Chapter 1

1071 Words
TRANSFEREE "Ayan na ang multo!! Friday na guys, remember??!" Sigaw ni Claui Buenaventura na ako ang tinutukoy. S'ya ang student na sobrang lakas ng kapit dito sa school. Agad namang naglayuan 'yong mga students na malapit sa 'kin. Alam kong ako ang tinutukoy ni Claui, dahil simula first year ay pinagt-tripan n'ya na ako at lagi n'ya akong tinatawag na multo. Hanggang ngayong third year na kami ay pinagt-tripan n'ya pa din ako. 'Di ko naman s'ya pinapansin. Laging black daw kasi ang suot ko tuwing friday. Goth style gano'n. Kada friday kasi, medyo malaya kaming mga students. Pinapayagan kaming isuot kung anong gusto namin, basta maayos. Pero pag monday-thursday, dapat complete uniform. Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang bigla na lang akong harangin ng boyfriend ni Claui. Si Hano Chan. Isa na namang epal sa buhay ko. Naka t-shirt na brown at short lang s'ya. Mukha s'yang kapre, ang taba n'ya eh, ang itim pa tapos ang tangkad. "Hoy! Ang kapal naman ng mukha mo! Bakit hindi mo pinansin 'yong girlfriend ko?! Pinapalapit ka n'ya sa kan'ya ah?!" Inis na sabi nito sabay hawak sa braso ko at pilit akong hinila papalapit sa girlfriend n'ya. Hindi ko naman narinig na pinapalapit ako ni Claui sa kan'ya, siguro dahil wala talaga akong pakialam sa kan'ya. Agad ko namang inalis 'yong pagkakahawak n'ya sa braso ko nung nasa harapan na kami ni Claui. Putangina ang pangit. Joke. Medyo maganda naman si Claui, maldita nga lang. Nakawhite na dress s'ya at sapatos na white din. Mukha s'yang angel kaso ang sama ng ugali. "Ano na naman bang kailangan mo?" Mahinahong tanong ko. "Wala naman gusㅡ" "Okay." Pagputol ko sa sasabihin n'ya sabay alis sa harapan n'ya. Wala naman palang kailangan tapos tatawagin pa ako, walang magawa sa buhay. Narinig ko pa s'yang sinisigaw ang pangalan ko. Pagdating ko sa classroom namin nagtuturo na 'yong teacher namin. Late na naman ako. Tinignan ko 'yong iba kong classmates. May mga nakadress, complete uniform, pang waiter, pang pilot na damit, 'di ko na alam 'yong tawag sa suot ng iba. Pupunta na sana ako sa upuan ko nang bigla akong tawagin ni ma'am. Ratatatat time. "Hep! Balik! Pumunta ka dito sa unahan, Miss Kendi Soriano!" Maarting sigaw nito. "What? Ipapahiya mo na naman ako?" Walang galang na sagot ko. Mababakas din sa boses ko na wala akong paki sa kan'ya. "Aba!" Lumapit ito sa akin. "Gan'yan ba talaga ugali mo ha?! Kababae mong tao!" Sabay hampas ng pamaypay n'ya sa 'kin. "Oo." Walang gana kong sagot. "A-Aray!!!! Mrs. Chan! Masakit po!!" Pag angal ko nang bigla n'yang hinila ang tainga ko. Manang mana talaga sa kan'ya 'yong anak n'yang si Hano Chan. "Ayan! Nagiging magalang ka pag nasasaktan ka!" Patulak na tinanggal nito ang kamay n'ya sa tainga ko. Buti 'di natanggal ang tainga ko. Pero okay lang naman kung matanggal 'yon, may isa pa naman. "Oh kayo! 'Wag n'yo 'tong gagayahin! Walang kwentang student 'to! Balik ka na sa pwesto mo!" Sigaw n'ya. Nagtawanan at nagbulungan naman ang mga classmates ko. Buti naman 'di s'ya inabot ng isang taon sa pagpapahiya sa 'kin. Naglakad akong nakatungo papunta sa upuan ko. Nang makarating na sa likod ng silidㅡ yes sa likod ang pwesto ko, mag isa lang ako don, wala namang gustong tumabi sa 'kinㅡ napansin kong may nakaupo sa upuan ko. Nag angat ako ng tingin "Uh? Anong ginagawa mo sa pwesto ko?" Walang ganang tanong ko sa lalaki na hindi pamilyar ang mukha sa 'kin. "Nakaupo." Natatawang sabi nito. Pinagtaasan ko s'ya ng kilay. "Hahahaha joke. Dito ako pinaupo ni ma'am eh." Nilingon nito ang buong room, parang may hinahanap. "Paano ba 'yan? Wala ng upuan. Hanap ka nalang ng iba mong upuan." Sabay ngiti ng nakakaloko. Nilibot ko ng tingin ang room namin, wala na ngang bakanteng upuan. Kaysa makipag away ay pumunta nalang ako sa ibang section para manghingi ng upuan. Nagpaalam muna ako kay Mrs. Sungit, baka masabihan na naman ako ng walang galang pag hindi ako nagpaalam e. Sa higher section ako dinala ng mga paa ko. Sa section one. Ito kasi 'yong malapit na classroom sa amin, section two kasi ako. Kahit naman wala akong galang sa ibang teachers, pinapasa pa din nila ako. Matalino kaya ako, pasaway lang. Agad naman akong sinamaan ng tingin ng ibang students dito pagkapunta ko sa pintuan, syempre nangunguna si Claui maldita. "Ma'am, may basura po sa labas!" Sigaw ni Claui. Nagtawanan naman ang ibang students. "Oh anong kailangan mo iha?" Mahinhin na tanong ng teacher nila. "Manghihingi lang po sana ng MAAYOS na upuan." Nilakasan ko talaga 'yong word na 'maayos'. Pinapunta naman ako ni Ms. Aia sa unahan para makita ko 'yong mga bakanteng upuan sa iba't ibang sulok ng room para na din makapili daw ako. Napalingon naman ako kay Ivan Ceanos, bestfriend ko. Nakablack na t-shirt at pants s'ya, goth style din. Gaya gaya. Nakayuko s'ya sa desk n'ya. Parang may sinusulat doon. Nagkasalubong ang tingin namin ni Ivan. "Kendi! Ito nalang!" Tinuro n'ya ang inuupuan n'ya. Maayos naman 'yong upuan kaya 'yon nalang 'yong pinili ko, kaso puro sulat nga lang. Madami pa naman pating bakanteng upuan sa room nila Ivan, kaya sure akong may iba pa s'yang magagamit. Pagkatapos ihatid ni Ivan 'yong upuan sa pwesto ko sa room, agad din s'yang umalis. Akmang uupo ako nang bigla nalang tumawa 'yong bago naming classmate. Magkatabi na upuan namin. Tumigil ito sa pagtawa, sumeryoso ang mukha nito. "Alam ko naman na pangit ka, hindi mo na kailangang isulat 'yon sa desk hays hays!" Umiiling iling pa ito habang nagsasalita. Tinaasan ko s'ya ng kilay sabay tingin sa tinuturo n'ya. 'Ako ang pinakapangit sa buong mundo - Kendi Soriano.' 'Yan ang nakasulat sa desk. Tinignan ko naman ang sinabi n'ya. Si Ivan ang nagsulat no'n for sure. Gago talaga 'yon. "Tigil-tigilan mo 'ko. Hindi ako ang naglagay n'yan. 'Tsaka 'wag ka ngang feeling close." Wala na namang ganang saad ko sabay lapag ng bag ko sa desk. Yumuko ako para matulog, wala akong pakialam kung may teacher na nagtuturo sa unahan. Kahit naman makinig ako at makaperfect sa exam, mababang grade pa din ang ibibigay n'ya sa 'kin. May galit talaga sa 'kin 'yan. "Bastos. May teacher kayang nagtuturo sa unahan." Bulong ng katabi ko. "'Wag kang mangialam." Bulong ko "Sungit. Ako nga pala si Arckeus Archlor. Transfㅡ" pagpapakilala nito. "I don't care."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD