Chapter 10

1764 Words
"Keep on beginning and failing. Each time you fail, start all over again. And you will grow stronger until you have accomplish a purpose. Not the one you began with perhaps, but one you'll glad to remember." -Anne Sullivan- Hammer pov "Boss ang pogi mo..." bigla niyang sabi. Napalingon ako bigla. Pero nagulat nalang ako nong mismong labi niya ang dumikit sa tungki ng ilong ko. "So-sorry boss... " mabilis itong umayos sa pagkakaupo... "W-what are y-you doing.?" gulat kong tanong. Halos hindi ako makakilos. Sunod-sunod na busina ang bumasag sa lutang kong isipan. "Sorry boss. Huwag kang mag-alala ilong lang naman. Saka di ko sinasadya." nakangiti pang sabi niya. Umiling-iling ako. "Boss diyan tayo sa kanto na yan papasok." turo nito sa madilim na kalye. "May mga bahay pa ba diyan?" tanong ko. "Meron naman boss, diyan nga ang bahay namin. Mukha lang makaluma ang kalsada namin pero magagandang tao ang mga nakatira diyan at mababait." ang daldal talaga. May bumusina sa likod namin. Kumaway ang sakay ng sasakyan. "Ang bilis naman nila. Ano yun pinalipad na naman niya ang sasakyan niya?" bulong nito... pero dinig ko naman. Napapreno ako bigla nong hinawakan niya ang isang braso ko. "Tigil ko diyan sa tabi..." sabi niya. "Bakit? Diyan na ba ang bahay niyo?" tanong ko. nagpalinga-linga ako pero wala akong makitang bahay kundi isang poste lang ng ilaw na may sign na "DITO IPUNIN ANG MGA BASURA." "Boss naman, dito na nga ako pinulot ng inay ko, hanggang ngayon ba naman dito parin ako titira?" naguluhan ako sa sinabi nito. "Ano?" "Sandali lang boss puputok na ang pantog ko. Iihi lang ako saglit." Di man ako inantay na makapagsalita, dali-dali na siyang makalabas ng aking sasakyan.. "Saan ka iihi?" tanong ko. "Dito lang boss..." "W-what???" hindi ko na ito nilingon dahil napansin kong umupo na siya. Holy mother fucker... Ganito ba talaga kaburara tong babaeng to? "Haist, success." pumasok na ito ulit. "Boss alam mo bang mga basura ang kasama ko noon?" kinunutan ko ito ng noo, nawiwirduhan pa din ako sa mga kilos niya. " Paano." "Anak ako ng basurahan." mas lalo akong naguluhan. "How?" " Basta anak ako ng basurahan. Iyon lang boss." napakamot ako sa ulo ko. "Malayo pa ba?" tanong ko nong may natanaw akong kabahayan. "Malapit na boss." May nadaanan kaming mini plaza. " Boss pasok mo! ohhh, yan na hmmmn!" fuck... ano bang pinagsasabi nito... ako lang ba ang madumi ang utak? "Dito na tayo boss. Ay lumagpas na..." "Bakit ka ba kasi umuungol?" tanong ko. " Sabi ko boss yan na... di ka nakikinig." hindi nalang ako umimik. Okay ako na ang nagkamali pumasok ito sa isang bahay. Maliit lang ito. "Inay nasaan ka?" sigaw niya. May lumabas na matandang babae. "Ashlee anak, nandiyan ka na pala." humalik ito sa impis ng mukha nong ale. "Inay boy friend ko nga po pala." lumaki ang mata ko sa tinuran nito. Kelan pa niya ako naging boyfriend." "May kasama ka pala anak." sabi naman ng isa. "At boypren mo kamo?" tanong niya. " Opo inay, Boy friend, lalaking kaibigan..." ah okay iyon lang pala yon. Nakahinga ako ng maluwag. Si Yanna lang dapat. "Ako po pala si Hammer." pakilala ko. "Upo ka anak, pagpasensyahan mo na tong bahay namin ah. Mukha ka pa namang mayaman." itinuro niya ang isang kahoy na upuan. "Okay lang po." wika ko. "Boss bihis lang ako ah. Antayin mo lang ako saglit." paalam nito. "Inay iwan ko na po muna sa inyo si boss." tumango lang ang isa. Pinagmasdan ko ang loob ng bahay. May mga nakasabit na mga awards at frames. May picture na solos niya parang kailan lang ito at may group picture. Nilapitan ko ito. Si papa? Last week lang ito ah. May date kasi na nakalagay. "Siya ang nanalo sa pageant na iyan, last week anak." biglang sulpot ng babae. "Kontesera po pala siya." "Bata palang siya sumasali na sa mga pakontes sa bayan. At ayan nga pinapalad naman siyang manalo. Ang mga natatanggap niyang pera ay ipinantutulong niya sa akin. At sa pag-aaral niya." kwento nito... "Mabait po pala siyang anak." compliment ko dito. Madaldal nga lang bulong ko. "Inay, may bibilhin lang po ako saglit." "Boss sa inay ka muna ah..." nagmamadali nitong paalam. Pinagmasdan ko bawat litratong nakasabit. Napatitig ako sa picture ng isang baby. "Sino po siya?" tanong ko dito. "Si Ash, iyan nong baby pa siya." sagot niya. "Ito ang kauna-unahang picture niya simula napunta siya sa akin." kwento nito. Magulo man pero handa akong makinig. " Hindi man siya galing sa sarili kong matres ay itinuring ko na siyang tunay na anak. " "Alam po ba niya?" kinuha ko ang picture at pinakatitigang maigi. Base sa damit na suot nito ay masasabi mong may kaya ang pamilyang pinanggalingan niya dahil ang lampin na nakabalot ay hindi lang basta-basta. Nasubukan ko ding namili ng mga damit pangbaby nong pinagbubuntis ni Yanna si Harvey kaya alam ko. At ang kwintas na suot nito.... Parang nakita ko na. " Paano po siya napunta sa inyo." pag-uusisa ko. " Noong araw nakikilabada ako, dahil ang ama ko ay may sakit. Wala kaming kakainin kung hindi ako kikilos. Madaling araw ako umaalis non, habang tulog ang tatay... Habang nasa daan ako, narinig ko ang iyak niya. Kaya nilapitan ko. Unang karga ko palang sa kanya ay tumigil na ito... Kaya inuwi ko siya. Ang sabi ko dadalhin ko sa DSWD pero sabi ng tatay ko bigay daw siya sa akin ng Panginoon. Umalis kami sa lugar na iyon sa takot kong baka may maghanap sa kanya." Noong namatay ang itay, siya na ang naging sentro ng buhay ko. At ayan na nga siya, dalaga na." kwento nito. Hindi ko lubos maisip na ang madaldal na babaeng nakilala ko ay may lihim pala ang pagkatao. "Buti hindi po niya hinanap ang magulang niya.?" tanong ko pa. "Gus..." hindi na naituloy ang sasabihin ng inay niya dahil dumating na ito. "Kung gusto naman nila ako, hahanap sila ng paraan para mahanap ako. Tsaka isa pa boss... May inay naman akong sobra kung mahalin ako kaya okay na ako dun." hindi nalang ako umimik. Dahil naalala ko si Yanna. Iniwan din si Yanna ng mommy niya noon. Kaya nga napadpad siya dito sa Pilipinas dahil hinahanap niya ang mommy niya. Siya kaya, itinatago lang ba niya ang totoong nararamdaman niya? "Boss kain muna tayo. Bumili ako ng dinner natin kay aling Bebang. Masarap magluto iyon." dinala na niya sa loob ng maliit nilang kusina ang bitbit nitong pagkain. "Boss, kumakain ka ba ng bopis at igado?" tanong nito... "What's bopis and igado?" tanong ko " Hehe, kain muna tayo boss, mamaya ka na magtanong. Gutom na ang mga alaga ko." sabi nito. Hindi na din ito muling nagsalita. Napadami ako ng kain dahil simula umalis si Yanna ay hindi na ako nakakain ng ayos. "Boss nabusog ka ba?" inabutan ako nito ng pinya. "Hmmmmn, Salamat." "Boss masarap ba iyong ulam?" tumango ako. "Kumakain ka pala nong lagayan ng tae ng baboy boss?" nasamid ako sa pinya na kinakain ko. "W-w-what?" tumingin ako sa nanay niyang nagulat pa ata sa sigaw ko. "Oo boss, iyong igado eh intestine yun ng baboy. Iyong bopis naman eh laman-loob din nito." halos masuka-suka ako sa sinabi nito... "You!" turo ko dito. "Eh boss napasarap ka nga ng kain eh..." wala na akong magawa dahil masarap nga naman talaga. Ang nakakainis lang ay kung ano ito... Masarap siyang kasama, makakalimutan mo talaga ang problema mo dahil hindi ito nauubusan ng bala. Kung hindi ka aasarin ay papatawanin ka niya... Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa plaza kung saan ay mag-eensayo daw ito. Maganda naman talaga siya... Tsinitang mata na pinaresan ng napakacute na ilong. Katamtaman lang ang pagkatangos nito. Kung tangkad ang pag-uusapan ay hindi ito patatalo. Kung titignan mong maigi, masasabi mong hindi ito purong pinoy. "Boss ano, pwede na ba akong pumalit sa babaeng mahal mo?" biglang sabi nito. "Ms. Ashlee nandiyan ang boyfriend mo." narinig ko namang sabi ng trainor nito. "Hi, sweetie. Nagpunta ako sa bahay niyo sabi ni inay nandito ka daw kaya sumunod na lang ako." bungad ng binata. "Ah, Sweetie dito ka muna. Patapos naman na kami. Igagala natin si boss mamaya." rinig kong sabi naman niya. "Pero wag mong lalandiin ah... akin siya." bulong niya sa pagitan namin na dinig naming dalawa. Masama naman ang tingin ni Rogelio sa akin. "Lumayas ka nga dito. Ang landi mo!" madiing bulong naman ng isa. Hindi ko lubos maisip na ang gwapong lalaking ito ay bakla. Pero pwede ko naman siguro siyang maging kaibigan. "Rogelio Tan nga pala..." abot niya sa kamay niya. Natigilan ako, kilala ang mga Tan sa business world. So hindi pala basta-bastang tao ito? "Hammer Aragon..." nagshake hands kaming dalawa. "Aragon? Alam ba niyang Aragon ka?" si Ashlee ang tinutukoy nito. Umiling ako. "Ikaw, alam ba niyang silent millionaire ang magulang mo?" tanong ko na ikinagulat niya. "Kilala mo ako?" tanong nito... " So ikaw ang anak ni Mister Roger?" paniniguro ko. Hindi ito kumibo, so silence means yes... "Why did you lie to her?" nagtatanong ang mata nitong tumingin sa akin. "What do you mean?" "About everything..." hindi pa rin niya magets ang sinasabi ko. So slow "About what?" "Do you love her?" tanong ko pa. Yumuko lang ito... Tumawa ako ng pagak. "Tell her how you really feels before it's too late. Baka magulat ka na lang wala na siya sa tabi mo." payo ko dito. "Do you like her?" tanong din niya. "I like her personality yes." prangka kong sagot. "Then back off..." sagot niya. " You really lied to her. Such a coward." umiling-iling ako. " She thinks you're a gay..." "It's my way para manatili siya sa tabi ko." sagot niya. " Kapag nalaman ba niya na lalaki ka talaga sa palagay mo magiging katulad pa rin kayo ng dati?" "And about sa buhay na alam niya tungkol saiyo, nagsinungaling ka rin." "I didn't do it on purpose. You know my parents well Mr. Aragon. when it comes to wealth. Hindi sila katulad ng iba na halos ipagyabang sa buong mundo ang lahat ng achievements nila." tumango-tango lang ako. "So good luck Mr. Tan. Sana hindi ka magaya sa akin." sakto namang dumating si Ashlee. "Boss, gala tayo tapos naman na kami." tinignan ko si Rogelio. Nakatingin lang din siya sa amin. I feel him. Iyong abot kamay mo na ang taong gusto mo, pero hindi mo pwedeng hawakan. Dahil natatakot ka na baka kapag ginawa mo iyon mawawala siya sa iyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD