"Love is made up of three unconditional properties in equal measure:
1. Acceptance
2. Understanding
3. Appreciation
Remove any one of the three and the triangle falls apart.
Which, by the way, is something highly inadvisable. Think about it — do you really want to live in a world of only two dimensions?
So, for the love of a triangle, please keep love whole."
Hammer pov
Nakarinig kami na parang may nagsisigawan kaya napalabas kami ni Leo.
"Sinasabi ko lang naman. Ano? Si Boss ba ang tatay ng ipinagbubuntis mo?" tanong ng isang boses. Sinong boss? At sinong buntis?
"And who's pregnant?"
"You're pregnant?" sabay naming tanong ni Leo.
"Ah eh, mga sir... Mam... sorry po.. huwag po kayong mag-alala hindi ko ipagsasabi na ikaw ang nakabuntis sa kanya." anong pinagsasabi ng babaeng to. At ano daw? Ako nabuntis ang sekretarya ni Yanna?
"Whaaaaatttt?" sabay-sabay na sigaw naming tatlo. Heto nga't sariwa pa ang sakit na nadarama ko. Maiisipan ko pa bang mambuntis ng iba? Saan ba napunta ang utak ng babaeng to?
"Young lady, watch your mouth." warning ko sa kanya. Sumasakit ang ulo ko, dumagdag pa ang mga ito. Sinamaan ko nalang ng tingin. Dahan-dahan siyang pumunta sa cubicle niya.
"Okay ka lang ba Jenny? If you want to rest pwede kang magpahinga na muna." alok ko dito.
"Okay lang ako Sir. Napagod lang siguro ako." saad niya.
"Hapon naman na, pwede ka nang umuwi. Iwan mo na ang trabaho mo." sabi ko pa.
"Ituro ko lang kay Ashlee iyong mga dapat tapusin ngayon sir." saad nito. Bumalik din ako sa loob ng office ni Yanna habang si Leo ay nagpaalam nang pupuntahan daw ang girlfriend...
Napatitig ako sa frame na nasa ibabaw ng table. Kinuha ko ito. Ilang araw na din naman simula umalis sila. Sobrang miss ko na sila. Ni hindi man lang nila naalalang tumawag. Siguro nga wala lang talaga ako sa kanya. Kinuha ko ang picture din naming tatlo. Bakit ba hindi mo ako magawang mahalin? Pinagmasdan ko ang pict namin. Ang ganda niya... Halo ang mukha nito. Pero mas madami siyang nakuha sa ama niya. Ang mga mata niyang hazelnuts ang kulay. Ang ilong na akala mo inukit... Ang mga labi niya na kay ninipis... Samantalang si Harvey ay carbon copy ni Benedick maliban sa ilong nito na nakuha niya sa ina niya. At ako, isa lang saling-pusa.
Niyakap ko ang frame. Hindi ko namalayang makakaidlip ako. Ngunit hindi pa man nagtatagal ay agad nagring ang aking cellphone na dahilan ng pagkagulat ko. Nalaglag ang frame. Nabasag ito... pupulutin ko na sana nong napansin ko ang isang papel.
My dear Hammer,
Well, that time has finally come, my months of extensive planning have finally paid off and the long awaited reconciliation of my family and to travel with them together to my birth place is about to begin!
I would like to take this moment to write this letter as a farewell but also as an invitation for new beginnings. I have set up my mind to keep in touch with you if possible where at the end of every day.
This is my little way of keeping you close to me when I will be so far away for the next days, months, or years that we are not together. Hindi ko masusuklian ang lahat ng pagmamahal na ipinadama mo sa akin at ang lahat ng sakripisyo mo para sa amin ng anak ko. I owed you a lot. I will gonna miss you during my time away, our times of laughter and support when we needed it, and simply the joys of friendship that we have been lucky enough to find in one another. I hope that during my time away, you will think of me often and send me a little hello from time to time bilang kaibigan o kapatid.
I want to thank you for all the times that you have been there for me when I wasn't able to think straight, and when I needed someone the most and I hope that upon my return, we will be able to pick up again where we left off, with the little extra benefits that I will have.
I know, na masasaktan ka sa pag-alis ko but Hammer please do understand that this is the best for you.. Ayaw kong matali ka sa isang pagmamahal na alam mong ikaw lang ang kumakapit. Sana balang-araw makita mo ang babaeng magmamahal saiyo ng tapat at karapat-dapat saiyo.
I wish you only the best of times in this year ahead, may you enjoy new beginnings as well. Sana kapag nagkrus muli ang landas natin ay makita ko na ang saya na matagal mo nang inaasam pero hindi na sa akin kundi sa iba.
I hope that you will succeed in your work and personal life and that these next months and years will be memorable and productive for you in the ways that you hope they will be. I look forward to catching up on all your achievements when I return and reconnecting with you in person after our time apart. Be well always... Harvey and I, loves you so much.
Much love,
Yanna
Tumulo ang luha ko pagkabasa dito... Pinaghandaan mo na pala talaga. Sige Yanna papalayain kita pero hindi ibig sabihin non ay ititigil ko na ang ibigin ka.
Isang katok ang pumukaw sa akin.
"Come in."
"Boss baka po gusto mo lang ng meryenda." tanong nito.
"No, I am still full." sagot ko dito.
"Eh makakausap boss baka gusto mo." nakasilip lang ito sa pinto.
"Can you please come inside. Ako ang nangangawit kasisilip mo eh" sabi ko. Ngumiti siya, wala na iyong mata niya.
Ngayon ko lang napansin na tsinita pala ito. Siguro nga kailangan ko ng makakausap.
"Now tell me, anong gusto mong pag-usapan natin?" tanong ko dito. Tinignan ko ang oras. It's already 5 pm. Tapos na ang duty nila. Tumingin ito sa sahig.
"Hala boss, baka po masugatan kayo. Wait lang lilinisin ko." mabilis itong kumuha ng walis. Pinanood ko lang ito. Nung natapos siya ay kinuha niya ang litrato namin.
"Ang ganda pala niya boss no?" inikot ko ang swivel chair paharap dito.
"Yeah, she's a goddess." sagot ko dito.
"Mahal na mahal mo siguro siya boss no?"
"She's my everything. "
"Boss friday naman ngayon, labas tayo. Masaya sa lugar namin. Magpapraktis din kasi ako ng para sa sinalihan kong pageant. Gusto mong sumama?" ang daldal niya sobra. Ang saya siguro nitong kasama.
"Saan ba ang sa inyo?" tanong ko.
"Sa kabilang bayan lang boss. Ano boss... game ka ba or game ka na ba?"
"Sige, tutal wala naman kayong duty bukas." sang-ayon ko na natatawa sa kakulitan niya.
"Okay boss, antayin nalang kita sa labas. Kasabay ko kasi iyong kaibigan ko." paalam niya.
"Okay." paglabas ko ay wala na ito sa pwesto niya. Hindi ko naman alam kung saan kami magkikita kaya nag-antay nalang ako sa parking. Nakita kong lumabas ito na may kasamang babae.
Pinagtitinginan siya ng mga nakakasalubong niya. Hindi kaya aware ang babaeng ito sa suot niya? Kinawayan ko sila nakita naman nila ako agad kaya mabilis silang lumaput sa akin.
"Boss saglit lang, susunduin kasi kami ng kaibigan ko. Convoy nalang tayo." saad niya.
May pumaradang Lexus white sa tapat nila. Kaibigan? Di ba boyfriend niya iyon? tanong ko sa isip ko.
Humalik ito sa pisngi nilang dalawa... wait, di ba dapat siya lang iyong hinahalikan niya... bakit pati iyong kaibigan pa niya? Natatanga ako kakaisip.
"Boss, sunod ka na lang..." abiso niya.
"Ano?Ako lang mag-isa dito?" tanong ko.
"Ah oo boss, doon na kami sa kotse ni Rogelio sasakay. Nakakahiya naman saiyo." lumapit iyong dalawa pa.
"Camille sabay ka na sa kanya." Utos ng lalaki sa isa.
"Ikaw nalang Ash... Nakakahiya kay sir..." baling naman niya sa isa.
"Sa akin sasabay si Ash... " apila naman ng isa...
"Wait baka may mag-away pa. Convoy nalang tayo."sabi ko nalang.
"Hindi baka mawala ka... ako nalang sasabay saiyo boss..." agad na siyang sumakay sa front seat. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila. Wala na din namang nagawa anh boyfriend niya.
Napansin kong pinandilatan niya ng mata ang lalaki. (Isipin mo iyong singkit na pilit pinapalaki ang mata hehe)
"Gel, hindi pa ba kayo aalis... kami mauuna na..." tumango lang ito.
"Tara na boss, hayaan mo sila kung ayaw pa nilang umalis." saad pa nito.
"Ahm, Ashlee hindi kaya mag-away kayo ng boyfriend mo kasi sumabay ka sa akin?" tanong ko dito nong sinimulan ko nang magmaneho.
"Bakit naman boss..." kinukutingting nito ang bawat makita niyang gamit sa sasakyan ko.
"Coz you know... I am a boy, and you are a woman. Baka isipin niya may namamagitan sa atin. Ayaw kong makasira ng relasyon." wika ko.
"tsk, don't worry boss. Hindi magagalit iyon. Takot lang niya." proud pang sabi niya.
"Ikaw ang bahala... but still its not nice to see. Kasi may boyfriend ka pero sa ibang sasakyan ka sumakay."
"Bakla iyon boss kaya malabong magalit iyon dahil saiyo ako sumabay." walang prenong sabi niya.
"Bakla? What do you mean bakla?" naguguluhan kong tanong.
"Ay hala, hehe joke lang pala boss." napatango ako.
Madami pa itong sinabi. Hindi siya boring kasama kaya naaliw na din ako.
"Ilang taon ka na nga ba?" tanong ko dito.
"24 na boss, NBSB ako baka balak mo lang naman boss."
"What is NBSB?"
"Ah, wala boss hehe..." alanganin ang ngiti nito. Hindi ko nalang pinilit alamin ang meaning non.
"May mga kapatid ka pa?"
"Solong anak lang ako boss. Wala na ding asawa ang inay. Kaya kaming dalawa nalang ang magkasama."
"Matagal na ba kayo nong boyfriend mo?"
"Wala naman akong boyfriend. NBSB nga di ba." sagot na naman niya.
"Eh kung wala kang boyfriend, ano mo iyong lalaki kanina?"
"Atin-atin lang boss ah. Actually hindi ko naman talaga boyfriend iyon. Nagpapanggap lang kami." kwento niya.
"Ha? hindi mo siya boyfriend pero may palips to lips?" nagiging tsismoso ako nito. Traffic pa.
"Hehe, sanay na kami boss... nagtatabi pa nga kami matulog non eh."
"So you mean, may nangyari na sa inyo?" usisa ko pa.
"Utak mo naman boss masyadong advance." biro lang niya. Lumapit ito sa mukha ko...
"Boss ang pogi mo..." bigla niyang sabi. Napalingon ako bigla. Pero nagulat nalang ako nong mismong labi niya ang dumikit sa tungki ng ilong ko.
"So-sorry boss... " mabilis itong umayos sa pagkakaupo.