Chapter 2

1162 Words
FRIENDS "Alam mo? Mukha ka ngang multo d'yan sa suot mo. Ang puti mo kasi tapos nakablack ka pa. White Lady hahaha!" Pagdadaldal nitong katabi ko. Kanina pa n'ya ako dinadaldal. Hindi ko naman pinapansin, ayoko talaga ng kinakausap ako. Pati math subject na namin, kailangan kong makinig ng mabuti. Isa 'to sa pag-asa ko para hindi bumagsak. "Hoy! Kanina pa ako daldal nang daldal dito tapos blah blah blah..." Pagdadaldal na naman n'ya habang kinakalabit ako. Nilingon ko naman s'ya at inalis ang daliri n'ya na kalabit nang kalabit sa 'kin. "Can you please stoㅡ" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko pagkaharap ko dito sa katabi ko. Dahil kaunti nalang ay magdidikit na ang labi namin. Agad ko namang iniwas ang ulo ko. "A-Ano bang kailangan mo, Ar??" "Arckeus Archㅡ" pagpapakilala n'ya ulit ng mahalatang nalimutan ko ang name n'ya. "Arghhh i don't care about your name, kaya pwede bang tumahimik ka na? Pati oo na mukha na akong multo kaya tumigil ka na d'yan, pwede ba?" Pagsusungit ko sabay harap sa unahan. "Sungit!" Bulong nito sabay ngumuso. Natapos na ang math subject pati na rin ang dalawang subjects na kasunod nito. Break time. "Oh? Bakit nakangiti ka? Dahil ba sa pagkain? Takaw mo naman kung gano'n hahaha!" Pang-aasar na naman ni Arckeus. Hindi ko s'ya pinansin. Hindi ako masaya dahil sa pagkain, masaya ako dahil masosolo ko ang classroom namin, pag break time kasi ay ako lang mag isa dito sa classroom namin, lahat sila laging nasa cafeteria. Ewan ko na lang dito sa katabi ko na mukhang walang balak na umalis. Lahat ng classmates ko ay nakalabas na maliban sa amin ni Arckeus. "What? Umalis ka na nga." Taka kong tanong nang makitang nakatitig sa akin si Arckeus. "Hindi ka pupunta sa cafeteria?" "Hindi. Kaya umalis ka na." "May foods kang dala? Baka kasi wala kang pagkain or pambili kaya ayaw mo sa cafeteria?" Alalang tanong ni Arckeus. "Meron akong pagkain dito sa bag ko, dito ako kakain. Ayaw ko sa madaming tao, kaya alis na." Pagtataboy ko dito. Umupo ito sa tabi ko at naglabas ng pagkain. "Okay. Sabay nalang tayong kumain! Madami akong pagkain dito! Pagsaluhan natin!" Masayang sabi nito habang kinukuha sa bag n'ya 'yong foods n'ya. Feeling close. Parang ang lalim ng bag n'ya. Ang dami n'yang nilabas na chitsirya at kung ano ano pa eh. "Okay." Kasalukuyan na kaming kumakain nang bigla nalang bumukas ang pinto at niluwal nito si Ivan na madaming dalang pagkain. "Kenㅡ Pinagpalit mo na ako?!" Naging malungkot ang nakangiting mukha nito nang makita kaming dalawa ni Arckeus. "OQ ka na naman." I rolled my eyes. Lumapit na ito sa amin at padabog na kumukuha ng chair at umupo sa katapat ko. "What?" Taas kilay na tanong ko. "Nothing!" Pagtataray nito. Childish. I cleared my throat. "Uhm. Arckeus, he is Ivan Ceanos, my bestfriend." "Ouch. Friend." Nakahawak pa sa dibdib si Ivan habang sinasabi 'yon, umaaktong nasasaktan. I rolled my eyes, again. "Ivan, he is Arckeus Archley?" Binigyan ko si Arckeus ng nagtatanong na tingin. "Archlor." Pagtatama nito sa 'kin. Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay todo daldal si Arckeus at Ivan, close na sila? "Magkaibigan na kayo?" Tanong ko habang nginunguya ang loaded na pagkain na dala ni Ivan. "Oo. Bakit? Nagseselos ka? Hays kawawa ka naman Kendi. Wala kang kaibigan kundi ako lang. Sayang nga lang at hindi kaibigan ang turing ko sa 'yo." Nagda-drama na naman ito. "Eh? Ano bang turing mo sa 'kin?" Nakangiwing tanong ko. "Yaya." Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Joke lang! Higit pa sa kaibigan ang turing ko sa 'yo, Kendi." Nagseryoso ang mukha nito. "Mahal na ata kita, Kendi." Natigilan ako sa sinabi n'ya. "Hahahahaha! Joke lang! Pero hindi lang talaga kaibigan ang turing ko sa 'yo, kapatid na din kaya ang turing ko sa 'yo, My Little Sister!" Inakbayan ako nito. Nagkunwaring nabilaukan si Arckeus. "Little Sister?! Mas mukha na ngang ate sa 'yo si, Kendi! Hahahahaha!" I rolled my eyes. Binatukan naman s'ya ni Ivan. "Joke lang hahaha! Ilang taon ka na ba, Ivan? 30 years old ka na siguro 'no?" Pang-aasar ni Arckeus. Close na close na talaga sila. "Gago! 16 years old lang ako! Eh, ikaw? Ilang taon ka na? Baka mas matanda ka pa sa 'kin?!" "Kapal mo! 15 years old lang ako! Nagtigil lang ako kasi napabarkada dati kaya grade 9 pa lang ako! Eh, ikaw bakit grade 9 ka palang?" Tanong ni Arckeus kay Ivan. Ako ang sumagot para kay Ivan. "May sakit kasi s'ya no'ng twelve years old pa lang s'ya kaya nalate s'ya sa pag-aaral. Sayang nga kasi hindi s'ya namatay." "Bakit parang gusto mo pa talagang mamatay ako?!" Asar na tanong ni Ivan sa 'kin. "Joke lang! 'To naman 'di mabiro! Pero masaya ako dahil grade 9 ka pa lang. Kasi hindi tayo magkakakilala kung hindi ka nagkasakit at nahinto sa pag-aaral." Ginulo n'ya ang buhok ko. "Ikaw naman, Kendi? Ilang taon ka na?" Pagsingit ni Arckeus. "14." May binulong pa ito pero hindi ko maintindihan dahil sa sobrang hina. Hinayaan ko na lang. "Ivan! Alam mo ba? Kanina sinasagot ni Kendi ng pabalang 'yong teacher namin! Cool!" Pagkwekwento na naman ni Arckeus. Ilang minuto na kaming nagkwekwentuhan, mabuti na lang at hindi pa nagsisidatingan 'yong mga classmates namin. "Gan'yan talaga 'yan hahaha!" "Wait. Pansin ko lang, Ivan. Ang dami mong pagkain na dala ah? Saan galing 'yan?" Taka kong tanong. 'Di naman kasi mayaman si Ivan para bumili ng madaming pagkain. Ngayon lang s'ya nagdala ng pagkain na ganito kadami. "Saan pa ba? Edi sa mga chix ko! Lagi nila akong inaabangan sa gate kada pasukan at uwian, may mga dalang chocolates tapos kung ano ano pa. Syempre tinatanggap ko 'yon, blessings eh!" Pagmamayabang nito. Nagtawanan naman kami. "Gawa ka na ng tindahan." Biro ko. "Huli ka na. May sari-sari store na ako, kung anong bininigay sa 'kin no'ng mga chix ko ay 'yon ang binebenta ko hahaha!" "Talino mo pre!" Tinapik-tapik pa ni Arckeus si Ivan. Lumipas ang ilang oras. Tapos na lahat ng subject, uwian na. Hinatid ako no'ng dalawa sa gate. "Omg, girls! Ivan is here na!" Sigawan ng mga babae habang papalapit kay Ivan. "Hi, girls!" Malanding pag bati ni Ivan. Kinilig naman 'yong mga babae, lalo na no'ng kinindatan sila ni Ivan. Umalis na 'yong mga babae pero bago sila umalis, binigyan muna nila ng foods si Ivan. "Sinong magsusundo sa 'yo, Kendi?" Tanong ni Ivan. Nandito na kami sa labas ng gate ng school. "Maglalakad lang ako. Ayaw akong sunduin ni Kuya. Sige una na ako..." Pabulong na sagot ko. Mababakas sa boses ko ang kalungkutan. Hindi kasi kami magkasundo ni Kuya. Bata pa lang kami ay lagi na s'yang galit sa akin. Ako nga kasi ang sinisisi n'ya sa pagkamatay ni Papa. "Sshh... 'wag ka nang malungkot! Ihahatid ka na lang namin ni Arckeus sa bahay n'yo, para malaman na din ng new friend natin 'yong bahay n'yo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD