Alexander Cabrera’s PoV “Good morning!” Nagkatinginan kaming tatlo nina Warren nang may babae na bumati sa’min paglabas namin ng kwarto kung saan kami nagising. Sobrang laki ng bahay, halos parang mansion na nga ito para sa’kin. Pasimpleng kinalabit ko si Warren sa likod. Kanina pa kami nandito, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang mga magagandang babae na kasama ko ay ang mga gunggong! Hindi ko alam kung paano naging posibleng mangyari ‘to. Hindi ko sigurado kung naging babae ba kami o napunta kami sa katawan ng mga babae. Tang ina, laking gulat ko kanina no’ng iihi ako pagkagising ko. Ilalabas ko na sana ‘yung angry bird ko pero wala akong nakapa! At nang kinapa ko ang dibdib ko ay may naramdaman akong umbok! “Bakit?” bulong ni War sa’kin dahil sa pagkalabi

