kabanata 50

1238 Words
Jake Montero’s PoV Inaantok na nagdilat ako ng mata nang maramdaman ko na kumukulo na ang sikmura ko dahil sa gutom. Naniningkit na nilibot ko ang tingin sa paligid at napansin na para akong nasa isang kwarto. Nasaan ako? Natutulog ako sa isang sofa. Umupo ako para tingnan kung sino ‘yung nasa higaan, sigurado ay isa ito sa mga kulugo. Tumayo ako at lumapit sa higaan, nakatalukbong ng kumot ‘yung nakahiga. Siguro ay si Warren ‘to, siya ‘yung mahilig magtalukbong ‘pag natutulog e. “Par!” sigaw ko at hinila ang paa niya, kasama ‘yung kumot. “Gumising ka riyan!” Pero agad na nanlaki ng husto ang mata ko nang makita na babae pala ‘yung nakahiga, isang magandang babae na mahaba ang buhok! Sh¡t! Nasaan ako? At nasaan sina War? “Sino ba ‘yung sumisigaw na ‘yon?” Mabilis akong napalingon sa likuran ko nang makarinig ako ng boses ng isang babae. Bumabangon siya habang kumakamot sa ulo, nakapikit pa rin. Itong isa naman na ito ay maiksi ang buhok at hindi gaanong maputi, ang ganda niya rin. Pero sino ‘tong mga ito at bakit ako nandito? Hindi ako nakagalaw nang nagdilat siya ng mata, kumunot ang noo niya nang makita niya ako. Maya-maya ay pumikit ulit siya tapos tiningnan niya ulit ako ng mabuti, maya-maya ay biglang nanlaki ang mata niya. Agad siyang napatayo at nilibot-libot ang tingin sa paligid. “Nasaan ako?” “Uh, hindi ko rin alam,” sagot ko. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa, para sa isang babae ay matangkad na siyang maituturing. Nakasuot din siya ng uniporme na hindi umabot sa tuhod niya, parang ‘yung mga uniporme sa anime. Gano’n ang suot niya. Pinanood ko lang ang ginagawa niya habang ako ay nakatayo lang at hindi gumagalaw, hindi ko rin kasi alam kung bakit ako nandito. “Naiihi na ‘ko,” sabi niya at naglakad papunta ro’n sa isang pinto. “Dito ba ‘yung banyo?” Hindi ako makasagot dahil hindi ko mawari kung bakit pang-lalaki ‘yung paglalakad niya. Tang ina, ang ganda niya pero para siyang si Lex kung gumalaw! Pagkabukas niya ng pinto ay hindi ‘yon ang banyo kaya napakamot siya sa ulo niya. “Tang ina, ihing-ihi na ko!” sambit niya at mabilis na napalingon sa’kin. “Ay, sorry, miss. .” “Huh? Miss?” tanong ko. Hindi na siya sumagot, siga ang lakad na pumunta siya ro’n sa isang pinto. Pagkabukas niya ay sinilip niya muna ‘yung loob bago siya pumasok, iyon na siguro ‘yung banyo. Napahawak ako sa ulo ko habang nag-iisip, umupo ulit ako sa sofa at nilingon ‘yung babaeng natutulog sa higaan. Ayos ‘to, babae ang kasama. Pero nasaan ‘yung mga tukmol? Sina Gian at Ken na duguan no’ng last adventure namin, nasaan sila? Nabuhay ba sila? Agad akong napabalik sa ulirat at napatayo nang bigla na lang sumigaw ‘yung babae na nasa loob ng banyo, pati ‘yung babae na natutulog sa higaan ay bigla rin nagising dahil sa gulat. Nagkatinginan kaming dalawa ng matagal, katulad ng babae kanina ay nagtataka rin ang itsura niya. Pero wala siyang sinabi. Napabaling kami ng tingin nang malakas na bumukas ang pinto ng banyo, niluwa ang natatarantang mukha no’ng babae. “Sh¡t, tang ina,” sabi niya nang paulit-ulit habang sinasabunutan ang sarili. “Anong nangyayari?” “Anong problema, miss?” tanong ko. Nag-angat siya ng tingin sa’kin at lumapit, hindi ako gumalaw nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat, nanlalaki ang mata niya. “Anong nakikita mo sa’kin?” tanong niya. “Huh?” “Tinawag mo kong miss, babae ba ako?” tanong niya. Naguguluhan na tumango ako. “Oo, sa nakikita ko ay mukha ka naman babae.” Sumigaw ulit siya kaya napatakip ako sa tenga ko habang nakapikit. “Ang ingay,” masungit na sabi no’ng nasa higaan. “Ikaw, miss. Anong tingin mo sa’kin? Babae?” tanong nitong kaharap ko sa kanya. “Bakit? Hindi ka ba dapat babae?” “Oo!” Namimilog ang mata na sagot niya. “Hindi ko alam kung bakit nasa katawan ako ng babae! Lalaki ako! Sh¡t, pusang gala. . anong nangyayari? Nasaan na ba sina Jake?” “Kilala mo ako?” tanong ko kaya natigilan siya sa pagpapabalik-balik ng lakad at nilingon ako. “Huh?” Tumaas ang kilay ko. “Sabi mo Jake kanina, kilala mo ako?” “Huh?” Tinitigan niya ako ng matagal. Pinasadahan niya ako ng tingin habang pinapasingkit ang mata, parang lalaking pinatong niya pa ang paa niya sa lamesa. Maya-maya ay biglang nanlaki ang mata niya at napatakip sa bibig. “Ikaw si Jake? Jake Montero?” “Paano mo ako nakilala?” tanong ko. “Tanga, ako ‘to si Lex!” Tinuro niya ang sarili niya. Kumunot ang noo ko at pinagmasdan siya, ilang sandali lang ay bigla akong may na-realized. Tiningnan ko ang sarili ko at nakita na nakasuot din ako ng uniporme na pangbabae. At nang kapain ko ang dibdib ko ay napatakip ako bigla sa bibig ko, may umbok! Ngayon ko lang din napansin ang buhok ko na lumagpas ang haba sa balikat ko. “What the fuçk?” Si Lex ‘tong kaharap ko? Paano kami naging babae? At kung si Lex ‘tong magandang babae sa harap ko ngayon, sino ‘tong nasa higaan? Pagbaling ko ng tingin sa kanya ay nakita kong kinakapa niya ang dibdib niya, gulong-gulo ang itsura. “Sino ka?” tanong ko. Nagbuntong-hininga siya. “Warren. .” “Gago, hindi ako makapaniwala! Imposible ‘to!” sigaw nitong babae— ni Lex pala. “Hindi ko alam kung naging babae tayo o napunta lang tayo sa katawan ng babae,” sabi ni. . Warren. Ni hindi ko sila matawag sa pangalan nila, ang ganda nila para tawagin sa pang-lalaking pangalan. Teka, ano bang itsura ko? Naghanap ako ng salamin dito sa kwarto para tingnan ang sarili ko. Kumpara kina Lex ay mas maliit itong katawan ko, hindi naman ako mataba pero malusog ang. . pisngi. Tsaka ‘yung buhok ko ay kulay brown na hanggang kili-kili, kumpara rin kina War ay mas maputi ako. “Makakabalik pa ba tayo sa dati? tanong ni Lex. “Kailangan muna natin hanapin ‘yung iba, tatlo lang tayo na nandito.” “Oo nga pala, sila ‘yung mga duguan bago tayo napunta rito. .” saad ko. Tumango si Lex. “Naaalala ko na namumutla na si Gino no’n at nabaril sina Gian at Ken.” Napatahimik kaming lahat dahil doon. “Hala, hindi kaya. . .” Kahit hindi ituloy ni Lex ang sinasabi niya ay alam kong pareho kami ng iniisip. Ayokong ipasok sa isip ko ‘to, pero paano kung hindi pala sila naka-survive? Napailing ako ng maraming beses dahil doon. Nakakapanibago rin kasi, simula nang magsimula ‘tong adventure na ‘to ay hindi kami nagigising nang magkakahiwalay. Lagi kaming magkakasama. Pwedeng nagkataon lang. . pero coincidence din ba na silang tatlo ‘yung duguan ng mga oras na ‘yon at ngayon ay wala sila rito? “Kumilos na tayo, kailangan natin isipin kung anong dapat nating gawin dito,” sabi ni Warren kaya tumango kaming dalawa ni Lex. Kailangan din namin hanapin ‘yung tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD