayaman siguro iyon no?" tanong ko. "Isa ang mga Gokongwei sa pinakamayaman dito sa bansa." saad niya. Napatango-tango ako. "Bakit kaya nila ibinenta no? Kung ako lang ang anak ng Gokongwei babawiin ko ito. " Nangangarap na sabi ko. "Sorry ka, dahil isang hamak na labandera lang ang nanay mo." biro niya. "Pero Cams ilang araw na tayo dito bakit kaya hindi pa ipinapakilala sa atin ang may-ari no?" usisa ko pa. "Baka naman busy pa." sagot niya. "Baka bungi kamo... o di naman kaya pangit. Kaya nagtatago sa likod ng mga staffs lang niya. " tumatawang wika ko. "Shhh... Ingay niyo." saway sa amin ni Monique. Isa sa classmates din namin. " Ikaw Monique kilala mo ba ang may-ari?" tanong ko dito. " Hindi pero ang alam ko, babae ang nagpapatakbo dito noon. Iyon daw ata ang girlfriend nong nakabili nito." sabi niya... Lumapit kaming dalawa sa kanya. "Lalaki ang may-ari nito? Ang swerte naman ng girlfriend niya..." wika naman ni Camille. "Oo swerte daw iyong babae pero ang malas nong lalaki." pabitin pa oh... "Bakit naman malas?" tsismosa lang ang peg haha " Iniwan daw niya iyong lalaki. Pero ang nakakaasar may anak pa daw sila. Isinama daw nong babae iyong anak nila." nalungkot ako sa sinabi nito. "Baka naman may problema sila." sagot ko. "Ewan ko, kaya nga hindi daw nagpapakita iyong may-ari ng resort dahil hindi pa daw niya kayang humarap sa mga staffs niya. Naaawa daw kasi sila sa kanya. Sobrang bait daw kasi niya. Tapos iniwan lang." "Kawawa nga... bakit kaya may mga ganung babae no?" wala sa sariling tanong ko. "Ganon daw talaga kapag mabait masyado ang isang tao laging masasaktan." sabi naman ni Camille. "Nakakaasar iyong babae. Kung ako ang girlfriend nong lalaki. Baka ako pa ang mag-aya sa kanya na pakasalan ako." biro ko sa kanila. Napatingin naman sila sa akin. "Eh? paano kung pangit?" sabay na wika nila. Napatingin naman sa amin ang dalawa pa naming karoom mate. "Di bale na, basta mayaman... at masarap." tumatawa kong biro ulit. "Anong masarap?" painnocent naman ito... "Iyong ano... sa kama..." sagot ko pa. "Ang landi mo talaga, meron ka na ngang nobyo. Siguro nagjerjer na kayo nong boyfriend mo no?" naniningkit na tanong ni Monique. "Haaaaa? Oo nga pala may boyfriend na ako." kinurot ko sa braso si Camille. "Magsitulog na nga kayo... Makikilala din natin iyong may-ari dito, madami pa tayong gagawin bukas." sabat naman ni Genevie. "Oh kala ko ba matutulog ka na?" tanong ni Monique sa kanya. "Baliw, paano kami makakatulog eh iyang mga bunganga niyo walang tigil kakasalita." "Arte neto..." hindi nalang kami kumibo ni Camille. Baka magalit pa sila. Kinaumagahan, mabilis akong naghanda para sa panibagong araw... Tinawagan ko pa saglit si inay bago ako lumabas ng kwarto namin. Nasalubong ko pa ang ilan sa mga kasamahan ko. "Ash, boyfriend mo nasa lobby." salubong ng isa sa akin. "Boyfriend ko?" nagtatakang tanong ko. Wala naman akong boyfriend ah... "Oo, iyong kahawig ni Alden Richard. Di ba boyfriend mo yon?" natampal ko ang sarili kong noo saka ako umalis sa harap niya. "Ang aga naman ata niya.? " tanong ko habang naglalakad papuntang lobby. "Hi sweetie..." hinalikan ako nito sa noo. "Ang aga mo ata bakla." bulong ko dito. "Pwede bang maging extra sweet ka naman. Pinagtitinginan tayo. Kakilala pa ni Daddy iyong mga tao dito." bulong din niya pabalik. "Hmpt, hindi lang ako sanay na ganito tayo sa public. Sa harap lang naman kasi tayo ng magulang nagpapanggap dati." rason ko pa. "Nagbreakfast ka na ba Sweetie?" tanong niya. "Hindi pa nga. Pupunta palang sana ako sa canteen. Ikaw nagbreakfast ka na ba?" "Hindi pa...Hmmn eto. Dahil diyan napasugod ako dito ng wala sa oras." may inaabot itong isang bag. Sinilip ko ito. "Wow pagkain..." pilit kong pinalaki ang tsinita kong mata. "Hinanda yan ni mama." sabi pa niya... "Eh di ako na ang manugang..." nagbibiro kong sabi. "Doon tayo..." turo ko pa sa bakanteng lamesa na pang-apatan. "Nasaan pala si Camille." tanong niya. "Ayun nahuli, nagpapaganda pa." balewalang sagot ko. "Tsk, parang may igaganda naman." ismid niya. Tinaasan ko ito ng kilay. "At ikaw aber, sa tingin mo may ikakaganda ka pa ba?" humalukipkip akong tumingin sa kanya. "Wala na akong sinabi." iwas niya. "Anong order mo?" tanong ko. "Kahit ano..." "Walang kahit ano dito..." pilosopong saad ko. " gaga ikaw na ang bahala." "Ikaw din... baka magsisi ka." nag-order ako ng heavy foods. Ako na daw bahala eh di kuhanan ko siya ng pagkaing hindi niya matatanggihan. "Ano inorder mo...?" tanong nito pagbalik. "Antayin mo nalang. Ihahatid din iyon dito." nagpalinga-linga ang paningin ko. "Sino bang hinahanap mo?" Rogelio. "Hinahanap ko iyong mga kasamahan ko." sagot ko dito. May dumaang lalaking pogi. "Ang pogi naman non." napansin din pala nito. "Hindi lang pogi bakla... Para syang sculpture na inukit... Ang gwapo..." bulalas ko. Pumasok ito sa nakahiwalay na parte ng canteen pang VIP... "Guest ba iyon? parang ngayon ko lang kasi nakita." saad ko. "Malay ko, kayo ang andito, sa akin mo itatanong." inirapan ko naman ito. "Thank you... " usal ko sa classmate kong naghatid ng order namin. Maaga silang nagsimula dahil sila ang nakatoka sa pagkain. Hindi muna ito umalis sa harap namin. "Okey na, Makakaalis ka na. " supladong taboy ni Regelio... Pinagmasdan ko ito... Aba eh. Nagpapacute ba ito? Natatawa nalang ako. Tinadyakan ko ang paa ni Rogelio sa ilalalim ng lamesa. "Ahhh miss... pwede ka na umalis..." naiinis na nitong turan. Nagbeautiful eyes pa siya... matalim naman ang tinging ipinukol sa akin ni Rogelio. "Pwede ka na umalis Tine..." saka lang ito dali-daling tumalikod na parang nahihiya pa. "Hahaha... ang lakas ng tama niya saiyo bakla." pang-aasar ko. "Tumahimik ka nga...!" "Kunin ko ba ang numbe...." halos hindi ako makahinga dahil isinubo niya sa akin ang isang buong hotdog na dahilan para mabarahan ang lalamunan ko. "Papatayin mo ba ako...? " sigaw ko dito, mangiyak-ngiyak na ako... Napatayo ako sa inis... "So-sorry Ash..." ngayon ko lang ito nasigawan. Pinagtitinginan din kami ng mga taong naroroon. Pumunta ako sa powder room dahil sa sobrang inis. Dahil sa pagmamadali may nakabangga ako. "Sorry po..." hindi ko ito tinignan kung sino ito. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. "Hey miss are you okey?" tanong niya sa nag-aalalang boses. " I'm okey... excuse me." dali-dali akong tumuloy sa loob ng powder room. Naghilamos ako, saka kinalma ang sarili ko. Nagstay muna ako doon ng ilang minuto bago ako lumabas. Bahala siyang mag-alala...Akala niya nakakatuwa iyong ginawa niya ah. Sukat ba namang susubuan ka ng buong hotdog habang nagsasalita. Hmpt. Paglabas ko ay may nakita akong lalaki na nakasandal sa wall ng hallway. Iyong gwapong lalaki? Sinong inaantay niya? Lalagpasan ko na sana ito nong bigla niya akong tinawag. "Ahm misa okey ka na ba?" tanong niya. "Ako?" nagpalinga-linga pa ako baka may iba pang tao kaming kasama. "Oo ikaw... Okey ka lang?" tanong niya. "Ah oo, okey lang ako. Salamat nga pala." wika ko dito. "Sige," paalam ko pa. "Sabay na ako saiyo." naglakad na nga siya palapit sa akin saka ako sinabayan. "Ahm, guest ka ba dito?" tanong niya. "Hindi, nag-o-OJT kami dito. Ikaw?" balik tanong ko. "Ahhh, ako? Guest..." "Ah yes, guest ako dito." guest pero bakit pumasok siya sa VIP area? "Ahhh. special guest ka siguro no?" tanong ko pa. "Ha? Paano mo naman nasabi?" "Nakita kasi kita kanina, pumasok ka sa mga pang-VIP." sagot ko. "Oo, na hindi..." bakit parang ang lungkot ng mga mata niya? "Ahm, sige, may trabaho pa kasi ako." paalam ko. Late na ako...huhu "May kasama ka ba?" napansin nito ang alanganing paglapit sa amin ni Regelio. " Ah, oo... Ka..." hindi ko an naituloy. "I'm his boyfriend." napatitig ako sa kanya. "Ah, nice meeting you." Sagot naman ng isa. "Anyway miss....?" "I'm Ashlee. Ash for short. And he is Rogelio... Gel nalang ang itawag mo sa kanya." sagot ko "Trainee din siya?" usisa niya. "Hindi, binisita lang niya ako. Sige... see you around. And nice meeting you." umalis na kami sa harap nito. "Ash sorry talaga....Hindi ko sinasadya." hinging paumanhin niya. "Ash, hindi ko naman alam na masasamid ko. Sorry na.." hindi ako sumagot. "Ash, galit ka pa rin ba?" tanong nito. "Maghiwalay na tayo..." bigla kong usal. "Ha? hindi pwede?" tanggi niya. "Bakit naman hindi?" tanong ko. "Paano ko ipapaliwanag kina mama at papa.?" napatulala ako sa kanya. "Ash naman eh... Hindi ko matatanggap na maghihiwalay tayo." tinampal ko ang noo nito. "Gago, maghiwalay na tayo nang daan kako." napahagalpak tuloy ako ng tawa. "Hindi mo naman kasi nililinaw. Bigla ka nalang magsasalita ng hiwalay eh hindi pa tayo bati." "Hoy nagpapanggap lang tayo... kaya huwag ka ngang feeling affected." subat ko sa kanya. "Pero kahit na... Sa mata ng lahat may TAYO... bakla ako oo, pero gusto ko din ng maayos na hiwalayan ah. Iyong malinaw... " sabi pa niya saka iwinasiwas ang kamay sa kalangitan. "Baliw... sige na... ingat ka sa pagmamaneho mo. May trabaho pa ako. Ikumusta mo nalang ako kina tita at kay inay. Salamat. " taboy ko na sa kanya. "Kiss ko... para sure na bati na tayo." pangungulit pa niya. Kiniss ko ito sa labi. Nasanay na din ako sa ganon kaya parang wala lang sa amin. Pero hanggang doon lang talaga. Himala nalang siguro kung ito ay nagpakalalaki. "Thank you Ash... I love you bestfriend." Yakap niya ako nong nabungaran kami ni Camille. "Kaya pala nawawala ka, kanina ka pa pala lumalandi dito..." sermon niya. "Hi Cams..." bati ni Rogelio. Hinalika din niya ito sa pisngi. "Hindi niyo man lang ako tinawag." nagtatampong pahayag niya. "Ang tagal mo kasi. Uwi nalang tayo sa friday night Cams. Doon tayo matutulog sa bahay." pangpalubag loob ko sa kanya. "Ay, oo nga pala Cams. Kanina ka pa pala hinahanap ni mam Jenny." sabi niya. "Bakit daw?" tanong ko. "Ewan ko, ang sabi niya magreport ka daw sa office niya." "Ah sige... Ahm Gel, iwan ko na kayo ni Cams ah... ingat ka sa pag-uwi." agad na akong umalis sa harap nila. Kumatok muna ako sa pinto bago ako pumasok. Sakto namang pasara ang isang pinto sa loob. "Good morning mam. Pinapatawag niyo daw po ako?" tumingin ito bago itinuro ang upuan sa harap niya. "Ibibriefing lang kita ah. Kailangan ko kasi ng makakasama dito sa office. Part na din ito ng training mo." sabi niya. Itinuro niya sa akin ang mga dapat kong gawin. Ang mga Do's and Don't. Napapatingin parin ako sa isang kwarto na nakasara. "Mam may tao po ba diyan sa loob?" tanong ko. "Ah yan? Office yan ng boss ko. Pero nasa ibang bansa ito kaya kailangan ko ng makakasama para sa mga paper works habang hindi pa nakakahanap ng bagong papalit sa kanya." paliwanag nito. Nakita ko ang picture na nakasabit sa wall. Mula sa CEO, hanggang sa pinakamababang posisyon. Siya ang CEO???
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD