Jake Montero’s PoV Kanina pa namin sinusundan ‘tong tatlong lalaki na nakita namin sa bahay na pinuntaha namin sabi nila ay alam nila kung saan dinala si Marinel Cruz. “Malayo pa ba?” tanong ko sa lalaki na hawak-hawak ni Warren. “Malapit na,” sagot niya. Itong tolongges na ‘to ang sumaksak sa kamay ko, sinuwerte ako na hindi masyadong malalim ‘yung pagkakabaon pero humahapdi pa rin at sa tingin ko ay magkakaroon ng peklat. “Par.” Napalingon ako kay Lex na sumabay sa’kin sa paglalakad, tiningnan niya ‘yung kamay ko kaya inangat ko ‘yon. Hindi ko napansin na tumutulo na naman ‘yung dugo. Parang kanina lang ilong ni Gian ang nagdudugo ah. “Kumakalat dugo mo, par,” ani Lex sa nag-aalalang tono. “Nakakatakot, baka matalsikan kami niyan tapos mahawa kami ng sakit sa utak sayo.” Inilayo

