Alexander Cabrera’s PoV Tahimik na nakaupo lang ako rito sa gilid ng dingding habang hinihintay namin na dumating sina Warren. Wala akong ibang naiisip kundi nagugutom na ako, at gusto ko na rin magpahinga. Kanina pa ko nakakarinig ng humihikbi sa ilan sa mga babae na nandito pero hindi ko na lang pinapansin, alam ko naman na natatakot lang sila. “May mga dumating,” sabi ni Jake bigla kaya tumayo ako at sinilip ‘yung sa bandang unahan ng building. Dalawang puting van ang dumating, ‘yung mga ginagamit nila sa kidnapping nila. “‘Wag mong sabihin na may laman na naman ‘yan?” sabi ko at pinasingkit ang mata ko. Tig-apat na lalaki ang lumabas sa parehong van, pwera ro’n sa mga driver. Pumasok ang mga ‘yon sa building kaya’t naisip na naman ako ng ideya. “Tara,” sabi ko kaya tumaas ang ki

