Warren Guevarra’s PoV Kanina pa kami nakakarinig ng mga boses ni Ken, may sumisigaw pero hindi ko mawari kung isa kina Lex iyon. Masyadong kasing malaki ang lugar na ‘to, ni hindi pa nga kami nakakapasok sa loob ng building. Nakatago lang kami sa isang mataas na bato. “Par, may tumatakbo papasok sa loob,” sabi ni Ken na nakasilip sa isang butas dito sa pader. Kumunot ang noo ko. “Hindi naman siguro sila ‘yon.” Hindi naman siguro. Tang ina, sana hindi. Dahil napag-usapan namin na babalik kami pagkatapos ng limang minuto. Pero sa ugali nina Lex, pwedeng sila ‘yung tumatakbo na ‘yon at mga nagsisigawan. “Ewan ko, hindi ko rin makita ng malinaw. Ang layo natin.” Pinagpagan niya ang kamay niya at tumingin sa’kin. “Arat, lapit tayo ng konti.” Tahimik akong sumunod sa kanya. Ang dilim ng p

