Prologue

826 Words
"Ingat ka, iha..." Halos pabulong na sabi ng matandang tindera. "Salamat po, Lola. Alis na po ako, baka hinihintay na po ako ni Kuya." Nakangiting sabi ko. Patalon-talon ako habang naglalakad at suot ang masayang ngiti sa aking mukha. Birthday kasi ngayon ng Kuya ko at syempre may regalo ako! Chocolate, 'yong binili ko sa matanda. Paburito n'ya kasi 'to, kaya ito ang naisip ko na iregalo. Kaysa naman wala, 'di ba? Hahaha! Nasa labas na ako sa bahay namin. May itim na van sa tapat ng pinto namin. Pagpunta ko sa pintuan ay agad na bumungad sa akin ang mga malalaking lalaki, tatlo lang sila. Nakatayo sila sa malapit sa pinto. Meron ding babae na nakasalamin pero mahahalata mo talaga na maganda at mukhang mayaman. Guard ata no'ng babae 'yong tatlong lalaki. "Kendi!" Nakangiting tawag sa 'kin ni Papa. Lumapit naman ako sa kanya at naupo sa katabi n'ya at ni Kuya. Nasa gitna na nila ako. "Omg! S-S'ya na ba 'yon? S-She's so pretty... like me..." Naiiyak na tanong ng babae kay papa. "P-Po?" Nagtatakang tanong ko. "Uhm, Anak..." Dahil sa ginagawang paghinga ng malalim ni papa ay kung ano-ano nang pumapasok sa utak ko. "S-Siya ang tunay mong nanay..." Mahinang sabi ni Papa habang nakayuko. "Nanay?! Yuck! Sounds so losyang..." Pag-iinarte ng babae na nanay ko daw. Hindi na lang namin s'ya pinansin. "T-Totoong nanay? 'Di ba po patay na si Mama? Paanong s'ya po ang n-nanay ko?" Sa pagkakaalam ko ang patay na ang nanay ko, ang asawa ng tatay ko na katabi ko. "Ako na po ang mag e-explain." Pagpigil no'ng babae kay Papa nang aaktong magpapaliwanag si Papa. "Uhm let me introduce my self first. I'm Trishaia Scyvleia, your real Mother. Model ako, worldwide. Sure ako na kilala mo ako." Tinanggal nito 'yong salamin n'ya sa mata para makita ko ng buo ang itsura n'ya. "I-Ikaw 'yong nasa m-magazine..." gulat na sabi ko. "Yep! Pakilala ko na din pala ang real Daddy mo. Your father's name is Luxc Scyvleia, model din s'ya. And uh kasal na kami ng Daddy mo kaya surname na n'ya ang gamit ko. Sad to say but... patay na ang Daddy mo..." Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata n'ya. "B-Binaril s'ya sa ulo ng tauhan ng kalaban n'ya sa business." Pinunasan n'ya ang luha na malapit ng bumagsak sa pisngi n'ya. "Naipanganak na kita bago namatay ang Daddy mo but hindi ka pa n'ya nakikita dahil busy s'ya sa work n'ya. N-Nawala ako sa sarili ko, sobrang gulong gulo ng utak ko. 'Yong trabaho ko, ikaw, lahat... napabayaan ko na. Hindi ko alam ang gagawin ko no'n, 'di kita maalagaan ng maayos kaya naisipan ko na ipaampon ka muna sa mag-asawa na katulong ko which is 'yong fake mother and fake father mo, sa kanila kita pinagkatiwalaan dahil kilalang kilala ko na naman sila, bata palang ako ay sila na ang nag-aalaga sa 'kin. Kung ang nasa isip mo ay babawiin na kita, you're wrong. Madami akong kalaban sa trabaho, lahat ng meron ako ay kinukuha nila, katulad ng Daddy mo. Ayoko namang ikaw ang isunod nila kaya dito ka nalang, susuportahan pa din naman kita. And last, kaya hindi Scyvleia ang last name mo dahil baka pag surname ng Daddy mo ang ginamit mo ay madali kang mahahanap ng mga kalaban namin." Kasabay ng pagpunas n'ya ng luha n'ya ay ang pagbagsak ng mga luha ko. Ilang buwan ang lumipas at birthday ko na ngayon. Madaming regalo na galing sa tunay na mama ko. May kaunting handa, kaunti lang dahil kami lang naman ni Kuya ang kakain no'n. Wala na si papa, inatake s'ya ng sakit n'ya sa puso at ako ang sinisisi kung bakit hindi s'ya nakaligtas, hindi daw kasi ako nanghingi ng tulong. Ang unfair sobra. Hindi manlang nila pinakinggan 'yong side ko. Hindi ko naman kasalanan... Kuya. "Oh bakit ka na naman umiiyak? Nag iinarte ka na naman? Buti ka nga may handa at regalo eh! Buti nga nireregaluhan ka pa ng nanay mong mayaman!" Pagbubunga-nga na naman ni Kuya. Pinunasan ko na ang luha ko para wala na s'yang masabi. "Wala. Kuya, ito nga pala 'yong 10k," Inabot ko sa kanya ang pera na kinuha ko sa bulsa ko. Masayang kinuha n'ya ito. "galing 'yan sa pera na binibigay sa 'kin ni Mommy. Magagamit mo 'yan pag uwi mo sa probinsya..." Simula kasi no'ng namatay si Papa ay lumipat na kami ng bahay, si Mommy ㅡtotoong nanay koㅡ ang bumili ng bahay na 'to. Kami lang ni Kuya ang nakatira dito, pero halos ako nga lang kasi laging umuuwi si Kuya sa probinsya. Mas gusto n'ya daw do'n. "Good. Sa susunod, 50k naman ang ibigay mo sa 'kin. Ipapalawan mo na lang hahaha. Malaki naman ata ang binibigay sa 'yo ng Mommy mo. Sige alis na ako." Padabog na sinara nito ang pinto. "Happy 12th birthday, Kendi Soriano." Bati ko sa sarili ko. Be happy, Kendi. Please.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD