Chapter 8

2197 Words
"Opportunities pop up for everybody all of the time. It's the way that we progress. It's whether or not you're in the right frame of mind or in the right stage of your life or if you're even looking for them [that determines] whether or not you see them. [...] As you take more risks you see opportunities more easily. [Risks are] never the safe option, but for me the safe option is the worst option. [...] The riskiest life I can think of is letting yourself to be molded into this comfortable, same-as-everybody-else routine. For me, that is risking my whole life.” ― Ben Brown Ashlee pov Kung siya ang CEO... anong ginagawa niya sa canteen? Nagtatanong ako sa sarili ko habang naglalakad ako. Inutusan ako ni mam Jenny na pumunta sa HR. "Hoy Ashlee, anong iniisip mo?" So kung siya ang CEO malamang sa malamang ang isa sa mga babae doon sa chart ay ang nang-iwan sa kanya. "Hoy okey ka lang ba?" kawawa naman siya. Sayang napakagwapo pa naman niya at mukha nga talagang mabait... Bakit kaya siya nito iniwan eh may anak naman na sila? "ALEXIA ASHLEE MONTERO!" sigaw ng kaklase ko sa pagmumukha ko. "Bakit ka ba naninigaw, hindi ako bingi." asar kong sabi. "Hello, hindi ka pa bingi sa lagay na yan ah." saad niya. " Grabe nasira na yata ang eardrum ko. Ano bang problema mo?" naiinis kong tanong dito. "Ikaw dapat ang tinatanong ko. Ano bang problema mo?" tanong niya. " Ako may problema? Wala naman ah..." sagot ko dito. " Kanina pa kaya kita kinakausap, pero lutang ang isip mo." saad niya. " Hindi kita napansin. Ano ba kasing sinasabi mo na kailangan mo pa akong sigawan sa mukha." " Wala naman, nakita lang kasi kita na parang lutang kaya nilapitan kita. Kaso parang naglalakbay pa sa planeta ni Alden Richard mo ang isip mo." biro niya. " Monique, kilala ko na ang CEO nitong resort." pag-iiba ko sa usapan. " Oh sino? Nakita mo na?" " Ano, pangit ba?" " Hoy, Ashlee, ano nga?" "Haist, pabitin naman oh. Ano?" sunod-sunod na tanong niya... " Paano ko sasagutin kung ayaw mong huminto kakatanong?" "Isa-isa lang naman daw ah..." reklamo ko dito. " Oh sige... Sino siya?" tanong ulit niya. "Hindi ko alam ang pangalan eh..." sagot ko dito. " Pinagloloko mo ata ako." sabi pa. "Next question, bilis malapit na ako sa HR." hirit ko. "Nakita mo na ba?" " Oo." "Ang boring mo sumagot. Gwapo?" " Hindi..." " Hmpt di na ako interesado, di naman pala gwapo." biglang sabi niya. Mukhang paalis na ito. " Hindi lang basta gwapo..." bigla ko namang sabi. Bumalik ulit ito sa tabi ko... "Eh ano ay...?" "Sobrang gwapo." tipid kong sagot na parang nakikita ko pa sa balintataw ko ang mukha niya. "Kinausap ka ba niya?" tanong ulit nito. " Time out na... babye..." tumakbo na ako sa may HR. "Hoy Ashlee usap pa tayo mamaya..." kumaway lang ako sa kanya habang nakatalikod ako. "Hello po, may pinapabigay po si mam Jenny..." sabi ko sa babaeng parang masungit. "Lagay mo lang sa table ko." turo niya sa lamesa. Ipinatong ko ito saka ako tumalilis na ng alis. Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko kung bakit iniwan ng girlfriend niya ang CEO. "Bakit nga pala hindi ko tinignan iyong pangalan niya. " para akong tanga na kinakausap ko ang sarili ko habang naglalakad... "Pwedeng pasabay?" tanong ng isang lalaki... Tinaasan ko ito ng kilay. "Pwede, maglalakad ka naman eh. Maliban nalang kung magpapabuhat ka hindi ka talaga makakasabay sa akin. Dahil sa laki mong tao. Di kita kayang buhatin." sagot ko dito. "Nagtatrabaho ka dito?" nakatingin siya sa name tag ko... "OJT lang kami... pero wish ko kung papalarin eh sana maging permanent ako dito." tinignan ako nito mula ulo hanggang paa. "Ako nga pala si Leo..." inilahad niya ang kamay niya. Tinanggap ko naman ito. "Ashlee, kung close tayo Ash nalang." ngumiti ito. Bakit ang gagwapo ng mga lalaking nakilkilala ko ngayon? "So Ash nalang itatawag ko saiyo. Kasi mula ngayon magiging close na tayo." tinignan ko siya. "Ikaw bahala, maiwan na kita ha, may trabaho pa kasi ako. " paalam ko. "Sandali, pwede mo ba akong samahan sa office ng CEO?" tanong niya. "Eh, baka kasi mapagalitan na ako, kanina pa ako dapat nakakabalik." pagtanggi ko. "Huwag kang mag-alala akong bahala saiyo," nag-isip pa ako konti... Sabi niya sa office daw ng CEO so makikita ko siya? Sige sasamahan kita pero ikaw ang magpapaliwag kay mam Jenny kung bakit ako natagalan ah..." hirit ko. Nangingiti ito... "Oo kapag pinagalitan ka sabihin mo kinailangan ka ng boss niyo." nagdududang tingin ang ipinukol ko dito. "Ano nga palang pangalan mo?" tanong ko naman. "Ang ganda mong ulyanin.. I'm Leo" sagot niya. "Sorry naman may sakit kasi ako eh." sagot ko. "Ha may sakit ka? Bakit ka pa nagtatrabaho kung may sakit ka naman pala? " concern lang ang peg? "Oo may sakit kasi ako kaya. Sa palagay ko nga malala na eh..." sabi ko pa. "Anong sakit mo? Baka gusto mong sabihin ko sa boss mo na excuse ka na muna ngayon. May clinic naman ang resort na ito." nag-aalalang suhestyon niya. "Ha? hindi na... nakalimutan ko na din kasi kung ano nga pala ang sakit ko.." nangingiting wika ko. Hindi ko naman akalaing maniniwala siya. Hirap naman makipagbiruan dito. "Pinagloloko mo ako ah..." sakto namang nakarating na kami sa office ng CEO. "Kakilala mo ba iyong may-ari nito?" bulong ko sa kanya. Napangiti siya. "Silly, of course I know him. Wala lang akong makausap papunta dito kaya nagpasama ako saiyo..." ngumiti ito, lumabas ang dalawang biloy sa magkabilang pisngi niya... "Ay ang cute.." nausal ko. Kumunot ang noo niya. "Pwede bang pogi nalang? Para sa aso iyon eh." ako naman ang ngumiti. Pagkapasok namin ay agad tumayo ang babaeng nakaupo. "Hi honey..." Naghalikan sila... Ay hindi... naglaplapan sila.. "Ah, Eh, alis na po ako.." paalam ko dito. "Ah miss wait, intern ka ba? " tanong ng babae. " Opo. " sagot ko naman. " Hon where is he?" tanong ni Leo. " In her office..." may lungkot sa mga mata nila. " Kailan pa siya dito?" tanong pa ulit. "Kaninang umaga lang. Hindi pa daw siya lumalabas sa office ni mam Yanna simula pumasok siya. Sabi ni Jenny." ah so Yanna pala ang pangalan nong nang-iwan sa kanya. "I will go to him." sabi nito... "Ah excuse me lang po, Balik na ako sa trabaho ko." paalam ko ulit. " Wait lang miss... Saan ka naka-assign ngayon?" tanong niya. "Sa office po." sagot ko. "With ms. Jenny?" "Opo..." "Can you please bring this with you?" abot niya sa isang folder. Tinanggap ko ito. "Hon sasabay na ako sa kanya. Balik ako mamaya." lumabas na din ako at nakasunod lamang ito. Walang nagkikibuan sa aming dalawa hanggang makarating kami sa office. "Mam Jenny may bisita po kayo." sabi ko. "Ang tagal mo naman." sabi nito habang ang mga mata ay nakatutok sa computer nito. "May pinag-utos kasi ako sa kanya that's why." sabat naman ni Leo. "Hi sir Leo, ikaw pala. Good morning." bati niya. "Hello Jenny," " What is he doing?" nagkibit balikat lang ito. "Bring us tea Ash... one without sugar for him and one with sugar for me." "Hiramin ko muna siya Jenny." paalam nito. Wala nang nagawa ang isa kundi sumang-ayon. "It's okey sir." tinapik ako ni Leo. "Ahm Leo saan ko dadalhin?" tanong ko. Kinunutan ako ng noo ni Mam Jenny. "Ashlee learn to respect our bosses..." "Pero... Leo naman talaga pangalan mo di ba?" tanong ko pa. "He is one of our stock holder and close friend of our CEO. So learn to be proffesional when you are inside the office or while you are in duty." napahiya ako. "I'm sorry sir." hinging paumanhin ko. "Drop the formality Ash... "She met me as a normal person so no need to lecture her Jenny..." ginulo nito ang buhok ko. "But it's our rules sir...And..." pinatigil na niya ito sa pagsasalita. "You can go now Ash, bring inside when you're done." tumango ako bago sila tinalikuran. "Sir we can't tolerate them... " narinig ko pang sabi ni Mam Jenny. "Jenny, it's okey... isa pa hindi aka laging nagpupunta dito. And besides it's my own will to call me by my name. I came here not for business, but for Hammer." mahabang sagot naman ni Leo. Ang bait niya. Sayang may girlfriend na siya... Nakangiti kong bulong sa sarili ko. Pagkatapos kong gumawa ng tea ay bumalik na ako sa loob. Hindi ako kinikibo ni mam Jenny. Hindi ko din siya inimik ah. Para patas kami. hehe Kumatok ako sa nakapinid na pinto. "Come in..." itinulak ko ito. "Mga sir ito na po ang tea niyo." napatingin siya akin. Yang mga matang yan... wait umiyak ba siya?Pero bakit ang gwapo parin niya? "Ikaw pala ang boss namin... Hindi ka man lang nagsasabi." mabilis ko itong nilapitan saka tinampal ang balikat niya. Natigilan naman si Leo. "Do you know each other?" nagtatakang tanong nito. "Oo naman, nagkita kami kanina sa baba." masiglang sagot ko. "Interesting ha..." sabi pa nito. "Ashlee you can leave us now." napasimangot ako. "What's with the long face?" tanong nito. "Ash, hindi Ashlee... Friend tayo di ba?" naubo ito... "At isa pa... hindi naman mahaba ang mukha ko ah..." sabi ko ulit. "Naughty little girl.." ginulo ni Leo ang buhok ko. "Tinawag mo akong Ashlee, so tatawagin kitang Boss, okey lang ba?." sumimsim ito ng tea. "And 24 na kaya ako. Hindi na ako little girl... Pwede na nga ako magbuntis eh." naibuga niya ang tea na ininom niya. Nalaglag naman ni Leo ang kutsarang hawak niya. "Makakaalis ka na...Go back to your work." utos niya. Sumenyas naman ang isa na umalis na ako... "See you when I see you boss..." turan ko pa dito... Sinimulan ko na dinhh iorganize ang mga paper works na pinagawa sa akin ni Mam Jenny. Hindi pa rin ako nito kinikibo kung hindi rin naman kailangan. Kaya nagtrabaho lang ako ng nagtrabaho. Late na din kami nananghalian. Hilong-hilo na ako pero nahihiya akong magpaalam. "Are you not going to eat?" tanong niya sa akin. "Ngayon mo lang naisipang tanungin ako..." tanong ko dito. Tumalim ang tingin niya sa akin. "Mam..." Nag peace sign ako. "Hindi ko hawak ang kaldero, baka bumulagta ka diyan. Magkasala pa ako." ay pilosopo ang loko... ganyanan pala ah. "Eh ikaw po mam hindi ka pa ba gutom?" tanong ko "You can eat first." utos niya sa akin. Ayaw mong kumain di huwag. Pagbaba ko ng canteen ay konti nalang ang kumakain. 2 pm na pala... kaya pala sobrang gutom na ako. Binilisan kong kumain baka kasi magutom iyong kasama ko, uminit pa lalo ang ulo niya sa akin. "Mam kain ka na po..." sabi ko pagbalik ko sa office. " I-encode mo ito." abot niya sa akin ng envelop. Binuklat ko ito. "Budget list? Okey po, kain ka na mam. Baka kapag nahimatay ka diyan, kasalanan ko pa." inirapan niya ako. "Ginagaya mo ba ako?" tanong niya. "Hindi po! Sabi mo kanina bumulagta... Eh ang sabi ko naman mahimatay. Kaya hindi po kita ginagaya. May originality po ako kahit paano mam." naiinis itong bumalik sa table niya. "Mam may boyfriend ka na po ba?" "Wala..." ang tipid sumagot ah. "May asawa?" tanong ko ulit habang inaantay kong magloading iyong computer na gamit ko. "Wala pa." "Ilang taon ka na po?" "30" "Halla kaya ka pala masungit mam. Dahil nalipasan ka na ng panahon." sabi ko. "Magtatrabaho ka ba o makikipagdaldalan?" tanong nito... "Hehe eto na po... magtatrabaho na." sagot ko. Naiinis na talaga siya sa akin. "Mam last na to..." tumingin siya sa akin na parang nauubusan nang pasensya. "Buntis ka ba?" diretsong tanong ko. Hindi ito kumibo. Hinawakan niya ang tiyan niya. "Anong reaction yan mam? Wag mong sabihing buntis ka talaga?" paninigurado ko. Hindi parin ito umimik... Tumayo ako. Lumapit ako sa kanya... "So buntis ka nga... Anong gusto mong kainin?" "Mangga?" tiningnan ako nito. "Santol?" "Ay huwag pala iyon. Walang santol ngayon." "Buko?" "Huwag din pala iyon. Hindi ako marunong umakyat." "Or gusto mong mag-ulam ng palakang bukid?" patakbo itong pumuntang CR. "Halla, Mam anong nangyari sa iyo..." sinundan ko ito. "Don't talk nonsense, will you???" sumuka ito ng sumuka... "Sinong ama niyan?" tinanong ko. "Ahaaa... Don't tell me kaya umalis iyong girlfriend ni boss dahil nabuntis ka niya..." nanghuhusgang tanong ko. "Anong pinagsasabi mo!" galit na niyang sigaw sa akin. "Sinasabi ko lang naman. Ano si Boss ba ang tatay ng ipinagbubuntis mo?" tanong ko ulit. "And who's pregnant?" "You're pregnant?" sabay na tanong ni Leo at ni boss. Naku patay... "Ah eh, mga sir... Mam... sorry po.. huwag po kayong mag-alala hindi ko ipagsasabi na ikaw ang nakabuntis sa kanya." "Whaaaaatttt?" chorus nilang tatlo. "Young lady, watch your mouth." sabi ni boss. Sumenyas akong isizipper ko na ang bibig ko. Saka dahan-dahang bumalik sa cubicle ko. Hindi siya ang ama... eh bakit sila naghiwalay nong girlfriend niya. Nakakahiya, bakit ko ba sinabing siya ang ama nong pinagbubuntis ni mam Jenny. Baka mapauwi na ako ng wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD